logo text

Marrying A Probinsyano (Chapter 4)

Papunta ngayon si Aira sa bahay nina Jake gamit ang electric bike na pag-aari ng kaniyang Tiya Amor. Nagluto siya ng shanghai para meryenda nila ngayong hapon. Sana naroon ang magulang nito para matikman ng mga ito ang luto niya. Medyo madami kasi itong niluto niya. Nang matapat na siya sa bahay nila Jake, ipinarada niya ang electric bike sa bakuran dahil nakabukas naman ang gate.
Nang makababa, kinuha na niya sa box ng electric bike ang naka-tupperware na shanghai saka nagtungo sa pintuan. Akmang kakatok na sana siya sa pintuan na mapansin na medyo nakaawang iyon at may marinig siya ng nag-uusap sa loob.
"Hindi mo ba ako kayang magustuhan, Jake?" tanong ng isang boses babae. Natutop niya ang bibig. Sino ang babaeng kausap ni Jake?
"Hindi naman sa ganoon kaso—" Naputol na ang iba pang sasabihin ni Jake. Dahil da ka-kuryosidad, pumasok sa loob at nagulat sa nasaksihan kasabay ng pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata. Tumulo ang luha sa kaniyang mga mata dahil sa sakit na nararamdaman. Sino ba naman ang hindi masasaktan kung ang lalaking nagugustuhan mo at unti-unti mo ng minamahal ay may kahalikang iba? Dahil sa pagkagulat ay nabitawan niya ang tupperware at natapon ang laman niyon. Agad na bumitaw si Jake at nilingon siya kasabay ng pagtayo nito ng makita siya.
"Aira? Hayaan mong magpaliwanag ako," sabi nito sa nagmamakaawang tinig habang titig na titig sa kaniya. Kitang-kita sa mukha nito ang takot. Umiling siya.
"Aalis na ako. Wala kang dapat ipaliwanag dahil wala akong karapatang magalit," sagot niya at pilit na ngumiti saka tumalikod at nagtungo sa kaniyang electric bike. Sumakay siya roon at pinasibad iyon paalis sa lugar na iyon.
Hinintay niya na habulin siya nito pero wala siyang nahintay. Napakagat-labi siya dahil sa sakit na nadarama habang lulan siya ng electric bike. Napangisi siya. Bakit siya nito hahabulin?Tiyak na mas pinili nito ang babaeng kahalikan kanina kaysa sa kaniya. Masakit man pero kailangan niyang tanggapin.
Ilang beses na nagpunta si Jake sa bahay ng kaniyang tiya para kausapin siya pero iniiwasan niya ito at gumagawa siya ng alibi para hindi sila magkaharap. Ilang beses nitong tinangkang kausapin siya pero lagi niyang sinasabi na huwag muna siya nitong kausapin. Hindi niya alam kung bakit siya nagkaka-ganoon. Gayong hindi naman niya kasintahan si Jake para iwasan niya ito at higit sa lahat ang makaramdam ng selos. Nagtatanong na rin ang Tiya Amor niya pero lagi niyang sinasabi na may hindi lang sila pagkakaunawaan. Si Tita Amor na rin niya ang lagi niyang kasama sa mga lakad niya. Isang araw, kadarating lang nila ng kaniyang Tiya Amor galing sa palengke at namili ng mga stock ng pagkain ng madatnan nila si Jake sa labas ng bahay at mukhang hinihintay sila.
"Aira, pwede ba tayo mag-usap?" tanong nito sa nakikiusap na boses. Tiningnan siya ng makahulugan ng kaniyang Tiya Amor na parang sinasabi na "Kausapin mo na." Tumango siya at iginiya ang binata sa isang upuan na nasa ilalim na matayog na punong acacia sa gilid na bahagi ng compound.
"Hindi ko girlfriend si Trisha. Siya ang kusang humalik sa'kin," paliwanag nito. Tiningnan niya ito. Kitang kita ang sinseridad sa mga mata nito.
"Bakit ka nagpapaliwanag sa'kin? Hindi mo'ko kasintahan para sabihin sa'kin ang mga bagay na iyan. Ano naman ngayon kung hinalikan ka niya? Wala na akong pakielam doon," mataray niyang sabi. Kitang kita niya ang pagbabago ng ekspreksiyon ng mukha nito. Natawa ito at napailing-iling.
"Oo nga pala, hindi pala kita girlfriend. Bakit ko nga pala ipinapaliwanag ito sa'yo?" anito at habang natatawa pa rin. Tumayo ito.
"Mauna na'ko. Ipinapaliwanag ko lang ang lahat dahil ayaw kong isipin mo na nakikipaglapit ako sa'yo pero may girlfriend ako. Pero hindi, wala akong girlfriend at talagang bukal sa loob ko ang pakikipaglapit sa'yo," anito at naglakad na palabas ng gate.
Napatingala siya para pigilin ang luhang nagbabantang kumawala sa kaniyang mga mata. Nasasaktan siya dahil alam niyang nasasaktan niya ito. Pero mabuti na rin iyon baka kasi siya ang dahilan kung bakit hindi magustuhan ni Jake si Trisha. Siya ang pumasok sa buhay nito at ayaw niyang sirain kung anuman ang namumuong atraksyon ng dalawa ng wala pa siya.
"Ang sakit. Ang sakit sakit. Ang napagtanto ko. Mahal ko na siya kaya ako nasasaktan ng ganito," aniya sa sarili at itinakip ang palad sa mukha at tahimik na umiyak.
Kinaumagahan, ay nagpasya siyang maglakad-lakad para maibsan kahit papaano ang bigat na nadarama. At para malibang na rin siya at mawala sa isip ang mga bagay na nagpapagulo sa kaniyang isipan. Hanggang sa hindi niya namamalayan na umuulan na pala. Hinayaan na lang niya ang sarili na mabasa ng ulan. At habang patuloy ang pagbuhos ng ulan ay ang pagpatak ng kaniyang luha. At least ngayon walang makakapagsabi na umiiyak siya. Nagpalakad-lakad siya hanggang sa maramdaman niyang giniginaw siya.
"Aira!" sigaw ng isang tinig di-kalayuan sa kaniya. Tinig na gusto niyang marinig sa mga nagdaang araw. Lumingon siya at nakita si Jake na tumatakbo palapit sa kaniya at may dalang payong. Nakita rin niya ang kotse ni Tiya Amor niya di-kalayuan na ginamit nito para hanapin siya. Tumigil siya sa paglalakad at tiningnan si Jake na ngayon ay malapit na sa kaniya. Nang makalapit ito ay agad siyang pinayungan.
"Ano bang ginagawa mo rito sa labas?! Pinahanap ka sa'kin Nina Tiya at Tiyo dahil wala ka sa bahay. Magkakasakit ka sa ginagawa—" Naputol na ang iba pang sasabihin ni Jake ng yakapin niya ito at isubsob ang mukha sa dibdib nito.
"I'm sorry, Jake. Nagpadala ako sa emosyon at pagseselos ko. Hindi ko sinasadya ang mga nangyari. Mahal kita kaya ko ako nasasaktan!" pag-amin niya sa sarili. Natigilan si Jake pero walang tugon na namutawi sa bibig nito. Inihiwalay siya mula sa pagkakayakap rito at sinapo ang mukha niya gamit ang kaliwang kamay nito.
"Mas mabuti pa na sa bahay ka na lang muna. Medyo malapit na dito ang bahay at para makapagbihis ka. Baka magkasakit ka kapag nagtagal pa tayo dito," paliwanag nito. Tumango-tango siya bilang pagsang-ayon at iginiya siya nito patungo sa kotse at inalalayan sa pagpasok roon. Nang makapasok ito ay may kinuha ito sa backseat at iniabot iyon sa kaniya. Isang tuwalya.
"Ibalot mo sa katawan mo para maibsan kahit papaano ang lamig na nararamdaman mo," utos nito na ginawa naman niya. Humarap na ito sa manibela. Binuhay ang makina ng kotse at pinausad iyon patungo sa bahay nila.

Book Comment (345)

  • avatar
    MusaFátima

    good

    2d

      0
  • avatar
    LacorteMarlyn

    maganda ang kuwento

    20d

      0
  • avatar
    Yodga Bagunao

    slmat

    18/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters