logo text

Marrying A Probinsyano (Last Chapter)

"Hindi ko akalain na babalik ka rito na may kasintahan ka na, Aira," madiin na sabi ng ama niya sa kaniya habang magkatabi silang nakaupo ni Jake sa sofa at nasa harapan nila ang kaniyang ama at ina. Wala ang kaniyang kapatid dahil nasa kompanya ito. Tinitigan niya ang kaniyang ama.
"Wala namang masama, dad dahil nasa tamang edad na ako. Dahil sa dalawang linggo kong nakasama si Jake ay nakilala ko na siya at alam ko na magiging mabuti siyang kasintahan para sa'kin. Kung sakali man na hindi niyo siya gusto para sa'kin, handa ko siyang ipaglaban dad! Hangga't alam ko na wala kaming ginagawang masama walang dahilan para iwan ko siya!" aniya sa determinado tinig. Kitang-kita niya ang pagngiti ng kaniyang ina at ang pagngisi rin ng kaniyang ama. Tiningnan nito ang kaniyang ina.
"Dalaga na ang bunso natin," anito na ikinatigil niya. Ano ibig sabihin non? Na hindi tutol ang mga ito sa relasyon nila ni Jake? Na pinapayagan sila na maging magkatipan? Tumingin sa kaniya ang kaniyang ama at matamis ang ngiting iginawad sa kanila ni Jake.
"Hindi ako tutol sa relasyon ninyong dalawa. Bagkus, sinusuportahan ko kayo. Walang dahilan para tumutol ako dahil ramdam ko na mahal ninyo ang isa't-isa," panimula nito at tiningnan ang kaniyang ina. "Ganiyan din kami nagsimula ng iyong ina. Nakilala ko ang iyong ina na may-kaya sa buhay at hindi naman tumutol ang iyong lolo at lola sa relasyon namin ng iyong ina. Kaya walang dahilan para higpitan kita anak. Gusto kong maramdaman mo ang kalayaang pumili ng mapapangasawa dahil desisyon mo iyan. Tutal, may maayos namang hanapbuhay si Jake kaya walang kaso sa'kin iyon," anito habang nakatitig sa kaniya na may ngiti sa mga labi. Napalunok siya. Hindi niya alam ang sasabihin ng mga sandaling iyon. Nagkamali siya ng akala. Oo istrikto ito pero pagdating pala sa usaping pag-ibig ay nagiging malambot ito. Tumayo siya at sinugod ng yakap ang kaniyang ama.
"Thank you, dad!" madamdamin niyang pahayag. Hinagod ng kaniyang ama ang kaniyang likod.
"Basta para sa unica hija ko," anito saka tiningnan si Jake.
"Alagaan mo ang anak ko. Huwag mong papaiyakin dahil kapag nangyari iyon, kukunin ko siya sa'yo," babala ng kaniyang ama sa kasintahan. Sumaludo si Jake.
"Opo, makakaasa po kayo," sinserong sabi ni Jake.
Napangiti siya. Nang mga sandaling iyon ay kusang tumulo ang luha niya dahil sa labis na kagalakan dahil wala na silang magiging problema ni Jake.
"Saan ba tayo, pupunta mahal!" pagmamaktol niya kay Jake habang lulan sila ng kotse nito. Narito siya ngayon sa probinsiya para bisitahin ang kaniyang Tiya Amor, ang magulang ni Jake at higit sa lahat si Jake mismo na sobrang na-miss niya. Sa nakalipas na dalawang buwan ay naging LDR ang relasyon nilang dalawa ni Jake pero nakaya nila iyon lalo at napagplanuhan nila na kung sakaling ikakasal sila ay sa probinsiya na sila maninirahan.
Bibilhin din ng kaniyang ama ang benebentang lupain roon sa makalawa para kung balak na nilang lumagay sa tahimik ay mapagkukunan sila ng ikabubuhay. Balak din niyang magtayo ng negosyo kung sakali para matulungan si Jake.
"Basta mahal," anito. Hindi na lang siya umimik at hinayaan na lang ito sa plano nito. Nang huminto ang sasakyan ay lumabas si Jake at pinuntahan si Aira sa passenger's seat saka inalalayan na makalabas.
"Siguraduhin mo lang na magugustuhan ko ang sorpresa mo dahil kung hindi, kukurutin ko talaga singit mo!" pagsusungit niya na ikinatawa lamang ni Jake.
Nagulat siya ng may madaanan siyang kahoy na hindi niya mawari kung ano iyon at papataas sila. Hanggang sa inalalayan pa rin siya ni Jake. Parang alam niya kung nasaan sila. Nasa isang Yate ba sila? Bago pa man niya masagot ang tanong na iyon sa kaniyang isipan ay nagsalita si Jake.
"We are here," anunsiyo nito at dahan-dahang tinanggal ang piring niya.
Napaawang ang kaniyang labi ng makita kung nasaan sila. Nasa top deck sila ng yate at kitang-kita niya ang malawak na dagat ang tunog ng mahinang alon nito na humahampas sa yate. May malapit kasing dagat roon. Nilingon niya ang kasintahan. Hindi niya tuloy maiwasan na maluha dahil sa labis na tuwa.
"Ipinahiram ni dad?" tanong niya. Oo, pag-aari nila ang yate. Napakamot ito sa batok.
"Oo, ipinahiram niya sa'kin," nahihiya nitong sabi. Napangiti siya. Romantic din pala ang kasintahan. Pumailanlang ang isang malamyos na musika. Lumapit sa kaniya si Jake at ipinalibot ang mga kamay sa kaniyang beywang. Pinakatitigan siya nito.
"Can I dance with the beautiful lady tonight?" Masuyo nitong tanong. Punong-puno ng pagmamahal ang titig nito. Tumango siya.
"Yes, you can," aniya at ipinalibot naman ang mga kamay sa leeg nito at nagsimula na silang sumayaw sa saliw ng musika. Isinandal niya ang ulo sa dibdib nito ang pinakinggan ang tibok ng puso nito. Ang puso na ang nilalaman ay siya. Hanggang sa tumigil ang musika at ilayo siya ng bahagya ni Jake.
"Tumingin ka sa kalangitan," utos nito habang nakatingin sa likuran niya. Pumihit siya paharap at ilang segundo lamang ang lumipas ng may pumailanlang na fireworks sa kalangitan kasabay na may apat salita na lumitaw roon. Natutop niya ang bibig dahil sa labis na pagkagulat. Dahil ang mga salitang iyon ay "Will You Marry Me". Lumingon siya sa kasintahan at napaatras ng makitang nakaluhod ito habang hawak hawak ang isang maliit na box.
"Mahal," paanas niyang sabi. Wala siyang maapuhap na sasabihin ng mga sandaling iyon. Mabilis din ang tibok ng kaniyang puso dahil sa labis na kagalakan.
"Will you marry me, Aira Castro an be my husband soon?" tanong nito. Napakagat-labi siya para pigilin ang luha na gustong kumawala sa kaniyang mata pero tumulo pa rin iyon. Inialahad niya ang kaniyang kamay sa harapan nito.
"Yes I will marry you, Jake Sebastian!" aniya. Nakahinga ng maluwang si Jake. Tumayo si Jake at isinuot sa kaniyang palasingsingan ang engagement ring. Niyakap siya nito at tinuyo ang luha na dumaosdos sa kaniyang pisngi.
"Akala ko tatanggihan mo," biro nito. Sumimangot siya.
"Walang dahilan para tanggihan ko ang alok mo dahil wala akong ibang pinangarap kundi ang makasama ka habambuhay," madamdamin niyang pahayag. Pinakatitigan siya nito.
"I love you," buong pagmamahal nitong sabi.
"I love you too," tugon naman niya. Napatingala sila sa kalangitan ng marinig ang sunod-sunod na fireworks. Nakapalibot ang kanang kamay ni Aira sa bewang ng fiance at nakaakbay naman sa kaniya si Jake. Makikita sa mukha ng dalawa ang labis na kasiyahan na sa wakas natagpuan na nila ang tunay na pagmamahal.

Book Comment (345)

  • avatar
    MusaFátima

    good

    1d

      0
  • avatar
    LacorteMarlyn

    maganda ang kuwento

    20d

      0
  • avatar
    Yodga Bagunao

    slmat

    18/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters