logo text

My Possessive Rich Bodyguard (Last Chapter)

Kanina pa hindi mapakali si Oliver sa silid na kinaroroonan nila dahil wala pa silang nare-recieve na signal galing kay Franceska. Bumuntong-hininga siya at tiningnan si Denver.
"Mas mabuti kaya na pasukin na natin si Franceska sa opisina nito?" nababalisa niyang tanong.
"Maghintay pa tayo ng ilang minuto. Kapag wala pa siyang signal pasukin na natin. Huwag tayo magpadalos-dalos muna," anito sa kalmadong tinig.
Kalmado naman siya pero hindi niya maiwasang mabalisa, mataranta at matakot lalo na at si Franceska ang pinag-uusapan! Hindi niya hahayaan na gawan ni Billy ng masama ang babaaeng minamahal niya. Nagpalipas pa sila ng ilang minuto hanggang sa wala silang natanggap na signal mula sa dalaga kaya nagdesisyon na silang pasukin ang opisina nito. Napamura siya.
"Naka-lock ang pinto!" aniya.
"Sirain natin!" sabi nito kaya nagtulong silang dalawa na mabuksan iyon. Nang masira ay tumamba sa kanilang harapan si Trace na nakadagan kay Franceska at hinahawakan ang pisngi nito. Kaagad na lumingon sa direksiyon nila ang lalaki at wala na siyang sinayang na sandali. Pakiramdam niya nagdilim ang paningin niya ng mga sandaling iyon kaya sinugod niya ito at pinaulanan ng malalakas na suntok. Kaagad na umawat si Denver.
"Tama na iyan, bro. Baka mapaano pa siya. Imbes na siya ang kasuhan ay makasuhan ka rin," anito. Doon lamang siya natauhan kaya pabalya niya itong binitawan. Putok ang labi nito.
"Sisiguraduhin ko na mabubulok ka sa kulungan Billy lalo na sa ginawa mong pagtangkang pagpatay sakin!" galit na galit niyang ani. Lumapit si Denver kay Billy at pinusasan ito.
"Pagbabayaran mo ito, Oliver!" sigaw nito at pilit na pumipiksi sa pagkakahawak ni Denver rito. Nang makalabas ang dalawa ay nilapitan niya ang dalaga na mahimbing na natutulog. Binuhat niya ito at dinala sa silid ng opisina nito at ibinaba sa kama.
"Patawarin mo ako dahil sa plano ko. Muntik ka ng mapahamak. At least ngayon, malaya na tayo," aniya at binantayan ito. Hindi niya akalain na makakatulog siya habang nakayukyok ang ulo sa kama.
Nagising kasi Franceska na masakit ang ulo. Dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata at ini-adjust ang sarili sa lugar kung nasaan siya. Napakunot-noo siya ng makitang nasa silid siya ng kaniyang opisina. Sino ang nagdala sa kaniya rito? Napabaling sya sa kaniyang tabi at nakita si Oliver na natutulog at nakayuko ang ulo sa kama. Napangiti siya. Ibig sabihin ito ang nagligtas sa kaniya at nagdala rito. Pinilit niyang bumangon at iniangat ang kamay para haplusin ang pisngi nito.
"Salamat, Oliver sa pagligtas sa'kin," aniya. Kaagad niyang binawi ang kamay ng dahan-dahan itong magmulat ng mata. Napaupo ito sa kama malapit sa kaniya ng makita siya. Tinitigan siya ng buong pagsuyo at pagmamahal.
"Kamusta ka na? Okay ba ang pakiramdam mo? May masakit ba sa iyo?" sunod-sunod nitong tanong na punong-puno ng pag-aalala. Medyo humupa na ang sakit ng kaniyang ulo. Umiling siya.
"Ayos lang ako, Oliver at walang masakit sa'kin. Kaya huwag ka ng mag-alala diyan," aniya at binuntutan iyon ng mahinang tawa. Huminga ito ng malalim.
"Mabuti naman kung ganoon. Sobra akong nag-alala sa'yo," relief nitong sagot. Tinitigan niya. Nakipagtitigan naman ito.
"Salamat sa pagligtas sa'kin. Kung hindi dahil sa'yo baka napahamak na ako. Salamat dahil dumating ka sa buhay ko. Simula ng makilala kita madaming nagbago sa'kin. Binago mo ako, Oliver. Mahal na mahal kita," pagtatapat niya. Wala naman sigurong masama kung siya ang unang magsasabi ng nararamdaman dito. Nanlalaki ang mga mata nito.
"Ano ibig sabihin non?" nagtataka nitong tanong na ang tinutukoy ay ang pagsabi niya ng mahal na mahal kita.
"Tayo na. Sinasagot na kita. Actions speaks louder than words," aniya at ngumiti.
Napatayo ito at napasuntok sa hangin na ikinatawa niya. Kaagad naman itong umupo sa tabi niya at sinapo ang mukha niya. Pinakatitigan siya nito. Kitang-kita ang saya sa mukha nito.
"Ipapangako ko na magiging mabuti akong kasintahan sa'yo, France. Gagawin ko ang lahat mapasaya ka lang. Mahal na mahal din kita," seryuso nitong sambit. Ngumuso siya.
"Halikan mo na lang ako para matuwa ako," aniya na ikinatawa nito at sa isang iglap lang ay sinakop na nito ang kaniyang labi at mapusok na hinalikan. Halik na may pagsuyo at puno ng pagmamahal. Nang mga sandaling iyon ay kompleto na siya dahil natagpuan na niya ang lalaking makakasama niyang bumuo ng pamilya at makakasamang tumanda.
Makalipas ang ilang buwan ay nahatulan ng guilty si Billy dahil sa ginawa nito. Francheska terminated his contract and no longer an investor of the company. Naging payapa ang buhay ni Franceska at sa pagdaan ng taon ay namayagpag sa Business Industry ang kompanya na lubos niyang ipinagpasalamat sa Manlilikha.
Napatigil sa ginagawa si Oliver ng maalala ang butihin niyang maybahay na si Franceska Moran Madrigal. Walong taon na silang kasal at nananatili ang katatagan ng kanilang pagsasama sa paglipas ng panahon. Naging mabuti itong asawa at ina sa kanilang mga anak. Biniyayaan sila ng dalawang anak. Isang babae at isang lalaki. Grade three na ang panganay niyang si Daniella Madrigal at Grade one naman si Hezron Madrigal.
Minadali niya ang ginagawa para makauwi na siya at makita ang asawa at makasama ang mga anak. Kahit gaano man siya ka-busy ay binibigyan niya ng oras ang pamilya niya. Umalis siya bilang agent at mas piniling pamahalaan ang Moran's Enterprise para makasama ang pamilya. Siya na kasi ang namahala sa kompanya ng byenan at house wife si Franceska. Ganoon talaga siguro kapag nagmamahal ka. Kaya kang baguhin ng pagmamahal. Kahit papaano ay may mga katuwang naman siya sa negosyo na talagang mapagkakatiwalaan at maaasahan.
Nang matapos ay inayos niya ang nagkalat na papel sa mesa saka lumabas ng kaniyang opisina. Gamit ang elevator ay nagpababa siya sa basement. Sumakay agad siya sa kaniyang fortuner pagkarating doon at pinasibad iyon patungo sa kanilang bahay na napundar nila.
Nang makarating si Oliver sa bahay ay agad siyang lumabas ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay. Nadatnan niya ang mga anak sa salas na nag-aaral ng mga leksiyon. Napangiti siya. Napakasipag talaga ng mga ito at talagang hindi pinababayaan ang pag-aaral. Agad na tumayo ang mga ito ng makita siya.
"Daddy!" bati Daniella.
"Dada!" sigaw naman ni Hezron. Sinalubong niya ang mga ito Yumuko at niyakap ang dalawang anghel niya. Hinalikan siya ng mga ito sa pisngi.
"Kamusta ang pag-aaral, mga anak?" aniya at ginulo ng bahagya ang buhok ng kaniyang bunso.
"Ayos naman po, dada! Nag-eexcell po ako sa klase," pagmamalaki ng bunso niya. Ngumiti siya.
"Mabuti naman kung ganoon, anak," aniya.
"Nakakakuha po ako ng matataas na marka, daddy," sabi naman ng kaniyang panganay. Tinitigan niya ang mga ito.
"Basta huwag pilitin ang sarili niyo, okay? Ang mahalaga nag-aaral kayong mabuti at maayos ang grado ninyo. Sapat na iyon sa'min ng inyong ina," aniya sa mga ito.
"Tama ang inyong ama," ani Franceska.
Lumingon siya sa asawa at nakitang naglalakad ito papalapit sa kanila. Kita niya ang pawis sa noo nito sa pag-aasikaso sa bahay. Kahit ganoon pa man ay maganda pa rin ito. Nang makalapit ito sa kanila, inakbayan niya ito saka kinuha ang panyo sa kaniyang bulsa at pinunasan ang pawis nito sa noo. Napatingin sa kaniya ang asawa at tinitigan siya ng buong pagsuyo at pagmamahal.
"Thank you," madamdamin nitong pahayag.
"Sabi ko naman sa iyo na kumuha na tayo ng katulong para hindi ka na nahihirapan," aniya. Noon kasi sinabi na niya na mag-hire na sila ng katulong pero tumanggi ito sa kadahilanan na gusto ng asawa na pagsilbihan sila. Umiling ito.
"Hangga't kaya ko pa ay hindi ako mag-hihire ng katulong. Okay na si Ate Precy na tumutulong sa'kin paminsan-minsan," anito. Si Ate Precy ay tumutulong dalawang beses sa isang Linggo sa paglalaba at paglilinis ng bahay. Kinintalan niya ng halik ang noo ng asawa.
"Kaya mahal na mahal kita eh," aniya. Nakarinig siya ng tili. Napatingin sila ni Franceska sa kanilang anak na nakangiti at kinikilig sa nasasaksihan. Lumapit ang mga ito ang niyakap silang dalawa.
"We love you po Mommy and Daddy," ani Daniella.
"We love you po Dada and Mama!" ani Hezron.
"We love you too, anak," magkapantay nilang sambit. Nagkatinginan sila at nagngitian.
"I love you," buong pusong sambit niya sa asawa.
"I love you too," anito at habang nakayakap ang dalawang anak sa kanila ay kinintalan niya ng masuyo at maiksing halik sa labi ang asawa.
Nang mga sandaling iyon ay napagtanto niya ang tunay na kahulugan ng pagiging kontento. At ng mga sandali ring iyon ay kontento na siya dahil kasama niya ang kaniyang pamilya. Marami man silang pagsubok na pagdadaanan ay ipinapangako niya na magiging matatag siya para sa pamilya.
Like and follow my Page, Leah Felix - Ateng Kadiwa. Thank you!

Book Comment (344)

  • avatar
    LacorteMarlyn

    maganda ang kuwento

    18d

      0
  • avatar
    Yodga Bagunao

    slmat

    18/04

      0
  • avatar
    Marigmen Jake

    good

    18/04

      0
  • View All

End

Recommendations for you