logo text

My Possesive Rich Bodyguard (Chapter 4)

Matapos makapagbihis ni Franceska ay lumabas na siya ng kaniyang kwarto at nagtungo sa salas. Pababa pa lamang siya ng hagdan ng may marinig na siyang nag-uusap. Napakunot-noo siya ng mapagtanto na boses lalaki iyon. Tuloy-tuloy siyang bumaba at ng nasa salas na siya ay nagsalita siya dahil natatakpan ng kaniyang ama ang bisita nito.
"Dad, may bisita ka?" tanong niya.
Lumingon ang ama niya sa kaniya at tumayo at doon niya nakita ang bisita nito. Gwapo ito kahit simple lamang ang suot na damit. Makikita sa pananamit nito ang hubog ng katawan dahil fitted iyon sa binata. For sure, may six pack abs ito sa ilalim ng suot na shirt, aniya sa sarili. Agad niyang ipinilig ang ulo dahil sa isiping iyon.
Kitang-kita niya ang paghagod nito ng tingin sa kaniya mula ulo hanggang paa at ang pagsilay ng ngisi sa labi nito. Hindi niya alam pero nainis siya ng mga sandaling iyon. Kung wala lang ang kaniyang ama ay kanina pa niya ito minalditahan!
"Anak, gusto kong makilala mo si Oliver Madrigal. Anak ng Tito mo Carlito. Iyong kwenekwento ko sa'yo na kaibigan ko?" anito na mahihimigan sa boses ang saya. Saya sa pagkakaibigan nila ni Carlito Madrigal. Napatango-tango siya.
"Opo, natatandaan ko po siya. Ano po ginagawa niya rito?" walang kaide-ideya niyang tanong. Hinarap siya ng kaniyang ama at pinakatitigan.
"Anak, sana huwag kang magagalit sa'kin. Sa naging disisyon ko. Si Oliver ang magiging driver at bodyguard mo," anang kaniyang ama.
Hindi na siya magtataka kung gawin iyon ng kaniyang ama lalo at naikwento niya noong nakaraang araw ang nangyari sa kaniya. Huminga siya ng malalim. Ayaw niyang magalit sa ama lalo at may sakit ito. Kaya kahit ayaw niya ang naging desisyon nito ay kailangan niyang tanggapin iyon. Ngumiti siya.
"Hindi po ako nagagalit dad. Alam ko naman na ginagawa niyo ito para sa akin. Sa kaligtasan ko kaya ayos lang. Salamat po,"
Kitang-kita ang halo-halong emosyon sa mukha ng kaniyang ama. Wala siyang ibang hinangad sa ama kundi ang mapasaya ito kaya kung ito ang magbibigay kasiyahan rito ay ayos lang. Matapos magpaalam ni Eduardo kay Franceska at kay Oliver ay umalis na ito at magpapahinga na daw. May iniabot pa ito sa binata na hindi niya alam kung ano iyon. Tumayo si Oliver at nilapitan siya saka inilahad ang kamay.
"Oliver Madrigal," pagpapakilala nito sa sarili. Naalala niya ang ginawa nito kanina na pagngisi matapos hagurin siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Nilampasan niya ito at lumabas ng bahay.
"Halika na, mala-late na ako," aniya.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito pero sumunod din naman. Nang nasa tapat na siya ng paborito niyang kotse. Madami namang sasakyan na mas magara kaysa sa kotse na nasa kaniyang harapan pero ito ang kotseng napundar niya sa sariling pera kaya gusto-gusto niya itong ginagamit. Kukunin na sana niya ang susi sa bag ng maalala na isinurrender niya pala iyon sa kaniyang ama. Ginagawa niya iyon tanda ng respeto rito na kahit tulog ito at hindi siya aalis ng bahay para magliwaliw. Humarap siya.
"Wait! Iyong susi na kay—" Natigilan siya ng makitang nasa kamay nito ang susi at nakaladlad sa harapan niya. Tiningnan niya ng masama ito.
"Bakit nasa iyo iyan?! Akin na nga iyan!" pagsusungit niya at pilit kinukuha ang susi mula rito pero itinataas nito iyon para hindi niya makuha lalo at mas matangkad ito sa kaniya. Dahil maliit lamang ang heels ng kaniyang suot na sandal ay hindi niya iyon maabot at nag-didikit na ang katawan nila ng binata. Kaya hinayaan nalang niya ito.
"Okay, buksan mo na!" utos niya.
Pero hindi nito sinunod ang sinabi niya bagkus ay humalukipkip ito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.
"Bago ko sundin ang ipinapagawa mo. Change your attite into a decent attire," utos nito sa kaniya na naging dahilan para taasan niya ito ng kilay.
"At sino ang nagbigay sa'yo ng karapatan na manduhan ako? Your my driver now kaya dapat ako ang sundin mo!" sigaw niya dahil sa inis. Sino ba ito para utusan siyang palitan ang kasuotan niya? Kitang-kitang niya ang paggalaw ng panga nito. Mukhang galit ito. Tinitigan siya nito.
"Hindi tayo aalis hangga't hindi ka nagpapalit ng skirt," anito sa pinal na boses.
Napakagat-labi siya dahil sa inis na nararamdaman. Dahil wala siyang ibang pagpipilian ay wala siyang nagawa kundi sundin ito. Nagdadabog siyang umalis sa harapan nito. Samantala, nang mga sandaling iyon ay napangisi naman si Oliver.
"Success!" anito na may matagumpay na ngiti sa mga labi.
Hindi maiwasang mainis ni Franceska habang nakasandal sa kaniyang swivel chair sa opisina. Naalala niya kasi ang ginawa ni Oliver kanina. Chineck pa nito ang bag niya at baka daw inilagay niya doon ang skirt niyang napaka-iksi.
"Bwisit talaga!" Hindi siya mapakali sa suot niya dahil hindi siya komportable sa ganoong suot pero wala, eh. Kailangan niyang tiisin iyon.
"Anak ka ng kabayo!" gulat niyang sambit ng biglang tumunog ang cellphone niya. Napakalalim naman kasi ng iniisip niya kaya nagulat siya. Inabot niya ang cellphone sa kaniyang mesa at tiningnan ang caller na walang iba kundi si Billy Laurencio. Pinakalma muna niya ang sarili bago niya iyon sinagot.
"Hello, good morning," bati niya rito.
"Good morning din, Ms. Moran. So tuloy tayo mamaya?" tanong nito. Napa-face palm siya dahil nakalimutan niya ang usapan nila dahil sa inis kay Oliver.
"Oo naman, tuloy ang pagkikita natin," Tumingin siya sa orasan. "12:30 at Yumi's Restaurant. Okay lang ba doon?" tanong niya. Malapit lang kasi iyon sa kompanya at ayaw niyang lumayo pa. Natawa ito ng mahina.
"Sure. Basta ikaw. Hihintayin kita. See you," anito at pinatay na ang tawag.
Hindi niya alam pero parang kinilabutan siya. Ano ba itong nararamdaman niya? Naramdaman na kasi niya ang ganitong pakiramdam ng mamatay ang kaniyang ina sa isang aksidente. Nang minsang magpaalam ito na pupuntahan ang Tita Esperanza niya.
Dahil sa professional na ang kaniyang ina ay pinayagan nila ito. Ang aksidente talaga ay walang pinipili. Kapag kukunin ka na ng Maylikha ay wala ka ng magagawa. Isinawalang-bahala na lamang niya ang nararamdaman at inisip na baka namimiss lang niya ang kaniyang ina.

Book Comment (345)

  • avatar
    MusaFátima

    good

    19h

      0
  • avatar
    LacorteMarlyn

    maganda ang kuwento

    19d

      0
  • avatar
    Yodga Bagunao

    slmat

    18/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters