logo text

Marrying A Probinsyano (Chapter 5)

Ilang beses na nagpunta si Jake sa bahay ng kaniyang tiya para kausapin siya pero iniiwasan niya ito at gumagawa siya ng alibi para hindi sila magkaharap. Ilang ulit nitong tinangkang lapitan siya pero lagi niyang sinasabi na huwag muna ito mag-abala ng oras sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit siya nagkaka-ganoon. Gayong hindi naman niya kasintahan si Jake para iwasan niya ito at higit sa lahat ang makaramdam ng selos. Nagtatanong na rin ang Tiya Amor niya pero lagi niyang sinasabi na may hindi lang sila pagkakaunawaan. Si Tita Amor na rin niya ang lagi niyang kasama sa mga lakad niya. Isang araw, kadarating lang nila ng kaniyang Tiya Amor galing sa palengke at namili ng mga stock ng pagkain ng madatnan nila si Jake sa labas ng bahay at mukhang hinihintay sila.
"Aira, pwede ba tayo mag-usap?" tanong nito sa nakikiusap na boses. Tiningnan siya ng makahulugan ng kaniyang Tiya Amor na parang sinasabi na "Kausapin mo na." Tumango siya at iginiya ang binata sa isang upuan na nasa ilalim na matayog na punong acacia sa gilid na bahagi ng compound.
"Hindi ko girlfriend si Trisha. Siya ang kusang humalik sa'kin," paliwanag nito. Tiningnan niya ito. Kitang kita ang sinseridad sa mga mata nito.
"Bakit ka nagpapaliwanag sa'kin? Hindi mo'ko kasintahan para sabihin sa'kin ang mga bagay na iyan. Ano naman ngayon kung hinalikan ka niya? Wala na akong pakielam doon," mataray niyang sabi. Kitang kita niya ang pagbabago ng ekspreksiyon ng mukha nito. Natawa ito at napailing-iling.
"Oo nga pala, hindi pala kita girlfriend. Bakit ko nga pala ipinapaliwanag ito sa'yo?" anito at habang natatawa pa rin. Tumayo ito.
"Mauna na'ko. Ipinapaliwanag ko lang ang lahat dahil ayaw kong isipin mo na nakikipaglapit ako sa'yo pero may girlfriend ako. Pero hindi, wala akong girlfriend at talagang bukal sa loob ko ang pakikipaglapit sa'yo," anito at naglakad na palabas ng gate.
Napatingala siya para pigilin ang luhang nagbabantang kumawala sa kaniyang mga mata. Nasasaktan siya dahil alam niyang nasasaktan niya ito. Pero mabuti na rin iyon baka kasi siya ang dahilan kung bakit hindi magustuhan ni Jake si Trisha. Siya ang pumasok sa buhay nito at ayaw niyang sirain kung anuman ang namumuong atraksyon ng dalawa ng wala pa siya.
"Ang sakit. Ang sakit sakit. Ang napagtanto ko. Mahal ko na siya kaya ako nasasaktan ng ganito," aniya sa sarili at itinakip ang palad sa mukha at tahimik na umiyak.
Kinaumagahan, ay nagpasya siyang maglakad-lakad para maibsan kahit papaano ang bigat na nadarama. At para malibang na rin siya at mawala sa isip ang mga bagay na nagpapagulo sa kaniyang isipan. Hanggang sa hindi niya namamalayan na umuulan na pala. Hinayaan na lang niya ang sarili na mabasa ng ulan. At habang patuloy ang pagbuhos ng ulan ay ang pagpatak ng kaniyang luha. At least ngayon walang makakapagsabi na umiiyak siya. Nagpalakad-lakad siya hanggang sa maramdaman niyang giniginaw siya.
"Aira!" sigaw ng isang tinig di-kalayuan sa kaniya. Tinig na gusto niyang marinig sa mga nagdaang araw. Lumingon siya at nakita si Jake na tumatakbo palapit sa kaniya at may dalang payong. Nakita rin niya ang kotse ni Tiya Amor niya di-kalayuan na ginamit nito para hanapin siya. Tumigil siya sa paglalakad at tiningnan si Jake na ngayon ay malapit na sa kaniya. Nang makalapit ito ay agad siyang pinayungan.
"Ano bang ginagawa mo rito sa labas?! Pinahanap ka sa'kin Nina Tiya at Tiyo dahil wala ka sa bahay. Magkakasakit ka sa ginagawa—" Naputol na ang iba pang sasabihin ni Jake ng yakapin niya ito at isubsob ang mukha sa dibdib nito.
"I'm sorry, Jake. Nagpadala ako sa emosyon at pagseselos ko. Hindi ko sinasadya ang mga nangyari. Mahal kita kaya ko ako nasasaktan!" pag-amin niya sa sarili. Natigilan si Jake pero walang tugon na namutawi sa bibig nito. Inihiwalay siya mula sa pagkakayakap rito at sinapo ang mukha niya gamit ang kaliwang kamay nito.
"Mas mabuti pa na sa bahay ka na lang muna. Medyo malapit na dito ang bahay at para makapagbihis ka. Baka magkasakit ka kapag nagtagal pa tayo dito," paliwanag nito. Tumango-tango siya bilang pagsang-ayon at iginiya siya nito patungo sa kotse at inalalayan sa pagpasok roon. Nang makapasok ito ay may kinuha ito sa backseat at iniabot iyon sa kaniya. Isang tuwalya.
"Ibalot mo sa katawan mo para maibsan kahit papaano ang lamig na nararamdaman mo," utos nito na ginawa naman niya. Humarap na ito sa manibela. Binuhay ang makina ng kotse at pinausad iyon patungo sa bahay nila.
Hindi maiwasang napatingin ni Jake kay Aira habang minamaneho ang kotse. Sobra siyang nag-alala sa dalaga. Ano ba ang naisip nito at naglakad ito ng mag-isa at nagpaulan? Hindi ba nito naisip na pwede itong magkasakit at mag-aalala siya? Biglang bumilis ang tibok ng kaniyang puso ng maalala ang sinabi nito sa kaniya kanina. Mahal siya nito. Kung hindi lang niya iniisip ang kalagayan nito ay sinabi na rin niya na mahal niya ito at hinalikan sa labi. Mamaya aamin siya na mahal na niya ito. Ipi-nark niya ang kotse sa compound kanilang bahay ng makarating sila. Dali-dali siyang bumaba habang hawak ang payong sa kanang kamay saka tinungo ang passenger's seat.
"Salamat," ani Aira ng makalabas ito ng kotse. Tinitigan niya ito.
"Walang anuman. Alam mo naman na pagdating sa'yo ay kapakanan mo ang inuuna ko," aniya habang titig na titig rito. Namula ang pisngi nito at nag-iwas ng tingin. "Tara na sa loob ng inyong bahay. Giniginaw na kasi ako," anito. Huminga siya ng malalim at iginiya ang dalaga papasok sa loob. Ang kaniyang ina ang nagbukas ng pintuan. Pag-aalala ang mababakas sa mukha nito ng makita si Aira na balot ng tuwalya at basang-basa.
"Iha! Anong nangyari! Pasok kayo," paanyaya nito sa kanila.
Pumasok sila at nagpaalam sa kaniyang magulang na aakyat sila ni Aira sa kaniyang silid para makapagpalit ito ng damit. Tumango na lamang ang dalawa. Nagprisinta ang kaniyang ina na magluluto ng lugaw para kay Aira. Para mainitan ang tiyan nito. Umakyat na sila ng hagdan at pumunta sa kaniyang silid. Kumuha siya ng damit sa kaniyang closet. Isang malaking shirt iyon at short na tiyak na kasya naman sa dalaga saka inilapag iyon sa kama. Lumingon siya sa dalaga.
"Maligo ka. Lalabas lang ako, kapag may kailangan ka tawagan mo lang ako. Nandito lang ako sa labas ng kwarto," bilin niya. Tumango-tango ito at biglang lumungkot ang mga mata.
"Sorry, nang dahil sa ginawa ko nag-alala ka ng husto sa'kin. Pasensiya na talaga hindi na mauulit," hinawakan niya ito sa magkabilang balikat at hinalikan sa noo.
"Ayos lang iyon. Naiintindihan kita. Mamaya malalaman mo ang sagot ko sa sinabi mo kanina," Ngumiti siya. "Pero sa ngayon maligo ka na at para makabababa na tayo at makakain ka na ng lugaw na luto ni inay para kahit paano mainitan ang tiyan mo," aniya. Ngumiti ito at tumango-tango saka nagtungo na sa banyo para maligo. Mabuti na lang talaga at may banyo ang kaniyang kwarto. Lumabas na siya ng silid at naghintay sa labas.

Book Comment (345)

  • avatar
    MusaFátima

    good

    2d

      0
  • avatar
    LacorteMarlyn

    maganda ang kuwento

    20d

      0
  • avatar
    Yodga Bagunao

    slmat

    18/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters