Pagdating niya ay ikwenento niya kaagad sa kaniyang ama ang nangyari. Labis itong nag-alala sa kaniya. Dahil ayaw niya nagsisinungaling sa kaniyang ama ay sinabi niya ang totoo kung bakit nangyari iyon. Marahang napabuntong-hininga ang kaniyang ama na nakaupo sa kama at siya naman ay nakaupo sa sofa sa harapan nito. "Sabi ko naman na huwag mong pababayaan ang sarili mo di ba, anak? Kailangan mo din ng pahinga. Tingnan mo tuloy ang nangyari sa'yo," puno ng pag-aalala na sabi nito sa kaniya. Nagbaba siya ng tingin. Mabuti na lang talaga at hindi siya na-disgrasiya. "Paumanhin po, dad. Hindi na po mauulit," aniya. Tumayo ito at umupo sa tabi niya saka hinawakan ang kamay niya. Tiningnan niya ang ama. Kitang-kita sa mata nito ang labis na pagmamahal sa kaniya. "Alam mo naman na ikaw na lang ang mayroon ako. Kaya anak, alagaan mo ang sarili mo," anito. Tumango-tango siya. "Opo, dad. Hindi na po mauulit," hinging-paumanhin niya. Ngumiti lamang ang kaniyang ama at nagtanong tungkol sa mga mga nangyari sa kaniyang maghapon. Sa kabilang banda, nakatingin lamang ang isang lalaki sa mga naglalakihang gusali sa labas ng kaniyang opisina habang may hawak na wine glass nang may lumapit rito na isang lalaki na mukhang tagasunod ng lalaki. "Ano ang nakalap mong impormasyon tungkol sa pinapahanap ko sa'yo?" tanong ng lalaki rito. "Mayron po. Narito po ang mga impormasyon na nakalap ko sa kaniya," anito at inilahad sa kaniyang harapan ang isang folder na naglalaman ng mga impormasyon na kailangan niya. Inabot niya iyon. "Makakaalis ka na," utos niya na dagli namang sinunod ng lalaki. Pinasadahan niya ng tingin ang laman ng folder. "25 years old. Heiress of Moran Enterprise. Studied Business Administration in America," Na-pangisi niya. Hindi niya mawari pero ng makita niya kanina ang babae ay nagkaroon agad siya ng interes dito. Napakaganda nito. Gagawin niya ang lahat para mapasa-kaniya ito. "Sisiguraduhin ko na mapapasakin ka Franceska Moran," bulong niya at napatawa ng malakas. Siya lang naman ang lalaking naka-banggaan ni Franceska kanina na walang iba kundi si Billy Laurencio. Sino nga ba si Billy Laurencio at ano ang balak nito kay Franceska? Samantala, pagkatapos ng pag-uusap nila Franceska at Eduardo ay nagpaalam na si Franceska sa ama na pupunta na sa kwarto niya. Pagdating doon ay bigla niyang naalala ang calling card na ibinigay sa kaniya ng lalaki kanina. Kinuha niya iyon sa blouse na suot niya kanina saka naupo sa kama. Tiningnan niya ang impormasyon na nandoon saka binasa. "Billy Laurenci, 29 years old. CEO of Laurencio's Corporation!" Nanlaki ang mga mata niya ng maisip kung anong kompanya iyon. Isa iyon sa pinakamalaking kompanya sa buong bansa. Napaisip siya. Ano kaya kung makipagkita siya rito at alukin itong maging investor niya? Kailangan niya ito. Tiyak na uunlad ang kompanya kapag naging isa ito sa investor niya. Oo, kanina lamang sila nagkita pero pagdating sa negosyo dapat malakas ang loob. Mukhang mabait naman ito at tiyak na kung aalukan niya ito na maging investor ay nakatitiyak siya na sasang-ayon ito lalo at businessman ito. Kinuha niya ang cellphone sa hand bag niya at idinial ang number nito. Ilang ring din ang lumipas bago iyon sinagot ni Biñly. "Sino ito?" bungad nito sa kaniya. Huminga siya ng malalim. "Ako iyong babae kanina na nakabanggaan mo. Pwede ba ako makipagkita sa'yo? The day after tomorrow," aniya. Natawa ito ng mahina. "Ikaw pala iyan, Franceska. Sure. Just tell me tomorrow what time and where we will meet," anito sa bruskong tinig. "Sige," maikling tugon niya dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin. "See you tomorrow, Franceska. You may end the call now," anito at iyon naman ang ginawa niya. Napatitig siya sa cellphone. Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng kaba ng mga sandaling iyon. May iba sa boses nito pero hindi na lang niya iyon pinagtuunan ng pansin. Baka kinakabahan lamang siya dahil magkikita sila ng CEO ng Laurencio's Corporation. Kinaumagahan ay may naging bisita si Eduardo Moran, walang iba kundi si Carlito Madrigal. Isang negosyante at matalik niyang kaibigan noong Kolehiyo sila. Kahit papaano ay maayos na ang pakiramdam ni Eduardo kaya naman lumabas siya ng kwarto at sinalubong si Carlito sa salas at nag-fist-bump sila. Iyon kasi ang pagbati nila sa isa't-isa kapag nagkikita silang dalawa. "Maupo ka, Carlito," alok ni Eduardo sa kaibigan na ginawa naman nito. Umupo sila sa sofa. Tiningnan siya ng kaibigan at nginitian. "Kamusta ka na?" bungad nitong tanong sa kaniya. Ipinakita niya ang muscle niya sa kanang braso rito. "Ito malakas na! Ilang araw na lang at matutulungan ko na ang anak ko sa pamamahala ng kompanya. Alam kong madami siyang ginagawa ngayon kaya nagpapalakas talaga ako para may katuwang na siya," aniya na may bahid ng pagmamalaki ang boses. "Buti ka pa nga at gusto ng anak mo ang mamahala sa kompanya mo samantalang iyong panganay ko na si Oliver? Naku! Walang hilig sa negosyo. Mabuti na lang iyong bunso ko ay gusto mamahala sa kompanya kaya ayos lang sa'kin. Ayaw ko naman pilitin siya sa bagay na ayaw niya dahil mahirap iyon," pagkukwento ni Carlito. Natawa naman si Eduardo sa tinuran ng kaibigan. "Iyon kasi ang dahilan kaya pinapunta kita rito, Carlito. Dahil nga sa isang agent ang binata mo ay gusto ko sana ipa-bantay ang anak at kung pwede sana maging driver niya na rin kahit ilang araw lang sana hanggang hindi pa ako tuluyang gumagaling. Subsob kasi sa trabaho ang anak ko at ayaw paawat kahit pinagsasabihan ko," huminga siya ng malalim. "Muntik na nga siyang mabangga sa isang sasakyan kahapon. Mabuti na lang at mabait ang may-ari kaya hindi nagalit," pagtutuloy niya sa sinabi. Ngumiti si Carlito. "Hayaan mo kakausapin ko bukas si Oliver. Tiyak naman na papayag iyon lalo at mababakante rin siya ng ilang linggo dahil tapos na ang misyon nila. Maboboring kasi iyon kapag walang ginagawa kaya mabuti na rin iyang alok mo tiyak na may pagkakaabalahan siya," anito. Inilapat ni Eduardo ang kanang kamay sa balikat ni Carlito. "Salamat, Carlito. Maaasahan ka talaga kahit kailan," aniya sa sinserong tinig. "Ano ka ba wala iyon! Ganoon naman talaga kapag magkaibigan dapat nagdadamayan di ba?" pabiro nitong sabi. Nagkwentuhan pa silang dalawa na umabot din ng isang oras hanggang sa nagpasya si Carlito na umalis na. Sinabi nito na tatawag na lang ito sa kaniya sa magiging sagot ni Oliver. Kapag pumayag ito na tiyak na mangyayari dahil malaki ang posibilidad na hindi tatanggi si Oliver sa ama ay bukas pwede na ito magsimula. Nang mga sandaling iyon ay gumaan ang pakiramdam ni Eduardo look. Dahil bukod sa may magmamaneho na para sa kaniyang unica hija ay may magtatanggol pa rito.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
good
1d
0maganda ang kuwento
19d
0slmat
18/04
0View All