logo text

My Possessive Rich Bodyguard (Chapter 10)

Hindi maiwasang mapa-tingin ni Oliver sa rear view mirror para tingnan si Franceska na masayanga kausap ang ama nito. Hindi niya maiwasang humanga rito dahil napakaganda nito ngayong gabi. Bagay na bagay rito ang suot na silver lace fitted dress. Tube iyon kaya kitang-kita ang maputi nitong balikat.
Hindi niya lang maiwasang mainis dahil nakikita ang dibdib nito pero wala naman siyang magawa dahil hindi naman niya ito kasintahan para pagbawalan sa isusuot nito. Huminga siya ng malalim at itinuon ang pansin sa daan. Ilang minuto rin ang nakalipas hanggang sa narating nila ang kanilang bahay o mansiyon.
Bumaba siya ng sasakyan at pinagbuksan ang mag-ama na nasa backseat. Ang ibang nasa compound ay nagtataka dahil sa ginawa niya. Sino ba naman ang hindi magtataka? Anak siya ng isang kilalang businessman at ngayon ay isang driver. Nang makalabas ang dalawa, inilahad niya ang siko sa dalaga. Napatingin ito sa kaniya.
"I'll be your escort tonight," aniya habang titig na titig sa maganda nitong mukha. Ngumiti ito.
"Thank you," anito. Nauna ng naglakad si Mr. Moran at sumunod sila Oliver at Franceska. Nang makapasok sila sa maluwang na bulwagan ng mansiyon ay nabaling ang tingin ng karamihan sa kanila. Kitang-kita ang paghanga sa mukha ng mga ito.
"Iyon ata ang anak ni Carlito Madrigal. Napaka-gwapo naman niya," anang isang ginang sa kausap nito di-kalayuan sa kanila.
"Mukhang girlfriend ata niya ang kasama nito. Maganda ito at talagang bagay sila," komento ng kausap nito. Humigpit ang pagkakaabrisete ni Franceska sa kaniya. Tiningnan niya ito. Kitang-kita sa mukha nito na naiilang sa mga tingin na ipinupukol sa kanila.
"Mr. Moran!" tawag ng kaniyang ama kay Eduardo na palapit na sa kanila na may nakapaskil na ngiti sa mga labi.
"Mr.Madrigal! Happy Birthday!" bati naman ni Eduardo. Lumapit sila sa dalawa at ibinigay ni Franceska ang regalo nito sa kaniyang ama.
"You look pretty tonight, Franceska. Thank you sa regalo," anito at saka sinulyapan siya at tinitigan. Iba ang pinapahiwatig nito sa kung paano siya nito titigan. Parang sinasabi na "Bilis-bilisan mo at baka maunahan ka". Tumango na lamang siya.
"You're welcome po," nahihiyang sagot ni Franceska. Hindi niya akalain na may itinatago palang pagka-mahinhin itong si Franceska sa harap ng maraming tao.
"Mabuti pa Oliver igiya mo na si Franceska sa mesa para makaupo na," utos ng kaniyang ama na agad naman niyang sinunod.
Pumunta sila sa isang bakanteng mesa at doon sila naupo. Ilang sandali lamang ay nagsimula ng tumugtog ang banda na nasa entablado. Hanggang sa napagawi ang atensiyon niya sa isang lalaki na nakatayo di-kalayuan sa kanila at may kausap na matandang lalaki. Walang iba kundi si Billy. Lumingon ito sa gawi nila at ngumiti ng makita si Franceska. Tiningnan niya si Franceska. Nakaramdam siya ng selos ng kumaway ito kay Billy na may kasamang masuyong ngiti. Lumapit naman si Billy at ng makalapit ito sa kanila ay tiningnan siya nito at binigyan ng isang tipid na ngiti pero hindi siya ngumiti. Ibinaling nito ang tingin kay Franceska.
"You look lovely tonight, Ces," puri nito sa dalaga at kitang-kita sa mata nito ang pagnanasa lalo na ng mahuli niyang tumingin ito sa dibdib ng dalaga.
Naikuyom na lang niya ang kamao dahil sa inis na nararamdaman. Kung hindi niya lang iniisip na masisira ang kaarawan ng kaniyang ama ay kanina pa niya ito sinuntok!
"Salamat. Upo ka," yaya ni Franceska rito. Bago pa man ito makaupo ay tumayo na siya.
"Pwede ba tayo mag-usap, Billy? May tatanungin lang sana ako," pagdadahilan niya. Nakalimutan niyang negosyante ang kaniyang ama kaya may posibilidad na magiging bisita nila ito. Tumango-tango si Billy.
"Sure," anito. Lumingon siya kay Franceska.
"Saglit lang kami. Hintayin mo ako diyan. Huwag kang aalis," aniya at tumingin kay Billy. "Sa labas tayo mag-usap. Maingay rito," Nauna na siyang naglakad. Sumunod naman ito. Nang nasa lugar na sila na wala ng gaanong tao ay hinarap niya si Billy.
"Anong sasabihin mo?" madiin nitong sabi.
"Alam kong may plano ka kay Franceska. Kung may binabalak ka man ngayon pa lang ay umatras ka na sa balak mo dahil sisiguraduhin ko na hindi ka magtatagumpay, Mr. Laurencio," aniya sa mapagbantang tinig. Tumawa ng malakas si Billy.
"Alam mo hindi ko alam kung bakit mainit ang ulo mo sa'kin noong una pa lang. Hindi mo ata kilala ang nasa harapan mo para pagsalitaan mo ako ng ganiyan," mariin nitong sambit. Tumawa rin siya. Kitang-kita niya ang pag-igting ng panga nito at ang pagkuyom ng kamao nito na tanda na napipikon ito.
"Kilala kita, Billy Laurencio. Kilala ko kung gaano ka kababaero. Na ang lahat ng mga babaeng nagugustuhan mo ay gusto mong makuha at i-kama. Puwes, pinapangunahan na kita. Huwag mong itutulad si Franceska sa ibang babae. Hinding-hindi mo siya makukuha at mas lalong hindi mo siya madadala sa pera," aniya habang matalim na nakatitig dito saka naglakad palapit rito habang matiim pa ring nakatitig rito. "Dahil kapag may ginawa kang hindi maganda sa kaniya, magtago ka na sa saya ng iyong ina," Tumawa siya at inilapit ang bibig sa taenga nito. "Nga pala, baka nakakalimutan mo ako pala si Agent Oliver Madrigal," may diin niyang sambit saka lumayo rito at tumalikod at dahan-dahan naglakad palayo kay Billy. Si Billy ng mga sandaling iyon ay nakakuyom ang kamao at halos dumugo ang labi dahil sa kinikimkim na galit.
"Tingnan ko kung hanggang saan ang kaya mo Oliver. Agent pala ah," aniya at natawa ng bahagya.

Book Comment (344)

  • avatar
    LacorteMarlyn

    maganda ang kuwento

    18d

      0
  • avatar
    Yodga Bagunao

    slmat

    18/04

      0
  • avatar
    Marigmen Jake

    good

    18/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters