logo text

ONE NIGHT MISTAKE (Chapter 3)

Nagising si Stephanie na masakit ang katawan at ulo. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at iginala ang paningin sa kung saan siya naroon. Mas lalong sumakit ang kaniyang ulo ng mapagtantong nasa hotel siya. Anong ginagawa ko rito? Tanong niya sa sarili. Hanggang sa mapadako ang paningin niya sa lalaking katabi. Nanlalaki ang mga mata niyang napatitig sa estranghero na payapang natutulog.
"Oh my God!" bulalas niya sa sarili ng mapagtanto ang mga nangyari. Doon niya lang din naramdaman na masakit ang pagitan ng kaniyang hita.
"Hindi pwede, hindi pwede!" sigaw niya sa sarili sa mahinang tinig at naihilamos ang mga kamay sa mukha dahil sa prusrasyong nararamdaman.
Pinakatitigan niya ang estranghero. Napaawang ang kaniyang labi ng makilala ito. Ito iyong lalaki na nakita niya sa bar na katabi ng mesa niya. Paanong nangyari na naidala siya rito sa hotel? Pilit niyang inaalala ang mga nangyari pero mas lalo lamang sumasakit ang ulo niya. Bumaba siya ng kama at dinampot ang mga damit niya na nagkalat sa sahig at isinuot iyon. Muli sinulyapan niya ang estranghero na pinag-alayan niya ng sarili at tuluyan ng lumabas ng silid na iyon. Habang lulan ng elevator, pumatak ang luha sa kaniyang mga mata dahil ang puring iniingatan niya ay naibigay niya na sa isang lalaki na hindi niya kilala.
"Life sucks," bulong niya sa sarili at napabuntong-hininga.
Huminga ng malalim si Stephanie bago kumatok sa pintuan ng bahay ng lolo't lola ni Myla. Ilang sandali pa ay bumukas na iyon at nakita niya ang mukha ng kaibigan. Pag-aalala agad ang rumehistro sa mukha nito ng makita siya. Lumapit ito sa kaniya at hinawakan ang braso niya.
"Saan ka nanggaling Stephanie? Alam mo bang kagabi pa lang sobrang nag-aalala na ako sa'yo? Tinatawagan kita pero hindi nagriring ang cellphone mo. Tumawag pa kagabi sina tita at tinatanong ka. Sinabi ko na lang na tulog ka na at nagchacharge ang cellphone mo. Ano ba ang nangyari at ngayon ka lang?" punong-puno ng pag-aalala nitong sabi. Kahit may pagka-maldita si Myla ay talagang makikita ang tunay na pagiging kaibigan nito sa ganitong sitwasyon. Napakagat-labi siya at hindi alam kung paano ipapaliwanag sa kaibigan ang nangyari.
"Steph? May gumawa ba ng masama sa iyo? May nanakit ba sa'yo?" Umiling siya saka pumasok sa loob ng bahay at naupo sa sofa.
"Hindi na ako birhen, Myla!" sigaw niya at itinakip ang palad sa mukha dahil sa kahihiyan. Dagli itong lumapit sa kaniya at tinabihan siya.
"Sino ang maswerteng lalaki?" tanong nito. Natanggal niya ng wala sa oras ang dalawang palad sa mukha at tinitigan ng masama ang kaibibigan. Ang lakas talaga ng topak nito.
"Hindi ka ba mag-aalala sa'kin?" pang-aasar niya.
"Nag-aalala ako sa'yo pero mukha namang hindi ka pinilit dahil wala ka namang mga pasa eh. Atleast ngayon natikman mo na ang luto ng Diyos," anito sabay ngisi.
Napabuntong-hininga siya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at pilit na inalala ang nangyari. Nang mga sandaling iyon ay natatandaan niya na lahat! Ikwenento niya sa kaibigan ang nangyari at ang lalaking nakauna sa kaniya na kilala niya sa mukha.
"Bakit hindi mo siya ginising?! Dapat sinabi mo na panagutan ka niya! Aba! Kinuha niya ang puri mo at dapat lang na panagutan ka niya!" sigaw nito at gusto niyang matawa sa ekspreksiyon ng mukha nito dahil anumang oras ay parang makikipagdigma na ito. Napangiti siya dahil kahit papaano gumaan ang pakiramdam niya. Umiling siya.
"HIndi pwede. Baka mamaya may pamilya na pala siya at ayaw kong makasira ng pamilya," aniya sa nalulumong tinig. Tiningnan siya na para bang nasisiraan siya ng bait.
"Steph! Paano kung mabuntis ka, huh?!" singhal nito sa kaniya. Natigilan siya. Ngayon lang niya naisip iyon. Paano nga ba kung mabuntis siya? Ano ang gagawin niya? Paano na lang ang pag-aaral niya?
"Kung sakali man na magbunga handa kong buhayin ang anak ko. Walang kasalanan ang bata sa nangyari," Nagbaba ng tingin ang kaibigan.
"Sorry, kasalanan ko ito. Kung hindi sana kita iniwang mag-isa sa mesa eh di sana walang mangyayaring ganito," anito na mahihimigan ang guilt sa boses. Hinawakan niya ang kamay nito.
"Wala kang kasalanan. Walang may gusto ng nangyari. Nandito na eh. Ang problema ko na lang ay kung paano ko ipapaliwanag kina mama at papa ang nangyari kung sakaling magbunga ang naging kapabayaan ko," aniya at napabuntong-hininga. Alam niyang magagalit ang mga ito dahil hindi siya nakinig sa mga ito. Nasa huli talaga ang pagsisisi.
Nagising si Franco na mataas na ang sikat ng araw. Napapikit siya dahil sa tama ng sikat ng araw na tumatama kaniyang mukha. Ginawa niyang pantakip ang kaniyang braso. Napatingin siya sa kaniyang tabi at ganoon na lamang ang panlulumo niya ng makitang wala na roon ang babaeng nakasama niya kagabi. Ang babaeng nagparamdam sa kaniya ng atraksyon na noon lamang niya naramdaman. Agad siyang napabangon.
"Sh*t! Bakit ba kasi tulog mantika ako!" paninisi niya sa sarili.
Umalis siya sa kama, nagbihis at lumabas ng hotel saka sumakay sa kaniyang sports car at pinasibad iyon patungo sa bahay ng kaibigang si Alex. May bahay kasi ito rito dahil malimit silang mamasyal sa lugar na ito. Hindi siya papayag na makatakas sa kaniya ang babae lalo at siya ang nakakuha sa pagka-birhen nito. Isa pa, attractracted siya sa babae. Nang marating iyon, nag-doorbell siya at kaagad naman iyon binuksan ng kaniyang kaibigan.
"Oh, brad? Saan ka ba galing at hindi na kita nakita kagabi? Inisip ko na lang na may babae ka na namang diniskartehan," nakangisi nitong ani. Tumuloy siya sa loob at naupo sa sofa na naroon saka naihilamos ang mga palad sa mukha.
"May nangyari sa'min ng babaeng nasa katapat nating mesa," pagtatapat niya. Mapagkakatiwalaan si Alex, kahit palabiro ito ay alam nito ang mga dapat ilihim at hindi kaya panatag ang loob niya na magsabi rito ng mga ganitong bagay.
"Ang bilis, bro!" anito na natatawa. "Eh, bakit parang problemado ka?" tanong nito na nakakunot-noo. Huminga siya ng malalim at tinitigan ang kaibigan.
"Umalis siya. Ako ang nakauna sa kaniya at tatlong beses na may nangyari sa'min. Paano kung mabuntis ko siya? Kailangan ko siyang panagutan kung sakali!" sigaw niya na ikinabigla ng kaibigan.
"Pre, relax! Ano naman ngayon kung mabuntis mo siya? Kasalanan niya na iyon dahil nilayasan ka niya."
"Pre, kung sakaling mabuntis siya may karapatan ako sa bata. Kailangan ko ng tagapagmana, Alex. Isa pa, attracted ako sa babae, parang hindi ko ata kakayanin na may ibang lalaki na papasok sa buhay niya," aniya.
Ganoon talaga siguro kapag na-love at first sight ka isang tao. Iba iyong nararamdaman niya sa babae ng gabing iyon kaya ng ginusto nito na may mangyari sa kanila ay sinunggaban niya na para ipagpilitan nito na panagutan siya ngunit mukhang nagkamali siya dahil umalis ang babae. Hindi niya maiwasang makaramdam ng kirot na hindi attracted ang babae sa kaniya. Huminga ng malalim si Alex na para bang ito ang mas nahihirapan sa sitwasyon niya.
"Anong plano mo?" tanong nito. Tinitigan niya ng matiin ang kaibigan
"Hahanapin ko siya, Alex. Hahanapin ko siya saan man sulok ng bansa siya naroon," aniya sa determinadong tinig. Ngayon lamang siya nagkagusto sa isang babae ng ganito. Sisiguraduhin niya na matatagpuan niya ito at mapapaibig.

Book Comment (345)

  • avatar
    MusaFátima

    good

    4d

      0
  • avatar
    LacorteMarlyn

    maganda ang kuwento

    23d

      0
  • avatar
    Yodga Bagunao

    slmat

    18/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters