logo text

ONE NIGHT MISTAKE (Chapter 9)

"Papa, tabi tayo nina mama matulog, pwede?" tanong ni Justin kay Franco habang nasa salas sila at nanonood ng telebisyon. Naghuhugas si Stephanie ng mga sandaling iyon. Ginulo niya ang buhok nito.
"Oo naman!" aniya.
"Tabi tayo nina mama, pwede?" ungot nito.
"Oo naman," aniya at hinalikan ang anak sa noo. Tumayo si Justin at hinila siya papunta sa hagdan.
"Halika na, papa. Kwentuhan mo ako para makatulog ako. Hintayin na lang natin sa taas si mama," tuwang-tuwa nitong sabi.
Nagpatianod naman siya sa paghila nito sa kaniya. Nang nasa kama na sila at nakahiga ay kwenentuhan niya na ang bata. Nasa kalagitnaan na siya ng pagkwekwento ng pumasok sa loob si Stephanie. Napatingin siya rito. Kitang-kita ang pagkagulat sa mukha nito pero pagdaka'y napalitan iyon ng ngiti. Hindi niya maiwasang mapatitig sa labi nito. Ganoon pa rin ba ang lasa nun?
"Mama! Tabi ka sa'min," ani Justin.
"Oo naman. Magbibihis lang si mama, ah," anito at dumiretso na sa cr dala ang damit na kinuha nito sa drawer.
"Papa, antok na po ako," ani Justin. Hinalikan niya ito si noo.
"Sleep ka na,"
"Good night, papa. I love you, po," anito habang humihikab. Parang May humaplos sa puso niya sa sinabi nitong iyon.
"Good night, kiddo. I love you too."
Ilang sandali ang lumipas ng lumabas si Stephanie na nakasuot ng loose shirt at shorts na hanggang kalahati ng hita ang haba.
"Nakatulog na pala si Justin," komento nito at umakyat na sa kama saka tinabihan ang anak habang hinahaplos-haplos nito ang buhok ng bata.
"Napagod siguro. Salamat pala sa pag-aalaga kay Justin sa loob ng limang na taon," sinsero niyang sabi. Nag-angat ito ng tingin at tiningnan siya.
"Walang anuman. Kahit na ipinagbuntis ko siya ng nag-aaral ako ay wala akong pinagsisisihan dahil biyaya siya sa'kin. Madaming mang hirap akong pinagdaanan pero kailanman ay hindi ko iyon isinisi kay Justin," anito at kitang-kita niya ang pagdausdos ng luha sa pisngi nito. Kusang gumalaw ang kamay niya para punasan ang luha nito.
"Don't cry. Nandito naman na ako at hindi ko iiwan si Justin," aniya habang titig na titig rito.
Hindi ko kayo iiwan, iyan ang gusto niyang idagdag pero ayaw niyang mabigla si Stephanie at baka iwasan siya nito. Saka na lang niya sasabihin ang nararamdaman niya kapag handa na siya. Ngumiti lamang ito at nagpasalamat pero bakit nakikita niya sa mga mata nito ang sakit. Nasasaktan ba ito sa kaalamang si Justin lang ang aalagaan niya?
"Nga pala. Gusto kong baguhin ang apelyido ni Justin. Ayos lang ba iyon sa'yo?" tanong niya. Napakagat-labi ito saka tumango-tango.
"Oo naman. karapatan mo iyon dahil anak mo siya," anito at naghikab at ilang sandali pa ay nakapikit na ito at natulog. Nang maramdaman niyang tulog na ito. Hinaplos niya ang pisngi nito hanggang sa umabot iyon sa kaniyang labi.
"Hindi lang ang apelyido ni Justin ang babaguhin ko. Maging ang apelyido mo. Dahil sigurado na ako na mahal kita at maipagsigawan sa buong mundo na pag-aari kita," madamdamin niyang pahayag saka dahan-dahang idinikit ang labi sa noo nito.
"Good night, Stephanie,"
Nagising si Stephanie ng mga bandang alas sais y medya ng umaga. Bumangon siya at nagtungo sa cr para magmumog saka lumabas ng kwarto. Malapit na siya sa kusina ng marinig ang tawanan ng kaniyang mag-ama. Natigilan siya dahil sa terminong ginamit niya. Huminga siya ng malalim at akmang papasok na sa loob ng magsalita si Justin na ikinatigil niya.
"Papa, masaya ako dahil gagamitin ko na ang apelyido ninyo!" masigla nitong sabi. Natawa naman si Franco.
"Masaya din si Papa," anito.
"Pero papa papalitan mo rin ba apelyido ni mama?" inosenting tanong ni Justin. Sa murang edad nito ay madami na itong alam at madalas magtanong.
"Gusto mo bang palitan ni papa apelyido ni mama?" tanong ni Franco na naging dahilan para matigilan siya at tumibok ng mabilis ang kaniyang puso.
Sa totoo lang, nalungkot siya kagabi dahil mukhang walang balak na ipagamit ni Franco ang apelyido nito sa kaniya. Mapait siyang napangiti. Bakit naman nito ipapagamit ang apelyido sa kaniya? Alam naman niyang si Justin lang talaga ang sadya nito at hindi siya nito kailanman magugustuhan.
"Oo naman po! Di ba mahal mo si mama, papa?" tanong ni Justin. Napahawak si Stephanie sa kaniyang puso dahil sa lakas ng tibok niyon.
"Oo, anak. Mahal ko ang mama mo," sinsero nitong sabi. Napakagat-labi siya. Bakit nito sinasabi iyon? Bakit kailangan nitong magsinungaling kay Justin? Huminga siya ng malalim at pumasok sa loob.
"Good morning!" masiglang bati niya.
"Good morning, mama!" ganting-bati ni Justin. Tumikhim si Franco at lumapit sa upuan at hinila iyon.
"Maupo ka na. Nagluto ako ng agahan natin," anito at nagsimula na itong asikasuhin ang agahan nila.
Kung hindi niya lang alam na hindi siya nito gusto ay iisipin niyang sinsero ito sa mga ginagawa para sa kanila ni Justin. Pero alam naman niya na pagkukunwari lamang iyon alang-alang kay Justin.
Matapos kumain ay inihatid muna siya ni Franco sa kaniyang trabaho. Pinagbuksan pa siya nito ng pintuan na ikinasiya ng puso niya. Pagpasok niya sa loob ng restaurant. Abala ang lahat sa paglilinis dahil maaga pa naman. Nilapitan siya ni Charlene, isa sa kapalagayang-loob niya sa trabaho.
"Ang gwapo naman ng boyfriend mo. Kitang-kita talaga sa kilos niya at kung paano ka niya tingnan ang pagmamahal niya sa'yo," kinikilig nitong sambit. napakunot-noo siya.
"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan niyang tanong.
"Girl, makikita naman sa mukha at kung paano ka niya titigan eh dahil kahit ako mismo nakikita ko iyong kislap sa mga mata niya!" anito na may kasamang pagtili.
"HIndi ko siya boyfriend," aniya na ikinatigil nito.
"Huh?" Doon na siya nagkwento sa nakaraan niya at kung sino si Franco sa buhay niya at ang nararamdaman niya rin rito. Nanlalaki ang mga mata nitong habang nakikinig sa kaniya. Mapagkakatiwalaan si Charlene, kalog ito pero mapagkakatiwalaan.
"Sigurado ako na may gusto siya sa'yo. Hindi lang gusto, mahal ka niya," anito sa siguradong tinig.
Hindi na siya nagsalita pa dahil ayaw niyang umasa. Saka na lang siya maniniwala kapag si Franco na mismo ang nagsabi ng dalawang salitang iyon sa kaniya.

Book Comment (345)

  • avatar
    MusaFátima

    good

    3d

      0
  • avatar
    LacorteMarlyn

    maganda ang kuwento

    22d

      0
  • avatar
    Yodga Bagunao

    slmat

    18/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters