Nagpasya si Aira na magbakasyon sa kaniyang Tiya Amor kahit dalawang linggo lang. Tutal, ang kaniyang ama naman ang may-ari ng kompanyang pinag-tratrabahuhan niya kaya ayos lang na mawala siya ng dalawang linggo. Bise-presidente siya at ang kaniyang nakatatandang kapatid na lalaki ang Presidente. Samantala, ang kaniyang ama naman ang CEO. Pumayag naman ang kaniyang ama sa desisyon niya basta dalawang linggo lamang ang palugit dahil kailangan pa rin siya ng kompanya. Mabait ang kanilang ama at talagang hindi sila prenepressure sa pamamahala ng kanilang kompanya ang Castro Textile Corporation. Kaya sobrang thankful siya dahil may ama silang mabait at maunawain. Saka, mapagkakatiwalaan at de-dekado ang mga empleyado nila. "Hayy, sa wakas narito na ako!" bulalas niya sa sarili ng madaanan ang boundary ng barangay Masilag, kung saan nakatira ang kaniyang Tiya Amor. Nakatatandang kapatid ito ng kaniyang ina. Dalawa lamang silang magkapatid. Pagbubukid ang ikinabubuhay nila. Malawak ang bukirin ng mga ito na minana ng asawa nito na si Ramon kaya masasabing nakakaangat ang mga ito sa buhay at hindi kinakapos sa pang-araw-araw na pangangailangan. Ilang minuto pa ang ginugol niya sa pagmamanahe hanggang sa marating niya ang bahay ng kaniyang Tiya Amor. Mas ginusto niyang mag-drive papunta rito kaysa mag-commute na sobrang hassle. Malaki ang bahay ng kaniyang Tiya Amor. Talaga naman mapapa-tingin ang sinumang dadaan rito. Two-storey house ito. Lumabas siya ng kaniyang kotse at nagtungo sa gate saka pinindot ang door bell. Ilang sandali lamang ang hinintay niya ng makita ang isang babae na bilugan ang mukha at katawan na papalapit sa kaniya. Medyo chubby kasi ito. Nanlalaki ang mga matang napatitig siya rito at minukhaan ito. Si Tiya Amor niya! Kumaway siya. "Tiya!" sigaw niya habang kumakaway. Gulat din ang makikita sa mukha ng kaniyang Tiya Amor. Gulat dahil hindi siya nagpasabi na bibisita siya. Talagang sinadya niyang hindi ipaalam para sorpresahin ito. Nang makalapit ito sa gate ay agad nito iyong binuksan. "Aira! Ikaw ba iyan?" tanong nito ng mabuksan ang gate at nasa harapan na niya ito. Ngumiti siya at tumango. "Opo, ako nga po! Nagulat po kayo no?" tudyo niyang tanong na ikinatawa nito. "Oo, sobra! Hindi ko akalain na bibisita ka ulit rito makalipas ang dalawang taon," sagot nito saka siya sinuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Kitang-kita ang paghanga sa mukha nito. "Ang laki mo na, iha! Dalagang-dalaga ka na! Akalain mo nga naman, dalawang taon lang ang lumipas pero ang laki ng pinagbago mo," puri nito na ikinatawa niya. "Tita naman eh, binobola moko!" wika niya na parehas nilang ikinatawa. Sinuyod niya rin ito ng tingin mula ulo hanggang paa. "Tumaba ka tita pero bumagay sa iyo," komento niya. Sumimangot si Amor. "Ang sarap kasing kumain, eh. Kaya, hindi mapigilan ang pagtaba," anito na ikinatawa nila ulit. Niluwangan nito ang pagkakabukas ng gate. "Halika na, ipasok mo na sa loob ang kotse mo para makapag-meryenda ka na rin. Tiyak na nagugutom ka na dala ng mahabang biyahe," paanyaya nito na dagli naman niyang sinunod. Lumapit siya kaniyang kotse at pumasok. Pinausad na niya iyon patungo sa loob ng bakuran at ipi-nark sa maluwang na espasyo ng compound. Lumabas siya at sabay sila ni Amor na pumasok sa loob ng bahay. Napangiti siya. Tiyak na magiging maganda ang bakasyon niya ngayon. At e-enjoy-in niya ang bawat araw na narito siya. Nang makapasok sila sa loob ng bahay, ay nadatnan nila si Tiyo Ramon na nagkakape sa salas. Napatayo ito ng makita siya. "Aira?" gulat nitong tanong. Natawa siya. "Bakit parang nagulat kayo, tito?" tanong niya. Ngumiti ito na naiiling. "Ang laki na kasi ng pinagbago mo, iha. Dalagang-dalaga ka na," anito na kakikitaan ng paghanga sa mga mata. Lumapit siya sa kaniyang Tiyo Ramon at niyakap ito. "Salamat po, Tito!" sabi niya. Niyakap din siya nito pabalik. Nang kumalas siya sa pagkakayakap rito ay niyaya siya nito na magmeryenda muna na sinang-ayunan naman niya. Sabay-sabay na sila nagtungo sa kusina at si Tiya Amor ang naghanda ng kanilang meryenda. Nang maihanda, ay naupo si Tiya Amor sa bakanteng upuan sa tabi ni Tiyo Ramon. "Bakit ka nga pala narito?" pang-uusisa ng kaniyang Tiyo Ramon. "Magbabakasyon mo ako, Tiyo kahit dalawang linggo lang. Gusto ko rin makapag-unwind at mawala sa isip ko ang mga nakaka-stress na trabaho sa kompanya," pagmamaktol niya. Tumango-tango naman ang mga ito. Alam kasi ng mga ito na Bise-Presidente siya ng kompanya nila. "Mabuti naman kung ganoon. Maganda nga iyan, mahirap din ang subsob sa trabaho," segunda ni Ramon. "Siguro, may boyfriend ka na ngayon, Aira?" tanong sa kaniya ng kaniyang Tiyo Ramon makalipas ang ilang minuto. Mula sa kinakaing pancake ay nag-angat siya ng tingin at tiningnan ito saka umiling. "Naku, tito. Wala po! May mga nanliligaw naman pero wala akong mapusuan. Ewan ko ba. Siguro hindi ko pa nakakatagpo iyong lalaki na para sa'kin. Iyong lalaki na mamahalin ko at handa kong makasama habambuhay," sagot niya na ikinatawa ng kaniyang Tiya Amor at Tiyo Ramon. "Hindi naman masama maging pihikan lalo't maganda, matalino at higit sa lahat mayaman ka pero hindi ka na bumabata, iha. Kailangan mo na hanapin iyong lalaki na mamahalin at aalagaan ka," sabi ng kaniyang Tiya. Nilunok na muna niya ang kinakain bago siya nagsalita. "Tama po kayo pero darating din po iyan. Baka nga po pihikan lang ako pero hindi naman po ako nagmamadali lalo at hindi pa naman ako lagpas sa kalendaryo," biro niya na ikinatawa nilang lahat. Naputol ang kanilang pag-uusap ng may nag door bell. Napatingin si Tito Ramon kay Tiya Amor. Tumayo ang matandang lalaki. "Baka si Jake na iyan," sabi nito. Nagpaalam ito sa kanila saka lumabas ng kusina para pagbuksan ng gate ang sinumang Jake na iyon. "Sino po si Jake?" tanong niya sa Tiya Amor ng sila na lang dalawa sa kusina. "Pamangkin ng Tiyo Ramon po at katuwang sa pamamahala sa bukid. Alam mo naman na nasa Amerika sina Friya at Franco kaya walang ibang katuwang ang iyong Tiyo Ramon kundi si Jake," paliwanag ng kaniyang Tiya Amor. Napatango-tango naman siya. Bigla siyang na-curious sa itsura ng lalaki. Napatingin siya sa pintuan ng kusina ng makarinig siya ng mga yabag na papalapit at usapan na hindi malinaw sa kaniyang pandinig. "Mukhang sila na iyan," ani Tiya Amor. Bumukas ang pintuan at pumasok si Tiyo Ramon kasama ng isang lalaki. Nagkatitigan sila hanggang sa magsalita si Tiyo Ramon ng makalapit ang mga ito sa kanila. "Jake, ipinapakilala ko sa'yo si Aira. Pamangkin ng iyong Tiya Amor. Bale nakababatang kapatid ng Tiya Amor mo ang ina ni Aira," pagpapakilala sa kaniya ni Tiyo Ramon dito. Tiningnan siya nito. "Aira, siya pala si Jake. Siya ang katuwang ko sa bukid. Sobrang sipag nito at talagang maaasahan. Single din siya," biro nito na ikinatawa ni Tiya Amor. Lumapit sa kaniya si Jake at inilahad ang kamay nito habang ang mga mata ay nakatitig pa rin sa kaniya. Para bang minememorya ang kaniyang itsura. "Nice meeting you," sinsero nitong sabi. Huminga siya ng malalim at tinanggap ang pakikipagkamay nito. "Nice meeting you, too," ganting sabi niya at ngumiti. Pumalakpak ng isang beses si Tiya Amor. "Mabuti pa, magmeryenda na tayo at mamaya ipapasyal ka Aira ni Jake sa taniman ng mga prutas at kumuha ka ng mga gusto mong prutas. May basket naman na paglalagyan mo," masiglang sabi ni Tiya Amor na ikinatuwa niya. Tumingin siya sa Tiyahin at nagpasalamat. Magiging maganda iyon! Pero ang tanong, magiging komportable ba siya na si Jake ang makakasama niya sa pamamasyal lalo at ngayon lamang sila nagkakilala?
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
good
3d
0maganda ang kuwento
21d
0slmat
18/04
0View All