logo text

My Possessive Rich Bodyguard (Chapter 9)

Napaangat ng tingin si Franceska ng makita si Billy na papasok ng kaniyang opisina. Ngumiti siya rito saka tumayo.
"Billy," banggit niya sa pangalan nito at nilapitan ang binata saka inilahad ang sofa para doon ito maupo.
"Good morning, Miss Beautiful," bati nito sa kaniya habang titig na titig sa kaniya. Tumaas ang balahibo niya dahil doon pero isinantabi niya iyon alang-ala sa pag-uusapan nila ngayon.
"Maupo ka," aniya na may magiliw na ngiti sa mga labi. Naupo naman ito roon samantala naupo naman siya sa katapat nitong sofa. Hanggang sa sinimulan na nilang pag-usapan ang tungkol sa pagiging investor nito. May kontrata na rin siyang hawak para pirmahan nito.
"So magkano ang i-invest mo sa kompanya?" tanong niya.
"500 million," Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito.
"Sigurado ka?" paniniyak niya.
Hindi makapaniwala sa sinabi nito. Hindi niya akalain na ganoon kalaki ang i-invest nito. Mainam nga iyon para magamit niya iyon sa pagpapalawak ng kanilang negosyo. Natawa ito ng mahina.
"Of course, Ces. Seryuso ako at alam kong makakatulong iyon sa kompanya niyo. Ginagawa ko rin ito para matulungan ka sa financies ng kompanya niyo," anito habang titig na titig sa kaniyang mga mata. Tumayo ito at tumabi sa kaniya habang magkahinang pa rin ang kanilang mga mata hanggang sa bumaba iyon sa kaniyang labi. Kaylakas ng tibok ng kaniyang puso ng mga sandaling iyon. Kinakabahan siya lalo at dalawa lamang sila sa loob ng opisina.
"Ginagawa ko ito dahil gusto kita, Ces," anito. Doon lamang siya natauhan. Tumayo siya at huminga ng malalim. Nakatalikod siya rito.
"Pasensiya na pero nagulat ako sa ipinagtapat mo hindi ko alam kung ano ang isasagot ko," aniya habang kagat ang labi.
"Look at me, Ces," utos nito na sinunod naman niya. Pinakalma niya ang sarili. Ngumiti ito.
"Ayos lang naiintindihan ko." Tumayo ito at inilahad ang kamay sa harapan."May i have the contract para mapirmahan ko na?" tanong nito. Napabuga siya ng marahas na hininga. Nakalimutan naman na niya ang kontrata. Nagtungo siya sa kaniyang mesa at kinuha ang kontrata na nakalagay sa isang folder. Lumapit si Billy sa kaniyang mesa at pinirmahan iyon. Naglabas ito ng cheque sa dalang pocket briefcase bag at ibinigay iyon sa kaniya. Tiningnan niya iyon at nabasa roon ang halagang nais nitong i-invest sa kompanya.
"Salamat. Malaking tulong ito sa kompanya," sinsero niyang sabi.
Ngumiti ito at tumugon ng welcome saka nagpaalam na sa kaniya. Nang makaalis ito ay napaupo siya sa swivel chair at napatitig sa cheque na hawak. Tinatanong ang sarili na tama ba ang desisyon niya. Pero bigla ring sumagi sa isip niya ang kaniyang ama at ang pangarap nitong mapalawak ang kompanya. Tinatagan niya ang loob niya at sinabi ang sarili na tama ang desisyon niya para sa kaniyang ama.
Dalawang araw ang lumipas at laging iniimbitahan ni Billy si Franceska para mananghalian sa mga mamahaling restauran at lagi namang nakabantay sa kaniya si Oliver. Hindi lang iyon nagkasundo na rin sina Oliver at Franceska na ikinatuwa ng binata. Naging palagay na rin ang loob nila sa isa't-isa. Ngayong gabi ay narito sa sariling kwarto si Franceska at inaayusan ang sarili dahil dadalo siya ng isang Birthday Party. Ngayon ang kaarawan ni Carlito Madrigal, ang ama ni Oliver. Susunduin sila ni Oliver gamit ang Coupe nito. Nang matapos ayusan ang sarili ay napatitig siya sa repleksiyon sa salamin. Bumagay sa kaniya ang pagkaka-pusod ng kaniyang buhok into bun at may naka-lugay na buhok sa harapan at ki-nulot iyon. Nakasuot siya ng silver fitted dress na may mga silver beads. Litaw rin ang may kalakihan niyang dibdib. Nakasuot siya ng silver sandal na three inches ang taas kaya mas lalo siyang tumangkad. Sunod-sunod na katok sa pinto ang nag-pabaling sa kaniya roon. Bumukas iyon at tumambad sa kaniyang harapan ang kaniyang ama na may masuyong ngiti sa labi.
"Let's go? Nasa baba na si Oliver," yaya nito sa kaniya.
Biglang bumilis ang tibok ng puso niya ng banggitin nito ang pangalan ng binata. Nitong mga nakaraang araw ay napagtanto niyang may gusto siya sa binata. Kaya pala sinusungitan niya ito ay para pagtakpan ang atraksiyon para sa binata. Kinuha niya ang regalo niya sa ibabaw ng kama at lumapit sa ama. Umabrisete siya.
"You look gergeous tonight, sweetheart," anang kaniyang ama.
"Thank you, dad. Ikaw rin naman po napaka-gwapo niyo po ngayon," aniya. Natawa ito.
"Syempre naman. Maganda ang dalaga ko kaya gwapo din ang itay di ba?" pagbibiro nito na ikinangiti niya.Hindi alam ng kaniyang ama na investor niya si Billy. Bumebuwelo pa lamang siya. Bumaba na sila ng hagdan at nakita si Oliver na nakaupo sa sofa at nakatingin sa kaniya. Sinuyod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Gergeous," anito na makikita sa mga mata ang paghanga.
"Thank you. Ikaw rin naman napaka-gwapo mo sa suot mo ngayon," balik-puri niya rito. Siguro ng mga sandaling iyon ay namumula na ang pisngi niya dahil ngayon lang siya pinuri nito. Ngumisi ito at napatingin sa kaniyang ama.
"You have a beautiful daughter, sir," komento nito. Natawa naman ang kaniyang ama.
"Oo naman. Mana sa'kin at sa ina," anito. Nahimigan ni Franceska ang lungkot sa boses nito marahil ay dahil sa namimiss nito ang kaniyang ina.
"Tara na dad!" masigla niyang sabi at humakbang na. Tumalikod naman na si Oliver at nang marating nila ang sasakyan nito ay pinagbuksan sila nito ng pintuan sa back seat.
"Your personal driver for tonight," biro nito na ikinatawa nila ng kaniyang ama. Pumasok na sila sa loob at ganoon din si Oliver saka pinausad iyon patungo sa bahay ng mga ito.

Book Comment (344)

  • avatar
    LacorteMarlyn

    maganda ang kuwento

    18d

      0
  • avatar
    Yodga Bagunao

    slmat

    18/04

      0
  • avatar
    Marigmen Jake

    good

    18/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters