logo text

Marrying A Probinsyano (Chapter 7)

Hindi maiwasang titigan ni Jake ang maamong mukha ng dalaga habang ito ay payapang natutulog sa kaniyang tabi. Napangiti siya ng maalala ang namagitan sa kanila kagabi. Napakaswerte niya dahil siya ang pinag-alayan nito ng sarili at hindi niya sasayangin iyon. Haharapin niya ang responsibilidad kung sakali man na magbunga ang nangyari sa kanila at higit sa lahat handa niyang pakiharapan ang magulang nito para kunin ang kamay nito at alukin ng kasal. Hindi masasabi na mayaman sila pero kaya niyang buhayin si Aira kung mananatili ito rito sa probinsiya. Sa totoo lang, kinakabahan siya. Paano na lang kapag hindi siya tanggap ng magulang nito at ilayo sa kaniya ang dalaga? Natatakot siyang mawala ito sa kaniya.
"Ang lalim ng iniisip mo," ani Aira sa kaniya. Bumalik siya kasalukuyan mula sa malalim na mag-iisip. Hindi niya tuloy napansin na gising na ito dahil naglalayag ang kaniyang isipan. Huminga siya ng malalim at hinaplos ang makinis nitong pisngi habang nakatitig dito.
"Nagpapasalamat ako dahil sa akin mo ipinagkatiwala ang iyong sarili. Ngunit, natatakot ako Aira. Paano kung hindi ako tanggap ng magulang mo? Paano kung ilayo ka nila sa'kin? Hindi ko ata kakayanin iyon," aniya sa nanghihinang tinig. Iniisip pa lang niya ay nasasaktan na siya. Bumuntong-hininga si Aira at hinawakan ang kamay niya na nasa pisngi nito saka nakipagtitigan sa kaniya.
"Ipaglalaban kita sa magulang ko, Jake. Handa ko gawin ang lahat para sa'yo. Wala naman ako masasabi dahil alam ko naman na kaya mo akong buhayin kaya walang dahilan para hindi ikaw ang piliin ko. Mahal kita. Mahal na mahal kita kaya huwag kang mangamba dahil sabay nating haharapin ang pagsubok na ito sa ating pagmamahalan," anito na i-kinangiti niya. Hindi niya akalain na ganoon pala ito mag-isip. Hindi siya nagsisi na minahal niya ito. Kahit galing ito sa mayamang pamilya ay may sarili itong paninindigan. Kadalasan kasi kapag mayayaman ay nakadepende sa desisyon ng magulang ang buhay nila at ang magiging asawa nila. Pinagdikit niya ang kanilang noo.
"Salamat, Aira. Mahal na mahal na maha din kita. Haharapin natin ng magkasama ang anumang pagsubok na darating sa'ting relasyon at magiging matatag tayo," buong puso niyang sambit saka muli pinaglapat niya ang kanilang mga labi. Nang mga sandaling iyon ay naramdaman niya ang pagiging kontento. At iyon ay nang makilala niya si Aira.
Dumating ang araw ng pag-uwi ni Aira at kasama si Jake dahil ipagtatapat nila sa magulang ni Aira ang relasyon nilang dalawa. Sinabi na rin nila ang relasyon nilang dalawa sa magulang ni Jake at kina Tiya Amor at Tiyo Ramon. Natuwa ang mga ito ng malaman na magkasintahan sila dahil ginusto ng mga ito na sila ang magkatuluyan na nangyari naman.
"Mag-iingat kayo," bilin sa kanila ni Tiya Amor. Ngumiti siya sa tiyahin. Wala siyang masabi rito dahil parang ina na rin ang turing niya rito at parang tinuring siyang tunay na anak.
"Maraming salamat po, Tiya," aniya na hindi maiwasang kabahan ng maalala ang kaniyang ama. Sa magiging reaksiyon nito kapag nalaman nito na kasintahan niya ang isang taga-probinsiya.
"Kinakabahan ka ba, anak?" tanong sa kaniya ni Tiya Amor at hinawakan ang kamay niya. Si Jake ng mga sandaling iyon ay kausap si Tiyo Ramon at pinapayuhan ng tamang pag-aalaga sa isang kasintahan at kung paano maging mabuting kasintahan. Nasa isang sulok sila na malayo sa kinatatayuan nila Tiya Amor at Aira. Tumango siya at saglit na napatingin kay Jake na masayang nakikipag-usap sa Tiyuhin nito. Hinawakan ni Amor ang kaniyang kamay at pinisil iyon.
"Hindi magiging madali ang pagtatapat ninyo. Ngunit kailangan ninyong maging matatag at ipaglaban ang pagmamahalan ninyong dalawa. Kung si Ate, alam kong hindi siya tutol dahil supportive iyon," Ngumiti ito. "Basta think positive lang. Tiyak naman na tatanggapin ng iyong ama ang relasyon ninyo ni Jake dahil wala naman siyang magagawa dahil nagmamahalan kayo. May maayos namang hanapbuhay rito si Jake at mabubuhay ka at maging ang inyong magiging pamilya kung sakaling nagpakasal kayo. Huwag mong masyadong alalahanin iyon," pagbibigay nito ng lakas ng loob sa kaniya. Tumango-tango siya at niyakap ng Tiya Amor niya.
"Salamat tita. The best ka talaga!" aniya at hindi napigilan ang pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman niya. Nang humiwalay siya sa pagkakayakap rito ay ngumiti siya rito.
"Bibisita po ako rito, Tita at kung sakali man, dito ko gusto magpakasal dahil sobrang ganda rito!" aniya sa masiglang tinig na ikinatawa ng kaniyang tiya.
Nagpaalam na sila ni Jake sa mga ito. Hindi na sumama ang magulang ni Jake dahil nakapagpaalam naman na sila kanina at may aasikasuhin daw. Sinabihan na lamang sila na mag-iingat. Sumakay na sila ni Jake ng kotse saka tinahak ang daan pabalik ng lungsod.
Hindi maiwasang mapahigpit ang hawak ni Jake sa manibela habang binabagtas ang daan pabalik sa lungsod. Kinakabahan siya ng mga sandaling iyon. Nag-iisip na rin siya ng mga pwedeng sabihin sa ama ni Aira. Wala naman daw kasing problema sa ina ng kasintahan dahil supportive ito. Natigilan siya ng hawakan ni Aira ang kaniyang kamay na nakapatong sa manibela. Napatingin siya.
"Relax, hindi nangangain ng tao si dad," pagbibiro ni Aira na ikinatawa niya saka napabuga ng hininga. Inihinto niya ang sasakyan sa gilid ng daan para makapag-usap sila.
"Kahit anong gawin kong pagpapalakas-loob sa sarili ay hindi ko pa rin maiwasang kabahan talaga," Huminga siya ng malalim at tinitigan si Aira. "Pasensiya ka na kung matatakutin ang boyfriend mo. Pero isa lang ang sinisiguro ko, Aira. Gagawin ko ang lahat para magustuhan ako ng itay mo. Kung kinakailangan na ligawan ko sila gagawin ko makuha lamang ang loob nila. Gagawin ko ang lahat, Aira," aniya habang titig na titig sa mga mata nito. Isinandal nito ang ulo sa kaniyang dibdib.
"Thank you, Jake. Anuman ang mangyari ipaglalaban kita. Wala akong nakikitang mali sa pagmamahalan natin," anito. Umalis ito sa pagkakasandal sa kaniyang dibdib at pinakatitigan siya. Sinapo niya ang pisngi nito at hinalikan ito ng buong ingat at may masuyong halik.

Book Comment (345)

  • avatar
    MusaFátima

    good

    1d

      0
  • avatar
    LacorteMarlyn

    maganda ang kuwento

    20d

      0
  • avatar
    Yodga Bagunao

    slmat

    18/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters