logo text

ONE NIGHT MISTAKE (Chapter 10)

Mga bandang alas kwatro ng hapon ay nag-out na si Stephanie. Mag-aabang na sana siya ng tricycle ng makita ang kotse ni Franco na patungo sa kinaroroonan niya. Bumilis ang tibok ng puso niya ng mga sandaling iyon dahil makikita niya ito idagdag pa ang mga sinabi ni Charlene kanina. Nang huminto ito sa harapan niya kaagad itong lumabas ng kotse at pinagbuksan siya ng passenger's seat. Ngumiti ito.
"Sakay na," anito.
Dali-dali naman siyang pumasok sa loob at nagseat-belt. Nang makapasok at pausadin nito ang sasakyan ay napalingon siya sa backseat kung saan naroon si Justin at naglalaro sa tablet.
"Good afternoo, anak," aniya. Tumingin naman ito sa kaniya.
"Good afternoon din po, mama! Okay lang po ba na dumaan tayo sa park, mama?" tanong nito. Napatingin siya kay Franco.
"Hm, ipaalam muna natin kay papa mo," aniya. Kitang-kita niya ang pagngisi ni Franco pero dagli din iyong nawala. Bumaling ito sa kaniya.
"Okay lang sa'kin. Ikaw na lang hinihintay namin kung papayag ka o hindi," anito at muling ibinalik ang tingin sa daan.
"Oo naman, payag ako. Basta para kay Justin," aniya.
"Yehey! Thank you mama, thank you papa! I love you both," anito.
"We love you, anak," magkapanabay nilang sabi ni Franco. Nagkatinginan lamang sila at natawa.
Nang marating nila ang park ay hinayaan niya ang mag-ama na maglaro. Masaya siya sa nakikita dahil masaya ang anak niya.
"Mama! Picture tayo!" yaya ni Justin. Lumapit siya sa mga ito.
Nagtabi sila ni Franco. Ipinasuyo nila ang pagkuha ng picture sa isang babae na dumaan. Natigilan siya ng akbayan siya ni Franco pero hinayaan na lang niya iyon at ngumiti ng magbilang ng tatlo ang babae. Pagkatapo sa park ay nagtungo sila sa isang restaurant at doon naghapunan. Para silang pamilya ng mga sandaling iyon. Dahil sa pagod ay nakatulog si Justin.
"Nakatulog si Justin dahil sa pagod," komento niya. Natawa si Franco habang nakatingin sa bata na nakahiga sa backseat.
"Kaya nga," bumaling ito sa kaniya. "Salamat," anito habang titig na titig sa kaniya.
"Ako dapat ang magpasalamat dahil pinasaya mo si Justin," aniya at ngumiti. Napalunok siya ng bumaba ang mga mata ni Franco sa kaniyang labi.
"Basta para sa inyo ni Justin gagawin ko," anito at dahan-dahang inilapit nito ang mukha sa kaniya. Nang kahibla na lang ang layo ng labi nila ay umiwas siya.
"Tara na," aniya. Huminga ito ng malalim at pinausad ang kotse pabalik sa bahay.
Nang mailapag ni Franco si Justin sa kama ay sakto naman na tumunog ang cellphone niya na nasa bedside table. Kinuha niya iyon at tiningnan kung sino ang caller. Tumingin siya kay Stephanie na abala naman sa pag-aasikaso kay Justin.
"Lalabas lang ako. Sasagutin ko lang itong tawag," paalam niya. Tumango naman ito kaya lumabas na siya ng kwarto saka sinagot ang tawag.
"Ma! May problema po ba?" tanong niya.
"Anak, umuwi ka na. Kailangan ka ng iyong kompanya," anito sa himig na nagtatampo.
Huminga siya ng malalim. Kailangan na niyang ayusin ito. Kanina napag-isip isip niya na dapat na niyang ipagtapat ang nararamdaman niya para kay Stephanie. Bahala na kung ano ang mangyari pero malakas ang pakiramdam niya na may gusto sa kaniya ang dalaga.
"Okay, ma. Pupunta ako diyan. May aasikasuhin pa ako tapos babalik na ako diyan," aniya. Hindi siya babalik hangga't hindi niya kasama ang mag-ina niya. Nang matapos na ang tawag ay pinatay na niya iyon. Akmang haharap na siya ng may magsalita sa likuran niya.
"Aalis ka na? Paano si Justin? Kung aalis ka, ipaliwanag mo sa kaniya na hindi masasaktan ang bata. Tiyak na magtatampo iyon lalo at nasanay na siya na kasama ka," ani Stephanie. Nahimigan niya ang lungkot sa boses nito. Humarap siya at tinitigan ito saka dahan-dahang lumapit. Nang kahibla na lang ang layo nila sa isa't-isa ay sumagot siya.
"Hindi ako aalis ng hindi kayo kasama," aniya. Nagbaba ito ng tingin.
"Alam kong sobrang nanabik ka kay Justin kaya hahayaan ko na isama mo siya. Siguro naman maiintindihan ako ng anak ko," anito na para bang hirap na hirap.
"At sino ang nagsabi na si Justin lang ang isasama ko? Isasama kita," madiin niyang sambit.
"Bakit? Wala tayong relasyon, Franco at baka ano pa isipin nila sa'kin. Baka—" Pinutol na niya ang iba pa nitong sasabihin.
"Mahal kita, Stephanie. Kung hindi mp ako mahal ayos lang. Gagawin ko ang lahat para mahalin mo rin ako. Handa kong suwayin si dad para manatili dito kasama kayo ni Justin," aniya habang titig na titig rito. "Ang tanong may pagtingin ka ba sa'kin?" tanong niya na hindi maiwasang makaramdam ng kaba sa magiging sagot nito.
"Mahal din kita. Akala ko hindi mo ako mahal. Akala ko—"
Pinutol na niya ng isang mapusok na halik ang iba pa nitong sasabihin. Nang mga sandaling iyon ay nag-uumapaw ang puso niya sa kagalakan dahil sa mahal din siya nito. Ipinalibot nito ang mga kamay sa kaniyang leeg. Binuhat niya ito at dinala sa katabing kwarto at nang gabing iyon ay inangkin niya ang babaeng nagpatibok sa puso niya at ang babaeng gusto niyang makasama habam-buhay. At sa pamamagitan niyon ay ipinaramdam niya ang pananabik at ang pagmamahal rito. Nang maabot na nila ang kasukdulan ay napahiga siya sa tabi nito. Nagtitigan sila.
"Mahal na mahal kita,"
"Mahal na mahal din kita," anito at muli nagtagpo ang kanilang mga labi.
Umalis sila Franco, Stephanie at Justin. Ipinakilala si Stephanie ni Franco sa magulang nito at malugod siyang tinanggap ng mag-asawa. Natuwa sila kay Justin dahil napakabibo nito at sinabi pa na may apo na sila. Iniwan na rin ni Stephanie ang trabaho niya. Nagtungo sila sa probinsiya ng kaniyang magulang at ipinagtapat ang lahat. Hindi tumutol ang mga ito sa relasyon nila at malipas ang isang buwan ay nabuntis siya na sobrang ikinatuwa ng magiging byenan niya at ni Franco. Nagpasya na sila ni Franco na magpakasal at bumuo ng pamilya. Nang mga sandaling iyon ay wala na siyang mahihliing pa.
"Salamat at dumating ka sa buhay ko. Sabi ko noo, hahayaan ko ang Diyos ang gumawa ng paraan para pagtagpuin tayo at ginawa nga niya. Pinagtagpo tayo at heto asawa na kita," ani Franco habang nasa terasa sila ng mga sandaling iyon. Nakatingin siya sa kalangitan at pinagmamasdan ang mga bituin sa kalangitan. Lumingon siya at nahuling titig na titig ito sa kaniya.
"Ako dapat ang magpasalamat dahil dumating ka buhay ko, sa buhay namin ni Justin. Mahal na mahal kita," aniya. Ipinalibot nito ang mga braso sa kaniyang bewang at hinapit palapit rito.
"Mahal na mahal rin kita," anito at muling nagtagpo ang kanilang mga labi. Saksi ang mga bituin sa kalangitan ang walang hanggan nilang pagmamahalan.

Book Comment (345)

  • avatar
    MusaFátima

    good

    3d

      0
  • avatar
    LacorteMarlyn

    maganda ang kuwento

    21d

      0
  • avatar
    Yodga Bagunao

    slmat

    18/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters