logo text

ONE NIGHT MISTAKE (Chapter 8)

Hindi maiwasang mapangiti ni Stephanie habang naghahanda ng meryenda para sa dalawa. Naglalaro kasi ang mga ito sa salas at panay hagikhik ni Justin. Hindi niya maiwasang mapakagat-labi habang hinahalo ang juice. Ngayon lang niya nakita ang anak na ganoon kasaya. Masaya siya para sa anak. Inilagay na niya sa tray ang pitchel ng juice, tatlong baso at tatlong biscuit saka lumabas ng kusina. Napabaling sa kaniya si Franco at sinuyod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Malapit lang kasi ang kusina sa salas. Maliit lang kasi ang bahay.
"Mama! Talo ko si papa!" sigaw ni Justin. Inilapag niya ang dalang tray sa mesa at tinabihan ang anak saka ginulo ang buhok nito.
"Talaga? Galing naman ng baby ko," aniya. Sumimangot ito.
"Ma! Hindi na ako baby," pagmamaktol nito. Natawa na lamang siya saka tumingin kay Franco na titig na titig sa kaniya. Ngumiti ito.
"Ang sarap niyo pagmasdan. Salamat sa pag-aalaga kay Justin," anito sa sinserong tinig. Ngumiti siya.
"Pa, ngayon na nandito ka na di ba aalagaan mo rin naman ako?" tanong ni Justin. Kahit kailan talaga ay napakabibo nito. Tumawa si Franco saka bahagyang ginulo ang buhok ni Justin.
"Oo naman. Aalagaan kita," tiningnan siya nito, "At aalagaan ko rin ang mama mo. Pangako iyan," anito habang titig na titg sa kaniya.
Napakagat-labi siya at nagbaba ng tingin. Alam naman niya na sinabi nito iyon para matuwa si Justin at hindi dapat siya mag-isip ng kung ano. Hindi niya maintindihan pero nasaktan siya sa isiping iyon.
"Yeheyy! Thank you, papa!" ani Justin at niyakap ang ama. Nag-angat siya ng tingin at tiningnan ang kaniyang mag-ama.
"Magmeryenda muna kayo. Tiyak na nagugutom na kayo," aniya at inilapag sa harapan nito ang tray ng meryenda.
"Mukhang masarap ito! Timpla mo eh," ani Franco na naging dahilan para kiligin siya. Oo, inaamin niya na attracted na siya sa binata. Magana silang nagmemeryenda at halos si Justiin ang natatanong kay Franco ng biglang tumunog ang cellphone nito. Kinuha nito iyon at tiningnan ang caller.
"Tumatawag si Alex. Sandali lang ah," anito na tinugon naman niya ng pagtango. Tumayo ito at lumabas ng bahay. Ilang sandali lamang ang hinintay nila bago ito bumalik. Kitang-kita niya ang lungkot sa mga mata nito.
"Kailangan ko ng umalis. May kailangan kasi akong asikasuhin," anito at hinalikan sa noo si Justin.
"Babalik ka po, pa?" tanong nito na may bahid ng lungkot ang boses. Tumango-tango naman ni Franco at ngumiti.
"Oo naman, babalik ako at may pasalubong ako sa iyo," anito. Nagtatalon sa tuwa si Justin. Hinila siya nito.
"Ihatid natin sa labas si papa, ma!" masigla nitong sabi. Wala na siyang nagawa kundi ang mapatayo na rin. Sabay-sabay na silang lumabas ng bahay. Nang maihatid nila sa tapat ng kotse si Franco ay nagsalita ito.
"Babalik ako mamaya. Dito ako matutulog," anito at tiningnan si Justin. "Okay ba iyon sa'yo kiddo?" Tumango-tango si Justin.
"Opo!" anito na may kasamang hagikhik. Akmang bubuksan na ni Franco ang kotse ng magsalita si Justin.
"Pa, asaan po ang kiss ni mama?" tanong nito na ikinabigla niya.
Ano ba ang naisip ng batang ito at sinabi iyon! Humarap si Franco sa kaniya at dahan-dahang lumapit sa kaniya. Kaylakas ng tibok ng puso niya ng mga sandaling iyon dahil sa kaalamang hahalikan siya nito. Unti-unting inilapit ni Franco ang labi sa kaniyang noo at kinintalan iyon ng isang masuyong halik.
"Pa, sa lips po!" angal ni Justin. Tiningnan niya ang anak.
"Justin! Saan mo natutunan iyan?!" galit niyang sabi.
"Kasi sabi po ni Tita Myla kapag mahal ng isang lalaki ang isang babae hahalikan daw po niya ito sa lips," inosente nitong sagot. Pag nagkita talaga sila ni Myla ay pagagalitan niya ito.
"Pero—" Naputol ang iba pa niyang sasabihin ng ilapat ni Franco ang labi sa kaniyang labi na naging dahilan para matulos siya sa kinatatayuan.
"Okay na ba iyon, kiddo?" tanong ni Franco. Pumalakpak si Justin.
"Thank you, po!" anito at niyakap sa hita ang ama.
"I have to go. Babalik ako rito," anito.
Doon lamang siya natauhan. Napatango na lamang siya dahil hindi niya kayang ibuka ang mga labi. Nang makaalis si Franco ay hindi niya maiwasang mapahawak sa kaniyang labi. Ano ibig sabihin ng halik na iyon? Gusto rin ba siya nito siya nito? Ipinilig niya ang ulo. Hindi! Marahil ginawa nito iyon para sumaya si Justin dahil lahat ng ginagawa nito ay para kay Justin.
"Papa!" rinig niyang sigaw ni Justin mula sa salas. Gumagawa kasi ito ng takdang aralin samantalang si Stephanie naman ay nagluluto ng hapunan. Nang marinig niya ang pagbanggit ni Justin ng papa ay biglang kumabog ng mabilis ang kaniyang dibdib. Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili. Nakarinig siya ng mga yabag na papalapit.
"Mama, nandito po si papa!" masiglang sabi ni Justin ng makapasok sila ni Franco sa loob ng kusina. Humarap siya sa mga ito at ngumiti sa binata.
"Hello, good afternoon," bati niya sa binata. Ngumiti ito na mas lalong nagpadagdag sa ka-gwapuhan nitong taglay.
"Good afternoon din. Anong niluluto mo?" tanong nito at inilapag sa mesa ang dala nitong paper bag na mukhang pagkain ang laman.
"Bumili ka pa ng ulam?" nagtataka niyang sambit. Mabuti na lang kanin pa lang ang niluluto niya.
"Oo, para hindi ka na mag-abala sa pagluluto ng ulam," anito at umupo sa sa silya. Binuhat nito si Justin at kinandong saka inilabas ang cellphone sa bulsa nito.
"Picture tayo, gusto mo?" tanong nito. Nag-isip pa si Justin at tumingin sa kaniya.
"Pwede po ba kasama si mama?" tanong nito na ikinanlaki ng mga mata niya. Tumingin sa kaniya si Franco.
"Oo naman basta request ng kiddo ko," anito.
Bumaba si Justin sa pagkakakandong kay Franco saka nilapitan siya at hinila patungo sa mesa. Umusog si Franco at pagkaupo niya ay inakbayan siya nito na naging dahilan para mapakagat-labi siya.
"Sandali po! Pipicturan ko po kayo," anito saka nilapitan si Franco at kinuha ang cellphone. Napapitlag siya ng hawakan nito ang kaniyang kamay na nasa ilalim ng mesa at pinisil iyon.
"Mama, papa, ngiti!" ani Justin kaya doon na natuon ang atensiyon nilang dalawa. Nang matapos silang kunan ni Justin ay tumayo na siya at naghanda na ng pagkain.

Book Comment (345)

  • avatar
    MusaFátima

    good

    3d

      0
  • avatar
    LacorteMarlyn

    maganda ang kuwento

    22d

      0
  • avatar
    Yodga Bagunao

    slmat

    18/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters