Ipinark ni Oliver ang Sedan sa garahe ng kanilang bahay at lumabas roon saka nagtungo sa loob ng bahay. Kagagaling niya lang sa bahay ng kaibigang si Denver at nakipagkuwentuhan. Dalawang araw na simula ng matapos ang misyon nila ng kaibigan. Ang protektahan ang anak na babae ng isang negosyante laban sa mga kalaban nito at nagtagumpay sila. Kaya ngayon, binigyan sila ng tatlong linggo na bakasyon para magawa nila ang gusto nila. Actually, may gusto sa kaniya ang babae pero hindi niya ito type. Maganda naman ito pero hindi ito ang tipo niya. Nang makapasok sa loob, tinanggal niya ang suot na sapatos at akmang tatanggalin na rin niya ang isa pa niyang sapatos ng magsalita si Carlito, ang kaniyang ama. "Nandito ka na pala. May gusto akong sabihin sa'yo, anak," anito. Tiningnan lamang niya ito at ipinagpatuloy na ang ginagawa. Lumapit ang kaniyang sa kaniyang kinaroroonan at naupo sa sofa na kinauupuan niya. Nang matapos sa ginagawa at mailagay sa shoe rack na nasa tabi ng sofa ang sapatos ay hinarap niya ang ama. "Bakit po, dad?" tanong niya. "Kilala mo si Tito mo Eduardo Moran na minsang nakilala mo sa birthday ko noon?" Napaisip siya. Oo natatandaan niya kung sino ito. Isa na itong negosyante ngayon. Minsan nadadatnan niya ito sa bahay. Isang bati lamang ang naibibigay niya rito dahil nang mga sandaling iyon ay su-masaglit lamang siya rito sa bahay at bumabalik agad sa misyon. "Opo, dad. Bakit po?" curious niyang tanong. Bago pa makapagsalita ang kaniyang ama ay lumapit ang kaniyang ina at tinabihan ang kaniyang ama. Bumaling si Carlito sa asawa at kinintalan ng masuyong halik sa labi. Napa-simangot siya. Ganoon talaga ang mga ito. Hindi nahihiyang ipakita sa ibang tao ang pag-lalambingan nila. Bumuntong-hininga siya. "Respeto naman sa walang kasintahan, dad," reklamo niya na ikinatawa ng mag-asawa. "Maghanap ka na kasi ng kasintahan mo. Malapit ka ng lumagpas sa kalendaryo pero wala ka pang kasintahan. Galaw-galaw din iho para magka-apo na rin kami," biro ni Carlito sa anak. "Saka na muna ang bagay na iyan, dad. Darating din iyan. Ine-enjoy ko muna ang pagiging binata," pagdadahilan niya. Tumayo ang kaniyang ina. "Maiwan ko muna kayong dalawa at magluluto lang ako ng pananghalian natin," paalam nito. Tiningnan ng kaniyang ama ang kaniyang ina. Kitang-kita ni Oliver sa nga mata ng mga ito ang labis na pagmamahal sa isa't-isa. Napaisip siya. Kailan naman kaya siya makakatagpo ng babaeng mamahalin siya ng buong-buo? Natigil siya sa pag-iisip ng magsalita ang kaniyang ama. "May anak kasi siyang babae na ngayon ay siyang namamahala sa kompanya nila. Muntik na daw itong mabangga dahil sa labis na pagod sa mga trabaho sa kompanya. Kaya humihingi siya sa'kin ng tulong kung pwede daw na maging driver ka niya at bantayan mo na rin siya dahil iba manamit ang babae. Baka mabastos daw. Pwede daw ba anak na ikaw ang maging driver at bodyguard niya? Alam ko naman na gusto mong magpahinga pero gusto kong tulungan ang Tito Eduardo mo," mahabang paliwanag ng kaniyang ama. Sabagay wala naman masama kung tatanggapin niya ang pakiusap ng kaniyang ama. Mas maganda na rin iyon para may mapag-kakaabalahan habang nasa bakasyon siya. Ayaw niya rin hindi-an ang ama lalo at minsan lang ito makiusap sa kaniya. Pagtanaw na rin iyon ng utang na loob. Ngumiti siya. "Okay, dad. Payag ako. Tutal bakasyon ko naman. Maganda na rin iyon para may pagkaabalahan ako habang hinihintay ang susunod kong misyon," tugon niya. Ipinatong ng kaniyang ama ang kamay nito sa kaniyang balikat. "Salamat, anak. Matutuwa ang Tito Eduardo mo nito. Alam mo naman sa panahon ngayon tiwala ang pinakamahirap ibigay," Tama. Tiwala ang mahirap ibigay at mahirap din ibalik. Sakay si Oliver ng Sedan niya ng umagang iyon at patungo siya sa bahay ng Tito Eduardo niya para sa unang araw niya bilang driver slash bodyguard ng anak nitong babae. Nag-usap din kasi ang kaniyang ama at Tito Eduardo niya kagabi tungkol sa pagpayag niya at ang pag-uumpisa niya ngayon sa trabahong iniatang sa kaniya. Napaisip siya kung ano ang itsura ng dalagang anak ng Tito Eduardo niya. Hindi naman kasi niya ito nakikita dahil hindi naman ito sumasama sa ama nito kapag bumibisita sa kanila. Sabagay, ano ba naman ang gagawin ng dalaga doon kung sakali? Basta ang alam niya lang rito ay sa Amerika ito nag-aral ng High School at College. Ngunit, lengguwaheng tagalog ang ginagamit nito dahil karamihan sa mga kaibigan nito ay Pilipino. Nang marating niya ang destinasyon niya ay lumabas siya ng sasakyan at nag-doorbell. Ang katulong ng mga ito ang nagbukas ng gate at pinatuloy siya. Ipinasok na rin niya ang sasakyan niya. Nang mai-park iyon ay nagtungo na sila ni Manang Olivia sa loob. "Hinihintay ka na ni Sir Eduardo, iho," anito. Nang marating nila ang sala ay naroon sa sofa si Eduardo. Nang magtama ang kanilang mga mata ay nginitian siya nito at tinapik ang sofa na kinauupuan nito. "Maupo ka rito, iho at may sasabihin ako sa iyo," anito sa magiliw na boses. Lumapit siya rito at naupo sa tabi nito. Tumikhim ito. "Alam kong kalabisan na ito pero alam kong kaya mong baguhin ang anak ko. Maliban kasi sa pagiging driver at bodyguard ni Franceska. Gusto ko sana baguhin mo siya. Alam mo naman na sa Amerika nag-aral ang anak ko kaya ang ibang kultura doon ay na-adopt niya. Maging sa pagsusuot ng damit hindi siya nagiging conservative. Kaya mo bang baguhin siya, iho? Kung ako lang kasi mukhang mahirap," pakiusap nito. Tiningnan niya ang matanda at kitang-kita sa mga mata nito ang determinasyon na mabago ang nakaugalian ng anak. Sabagay, kaya niya siguro iyon. "Susubukan ko po, Tito Eduardo. Gagawin ko ang lahat magbago lamang ang anak ninyo," paniniguro niya. Ngumiti ang lalaki at nagpasalamat. "Gusto mo bang magkape?" tanong nito. Magsasalita na sana siya ng may marinig siyang boses babae di-kalayuan. "Dad? May bisita ka?" tanong nito. Sabay silang lumingon ni Alvin sa direksiyon ng dalaga. Hindi maiwasang hagurin ng tingin ni Oliver ang dalaga mula ulo hanggang paa. Nakasuot ito ng sleeveless blouse at ang skirt nito ay sobrang iksi. Matangkad ito marahil ay dalawang pulgada lamang ang taas niya rito kaya bumagay ang suot nito pero bilang isang CEO hindi dapat ito ganoon manamit. Dapat ito ang may maayos na kasuotan lalo ito ang modelo sa kompanya. Nahihiya lang siguro magsabi ang ama nito dahil baka magdamdam ito. Mukhang magkakaroon ng thrill ang pagbabantay niya sa babae. Napangiti siya sa isiping iyon.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
good
1d
0maganda ang kuwento
19d
0slmat
18/04
0View All