logo text

ONE NIGHT MISTAKE (Chapter 6)

Hindi maiwasang mapatingin ni Franco sa dalagang natutulog sa kaniyang tabi. Kahit tulog ito ay maganda pa rin. Ramdam niya kanina ang tensiyon ng tanungin niya kung nagbunga ba ang nangyari sa kanilaa noon. Ramdam niya rin na may itinatago ito. Taga-rito ang kaniyang ina kaya napagpasyahan niyang magbakasyon muna rito at hindi niya aakalain na dito niya makakatagpo ang babaeng matagal ng laman ng kaniyang isipan. Ang babaeng hindi siya pinapatulog sa gabi. Naudlot ang kaniyang pagmumuni-muni ng tumunog ang cellphone niya na nasa dashboard. Kinuha niya iyon at sinagot.
"Bro!" si Drake na pinsan niya ang tumawag.
"May problema ba?" tanong niya.
"Pwede mo ba akong puntahan rito sa unibersidad? Ang boorriinngg! Nakakainis kasi si dad dahil ako ang tinawagan niya para asikasuhin ang mga dapat asikasuhin rito. Mababaliw ako dahil wala akong kausap!" Pagmamaktol nito. Bumuga siya ng marahas na hininga. Hindi talaga nananatili ng mag-isa si Drake sa isang lugar ng matagal. Mabilis itong makaramdam ng pagkabagot.
"Okay, pupunta ako diyan," aniya at pinatay na ang tawag. Napatingin siya sa babae.
"Sisiguraduhin ko na makakapasok ako sa buhay mo at kapag nangyari iyon hindi na kita pakakawalan pa," aniya at muling itinuon ang pansin sa daan.
Pagkatapos maihatid ni Franco ang babae na napag-alaman niyang Stephanie ang pangalan ay agad siyang nagtungo sa unibersidad. Habang daan ay nakapaskil ang matamis na ngiti sa mga labi niya dahil ibig sabihin unti-unti na siyang pinagkakatiwalaan ng babae dahil katunayan ng pagsabi nito ng pangalan sa kaniya.
Nang marating ni Franco ang Enriquez University na pag-aari ng Tito Rodel niya na ama ng pinsang si Drake ay kaagad siyang dumiretso sa oposina nito. Kapatid ng Tito Rodel niya ang kaniyang ina.
"Bro!" sigaw ni Drake ng mapagbuksan siya nito ng pintuan ng opisina saka siya nito inakbayan.
"Talagang mahal na mahal mo ako, no?" tudyo nito. Tinanggal niya ang kamay nito at umupo sa sofa na naroon. Katamtaman lamang ang laki ng opisina at kompleto sa gamit.
"Sira! May bayad to uy! Ilibre mo ako ng lunch," aniya. Natawa naman ang pinsan at sumang-ayon.
"Kailan mo naman balak mag-asawa bro?" tanong nito sa kaniya.
Napatitig siya rito. Hindi niya rin alam kung kailan niya balak mag-asawa. Biglang pumasok si isip niya si Stephanie. Natigilan siya. Bakit niya ito iniisip na para bang ito ang babaeng gusto niyang mapangasawa.
"Kapag nahanap at natagpuan ko na ang tamang babae para sa'kin," aniya. Natawa ito ng malakas.
"Paano mo mahahanap ang true love mo eh hindi ka nanliligaw? Iyong mga babaeng nagkakagusto sa'yo ay iniiwasan mo naman. Hay nako!" anito at napa-facepalm pa. Natawa siya.
"Ano ka ba, hindi pa naman ako lagpas sa kalendaryo kaya huwag kang kabahan dahil darating din tayo diyan," aniya na natatawa. Nagkwentuhan pa sila na may kasamang tawanan ni Drake. Hanggang sa sumapit ang oras ng pananghalian. Inilahad niya ang palad sa harapan nito.
"Dahil sinamahan kita, libre mo ang lunch," aniya na nakangisi. Nagbigay naman ito ng limang libo.
"Bilhin mo ang gusto mong bilhin," anito na parang labag pa sa loob nito.
Natawa na lang siya. Kuripot talaga ito. Lumabas na siya ng opisina nito at nilakad ang daan patungo sa parking area. Napatingin siya sa batang nakaupo sa waiting area hindi kalayuan sa parking area dahil mag-isa lamang iyon. Hindi niya alam pero magaan ang loob niya sa bata. Malungkot ito at mukhang hinihintay ang sundo. Dahan-dahan siyang lumapit sa bata at tinabihan.
"Sino hinihintay mo, pogi?" tanong niya. Tiningala siya nito.
"Si tita Myla po. Siya po kasi ang susundo sa'kin dahil nasa trabaho si mama baka nasa daan na po siya. Sino po kayo?" tanong nito.
"Franco ang pangalan ko. Ikaw? Ano ang pangalan mo?" tanong niya sa bata. Habang tinitigan niya ang bata parang nakikita niyang kahawig nito si Stephanie o baka namamalik-mata lamang siya.
"Justin po,"
"Asaan si papa mo? Bakit hindi siya ang susunod sa'yo?" tanong niya. Bigla itong nalungkot at kitang-kita niya ang pamumuo ng luha sa mga mata nito.
"Wala na po si papa. Iniwan po kami at pumunta po ng ibang-bansa kaya simula noong bata ako si mama na po ang nag-alaga sa'kin," paliwaang nito. Hindi niya maiwasang makaramdam ng galit sa ama nito dahil sa ginawang pag-iwan sa pamilya nito.
"Miss na miss mo ba si papa?" tanong niya. Tumango-tango siya.
"Opo, sobra po!" anito na kakikitaan ng excitement ang mukha. Tatanungin na sana niya kung ano ang pangalan ng mama nito ng biglang may magsalita sa kanilang likuran.
"Justin?" Natigilan siya. Parang pamilyar sa kaniya ang boses ng babae. Lumingon ang bata.
"Mama!" anito at tumakbo palapit sa ina. Samantala, dahan-dahan namang lumingon si Franco at halos magunaw ang mundo niya ng makita ang babaeng laging laman ng kaniyang isipan. Napatayo siya. Ano ibig sabihin nito? May anak ito? Kung anak nito ang bata ay posibleng siya ang ama ng bata.
"Anak mo?" tanong niya sa matalim na boses.

Book Comment (345)

  • avatar
    MusaFátima

    good

    4d

      0
  • avatar
    LacorteMarlyn

    maganda ang kuwento

    22d

      0
  • avatar
    Yodga Bagunao

    slmat

    18/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters