Pagkatapos kumain ay nagpaalam na sina Aira at Jake na pupunta sa taniman ng mga prutas. Nagdala na rin siya ng basket na sinasabi ng kaniyang tiyahin para doon niya ilalagay ang mga prutas na gusto niyang pitasin. Sumakay sila sa lumang kotse ng kaniyang Tiyo Ramon. Habang daan ay walang nag-iimikan sa kanilang dalawa. Hanggang sa basagin iyon ni Jake. "Ilang taon ka na?" tanong nito na naging dahilan para mapatingin siya rito. "28, ikaw?" balik-tanong niya. Wala naman sigurong masama kung makikipaglapit siya rito at magbubukas ng conversation. Mukha naman itong mabait. Natawa ito. "Hulaan mo. Lagpas na sa kalendaryo," anito na natatawa. Napaisip siya. "31?" sagot niya. Tumingin ito at nginitian siya. "Yes. Ang galing mong manghula, ah? Manghuhula ka ba?" biro nito na ikinatawa niya. "A little," pakikisakay niya sa biro nito. "Anong trabaho mo?" kuryos nitong tanong. "Bise-presidente ako ng aming kompanya at si Kuya Aiko na kapatid ko naman ang Presidente," pagbibigay-impormasyon niya sa binata. Tumango-tango ito at hindi na nagsalita pa. Inisip na lang niya na baka nahihiya na itong magtanong ng personal niyang buhay hanggang sa marating nila ang prutasan. Excited siyang bumaba ng kotse at linanghap ang sariwang hangin. "Grabe, ang sarap naman tumira rito sa probinsiya! Sariwa ang hangin at tahimik!" hindi niya napigilang komento habang nakapikit at nakadilat ang mga kamay. Natawa naman si Jake saka tumabi sa kaniya. "O, sobrang sarap talaga ang manirahan rito kaysa sa lungsod. Sariwa ang hangin at payak lamang ang pamumuhay," wika nito. Napatingin siya rito dahil damang-dama niya ang sinseridad sa mga sinabi nito. Bigla itong bumaling sa kaniya na naging dahilan para magtama ang kanilang mga mata. "Kung tatanungin ka, gusto mo bang manirahan rito?" tanong nito habang titig na titig sa kaniya. Ngumiti siya. "Oo naman. Kung bibigyan ako ng pagkakataon na dito tumira. Gusto ko syempre," aniya at muling tiningnan ang mga pananim na hitik sa bunga. Ganoon ang ginawa nila sa nakalipas na minuto hanggang sa yayain siya nito na mamitas na. May mangga, dalandan, orange at iba pa. Habang namimitas ay nag-kwekwentuhan sila ni Jake ng mga bagay tungkol sa kanilang nakaraan hanggang sa mas nakilala na nila ang isa't-isa. Masayang kasama si Jake at talagang nag-enjoy siya na kausap ito. Nagpapatawa rin ito. "Sino boyfriend mo ngayon?" biglang tanong ni Jake habang nakaupo sila sa lilim ng isang matayog na mangga. Napatingin siya rito at hindi niya inakala na nakatingin rin pala ito sa kaniya. Hindi niya alam pero bigla siyang nakaramdam ng pagkaasiwa. Bumilis rin ang tibok ng kaniyang puso dahil iba kung tumitig ito sa kaniya. Umiling siya. "Wala akong boyfriend. May mga nanliligaw sa'kin pero hindi ako interesado sa kanila," sagot niya. "Mayaman ka eh kaya may karapatan kang mamili ng lalaking mamahalin mo. Iyong kagaya mo ring mayaman," sabi nito pero parang ramdam niya ang lungkot sa boses niyon. Ano kaya ang ibig sabihin non? Tumayo ito. "Halika na, umuwi na tayo. Baka maabutan tayo ng ulan," yakag nito sa kaniya saka inilahad ang kamay sa kaniyang harapan. Tinanggap niya iyon para makatayo siya. Napatingala siya sa kalangutan at mukhang uulan nga. At habang naglalakad sila pabalik ay napagtanto niya na may ganoon palang pagkakataon. Na kahit unang pagkikita pa lang ay magaan na ang loob ninyo sa isa't-isa. Umaga, alas singko ng madaling araw nagising si Aira dahil usapan nila ni Jake na mag-eehersisyo ngayon. Mabuti na rin iyon para mabawasan ang timbang niya kahit papaano. Hindi naman siya mataba, sakto lang. Nagsuot siya ng jogger pants at sweat shirt saka tenernuhan iyon ng black rubber shoes. Ipinusod niya ang may kahaban niyang buhok saka naglagay ng pulbos at lipstick sa labi. Napakagat-labi siya. Magjojogging lang siya pero nagpapaganda pa siya. Nagpapaganda ba siya para kay Jake? Ipinilig niya ang kaniyang ulo sa isiping iyon. Wala naman masama kung magpaganda siya. Natural lang iyon sa isang babae. Nang matapos ay lumabas na siya ng kaniyang silid saka lumabas ng bahay. Nagpalinga-linga siya. Mukhang wala pa si Jake. "Bagay mo ang suot mo ngayon," anang tinig sa kaniyang gilid. Bumilis ang tibok ng puso niya ng marinig ang boses na iyon lalo na sa papuri nito sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit niya nararamdaman iyon. May sumisibol na bang damdamin para sa binata? Tumingin siya sa kaniyang gilid at nakita si Jake na nakasandal sa pader at nakahalukipkip habang nakatitig sa kaniya. Sinuyod niya ng tingin ito mula ulo hanggang paa. Nakasuot din ito ng jogger pants at sweat shirt saka tenurnahan iyon ng red rubber shoes. Mukhang coincidence ata na magkaparehas sila ng suot. "Ikaw rin naman. Bagay sa'yo ang suot mo," balik-puri niya rito. Ngumiti ito sa kaniya na naging dahilan para mapatitig siya rito. Ngayon lang niya napansin na gwapo pala ito kapag malapitan. Hindi niya siguro iyon nabibigyan ng pansin nitong mga nakaraang araw. Ngumisi ito. "Nagwagwapuhan ka na ba sa'kin?" anito na naging dahilan para irapan niya ito. "Ang lakas ng hangin, ah. Tatangayin na ata sa sobrang lakas," pagbibiro niya na ikinatawa nito ng malakas. Tumitig ito sa kaniya. "Basta ba sa'kin ka tatangayin, walang problema," seryuso nitong sabi. Hindi niya alam ang sasabihin kaya nag-iwas na lang siya ng tingin lalo at hindi niya matagalan ang pagtitig nito. Nagsimula na siyang maglakad. "Tara na!" anyaya niya at pagbabalewala sa sinabi nito. Napabuga ito ng hangin at sumunod na rin sa kaniya. Napakagat-labi siya ng sumabay ito sa kaniya lalo at amoy na amoy niya ang mabango nitong pabango. Isinawalang-bahala na lamang niya iyon at nag-focus sa pagjojogging.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
good
2d
0maganda ang kuwento
21d
0slmat
18/04
0View All