logo text

My Possessive Rich Bodyguard (Chapter 8)

Nang umagang iyon ay hinihintay ni Oliver si Franceska sa labas ng bahay sa tabi ng sasakyan. Ang suot niya ngayon ay damit ng Tito Eduardo niya na sumakto naman sa kaniya lalo at maganda ang katawan niya. Hindi niya maiwasang mapangiti ng makita si Franceska na papalapit sa kaniya at nakasuot ng above the knee na skirt na hapit rito kaya kitang-kita ang hubog ng katawan nito at may kamay na blouse. Mukhang natututo na ito.
"Hindi ko akalain na magsusuot ka ng above the knee na skirt at himala hindi na sleeveless ang suot mong blouse," komento niya. Tumaas ang sulok ng labi nito na parang nang-uuyam.
"Alam ko naman na pagpapalitin mo rin ako ng ganito kaya ito na isinuot ko. Kakahiya naman sa driver ko," pang-aasar nito. Natawa na lamang siya.
"Maayos ang suot mo at bagay sa iyo," puri niya rito. Natigilan ito. Nilingon siya nito.
"Tara na. May meeting pa ako kay Billy Laurencio," anito at binuksan na ang pinto ng back seat. Napaisip siya. Billy Laurencio? Parang pamilyar sa kaniya ang pangalan. Sumakay na siya sa driver's seat at nilingon ang dalaga na abala sa pag-ta-type sa cellphone.
"Billy Laurencio? Siya ba ang anak ng may-ari ng Laurencio's Corporation?" tanong niya. Nag-angat lamang ito ng tingin para sinulyapan siya.
"Oo,' tipid nitong sagot at muling itinuon ang tingin sa cellphone.
Hindi niya maiwasang mainis dahil siguradong si Billy ang ka-text nito pero hindi na lamang niya iyon pinag-ukulan ng pansin at pinausad ang sasakyan patungo sa destinasyon nila.
Nang makapasok si Franceska sa loob ng opisina nito ay umalis muna sandali si Oliver sa tapat ng pintuan ng opisina ng dalaga at lumayo sa sekretarya nito. Balak niyang tawagan si Rico, ang kaibigan niyang private investigator na laging maaasahan kapag nasa misyon siya. Ilang ring lamang iyon at sinagot na ng kaibigan.
"Brad! Napatawag ka! May kailangan ka na naman no?" iyon agad ang bati sa kaniya ng kaibigan. Natawa siya sa sinabi nito.
"Kilalang-kilala mo talaga ako no?" biro niya na ikinatawa rin ni Rico. Minsan lang kasi sila magkita. Busy siya at busy rin ito. Siguro dalawang beses kapag tapos ang isang misyon niya sila nagkikita. Ganoon pa man, solid pa rin ang pagkakaibigan nila.
"Oo naman. So ano kailangan natin brad?" tanong nito na mahihimigan ang excitement sa boses.
Napangiti na lamang siya. Excited ito dahil may gagawin na naman at syempre may bayad iyon. Hindi pwedeng libre kahit magkaibigan sila. Tumatanggi ito pero dapat lang bayaran niya ang serbisyo nito dahil pinagpaguran nito iyon.
"Gusto kong malaman kung sino si Billy Laurencio. Kung ano at sino siya," seryuso niyang sabi.
"Sure, brad. Bakit? May ginawa ba ito na hindi maganda sa iyo?" curious nitong tanong.
"Wala. Mukhang may balak siya sa babaeng nagugustuhan ko," aniya na ikinatawa ni Rico.
"Naku, himala! Nagkagusto ka na sa isang babae. Sige sige gagawin ko iyan. Pormahan mo na baka maunahan ka pa," anito. Tumikhim siya.
"Malapit na," aniya na ikinatawa ng kaibigan.
Nagpaalam na ito at sisikapin na magawa iyon ngayong araw. Sa susunod na magkita sila ay ikwekuwento niya sa kaibigan si Franceska. Ayaw niyang magtampo ito sa kaniya lalo at open rin si Rico sa kaniya.
Kalahating minuto ng nakatayo si Oliver sa gilid ng pinto ng opisina ni Franceska. Kapag nangawit siya ay pwede naman siyang umupo. Abala siya sa paglalaro sa kaniyang cellphone ng may marinig siyang nag-uusap hindi-kalayuan sa kaniya.
"Sige po, sabihin ko po kay Ma'am Franceska na narito po kayo," ani Bea. Napatingin siya sa kanan at nakita si Bea na kasama ang lalaki na nakasama ni Franceska sa Yum's Restaurant, si Billy. Nang nasa tapat na sila ng pinto ay humarang siya.
"Sir—" Pinutol na niya ang iba pa nitong sasabihin.
"Ako na ang bahala sa kaniya. Bumalik ka na sa trabaho, Bea," aniya na dagli naman nitong sinunod. Tiningnan niya ng matiim si Billy.
"Anong sadya mo?" tanong niya rito. Seryuso rin itong nakatingin sa kaniya.
"Kailangan ko pa bang sabihin sa'yo ang sadya ko kay Ches? Labas ka na doon. Driver at bodyguard ka lang niya," anito sa nagbabantang tinig.
"Oo, driver at bodyguard niya ako at walang masama kung sasabihin mo ang sadya mo kung mabuti naman ang intensiyon mo di ba?" tanong niya. Napatiim-bagang ito at huminga ng malalim.
"May pag-uusapan lang kami patungkol sa negosyo. Sapat na ba iyon?" tanong nito sa mariing boses na wari'y pinipigil lamang ang magalit. Napatango-tango na lamang siya para hindi na humaba ang diskusyob saka binuksan ang pintuan.
"Pasok ka na. Kapag may masama kang gagawin sa kaniya, ako ang makakalaban mo," aniya sa mapagbantang tinig. Tumawa ito ng malakas.
"Tinatakot mo ba ako?" tanong nito.
"Oo," aniya habang titig na titig rito. Nakipaglaban rin ito ng titig pero pagdaka'y ngumiti ito pero halatang kaplastikan lamang iyon.
"Huwag kang mag-alala wala akong balak na masama sa kaniya," anito at tuluyan ng pumasok sa loob.

Book Comment (344)

  • avatar
    LacorteMarlyn

    maganda ang kuwento

    18d

      0
  • avatar
    Yodga Bagunao

    slmat

    18/04

      0
  • avatar
    Marigmen Jake

    good

    18/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters