logo text

ONE NIGHT MISTAKE (Chapter 2)

Naging maganda at maayos at higit sa lahat ay nag-enjoy si Stephanie sa pagbabakasyon sa probinsya ng kaibigan. Nakilala rin niya ang mga pinsan ni Myla at naging palagay ang loob niya sa mga ito. Maging ang lolo at lola nito. Nangako siya na susunod na bakasyon ay mamasyal siya ulit na ikinasiya naman ng kaibigan.
Ika-limang araw ni Stephanie at niyaya siya ng kaibigan na magpunta sa Glaire's Bar ng gabing iyon. Ang bar na tinutukoy nito noon na madaming namamasyal o pumupuntang mga negosyante o kaya ay apat na M na naghahanap ng masisilo na dalaga.
"Tinatamad ako, Myla. Alam mo naman na hindi ako mahilig sa mga ganiyan, di ba? Magpasama ka na lang kay Elena," aniya. Hindi niya alam pero wala siya sa mood ng mga sandaling iyon. Si Elena ay pinsan nito. Naghalukipkip ito.
"Nakakatampo ka naman!" nagmamaktol nitong sabi. Bigla naman siyang nakonsensiya. Sinasamahan siya nito sa mga gusto niyang puntahan pero heto ang nagyayaya ay tinatanggihan niya.
"Oo na! Sasamahan na kita," aniya na ikinatuwa nito at dagli siyang niyakap.
"Thank you, best friend!" anito at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kaniya na parang nasasakal na siya.
"Oo na, Myla! Tanggalin mo na ang pagkakayakap mo dahil nasasakal na ako!" aniya na dagli naman nitong ginawa. Tumayo ito at nagmamadaling lumabas ng kaniyang silid. Nang nasa labas na ito ay binalingan siya.
"Magbibihis lang ako. Magbihis ka na rin! Kailangan maging maganda tayo ngayon. Minsan lang ito kaya sulitin na natin," anito saka kumindat na may kasamang paghagikhik.
Huminga siya ng malalim at tumayo mula sa pagkakaupo sa kama at naghanap ng damit na pwedeng suotin kaso wala siyang makita. Ilang sandali pa ay bumukas ang pintuan at pumasok si Myla na may dalang itim na dress. Ipinakita nito iyon sa kaniya.
"Ayan, suotin mo! Tiyak na maraming lalaki na mapapatingin sa iyo," anito na nakangisi. Napakunot-noo siya at tinaasan ng kilay ang kaibigan.
"Myla, hindi ako nagsusuot ng ganito!"
Paano ba naman kasi hanggang kalahati ng hita ang haba niyon at talagang hahakab sa kaniyang katawan sa sikip niyon. Bilugan ang kaniyang pangangatawan at kayang-kaya niyang dalhin ang dress pero nunkang magsusuot siya ng ganoon! Sumimangot ito.
"Minsan lang naman ito, Stephanie. Saka hindi naman kita pababayaan, eh. Magtatampo na talaga ako niyan," anito na nakanguso. Sabagay, tama nga naman ito. Minsan lang naman talaga ang ganitong pagkakataon. Gaya nga sabi ng kaibigan ay hindi siya nito pababayaan. Huminga ng malalim.
"Okay, susuotin ko na," aniya na ikinatalon ng kaibigan sa tuwa.
Umalis na ito para magbihis at siya naman ay nagsimula ng mag-ayos ng sarili. Siniguro niyang maganda siya ng mga sandaling iyon. Gaya nga ng sabi ng kaibigan, minsan lang ito kaya susulitin niya na lalo at ilang araw na lang ay babalik na sila.
Alas dyes na ng marating nila ang Glaire's Bar. May kalayuan iyon kaya inarkila nila ang tricycle ni Badong na pinsan ni Myla na isang tricycle driver. Sa labas pa lang ay kitang-kita na ang nagkakasiyahang mga tao sa loob. May napapaindak na rin dahil sa saliw ng musika na pumapailanlang sa loob ng bar. Umabrisete sa kaniya si Myla at hinila siya papasok sa loob ng bar. Pagpasok nila ay halos mapatakip siya ng taenga dahil sa sobrang ingay.
"Myla, tama ba ito?" malakas siyang sabi para marinig siya nito.
"Oo naman! Gaya nga ng sabi ko ay minsan lang ito," tugon nito saka itinuro ang bakanteng mesa hindi-kalayuan. "Upo tayo doon," paanyaya nito saka siya muling hinila.
Pagkaupo nila ay tinawag na ni Myla ang waiter sa hindi-kalayuan at nag-order ng maiinom. Light drink lang ang inorder niya dahil ayaw niyang malasing. Biglang pumailanlang ang kantang Careless Whisper. Tumayo si Myla at nagpaalam na sasabay sa mga nakikisayaw. Ayaw man niyang maiwang mag-isa pero hindi naman niya pwedeng tutulan ang gusto ng kaibigan na magsaya kaya pumayag siya.
"Brad, doon tayo!" sabi Alex ng makapasok sila ni Franco sa loob ng Glaire's Bar. Katatapos lamang ng isang business meeting nila at napagpasyahan na dumiretso rito sa bar para magsaya. Hindi naman siya mahilig sa mga ganito. Nagtungo na sila roon at hindi naiwasang mapatingin sa isang babae na nakaupo sa isang mesa sa tapat ng mesang itinuro ng kaibigan. Maganda ito at bilugan ang mukha. Sa tantiya niya ay nasa edad disinuwebe pa lamang ito.
Nang makaupo sila sa mesa ay agad na tinawag ni Alex ang waiter at nag-order ng maiinom. Samantalang siya naman ay nakatingin lamang sa babae na abala sa cellphone na hawak. Nasa kanang bahagi ito ng mesa. Bigla itong tumingin sa gawi nila at pinasadahan lamang siya ng tingin at muling ibinalik ang tingin sa cellphone. Hindi niya maiwasang mainsulto. Hindi man lang niya nakakitaan ng paghanga ang mga mata nito. Ewan, pero naiirita siya dahil hindi siya nito pinag-ukulan ng pansin.
"Type mo, no?" bulong ng kaniyang kaibigan. Tiningnan niya ito at kitang-kita ang ngisi sa mga labi nito. Kinuha niya ang alak na nasa mesa at uminom na hindi niya napansin na naibigay na pala ng waiter.
"Hindi, ah. Mukhang Kolehiyala at bata pa," aniya. Tumawa lamang ang kaibigan at biglang tumunog ang cellphone nito. Sinagot naman nito iyon.
"Sandali lang may tumatawag. Labas muna ako, pre," paalam nito.
Tumayo ito at umalis sa kinauupuan saka lumabas ng bar. Mukhang ang kasintahan nito ang tumatawag. Muling napatitig siya sa babae at hindi maiwasang mapatingin sa hita nito na nalantad. Maputi ito at makinis ang balat at bilugan rin ang katawan. Nagsalubong ang kilay niya ng may lalaking umupo sa katapat nitong upuan.
"Hello, miss. Are you alone?" tanong nito. Tiningnan niya ang lalaki. Namumula ang mukha nito dahil sa kalasingan. Nag-angat naman ng tingin ang dalaga.
"May kasama po ako kaso nakikipagsayaw. Bakit po?" tanong nito pero ramdam niya sa boses nito ang takot sa lalaki. Tiningnan ng lalaki ang inumin ng dalaga saka ipinatong ang kamay roon. Bakit ginawa nito iyon?
"So, lady's drink, huh?" Tanong nito. Tumango ang babae.
"Opo, hindi po kasi ako umiinom ng hard drinks baka malasing po ako," katwiran ng babae.
Kinuha ng babae ang baso at uminom roon dahil siguro sa nerbiyos kaya napainom ito. Kitang-kita niya ang pagngisi ng lalaki. Nanlaki ang mga mata niya. Alam niya na kung bakit iyon ginawa ng lalaki sa inumin ng babae lalo na ng makita niya na napasapo sa ulo ang babae. Napatayo ang babae habang sapol ang ulo.
"Mukhang tinamaan ako. Sanay naman ako uminom ng lady's drink pero bakit sumakit bigla ang ulo ko," anito.
Naikuyom niya ang kamao. Tumayo ang lalaki at lumapit sa babae pero bago pa man makalapit ito ng tuluyan ay tumayo na rin siya at nilapitan ang babae na nakasapo pa rin ang kamay sa ulo.
"Wait, kasama niya ako. Ako na ang bahala sa kaniya," aniya. Tiningnan siya ng masama ng lalaki.
"Wala siyang kasamang lalaki. Iyon ang sinabi nito kanina," anito. Tinitigan niya rin ito ng masama.
"Boyfriend niya ako at hindi niya napansin na nandito ako. Ipipilit mo ba ang gusto mo o irereport kita sa ginawa mong paglalagay ng kung anong gamot sa inumin niya?" tanong niya sa nagbabantang tinig. Napaatras ang lalaki dahil sa takot saka dali-daling umalis. Nakahinga siya ng maluwag at nilapitan ang dalaga at inakbayan ito.
"Saan ba ang kasama mo?" tanong niya.
Kaso laking gulat niya ng bigla na lang itong pumihit paharap sa kaniya at siniil siya ng halik sa labi. Nabigla siya pero kalaunan ay nagustuhan niya ang lasa ng labi nito pero halata na hindi ito eksperto kaya wala na siyang sinayang na sandali. Siya na ang kusang humalik rito at hinapit ito palapit sa kaniya. Ganoon talaga siguro kapag nagkagusto ka sa unang pagkikita o kung tawagin ay love at first sight.

Book Comment (345)

  • avatar
    MusaFátima

    good

    4d

      0
  • avatar
    LacorteMarlyn

    maganda ang kuwento

    23d

      0
  • avatar
    Yodga Bagunao

    slmat

    18/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters