Hindi maiwasang sisihin ni Aira ang sarili dahil sa pinaggagagawa niya ay nag-alala si Jake sa kaniya ng sobra. Ganoon pala ang pakiramdam kapag in love parang pakiramdam mo wala ng direksiyon ang buhay mo kapag nawala siya sa iyo. Ngunit hindi ka dapat nag-papadaig, dapat maging matapang sa mga pagsubok na kakaharapin at huwag magpapadala sa emosyon. Tinapos na niya ang pagliligo at lumabas ng banyo saka nagbihis ng damit ng inihanda ni Jake para sa kaniya. Nang matapos ay lumabas na siya ng silid. Napatingin sa kaniya si Jake na nakasandal sa pader sa tabi ng pinto. Tinitigan siya nito. "Ayos ka na ba?" tanong nito. Tumango-tango siya. Siguro kung nagtagal pa siya sa ulan ay baka nilagnat na siya. Nakahinga ito ng maluwag. "Mabuti naman kung ganoon. Halika na, punta tayo sa kusina. Baka luto na iyong lugaw na niluluto ni inay," anyaya nito. Tumango ulit siya bilang pagsang-ayon at sabay na sila nagtungo sa kusina. Nang makarating doon ay nadatnan nila si Tiyo Ramon na nakaupo sa silya at nagkakape, samantala, si Tiya Carol naman ay naglalagay ng lugaw sa mangkok. Napatingin ang mga ito sa kanila. "Oh, nandito na pala sila. Halika kayo, pagsaluhan natin itong inihanda ni Carol na lugaw," anyaya ni Tiyo Ramon sa kanila na may ngiti sa mga labi. Nag-aalalang nilapitan siya ni Tiya Carol pinakatitigan. "Okay ka lang ba, iha?" tanong nito sa kaniya. Tumango-tango siya. "Bakit ba siya basang-basa ng ulan?" isa ni Tiyo Ramon. Hindi niya alam ang isasagot rito ng biglang magsalita si Jake. "Gusto niya kasing maglakad-lakad para maging pamilyar siya sa lugar kaso naabutan siya ng ulan. Wala naman kasing bahay na malapit para paglilinaw niya," paliwanag nito. Tiningnan niya ito at tiningnan ng makahulugan. Tingin na nagsasabing "salamat sa pagsagot". Ngiti lamang ang isinagot nito. "Halika na, kain ka na para mainitan ang tiyan mo," alok ni Jake saka hinawakan siya sa siko at iginiya sa isang bakanteng upuan. Nakaramdam siya ng bolta-boltaheng kuryente dahil sa pagkakadaiti ng kanilang balat. Ipinaghila siya nito ng upuan. Napangiti siya dahil sa pagiging gentleman nito. Naupo siya. Naupo na rin ito sa tabi niya. Pinagsaluhan na nila ang inihandang lugaw ni Tiya Carol. Hindi niya maiwasang malungkot dahil ilang araw na lang uuwi na siya. "Oh, bakit bigla kang nalungkot?" puna sa kaniya ni Tiya Carol. Huminga siya ng malalim. "Tatlong araw na lang po ang pamamalagi ko rito. Babalik na po kasi ako next week kaya mamimiss ko po kayo. Hayaan niyo po kapag may pagkakataon po papasyal po ako rito," sinsero niyang sabi. Nakita niyang natigilan si Jake. "Mabuti kung ganoon. Hayy, mamimiss ka namin iha. Maninibago kami," ani Tiya Carol na mababakas ang lungkot sa boses at mukha nito. Napatingin naman si Ramon sa labas ng bintana ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. "Naku, mukhang bukas pa ata titila itong ulan. Palakas ng palakas, eh. Mabuti pa ay dumito ka muna iha. Dito ka na din matulog. Ipapagamit namin iyong extrang silid sa taas. Ayos lang ba sa iyo? Madulas kasi sa daan kapag ganitong umuulan at baka madisgrasya lamang kayo kung ihahatid ka," paliwanag ni Ramon. Napatango-tango naman siya. "Sige po. Magpapaalam na lang po ako kina Tito at Tita," sagot niya. Nagpatuloy ang usapan nila na humantong sa biruan at tawanan. Napatingin siya kay Jake na nahuli niyang nakatitig sa kaniya. Hindi niya alam kung ano ang nasa isip nito ng mga sandaling iyon. Mamimiss niya ito. Pero ano kaya ang magiging sagot nito sa sinabi niya kanina na mahal niya ito? Sasabihin ba nito na hindi siya nito mahal? Na kaibigan lamang ang turing nito sa kaniya? Iniisip pa lang niya ay nasasaktan na siya kaya minabuti na lang niya na iwaksi ang bagay na iyon sa kaniyang isipan. "Mabuti pa ay ihatid mo na si Aira sa magiging silid niya, Jake," utos ni Ramon sa binatang anak pagkatapos nilang kumain ng hapunan. Bago sila naghapunan ay nagpaalam na siya kay Tiya Amor niya na dito na siya magpapalipas ng gabi na kaagad naman nitong sinang-ayunan. Adobong baboy at Afritada ang ulam nila na talagang ikinabusog niya. Biniro pa nga si Carol na ang luto nito ang mamimiss niya pag-uwi niya. Sabay na lumabas sina Jake at Aira sa kusina at umakyat sa hagdan patungo sa ookopahan niyang silid. Walang nag-iimikan sa kanilang dalawa hanggang sa makapasok sila sa loob ng silid. Tinulungan siya nito na maglatag na kumot sa hihigaan niya. "Salamat," aniya ng matapos sila. Tiningnan siya nito at nginitian. "Walang anuman," sagot nito at tumikhim. "Tungkol pala doon sa sagot sa sinabi mo—" Binitin nito ang sasabihin na naging dahilan para kumabog ng malakas ang kaniyang dibdib. Kinakabahan siya sa magiging sagot nito. Pero, kung sasabihin nito na hindi siya nito mahal at napagtanto nitong si Trisha ang mahal nito ay lubos niyang tatanggapin. Hindi naman niya pwede ipilit ang sarili dito. "Mahal din kita, Aira," sagot nito na naging dahilan para mapatitig siya rito habang nakaawang ang labi dahil sa pagkagulat. Mahal din siya ni Jake? Totoo ba ang narinig niya? "Mahal mo ako?" Hindi makapaniwala niyang tanong. Natawa ito ng mahina. Napakagat-labi siya dahil napakasarap sa pandinig ang tawa nito. Lumapit ito sa kaniya at hinapit siya sa beywang at pinakatitigan ng buong pagsuyo at pagmamahal. "Hindi ka makapaniwala na mahal kita? Bakit wala ka bang kompiyansa sa sarili mo na magugustuhan kita at mas lalo ang mahalin kita? Hindi ka mahirap mahalin, Aira. May mga katangian ka na nagustuhan ko. Basta natagpuan ko na lang din ang sarili ko na iniisip ka palagi at hindi ako mapakali kapag hindi kita nakikita," buong tapat nitong sabi. Inihilig niya ang ulo sa dibdib nito. Hindi niya akalain na ang lalaking mahal niya ay mahal din siya nito. Biglang pumasok sa isip si Trisha. Sino ba si Trisha sa buhay nito? Umalis siya mula sa pagka-kasandig sa dibdib nito at napakunot-noong napatitig dito. "Eh, sino si Trisha? Kababata mo ba siya?" usisa niyang tanong rito. Natawa ito. "Oo, kababata ko. Nasa kabilang bayan sila at umuwi ng nagdaang araw. Bumisita siya rito sa bahay ng makita mo kami. Siya ang kusang humalik sa'kin at kailanman ay hindi ako nagkagusto sa kaniya kaya wala kang kaagaw. Dahil nag-iisa ka lang sa puso ko. Bakit nagseselos ka ba sa kaniya?" tudyo nitong tanong habang nakataas pa ang sulok ng labi. Inirapan niya ito saka humiwalay sa pagkakayakap rito at naupo sa kama habang nakahalukipkip. "Malamang?! Sino ang hindi magseselos sa kaniya?! Eh nahalikan ka na niya—" Pinutol na niya ang sasabihin ng mapagtanto ang lumabas sa bibig niya. Ano ba itong pinagsasasabi niya? Napangisi ulit si Jake at itinukod ang mga kamay sa kama at inilapit ang mukha sa kaniyang mukha. "So nagseselos ka dahil nahalikan niya ako?" tudyo nitong tanong at bumaba ang tingin nito sa labi niya. Napalunok siya sa ginawa nito. Bakit kasi hindi niya iniisip ang sasabihin niya? "Hindi ah—" Naputol na ang sasabihin niya ng lumapat ang labi ni Jake sa kaniyang mga labi. Hindi niya akalain na sa pagdami ng kanilang labi ay may maramdaman siyang kakaiba. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at ibinuka ang bibig para tanggapin ang halik nito at gayahin ang paraan ng paghalik nito. Hanggang sa lumalim iyon at wala siyang nagawa kundi ang ipalibot ang mga kamay sa leeg nito. Unti-unti lumapat ang kaniyang likod sa malambot na kama habang si Jake ay nasa ibabaw niya. "Can I make you mine tonight?" tanong nito sa nagsusumamong tinig. Gusto rin naman niya ang gagawin nito kaya tumango siya bilang pagsang-ayon at sa gabing iyon ay ipinagkatiwala niya ang sarili sa lalaking minamahal. Lalaking bumuo sa pagkatao niya at komompleto sa buhay niya. Hinding-hindi niya pagsisisihan na ito ang lalaking pinag-alayan niya ng sarili.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
good
2d
0maganda ang kuwento
20d
0slmat
18/04
0View All