logo text

My Possessive Rich Bodyguard (Chapter 14)

Akmang pipirmahan na ni Franceska ang isang dokumento na nasa kaniyang mesa ng bumukas ang pintuan ng kaniyang opisina at pumasok si Oliver. Ngumiti ito sa kaniya.
"Pasensiya na hindi na ako kumatok. Naistorbo ba kita?" tanong nito. Umiling siya.
"Hindi naman. May sasabihin ka?" tanong niya.
"Meron," tipid nitong sagot.
Nagtungo ito sa kaniyang harapan sa visitor's chair at tiningnan siya. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa ginawa nito. Hindi pa rin siya makapaniwala na ang isang Oliver Madrigal ay nanliligaw sa kaniya. Kung tutuusin pwede naman na maging sila. Iyon nga lang gusto nitong ligawan siya para pormal. Biglang bumaba ang tingin nito sa kaniyang labi.
"Gusto kitang halikan pero hindi pwede. May nanliligaw ba na hinahalikan ang nililigawan?" anito at bahagyang natawa. Natawa na rin siya.
"Buti alam mo," aniya habang natatawa. "Bakit ka nga pala pumasok rito?" tanong niya na bigla nitong ikina-seryuso.
"Ito lang ang tanging paraan para mahuli na natin si Billy, France. Nasabi ko naman sa iyo na wala akong matibay na ebedensiya para mapatunayan na pinapatay ako ni Billy, di ba? Iba kumilos ang mga mayayaman. Kayang-kayang gawin ang lahat basta may pera at ayaw ko naman mapahamak iyong lalaki na siyang nakaligtas lalo at may pamilya ito," panimula nito na ikinatango niya.
"Ano ang paraan na iyon para mahuli na natin si Billy?" tanong niya.
"Seduce him, France," anito na ikinanlaki ng mga mata niya kasabay ng pagtayo niya sa kinauupuang swivel chair.
"Hindi ko pwedeng gawin iyon, Oliver!" aniya.
Huminga ito ng malalim saka sinabi kung ano ang balak niya. Habang nagpapaliwanag ito ay doon niya napagtanto na tama nga ito at makakatulong nga ang paraan na iyon para mahuli nila si Billy. Napatango-tango siya at naupo sa swivel chair.
"Sige payag ako. Pero, hindi ko na siya kailangan na akitin. May alam akong paraan para maakit siya," aniya at ngumisi. Nagsalubong ang kilay nito.
"Ano naman iyon?" tanong nito. Sinabi niya ang paraan na iyon na may lalong ikinasalubong ng kilay nito.
"No! Hindi mo gagawin iyon! Magbibihis ka ng disente pero aakitin mo lang siya at kapag ginawa niya iyon ay doon na kami papasok ni Rico at tinitiyak namin na hindi na siya makakatakas non," anito. Possessive talaga kahit kailan. Naikwento nito sa kaniya nitong mga nakaraang araw kung sino si Rico. Natawa siya.
"Oliver, magtiwala ka sa'kin, okay? Basta kapag ginawan na niya ako ng hindi maganda ay malalaman mo na agad iyon—" Nabitin ang sasabihin niya ng mapagtanto kung paano nito malalaman na may gagawing hindi maganda sa kaniya si Billy. "Sandali! Paano mo pala iyon malalaman?" tanong niya. May kinuha ito sa bulsa at ibinigay iyon sa kaniya. Isang maliit na aparato na may pulang botton sa gitna.
"Anong gagawin ko rito?" tanong niya pero may ideya na siya sa gagawin niya.
"Kapag ramdam mo ng may gagawin siyang hindi na maganda. Pindutin mo lang iyan pulang bilog na iyan at papasok na kami rito sa opisina mo," sabi nito at ipinaliwanag pa ang ibang detalye sa kung paano isasagawa ang plano. Tango lamang ang sagot niya. Iba talaga ito mag-isip at mas lalong nadagdagan ang paghanga niya sa binata. Napagkasunduan nila na mamaya na nila isasagawa iyon. Kinakabahan siya pero kailangan niyang tatagan ang loob para matapos na ito. Hinawakan nito ang kamay niya na nasa mesa.
"Kaya mo iyan. Nandito lang ako at hindi ko hahayaan na may masamang mangyari sa iyo," anito habang matiim na nakatitig sa kaniyang mga mata.
Tumayo na ito at niyaya siyang umuwi na at sa bahay na lang sila kumain. Ganito talaga siguro kapag buo ang tiwala mo sa isang tao. Magaan sa pakiramdam at alam mong walang masamang mangyayari sa iyo kapag kasama mo siya. Iyon ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon habang kasama si Oliver. Ngayon lang niyan naranasan iyon. Habang nasa daan sila ay napatingin siya sa binata. Sumulyap ito at ngumiti.
"Bakit?" tanong nito.
"Salamat sa lahat. Kung hindi ka dumating sa buhay ko baka napahamak na ako," buong-puso niyang pahayag. Inihinto nito ang sasakyan sa gilid ng daan at hinarap siya.
"Ginagawa ko ito para sa'yo. Ginagawa ko ito dahil mahal kita, France," anito at dahan-dahang inilapit ang mukha sa kaniyang mukha. Kusang pumikit ang kaniyang mga mata para hintayin ang paglapat ng labi nito sa kaniyang labi. At nang lumapat iyon ay buong-puso niyang tinugon ang halik nito. Sigurado na siya ng mga sandaling iyon. Si Oliver ang gusto niyang makasama habambuhay. Nang matapos ang halik ay pinagdikit ng binata ang kanilang noo.
"I love you," buong-puso nitong sambit.
"I love you too," aniya na naging dahilan para mapangiti si Oliver. Muli, naglapat na naman ang kanilang mga labi.
Huminga ng malalim si Franceska habang hinihintay si Billy. Nagtext ito na on the way na raw ito. Nakasuot siya ng sleeveless blouse na litaw ang ang kaniyang dibdib pero hindi naman iyon gaanong litaw. Sakto lamang. Nakasuot din siya ng skirt na maiksi at may slit sa gilid. Napakagat-labi siya at napahawak sa dibdib dahil sa lakas ng tibok niyon.
"Kaya mo iyan! Nasa labas lamang si Oliver at hindi niya hahayaan na may masamang mangyari sa iyo," pagpapa-kalma niya sa sarili. Nasa kabilang silid lamang kasi ito kasama si Denver at naga-abang sa signal niya. Napa-pitlag siya ng may kumatok sa pintuan. Bumukas iyon at tumambad sa kaniyang harapan ang kaniyang sekretarya na si Bea.
"Ma'am narito na po si Sir Billy. Papasukin ko na po ba?" tanong nito. Hinagod siya ni Bea ng tingin mula ulo hanggang paa. Pagtataka ang makikita sa mukha nito per hindi naman na ito nagtanong pero parang alam niya ang naglalaro sa isipan nito. Tumango siya.
"Sige, papasukin mo na," aniya.
Muli ay huminga siya ng malalim. Niluwangan ni Bea ang pagkakabukas ng pintuan. Pumasok si Billy na may masuyong ngiti sa mga labi. Mas lalong bumundol ang kaba sa kaniyang dibdib ng bumaba ang tingin nito sa kaniyang dibdib. Kinalma niya ang sarili at tumayo mula sa pagkakaupo sa swivel chair saka lumabas roon. Kitang-kita niya kung paano siya suyurin ng tingin ni Billy mula ulo hanggang paa hanggang sa huminto iyon sa kaniyang malulusog at mapuputing hita.
"Sexy. Hindi ko akalain na makikita kitang magsuot ng ganiyan, Ches," anito at tiningnan siya. Punong-puno ng pagnanasa ang mga mata nito.
"Salamat. Wala lang gusto ko lang maging sexy ngayon. Wala naman masama dahil narito lang naman ako sa opisina." inilahad niya ang kamay sa sofa. "Maupo ka," aniya. Sumunod naman ito at ganoon din siya. Tumabi siya rito ng upo.
"Bakit mo ako pinapunta rito?" tanong nito. Tumikhim siya. Ito iyong naisip nilang paraan ni Oliver para ma-trigger ito na gawan siya ng masama.
"Mas mabuti siguro na huwag mo na ako gustuhin. Itigil na natin ang paglabas o pagkain sa labas dahil may nagpapatibok na ng puso ko," aniya at sinikap na maging matatag sa harapan nito lalo na ng tumalim ang mga mata nito na nakatitig sa kaniya. Mukhang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. Natawa ito.
"Eh di sana noon mo pa sinabi iyan," anito sa madiin na boses. "Si Oliver ba ang tinutukoy mo? Siya ba ang dahilan kaya ganiyan ka mag-suot ngayon?" tanong nito. Wala namang dahilan para magsinungaling pa siya.
"Oo, siya ang tinutukoy ko. Oo, gusto ko maging sexy sa kaniyang paningin," aniya at nakipagtitigan rito. Ngumiti ito at ang sunod nitong ginawa ang nagpahigit ng kaniyang hininga. Hinawakan nito ang kaniyang hita at pinisil iyon habang pataas iyon ng pataas.
"Kung hindi ko makukuha ang puso mo puwes, katawan mo na lang!" anito sa nanggigigil na boses. Nanlaki ang mga mata niya ng sapuin nito ang kaniyang dibdib. Wala na siyang sinayang na sandali, kinuha niya ang aparatong ibinigay sa kaniya ni Oliver sa bulsa ng kaniyang suot na skirt pero bago pa man niya iyon makuha ay may itinarak na sa kaniya si Trace sa kaniyang braso dahilan para manghina ang kaniyang kamay. Sisigaw na sana siya para humingi ng tulong pero tinakpan nito ang kaniyang bibig.
"Huwag mo ng subukang humingi ng tulong dahil ngayon pa lang ay aangkinin na kita!" anito at tumawa ng malakas na sabik na maangkin siya. Dahan-dahan siyang napapikit dala ng kung anong itinarak sa kaniya ni Billy.
Oliver, tulungan mo ako! Sigaw niya sa isip bago siya nilamon ng kadiliman.

Book Comment (344)

  • avatar
    LacorteMarlyn

    maganda ang kuwento

    18d

      0
  • avatar
    Yodga Bagunao

    slmat

    18/04

      0
  • avatar
    Marigmen Jake

    good

    18/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters