Abala si Stephanie sa pagpreprepara ng babaunin ng anak ng umagang iyon para sa pagpasok sa paaralan. Limang taon na ito at nasa Preparatory na. Samantalang siya naman ay nagtratrabaho sa isang restaurant bilang isang crew. Hindi siya naka-graduate ng Kolehiyo dahil pagkatapos ng isang buwan ay nabuntis siya. Nagbunga ang isang gabing may nangyari sa kanila ng estranghero. Ganoon pa man ay wala siyang pinagsisisihan dahil biniyayaan siya ng isang napakapogi at napaka-mapagmahal na anak, si Justin. Nagpapasalamat din siya sa kaniyang magulang dahil tinanggap nila ng buong puso ang nangyari sa kaniya. Hindi na rin kasi niya naipagpatuloy ang pag-aaral dahil umuwi ng bansa ang kaniyang ama dahil nawalan ito ng trabaho. Nagsarado ang kompanyang pinagtatrabahuhan nito. Pagbubukid na lang ang trabaho ng kaniyang ama. Nasa probinsiya ang kaniyang magulang dahil naroon ang pag-aaring bukid nila na namana ng kaniyang ina. Kaya mag-isa niya rito sa bahay. Hindi naman niya pwede iasa sa magulang ang pangangailangan nilang mag-ina. Hindi siya nakahanap ng mas magandang trabaho dahil ang hinahanap sa mga kompanya na gusto niyang applayan ay college graduate kaya sa pagiging service crew siya napunta. Pero masaya naman siya sa ginagawa niya. Hindi man gaanong kalakihan ang sahod, nakakasapat naman iyon sa kanila. "Oh, nakabihis na pala si baby boy," ani Myla sa kaniyang anak ng pababa na ito sa maliit nilang hagdan na komokonekta sa kanilang mga kwarto. Sumimangot si Justin. "I'm not baby boy, anymore, Ta!" pagmamaktol nito na ikinatawa niya. Hinarap niya ang anak. "Be a good boy, okay? Magwowork na si mama para may baon ka," aniya at ngumiti rito. Lumamlam ang mukha ng bata. "Thank you, ma for being a good mother to me. I love you so much," anito at hinalikan siya sa pisngi. Napakagat-labi siya para pigilin ang luhang gustong kumawala sa kaniyang mga mata. Tiyak na magtatanong na naman ang anak kapag nakita nitong umiiyak siya. "Let's go!" masiglang sabi ni Myla. She mouthed thank you to Myla. Ngiti lamang ang isinagot nito. Kumaway na ang anak bilang pamamaalam. Agad naman siyang nagtungo sa kaniyang kwarto para magbihis para sa pagpunta sa trabaho. Abala si Stephanie sa pagseserve sa isang mesa ng mga sandaling iyon ng magawi ang kaniyang paningin sa isang mesa sa di-kalayuan. Ganoon na lamang ang paglakas ng kabog ng kaniyang dibdib ng mamukhaan kung sino iyon. Ano ang ginagawa nito rito? Kailanman ay hindi niya makakalimutan ang mukhang iyon. Bigla itong nag-angat ng tingin at nagtama ang kanilang mga mata. Agad siyang nagbaba ng tingin. Nakikilala pa kaya siya nito? Ang daming tanong na tumatakbo sa kaniyang isipan ng mga sandaling iyon. Nang matapos i-serve ang laman ng dala niyang tray sa mesa ay dali-dali siyang nagtungo sa rest room para pakalmahin ang sarili lalo na ang pusong kaybilis ng tibok. Huminga siya ng malalim at pinakatitigan ang repleksiyon sa salamin. "Nagkataon lang siguro na narito siya. Limang taon na iyon Steph kaya baka nakalimutan ka na niya," sambit niya sa sarili saka inaayos ang sarili at lumabas ng rest room. Muli ay huminga siya ng malalim at bumalik sa ginagawa. "Stephanie pakibigay nga ito sa table 13. Kanina pa ako naiihi eh," suyo sa kaniya ng kasamahang crew. Kinuha naman niya iyon saka nagtungo na sa table 13. Halos manlaki ang mga mata niya ng mapagtanto kung kaninong table iyon. Bakit ngayon pa? Huminga siya ng malalim at pinanatili ang sarili na kalmado kahit na anumang oras ay hihimatayin na siya sa nerbiyos lalo na ng titigan siya nito. Nang makalapit siya ay inilapag na niya ang order nito sa mesa. "Sa wakas, nagkita rin tayo," anito sa mahinang tinig na siya lamang ang nakakarinig. Natigilan siya. Ano ang ibig sabihin nito? Nag-angat siya ng tingin at tiningnan ito. Tipid siyang ngumiti. "Pasensiya na po, sir pero hindi po kita kilala," aniya at akmang aalis na sa harapan nito ng muli itong magsalita. "Ako lang naman ang lalaking nakakuha sa pagka-birhen mo," anito. Mabuti na lang at hindi pa gaanong madaming tao ng mga sandaling iyon kaya siya lamang ang nakarinig non. Medyo may kalayuan din kasi ang ibang mesa na may umuookopa. Hindi na niya ito pinansin at nagtuloy-ttuloy sa pag-alis. Nagpapasalamat si Stephanie dahil makalipas ang apat na oras ay wala na ang lalaki. Kaya komportable na niyang nagawa ang trabaho niya hanggang sa sumapit ang oras ng out niya. Nasa locker room siya ng mga sandaling iyon. "Ang gwapo ng isang costumer natin kanina! Iyong nakasuot ng leather jacket! Grabee!" tili ni Jessa na halatang kilig na kilig habang nakatingala at mukhang iniisip ang mukha ng lalaki. "Nakita ko nga eh. Ang hot!" ani Jean sabay hagikhik ng dalawa. Natigilan siya. Kilala niya ang tinutukoy ng mga ito. Oo, gwapo talaga ang lalaki. Isinukbit niya ang kaniyang bag at nagpaalam na siya sa mga katrabaho. Naghintay siya ng masasakyan di-kalayuan sa restaurant. Biglang tumaas ang balahibo niya sa batok na para bang may nagmamasid sa kaniya. Hindi na lamang niya iyon pinansin. "Bakit ka umalis ng umagang iyon na hindi mo man lang ako kinakausap?" Halos mapatalon siya sa gulat dahil sa baritonong boses na iyon. Agad siyang napalingon. "Ano ba—" Naputol ang sasabihin niya ng mapagsino ang nasa kaniyang likuran. Nag-iwas siya ng tingin ng maisip ang sinabi nito. "Ka-limutan mo na iyon. Tapos na iyon," aniya. Tinitigan siya nito ng maigi. Hindi niya alam pero ang lakas ng kabog ng dibdib niya ng mga sandaling iyon. "Pasensiya pero hindi ko iyon makakalimutan," anito saka inilapit ang mukha sa kaniyang taenga. "Ngayong nakita na kita hindi ka na makakatakas pa," anito saka pinara ang papalapit na tricycle sa kanila. Siya naman ay natulos sa kinatatayuan ng mga sandaling iyon. Nang makapara ito, hinawakan nito ang braso niya at iginiya siya papasok sa loob. "Ingatan mo siya. Kapag may masamang nangyari sa kaniya. Mananagot ka sa'kin," anito sa nagbabantang tinig. Napatango-tango naman ang driver at kitang-kita ang pangangatog ng tuhod. "Opo, sir!" sagot nito. Kaba, takot at pagkabalisa ang nararamdaman ni Stephanie ng mga sandaling iyon dahil mukhang magugulo ng estranghero ang buhay niya. Hindi niya hahayaan na malaman nito na may anak sila!
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
good
4d
0maganda ang kuwento
22d
0slmat
18/04
0View All