Napatingin si Franceska sa pintuan ng bulwagan ng makitang pumasok si Oliver. Nakangiti ito habang nakatingin sa kaniya. Nang nasa tapat na niya ito ay humila ito ng upuan at naupo. Natanawan niya din di-kalayuan si Billy at naupo sa mesa na may umuokopang isang may edad ng lalaki at babae. Marahil ay mga magulang niya ang mga ito. Gusto niyang itanong kung ano ang pinag-usapan ng mga ito pero pinili na lang niya manahimik dahil wala naman siya sa katayuan para alamin pa iyon. Hanggang sa tumayo ang ama ni Oliver at nagtungo sa entablado. Humarap sa mic at nagwika ng, "Pwede ninyo isayaw ang mga kababaihan. Mag-enjoy lang po tayo! Magsaya ang bawat isa ngayong gabi!" masigla nitong anunsiyo. Nagsabi lamang ito ng maiksing pasasalamat sa mga dumalo. Palakpakan ang lahat ng matapos itong magsalita. Nag-simula na magsayawan ang mga naroon. Isinayaw ang kani-kanilang kapareha. Ang ibang ka-binataan ay i-sinasayaw ang mga kababaihan. Hanggang sa tumayo si Oliver at ilahad ang kamay sa kaniyang harapan. "Can i have a dance with the beautiful lady tonight?" tanong nito sa kaniya. Ngumiti siya at tinanggap ang kamay nito. "Sure," aniya at tumayo na. Iginiya siya ni Oliver patungo sa gitna ng bulwagan at ng nasa gitna sila ay hinapit siya nito sa beywang. Samantala, ipinatong naman niya ang kaniyang mga kamay sa balikat nito. Ganoon lamang sila makalipas ang ilang minuto. Hanggang sa magsalita si Oliver. "Iwasan mo si Billy Laurencio. May balak siyang hindi maganda sa'yo," Napakunot-noo siya. Sa totoo lang ay naging palagay na ang loob niya kay Billy dahil napansin naman niya na mabait ito. "Bakit?" usisa niya. Tinitigan siya nito. "Basta iwasan mo siya," may diin nitong sabi. Hanggang sa umangat ang kamay nito at haplusin ang kaniyang pisngi. "Ayaw kong mapahamak ka, Franceska. Alam mo naman na wala akong ibang hangad kundi ang kaligtasan mo," anito habang matiim na nakatitig sa kaniya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin kaya pasasalamat na lang ang lumabas sa bibig niya. Hanggang sa hapitin siya nito palapit sa katawan nito. Kaylakas ng tibok ng puso niya ng mga sandaling iyon. Nitong mga nakalipas na araw ay inamin na niya sa sarili na gusto niya ang binata. Hanggang sa matapos ang sayawan ay nagpasya na silang kumain. "Dito ka lang at kukuha ako ng makakain natin," ani Oliver. Buffet kasi iyon para malaya ang mga bisita na kumuha ng gusto nilang pagkain. Hindi niya maiwasang titigan ang likod ng binata. Talagang matipuno ito at batak sa ehersisyo ang katawan. Habang kumukuha ito ng pagkain ay may lumapit na babae rito. Kinausap nito si Oliver hanggang sa lumayo muna ang mga ito sa mesa na puno ng pagkain para mag-usap. Hindi niya maiwasang makaramdam ng selos habang tinitignan ang dalawa na masayang nag-uusap at panay ang tawanan na para bang kaytagal na hindi nagkita at halatang kilalang-kilala ang isa't-isa. Kumirot ang puso niya sa nakikita. Napatanong siya. Mahal na ba niya ang binata kaya nararamdaman niya ang mga bagay na iyon? Hindi maiwasang mapatingin ni Oliver sa gawi ni Franceska na ngayon ay nakyuko at abala sa pagtipa sa cellphone. Kanina habang kausap niya si Diana, anak ng senador na naging misyon niya ay hindi niya maiwasang lihim na sulyapan ito. Guni-guni lang ba niya iyong nakitang sakit at selos sa mga mata nito? Hindi niya maiwasang makaramdam ng kasiyahan dahil doon. Sino ba naman ang hindi? Kung ang babaeng nagugustuhan mo ay may posibilidad na gusto ka rin. Dinala na niya ang pagkain sa mesa nila. Dalawang balik iyon. "Kain na tayo," aniya. Nag-angat lamang ito ng tingin at tumango. Nang magsimula na silang kumain ay napapansin niya na tahimik ito at hindi nagsasalita. "Nag-enjoy ka ba sa party?' tanong niya. Nag-angat ito ng tingin at tiningnan siya. Tumango ulit ito. "Oo naman, nag-enjoy ako. Sino pala ang kasama mo kanina?" usisa nito na i-kinangiti niya. Kailangan na rin pala niyang sabihin rito na isa siyang agent kaysa malaman pa nito ng iba. Sinadya talaga nilang hindi sabihin rito ang trabaho niya dahil baka iwasan siya nito o kaya umayaw ito na maging driver at bodyguard niya. "Si Diana Martin iyon. Anak ng senador na binantayan ko. Iyon kasi ang iniatang na misyon sa'kin," panimula niya. Napatango-tango ito. "Ah, bodyguard ka rin pala niya dati. Nagtataka nga ako eh kung bakit kita naging driver at bodyguard gayong mayaman kayo. Pasensiya noong una nasungitan kita," anito. Natawa siya ng bahagya. Nag-alangan siya kung sasabihin pa ba niya ang totoo o hindi pero kailangan niya ng gawin iyon. "Nope, hindi ako bodyguard at driver. Nakisuyo lang sa'kin si papa alang-alang kay Tito Eduardo dahil sa kagustuhan niyang bantayan ka at maging ligtas. Pumayag ako dahil may tatlong linggo akong bakasyon para ulit sa susunod na misyon," Kumunot ang noo nito na wari'y naguluhan sa sinabi niya. Nanlaki ang mga mata nito. "Kung hindi ka driver at body guard. Ano ang trabaho mo? Sandali, misyon? Naguguluhan ako," tanong nito na kababakasann ng pagkalito ang bakas ng mukha. Huminga siya ng malalim. Heto na sasabihin na niya. "Isa akong agent, Franceska," pagtatapat niya.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
maganda ang kuwento
18d
0slmat
18/04
0good
18/04
0View All