Pagsapit ng alas-dose y medya ng tanghali ay tumayo na si Franceska sa kinauupuang swivel chair kasabay ng pagsukbit ng bag sa balikat niya. Lumabas siya ng opisina at nadatnan si Oliver na kausap ang kaniyang sekretarya na si Bea. Naipaikot niya ang mga mata dahil sa inis lalo na ng makitang masuyo ang ngiting ibinibigay ni Oliver sa dalaga. Natigilan siya. Ano itong nararamdaman niya? Bakit sya naiinis. Wala siyang maapuhap na sagot sa kaniyang isipan kaya ipinagwalang-bahala na lamang niya iyon. "Kamusta ang trabaho?" tanong ni Oliver na nasa kaniyang tabi. TIningala niya ito. Seryuso itong nakatingin sa kaniya na hindi man lang siya mabigyan ng isang tipid na ngiti. Hmp! Wala siyang pakielam! Sa isip-isip niya. "Okay lang," aniya at nauna ng maglakad. "Let's go. May date ako ngayon," pagbibigay-alam niya rito. "Sandali!" anito. Natigilan siya sa paglalakad ng maramdaman ang kamay nito sa kaniyang braso. Napatingin siya sa kamay nito. Agad naman nito iyon binitawan. Tumingin siya rito at tinaasan ng kilay. "Bakit?" Tinitigan siya nito ng matiim. nagsalubong din ang kilay nito. "At kanino ka makikipag-date?" usisa nito. Hinarap niya ito at humalukipkip. "Ang trabaho mo lang ay maging driver at bodyguard at hindi para usisain kung sino ang makaka-date ko. Di ba babantayan mo naman ako? Kaya for sure hindi mo na kailangan malaman kung sino iyon," aniya at humarap na saka naglakad patungo sa elevator. Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito at ang pagsunod nito sa kaniya. Napangiti siya dahil siya ang nasunod ng mga sandaling iyon. Nang marating nila ang Yumi's Restaurant ay kaagad naman siyang pinagbuksan ng pintuan ng kotse ni Oliver. Nakasunod lamang ito sa kaniya papasok sa loob. Ang ibang kababaihan na naroon ay napapatingin sa kasama niya. Naiinis na naman talaga siya! Namataan niya hindi kalayuan si Billy. Kumaway ito sa kaniya at kumaway din siya pabalik. Lumapit siya rito at binigyan ng isang masuyong niti. "Kanina ka pa?" tanong niya. Tumango ito at ngumiti. "Oo, pero ayos lang. Worth it naman ang paghihintay ko," anito tumingin sa likod. "Bakit may kasama ka?" tanong nito sa kaniya. Bago pa man siya makapagsalita ay naunahan na siya ni Oliver. Nagtungo ito sa tabi niya at inilahad ang kamay sa harapan ni Trace. "Oliver Espinosa, driver and bodyguard of her. Kaya kung may balak kang hindi maganda sa kaniya ay huwag mo ng ituloy," anito sa nagbabantang tinig. Napakunot-noo naman siya sa sinabi nito lalo na ang pagpapalit nito ng apelyido. Papagalitan niya sana si Oliver ng tumawa si Billy. "Mr. Espinosa, wala akong balak na masama kay Franceska. Nandito ako dahil may pag-uusapan kami at wala akong gagawing masama sa kaniya. Kaya pwede mo na kaming iwan, doon ka na lang sa sasakyan at hintayin si Franceska," utos nito kay Oliver. Napatiim-bagang si Oliver kaya bago pa magkainitan ang dalawa ay pumagitna na siya. "Wait! Huwag na kayo magtalo," aniya at tiningnan si Billy. "Si dad kasi ang nag-utos na maging driver ko siya at bodyguard. At, saka wala naman masama kung babantayan niya tayo," aniya at ngumiti. Mas gusto niyang babantayan siya ni Oliver lalo at hindi pa niya lubos na kilala ang lalaki. ngumiti at tumango si Billy pero halatang pilit lamang iyon. Akmang tatayo na ito para ipaghila siya ng upuan ng si Oliver na ang gumawa niyon. Ngumiti siya ng tipid rito at nagpasalamat. Siguro ginawa nito iyon para inisin si Billy. Nakita niya ang pagkuyom ng kamao nito pero hinayaan na lamang niya iyon. Tumayo si Oliver di-kalayuan sa mesa nila. Pagkatapos, tinawag na ni Billy ang isang waiter at nakisuyo ng menu. Pagkatapos mamili ay sinabi na nila sa waiter ang order nila. Tumikhim ito ng makaalis ang waiter. "Hindi ko nagustuhan ang sinabi ng bodyguard mo," ani Trace. Ngumiti lamang siya. "Ganoon lang talaga siguro siya," sagot niya. Tumango-tango ito. "Kamusta ang work, Ces?" anito. Napakunot-noo siya. Binigyan na siya nito ng palayaw kahit hindi pa sila ganoong magkakilala. Natawa ito ng mahina ng makita ang reaksiyon niya. "Okay lang ba na tawagin kitang Ces?" tanong nito. Tumango siya at sumang-ayon. Kinamusta nito ang trabaho niya na sinagot naman niya. Nagkwentuhan lamang sila ng mga bagay-bagay tungkol sa sarili hanggang sa dumating ang order nila. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Ces," ani Billy ng nasa kalagitnaan na sila ng pagkain. Nag-angat siya ng tingin at tiningnan ang binata. Titig na titig ito sa kaniya at binundol na naman ng kaba ang kaniyang dibdib. "Ano iyon?" tanong niya at saglit na napatingin kay Oliver. Nakahinga siya ng maluwag ng makitang nakatingin ito sa gawi nila. "Gusto kong maging investor ng kompanya mo," Nanlaki ang mga mata niya sa alok nito. Muntik na niyang makalimutan ang sadya niya kung bakit siya nakipagkita rito. "Talaga?!" gulat niyang sambit. Ngumiti ito ng matamis. "Sure. Pag-usapan natin sa opisina mo ang mga iba pang detalye. Okay lang ba? I'll visit you in your office one of these days. Is that okay?" tanong nito. Napatango-tango siya. "Sure!" excited niyang sabi. Kahit na may nararamdaman siyang kakaiba ay isinantabi niya iyon alang-alang sa kompanya na pinuhunan ng kaniyang ama. Pagkatapos nilang kumain ay tumayo ito at inilahad ang kamay nito. "Looking forward to be one of your investors, Ms. Moran," anito. Tinanggap niya iyon at nagpasalamat. Tatawag daw ito kapag pupunta na sa opisina niya.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
good
14h
0maganda ang kuwento
19d
0slmat
18/04
0View All