Alas syete na ng gabi ng mga sandaling iyon at lulan siya ng kaniyang kotse at syempre si Oliver ang driver. Ginabi siya ng uwi dahil madami siyang ginawa idagdag pa na nagpa-meeting siya sa bawat kagawaran. Nagpapasalamat siya dahil masisipag ang mga empleyado niya. Naipikit niya ang mga mata dahil sa sobrang pagod pero dagli rin niya iyong iminulat ng magsalita si Oliver. "Kaya pala nag-hire si Tito Eduardo ng driver ay dahil masyado mong inaabuso ang katawan mo sa pagtratrabaho. Imbes na gumaling ang ama mo ay binibigyan mo siya lalo ng sakit dahil sa ginagawa mo dahil sa labis na pag-aalala sa'yo," panenermon nito sa kaniya. Na-ningkit ang mga mata niya sa sinabi nito. Anong karapatan nitong sabihan siya ng ganoon? "Pwede ba kung wala kang sasabihing magandang sasabihin at papainitin mo lang ang ulo ko, huwag mo na lang akong pagalitan. Pagod ako, Oliver. Baka magsisi ka kapag nakita mo kung paano ako magalit," aniya at inirapan ito ng tingnan siya nito sa rear view mirror. Natawa ito ng mahina. "Paano ka nga ba magalit? Paano nga ba magalit ang isang Franceska Moran?" anito na may ngisi sa mga labi. Humalukipkip siya ipinikit na ang mga mata. "Hindi mo gugustuhing magalit ako," aniya. Napabuntong-hininga ito. "Concern lang ako kay Tito Eduardo dahil mahal na mahal ka niya at ikaw na lang ang mayroon siya," anito. Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng kirot sa dibdib sa kaalamang concern lamang ito sa kaniya dahil sa kaniyang ama. Hindi namalayan ni Franceska na nakatulog na pala siya at nagising sa marahang pagyugyog ng kaniyang balikat. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at ang nasilayan niya ay ang gwapong mukha ni Oliver. Ngumiti ito sa kaniya. Parang may humaplos sa puso niya dahil ngayon lang siya nito nginitian ng ganoon. A genuine smile. "Nandito na tayo," anito at dahan-dahang lumayo sa kaniya. Bumaba siya ng backseat at sabay silang nagtungo sa loob ng bahay. Nadatnan nila ang kaniyang ama na nanonood ng TV at ng makita sila ay agad sila nitong sinalubong. "Nag-overtime ka na naman?" tanong ng kaniyang ama na mahihimigan ang pag-aalala sa boses. "Nag-set ako ng meeting sa bawat kagawaran, dad," aniya at ngumiti. Ipinatong niya ang kamay sa balikat nito at tinitigan ng buong pagsuyo at pagmamahal ang kaniyang ama. "Dad, okay naman ako at saka nandiyan si Oliver para ipag-drive ako," aniya at tiningnan ang binata saka muling ibinalik ang tingin sa ama. "Kaya huwag na po kayong mag-alala, okay?" pag-aalo niya sa ama. Ngumiti ito at tiningnan si Oliver. "Malaki ang tiwala ko kay Oliver na hindi ka niya pababayaan," anang kaniyang ama. "Wala pong anuman. Aalis na po ako Tito Eduardo—" Natigil ang pagsasalita ni Oliver ng bumuhos ang malakas na ulan. Napakamot ito sa batok. "Mukhang kailangan ko munang dumito," anito at tiningnan siya. Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng pagkailang sa ginawa nito kaya nag-iwas siya ng tingin. "Sakto! Dito ka na maghapunan! Halika na kayo, baka lamigin na iyong pagkain," paanyaya nito sa kanila. Sumunod naman sila ni Oliver rito. Habang nasa hapag-kainan ay panay ang kwento ng kaniyang ama kay Oliver tungkol sa nakaraan nito. Hanggang sa napunta iyon sa isang maselan na paksa. "May girlfriend ka na ba, iho?" tanong nito sa binata. Natigilan si Oliver. Saglit siyang sinulyapan ng binata at muling ibinalik ang tingin sa kaniyang ama. "Wala po pero may nagugustuhan po ako," anito. Napa-O naman ang kaniyang ama. "Aba! Napa-swerte nmang dalaga iyon. Aba! Ligawan mo na! Baka maunahan ka pa ng iba," biro ng kaniyang ama. Nakaramdam siya ng inggit sa babaeng nagugustuhan nito. Ano ba itong nararamdaman niya? May pagtingin na ba siya binata? Sabagay, sino ba naman ang hindi magkakagusto rito? Protective ito at idagdag pa ang ka-gwapuhang taglay nito. "Opo, sasabihin ko po ang naramdaman ko sa kaniya sa tamang panahon at hindi ko po hahayaan na maunahan ako ng iba," seryuso nitong sabi. Napakagat-labi siya dahil maswerte ang babaeng nagugustuhan nito. Ngumiti naman ang kaniyang ama at nagpatuloy sa pagkain. Ilang sandali ang lumipas ang lumalakas lalo ang ulan. "Mukhang malabo ng tumila ang ulan. "Gusto mo bang dito matulog? Ipapagamit ko ang guest room para sa iyo," anang kaniyang ama. Nag-angat siya ng tingin at nahuling nakatitig sa kaniya si Oliver. "Sige po. Salamat. Magpapaalam na lang ako kay dad," anito at muling itinuon ang pansin sa kinakain. Matapos kumain ay nakisuyo ang kaniyang ama na samahan niya si Oliver sa guest room. Nang matapat sila roon ay binuksan niya iyon. "Tuloy ka," aniya. Pumasok na nga sa loob ang binata at iginala ang paningin sa kabuoan niyon. "Maganda ang guest room," puri nito. Hindi siya umimik dahil bigla niyang naisip ang babaeng nagugustuhan nito! Sino ba kasi iyon? Basta naiirita siya ng hindi niya alam kung bakit! Nagtungo siya sa cabinet kung saan nakalagay ang kumot at unan. Nang makuha iyon ay inihagis niya iyon dito. Mabuti nalang at nasalo nito iyon. "Wooaahh! Galit iyan?" tanong nito sa kaniya na nakakunot-noo. Inirapan niya ito, "Ewan ko sa'yo!" aniya at naglakad palabas ng guest room pero bago pa siya tuluyang makalabas ay nagsalita ito. "Maganda sana, masungit naman," Doon na humalagpos ang tinitimpi niyang galit at marahil ay isa na rin ang selos. Oo, nagseselos siya sa hindi malamang kadahilanan kung bakit niya iyon nararamdaman! "Kung hindi mo kaya ang ugali ko, mag-resign ka na lang!" pagsusungit niya. Tinitigan siya ng matiim ng binata saka ibinaba ang unan at kumot sa kama at dahan-dahang lumapit sa kaniya. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya ng mga sandaling iyon at hindi niya maihakbang ang mga paa para lumayo. Natulos siya sa kaniyang kinatatayuan lalo na ng ilang pulgada na lang ang layo nila sa isa't-isa. "Kaya kong tiisin ang ugali mo. Sisiguraduhin ko na mababago mo ang ugaling iyan lalo kung ako ang babago sa iyo," anito saka bumaba ang tingin nito sa labi niya. Nahigit niya ang hininga dahil sa ginawa nito. Kaybilis rin ng tibok ng puso niya. Hahalikan ba siya nito? Hanggang sa tumalikod ito at nagtungo sa banyo. Lumabas siya ng guest room na dismasyado at nagtungo sa sariling silid para makapagpahinga.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
good
8h
0maganda ang kuwento
18d
0slmat
18/04
0View All