"WHAT?! Nagkita kayo ng lalaking pinagbigyan mo ng sarili mo?!" gulat na sambit ni Myla ng tawagan niya ito kanina habang pauwi siya. Kailangan niya kasing masabi rito ang nangyari kanina. Tumango siya. "Anong gagawin ko? Paano kung nalaman niya may anak kami? Baka kunin niya sa'kin si Justin?" nag-aalala niyang tanong. "Mukhang hindi naman siguro niya gagawin iyon. Ikaw ang ina ni Justin—" Pinutol na niya ang iba pa niyang sasabihin. "Myla, walang imposible sa mayayaman. Kayang-kaya nilang mabili lahat ng gusto nila. Hindi ako papayag na kunin niya sa'kin si Justin!" sigaw niya na may kasamang panlilisik ng mga mata na ikinabigla ni Myla. "Nag-ooverthink ka masyado, Stephanie. Alalahanin mo siya pa rin ang ama ni Justin at may karapatan siya sa bata. Isipin mo rin si Justin. Kaytagal niyang gustong magkaroon ng ama di ba? Ipagkakait mo ba iyon sa kaniya?" tanong nito na naging dahilan para matigilan siya. Totoo lahat ng mga sinabi ni Myla. Karapatan nga naman ng bata na malaman ang tunay nitong ama. Ang idinahilan niya kasi ay naghiwalay sila at nangibang-bansa ito. Ayaw man niya magsinungaling sa anak pero kailangan. Huminga siya ng malalim dahil pakiramdam niya mas lalong bumigat ang problema niya. Pagpasok ni Franco sa loob ng restaurant na pinagtratrabahuhan ng babae ay agad siyang puwesto sa mesa na nasa gilid. Pagkaupo niya ay sakto namang lumabas ang babae mula sa loob at nagsimula ng magtrabaho. Napakaganda pa rin talaga nito. Hindi nakakasawa ang taglay nitong kagandahan. Parang hindi ito tumanda sa nakalipas na limang taon na hindi nila pagkikita. Napakunot-noo siya ng hawakan nito ang noo nito na animo'y may iniindang sakit. Akmang iseserve na nito ang dalang tray ng bigla iyong mabitiwan ng babae na naging dahilan para matapunan ng pagkain ang babae na nakaupo mesa. Napatayo ito. "Oh my god! What have you've done?!" singhal ng babaeng natapunan dito. Yumuko ito. "Sorry po, Ma'am. Hindi ko po sinasadya," hinging-paumanhin nito. Napatayo na rin siya dahil sa labis na pag-aalala sa dalaga. Lumabas ang isang unipormadong babae sa kitchen at lumapit sa dalawa. "Anong nangyayari?" tanong nito na nakakunot-noo. "Tinapunan niya ako ng pagkain! Hindi mo ba alam kung gaano kamahal iyang pagkaing natapon mo?! Kulang pa iyan sa sasahurin mo ngayon! Kailangan niyo siyang bigyan ng leksiyon!" sigaw ng babae. Halos lahat ng mga naroon ay nakatingin sa nangyayari. "Huwag po kayong mag-alala sususpendihin po namin siya," anang babaeng unipormado na marahil ay manager na naging dahilan para magpanting ang taenga niya. Umalis siya sa mesa at nilapitan ang mga ito. "Magkano ba ang kailangan mo?" madiin niyang sabi sa babaeng natapunan ng pagkain. Tiningnan siya nito. Kitang-kita sa mukha nito ang pagkagulat. Napanganga ito. "Aah," anang babae na hindi maapuhap ang sasabihin. Tiningnan niya ang manager. "Makakaabot ito sa may-ari. The owner of this restaurant is my bestfriend. Bago ka magdesisyon, balansehin mo muna ang sitwasyon," aniya. Kitang-kita niya ang takot sa mga mata ng manager at ang paglunok nito. Humugot siya sa ng malalim na hininga at kinuha ang pitaka sa bulsa saka nag-abot ng limang libo sa babae. "Siguro sapat ng kabayaran iyan sa ginawa niya sa iyo," aniya saka hinawakan ang kamay ng dalaga at iginiya palabas ng restaurant. Hindi maiwasang mapatingin ni Stephanie sa magkahawak nilang kamay ng estranghero. Hindi niya mawari pero nakaramdam siya ng bolta-boltaheng kuryente dahil sa pagkakadaiti ng kanilang balat. Kaagad siyang bumitaw sa pagkakahawak nito. Lumingon ito sa kaniya. "Kailangan kong bumalik. Baka magalit sakin—" Pinutol na nito ang iba pa niyang sasabihin. "Ako na ang bahala. Kakausapin ko si Alex. Ang may-ari ng restaurant," anito habang titig na titig sa kaniya. "Gusto kitang makausap." Huminga siya ng malalim. Mabuti na nga iyong mapag-usapan nila ang tungkol sa nangyari sa kanila limang taon na ang nakakaraan. Para tigilan na rin siya nito. Tumango siya bilang pagsang-ayon. "Okay," sinundan niya ito patungo sa parking area. Binuksan nito ang pintuan ng sports car nito. Tiningnan siya nito. "Sakay," anito na dagli naman niyang sinunod. Nang makasakay siya ay pumasok ito sa driver's seat. Wala ng sinayang na oras si Stephanie. "Ano ang kailangan mo?" tanong niya agad. "Gusto kong malaman kung nagbunga ang nangyari sa'tin noon," anito at nakita niyang sinulyapan siya nito. Kumabog ng malakas ang dibdib niya sa tanong nito. "Hindi nagbunga iyon kaya wala ka ng dapat ipag-alala. Aalis na ako. Tutal hindi naman na ako makakapasok, uuwi na lang ako para makapagpahinga," "Ihahatid kita," suhestiyon nito. "Hindi na," pagtanggi niya. Akmang bubuksan na niya ang pintuan ng passenger's seat ng muli itong magsalita na naging dahilan para matigilan siya. "Bakit? May itinatago ka ba kaya ayaw mong ihatid kita sa inyo?" tanong nito. Tiningnan niya ito ng masama. "Hindi kita kilala!" singhal niya. Ngumisi ito. "Talaga? Bakit ginusto mong mangyari sa'tin?" tudyo nito na naging dahilan para uminit ang pisngi niya. Nagbaba siya ng tingin. "Wala akong matandaan sa nangyari. Okay! Para matapos na ito ay ihatid mo na ako," aniya saka sinabi rito ang address niya at humalukipkip. Nagsimula naman ng maniobrahin ng binata ang sasakyan. Habang daan ay nakaramdam siya ng antok. Lintik kasi itong lalaking katabi niya dahil binigyan siya ng problema dahilan para hindi siya makatulog kagabi kakaisip rito! Ipinikit niya ang mga mata at ilang sandali pa ay nakatulog na siya.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
good
4d
0maganda ang kuwento
22d
0slmat
18/04
0View All