Nang marating ni Stephanie ang paaralan ni Justin. Pagkagising niya ay nakatanggap siya ng mensahe galing kay Myla na hindi nito masusunod si Justin. Pumasok siya sa loob at hinanap ang anak. Halos matigilan siya ng makita kung sino ang katabi ng kaniyang anak. Makakalimutan ba niya ang suot nitong damit at sa maganda nitong pangangatawan? Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Kitang-kita niya ang paggalaw ng labi ni Franco na kinakausap ang anak niya. Hindi, anak nila. Nagpakilala kasi sa kaniya ito kanina kaya alam niya kung ano pangalan nito. Huminga siya ng malalim at lumapit ng bahagya. "Justin?" tawag niya sa anak. Nakita niyang natigilan si Franco. Lumingon naman ag anak sa kaniya at patakbong lumapit sa kaniya. "Mama!" sigaw nito at niyakap siya. Tumayo ang binata at lumingon sa gawi nila. Kitang-kita ang gulat sa mukha nito. Hindi niya maiwasang mangamba ngayong alam na ng lalaki ang katotohanan. Matalim siya nitong tinitigan. "Anak mo?" tanong nito. "Mama, siya po si Tito Franco. Napakabait po niya! Kinausap po niya ako habang hinihintay ka. Bakit ikaw po nagsundo sa'kin? Wala po kayong work?" sabi ng kaniyang anak. Yumuko siya para magpantay ang kanilang mukha. "Doon ka muna sa tricycle, anak. Kakausapin lang ni mama si Tito Franco para pasalamatan ito. Okay ba?" tanong niya rito. Tumango-tango naman si Justin saka nilingon si Franco. "Bye po Tito Franco!" anito at kumaway saka umalis. Dahan-dahan naman siyang tumayo at tiningnan ang binata na ngayon ay matiim ng nakatingin sa kaniya. Kailangan na talagang malaman nito na may anak sila. Hindi niya pwedeng itago sa habang-panahon si Justin at gaya nga ng sabi ni Myla. Karapatan ni Justin na makasama at makilala ang ama nito at ayaw niya iyon ipagkait sa anak. Dahan-dahang lumapit si Franco habang titig na titig sa kaniya. "Sino si Justin? Anak ko ba siya? So, hindi totoo na hindi nagbunga ang nangyari sa'tin?" tanong nito. Kitang-kita niya ang sakit sa mga sinabi nito. Huminga siya ng malalim at sinalubong ang titig nito. "Sa bahay tayo mag-usap. Kanina pa naghihintay iyong tricycle. Doon ko ikwekwento lahat," aniya at tumalikod na. Hindi maiwasang mapahigpit ang pagkakahawak ni Franco sa manibela habang nakasunod sa tricycle na kinalulunanan nina Stephanie. Ibig sabihin ay anak niya si Justin. Gusto niyang magalit kay Stephanie dahil sa paglilihim nito pero hindi niya magawa. Baka may rason ito kung bakit niyo iyon nagawa. Nang medyo malapit na siya sa bahay na tinitirhan ng dalaga ay inihinto na niya ang sasakyan. Bumaba ang dalawa sa tricycle at kitang-kita niya ang pagsulyap ni Stephanie sa gawi niya. Pumasok ang dalawa sa loob. Ilang minuto rin ang pinalipas niya hanggang sa nagpasya na siyang lumabas at kumatok sa gate. Pinagbuksan siya ni Stephanie. "Pasok," anito. Sinundan niya ito hanggang sa loob. Pinaupo siya nito sa sofa. Samantalang naupo naman ito sa katapat niyang sofa. "Asaan si Justin?" tanong niya. "Nasa kusina kumakain," sagot nito. "Sandali at pupuntahan ko siya at ipapakilala kita bilang ama niya," anito at nagbaba ng tingin. Lumakas ang kabog ng dibdib niya sa sinabi nito. Ama na siya, magiging isang pamilya na sila ng babaeng pinangarap niya. Bago pa man ito makatayo ay nagsalita na siya. "Bakit inilhim mo sa'kin?" tanong niya na hindi naiwasan na malakipan iyon ng pait. Sobra siyang nasasaktan dahil sa limang taon niyang hindi nakasama ang kaniyang anak. Nagbaba ito ng tingin. "Dahil natatakot ako na baka kunin mo siya sa'kin. Hindi na kita ginising noon dahil sa sobrang takot. Inisip ko rin na bala may pamilya ka na. Humihingi ako ng pasensiya," Nag-angat ito ng tingin at sinalubong ang tingin niya. "Ngayon ko lang narealize na kailangan ni Justin ng ama at hindi ko pwede ipagkait iyon sa kaniya," anito. Kitang-kita niya ang halo-halong emosyon sa mukha nito. Bago pa man siya makapagsalita ay may tumawag na sa pangalan niya. "Tito Franco?!" Si Justin ang tumawag sa kaniya. Nabaling sila ni Stephanie sa gawi ni Justin na gulat na gulat. Tumakbo ito palapit sa kaniya at niyakap siya. "Tito Franco! Magkakilala kayo ni mama?" tanong nito habang titig na titig sa kaniya. Tiningnan niya si Stephanie para humingi ng tulong kung ano ang isasagot sa bata. Tumayo si Stephanie at nilapitan ang anak. "Justin, anak," tawag nito sa kanilang anak. Parang hinaplos ang puso niya dahil sa terminong "kanilang anak". Tumingin naman ang bata sa ina nito. "Mama, bakit po?" tanong nito. Tiningnan siya ni Stephanie. "Si Tito Franco mo ang iyong ama," anunsiyo nito na naging dahilan para yakapin siya ng mahigpit ng bata. "Pa!" anito. "Miss na miss ko na po kayo, pa!" anito habang umiiyak. Hinagod niya ang likod nito saka inilayo ng bahagya sa kaniya. Tinitigan niya ang anak. Hindi niya akalain na may anak na siya. Anak na mamahalin at aalagaan kasama ng babaeng gusto niya. "Nandito na si papa. Hindi na aalis si papa," aniya at hinalikan ito sa noo. Tiningnan niya si Stephanie. Kitang-kita ang saya sa mukha nito.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
good
3d
0maganda ang kuwento
22d
0slmat
18/04
0View All