Paglabas ni Oliver sa banyo at makahiga sa kama ay hindi niya maiwasang mapangiti dahil ramdam niya na may epekto siya sa dalaga. Oo, inaamin niya attracted kay Franceska. Sino ba naman ang hindi? Maganda ito at nakikita niya ang determinasyon nito na mapalago ang negosyo na mayroon sila. Ang isa sa hinangaan niya rito ay ang pagmamahal nito sa ama. Biglang sumagi sa isip niya ang lalaking kasama nito kanina sa restaurant. Sino kaya iyon? Ano ang kailangan nito kay Franceska? Malakas pa rin ang ulan sa labas. Speaking of his dad, hindi pa pala siya nakakapagpaalam rito. Idinial niya ang cellphone number nito. Ilang ring lamang ay sinagot na nito iyon. "Ipinaalam ka na sa'kin ng Tito Eduardo mo," bungad nito sa kaniya. Natawa siya. "Hindi ko na pala kailangan magpaalam eh," aniya. Natawa rin nag kaniyang ama. "Sana kayong dalawa ni Franceska ang magkatuluyan anak. Iyon ang gusto namin ng iyong Tito Eduardo pero ang sabi niya may nagugustuhan ka na daw. Sino ba iyon anak?" usisa ng kaniyang ama. Magkaibigan nga talaga ang dalawa. Napangisi siya. "Si Franceska po ang tinutukoy ko dad," aniya na naging dahilan para mapasinghap ang kaniyang ama. "Oh, ano pa hinihintay mo? Pormahan mo na! Baka mamaya may pomorma diyan na iba," pananakot nito. Natawa na lamang siya. "Opo dad. Hahanap lamang po ako ng tyempo medyo mailap eh," Natawa ng malakas ang kaniyang ama. "Kayang-kaya mong paamuhin iyan. Ikaw pa! Diyan ka magaling!" anito na ikinatawa niya. Nagpaalam na ito at pinatay na niya ang tawag. Nakahiga siya ng mga sandaling iyon at biglang pumasok sa isip niya ang lalaki na kasama ni Franceska kanina. HIndi niya alam pero parang kutob siya na may hindi magandang gagawin ang lalaki kay Franceska. Nang umagang iyon ay hinihintay ni Oliver si Franceska sa labas ng bahay sa tabi ng sasakyan. Ang suot niya ngayon ay damit ng Tito Eduardo niya na sumakto naman sa kaniya lalo at maganda ang katawan niya. Hindi niya maiwasang mapangiti ng makita si Franceska na papalapit sa kaniya at nakasuot ng above the knee na skirt na hapit rito kaya kitang-kita ang hubog ng katawan nito at may kamay na blouse. Mukhang natututo na ito. "Hindi ko akalain na magsusuot ka ng above the knee na skirt at himala hindi na sleeveless ang suot mong blouse," komento niya. Tumaas ang sulok ng labi nito na parang nang-uuyam. "Alam ko naman na pagpapalitin mo rin ako ng ganito kaya ito na isinuot ko. Kakahiya naman sa driver ko," pang-aasar nito. Natawa na lamang siya. "Maayos ang suot mo at bagay sa iyo," puri niya rito. Natigilan ito. Nilingon siya nito. "Tara na. May meeting pa ako kay Billy Laurencio," anito at binuksan na ang pinto ng back seat. Napaisip siya. Billy Laurencio? Parang pamilyar sa kaniya ang pangalan. Sumakay na siya sa driver's seat at nilingon ang dalaga na abala sa pag-ta-type sa cellphone. "Billy Laurencio? Siya ba ang anak ng may-ari ng Laurencio's Corporation?" tanong niya. Nag-angat lamang ito ng tingin para sinulyapan siya. "Oo,' tipid nitong sagot at muling itinuon ang tingin sa cellphone. Hindi niya maiwasang mainis dahil siguradong si Billy ang ka-text nito pero hindi na lamang niya iyon pinag-ukulan ng pansin at pinausad ang sasakyan patungo sa destinasyon nila. Nang makapasok si Franceska sa loob ng opisina nito ay umalis muna sandali si Oliver sa tapat ng pintuan ng opisina ng dalaga at lumayo sa sekretarya nito. Balak niyang tawagan si Rico, ang kaibigan niyang private investigator na laging maaasahan kapag nasa misyon siya. Ilang ring lamang iyon at sinagot na ng kaibigan. "Brad! Napatawag ka! May kailangan ka na naman no?" iyon agad ang bati sa kaniya ng kaibigan. Natawa siya sa sinabi nito. "Kilalang-kilala mo talaga ako no?" biro niya na ikinatawa rin ni Rico. Minsan lang kasi sila magkita. Busy siya at busy rin ito. Siguro dalawang beses kapag tapos ang isang misyon niya sila nagkikita. Ganoon pa man, solid pa rin ang pagkakaibigan nila. "Oo naman. So ano kailangan natin brad?" tanong nito na mahihimigan ang excitement sa boses. Napangiti na lamang siya. Excited ito dahil may gagawin na naman at syempre may bayad iyon. Hindi pwedeng libre kahit magkaibigan sila. Tumatanggi ito pero dapat lang bayaran niya ang serbisyo nito dahil pinagpaguran nito iyon. "Gusto kong malaman kung sino si Billy Laurencio. Kung ano at sino siya," seryuso niyang sabi. "Sure, brad. Bakit? May ginawa ba ito na hindi maganda sa iyo?" curious nitong tanong. "Wala. Mukhang may balak siya sa babaeng nagugustuhan ko," aniya na ikinatawa ni Rico. "Naku, himala! Nagkagusto ka na sa isang babae. Sige sige gagawin ko iyan. Pormahan mo na baka maunahan ka pa," anito. Tumikhim siya. "Malapit na," aniya na ikinatawa ng kaibigan. Nagpaalam na ito at sisikapin na magawa iyon ngayong araw. Sa susunod na magkita sila ay ikwekuwento niya sa kaibigan si Franceska. Ayaw niyang magtampo ito sa kaniya lalo at open rin si Rico sa kaniya.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
good
3h
0maganda ang kuwento
18d
0slmat
18/04
0View All