Homepage/24 Days With You/
Chapter 9 Letters and Poems
Kinagabihan, dahil sa hindi pa naman ako inaantok napag isipan kong basahin muna ang diary ni Reynzie, curiosity kills me kung sino ba ang him na tinutukoy niya, kaya heto ako ngayon binubuklat na ang first page ng kanyang diary.
Humiga ako sa kama ko at nagsimula ng magbasa.
'Dear Diary,
Is it possible to be with him?
~Reyn'
Nabasa ko ulit ang nakasulat sa first page niya. Binuklat ko na ang second page at doon ko na nakita ang maraming sinulat niya.
Hindi lang owner ng diary na 'to ang maganda pati rin ang penmanship niya ang ganda, at ang linis rin niyang magsulat. Nag start na akong basahin ang kanyang introduction.
'Hi Diary,
Ako nga pala si Reynzie, gusto ko lang ikwento itong lalaki na crush ko sa school namin. Alam mo ba, mga isang week rin ako naging stalker para lang malaman kung ano ang pangalan niya at sobrang saya ko nang malaman 'yun. KEIRON ART CHAVEZ, 'yan ang pangalan niya my diary, huhu ang ganda ng pangalan niya kasing gwapo niya. Ang gwapo nga niya, kaso nga lang ang bad boy naman niya na medyo good boy rin, kasi ganito bad boy siya sa part na mahilig makipag basag ulo, pero good boy siya sa part na ilag pala siya sa mga babae. Natatawa lang ako kasi 'yung ibang mga lalaki napaka babaero tapos siya ilag sa mga babae, kaya nga nagka crush ako sa kanya kasi para siyang si kuya ko hindi rin mahilig sa babae, kagaya niya wala pa akong nakilalang babae na ipinakilala sa'min ni kuya na girlfriend niya. Balita nga sa loob ng campus na allergic si Art sa girls. May mga nabalitaan na rin akong mga babaeng sumubok na landiin siya pero ewan ko ba, pagkatapos non mababalitaan ko na lang na grabeng iyak ang natamo ng mga babae. Nacu-curious tuloy ako, diary. Ano kayang dahilan at ginagawa niya bakit umiiyak na lang ng ganoon ang mga babae. Si kuya kasi wala pa naman akong nabalitaan na may pinaiyak siyang babae. My diary, naisip ko nga what if bakla pala si Art? Hindi ko naman sana maiisip 'yun, kaso nga lang 'yun kasi ang nakikita ko. Ilag siya sa babae kasi nga bakla siya at isa pa bakit nga ba umiiyak 'yung mga babaeng nababalitaan kong sinubukang lapitan at landiin siya, syempre dahil sa inaway niya ito, di na ako magtataka kung bakit hindi niya aawayin ang mga babaeng sumusubok na lapitan siya, sa ganda ba naman nila na parang mga artista hindi ka ba maiinggit doon? Oo, kaya baka nga bakla si Art, umiiyak ang mga babaeng 'yun kasi naiinggit siya sa kgandahang taglay ng mga babaeng 'yun. Baka nga anong ginagawa niya sa kanila, like baka sinabunutan niya sila at inilublob ang ulo sa drum na may tubig diba? Kasi nga naiinggit siya sa kagandahan ng mga 'yun kasi gusto niya siya lang ang mas lamang sa kagandahan, ayaw niyang mapunta sa mga babaeng 'yun ang mga lalaking nagkakandarapa rin sa kanila. My diary wag naman sanang ganoon noh? Hala shit, my diary, no, don't tell me kung bakla si Art tapos pareho pa sila ng kuya ko na ilag sa mga babae. No no no no no! Hindi pwede, hindi bakla si kuya, my diary huwag ganon. Sayang ang gwapo ng kuya ko. Ganon rin kay Art, sayang 'yung gwapo niya, hayst crush ko pa naman siya. Sana bukas makita ko ulit siya, gusto kong makita ang mukha niyang ngumiti, hindi ko pa kasi nakikita siyang ngumiti palaging seryoso ang kanyang mukha kung hindi naman seryoso nakakunot ang kilay na parang may galit na ewan. Sige my diary, hanggang dito na lang muna matutulog pa ako, good night diary, mwuah<3
~Reyn'
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa mga pinagsasabi niya dito sa diary niya. Ako pala ang him na tinutukoy niya sa first page, but the heck? Anong ibig niyang sabihin don? Gusto niya bang maging kami? The hell.
Gusto ko na tuloy magwala dito sa loob ng room ko, first page pa lang ang nabasa ko pero para na akong tanga dito, hindi ko alam kung anong mangingibabaw na reaksyon ko.
Napangiti ako sa part na sinabi niyang gwapo ako, tama rin naman siya sa sinabi niyang bad boy ako, pero sa part na good boy doon ako parang magiging tanga. Una good boy ako kasi ilag ako sa mga babae, and the fudge inihambing pa talaga niya ako sa kanyang kuya huh? Pero bakit naman ganon ang ending, jeez hindi ko alam kung maiinis ba ako o magagalit o matatawa sa pinagsasabi niyang bakla ako. Pati pa talaga ang kuya niya dinamay niya sa kabaklaang kanyang iniisip, tsk.
Ilag lang ako sa mga babae, allergic lang, but that doesn't mean na bakla ako, baka kuya niya, Oo. Pero hindi ko rin makita ang sign na bakla ang kuya niya, sadyang seryoso at busy lang sa buhay ang bastardo kaya walang oras para mambabae, 'yun kasi ang nakikita ko.
Pero ako? The hell, hindi ako bakla, and as in grabe siya mag isip, bakit ko naman gagawin 'yun sa mga babaeng lumalapit sa'kin para landiin ako ang mga bagay na sinabi niya, sabunutan at ilublob ang ulo sa drum na may tubig? Para lang huwag nila akong lamangan sa kagandahan dahil gusto ko sa'kin lang ang mga lalaking nagkakandarapa na manligaw sa kanila?
May mga babaeng lumalapit sa'kin pero tinataboy ko sila gamit ang mga masasamang salita, nilalait, iniinsulto at kung ano ano pang makakasakit ng damdamin nila para lang layuan ako, hindi 'yung sinabunutan at inilublob sa drum na may tubig.
"What the fck, Reynzie!"
Hindi ko mapigilang huwag mag mura dahil sa mga pinagsasabi niya. Natapon ko banda sa headboard ng kama ko ang diary niya.
Hindi ako makapaniwala, naiinis ako pero natatawa. Baliw na talaga siguro ako, bakit ba kasi ganyan siya mag isip? Nakakapuntangina lang.
I clenched my fist and sigh as I closed my eyes in a minute. Gusto ko ng matulog pero hindi manlang ako madalaw ng antok.
Sabay ng pagmulat ng mga mata ko ang aking pag ngiti. Kung kanina may inis akong naramdaman sa mga pinagsasabi ni Reynzie sa kanyang sulat ngayon hindi na ako makaramdam ng inis, ewan pero napapangiti ako sa mga nabasa ko kanina sa diary niya.
Kinuha ko ulit ang diary niyang itinapon ko kanina, gusto ko ulit basahin ang mga sulat niyang naglalaman ng hindi kapani-paniwalang pinagsasabi niya.
'Dear Diary,
Alam mo bang gustong gusto kong mapansin ako ni Art? Kanina sa school nasa hallway ako nang makita ko siyang lumabas ng classroom nila at 'yun nakayuko lang siya kung hindi nakayuko diretso lang ang tingin. My diary, huhu dumaan siya sa tabi ko matutunaw ata ang puso ko, ang bango niya, nakakainlove, 'yun na ata ang favorite scent ko sa buhay ko. Hayst kaso parang wala lang ako sa paningin niya, parang walang ibang tao sa paligid niya, wala siyang pakealam sa lahat. Hayst, ni isang tingin sa'kin hindi niya nagawa. Pangarap kong mapansin niya, alam mo ba 'yun? Sana bukas at sa susunod mapansin na rin niya ako noh? Araw araw kapag nakikita ko siya, nadadagdagan ng ilang percent ang pagka crush ko sa kanya. Alam mo, ang swerte ng mga babaeng kayang lumapit sa kanya, hayst natitigan sila ni Art, kahit sulyap lang ayos na 'yun para sa'kin, pero wala talaga eh. Ba't ba kasi sa lalaking 'yun pa ako nagka crush? Huhu baka nga bakla 'yun eh, kaya ganon siya, di niya ako mapansin kasi lalaki talaga ang gusto niya. Waaahhh masakit isipin ang ganon, my diary. Oh sige na hanggang dito na lang muna my diary, may gagawin pa akong assignments ko. Good night<3
~Reyn'
Napapangiwi na lang ako, ba't ba niya sinasabing bakla ako? Malay ko ba naman kung hindi ko siya napansin o natapunan manlang ng tingin, tsk.
Sana pala hindi ako nagpabango kung alam ko lang naman na mababaliw at mai-inlove siya sa amoy ko.
'Dear Diary,
Huhu, alam mo ba kanina si Art, waaahh finally nakita na niya rin ako huhu. Ewan pero ba't ganon kinikilig ako every time naaalala ko 'yung pagtagpo ng mga mata namin. Ganito kasi 'yun, papalabas na sana kami ni Rhea ng pintuan sa cafeteria nang biglang nakita kong papasok sila ng kaibigan niya, siniko ako ni Rhea at ang sabi ang gwapo nga talaga sa malapitan ni Art kasi totoo naman talaga. Siniko ko pabalik si Rhea dahil sa siya pa itong kinikilig, pero hindi ko sinasadyang mapalakas ang pagsiko ko, ending napadaing siya sa sakit dahilan ng pagtingin sa'min nina Art at ng kaibigan niya. Saktong pagtingin ko sa pwesto nila ang pagtingin rin niya sa'kin at kay Rita pero agad din siyang tumingin sa loob ng cafeteria. Pero kahit ganon pakiramdam ko nasa langit ako, ang sarap sa feeling matapunan ng tingin ng crush mo. Hindi tuloy mapakali ang puso ko sa mga oras na 'yun, pangarap ko lang ang makita siya sa malapitan at matapunan niya ng tingin, ngayon nagkatotoo na. My diary, sa tingin mo makakatulog pa kaya ako ngayong gabi? Feel ko kasi hindi, alive na alive lahat ng organs ko sa katawan sa sobrang kilig. Hanggang dito na lang muna, maghahapunan lang ako:)
~Reyn'
Hindi ko maalalang nakita ko na siya, ganon na ba ako ka makakalimutin? Sana pala that time hindi ko siya tinapunan ng tingin baka hindi pa bumilis ng sobra ang tibok ng puso niya dahilan ng pagkaka in love niya sa'kin.
'Dear Diary,
Alam mo ba, feeling ko everyday may plano ang tadhana sa'kin at kay Art, I mean ano kasi, pinaglalapit ba ng tadhana ang landas naming dalawa? Kanina nakatabi ko lang naman siya doon sa gym habang nanonood ng training nina Eljude. Inaya kasi niya akong manood kaya pumunta ako, wala naman kasi akong gagawin. Pero akalain mo 'yun nakatabi ko ang crush ko, kaso nga lang hindi niya ata ako pansin ni tapon ng tingin hindi niya nagawa, sa mga players lang ang tingin niya. Napapaisip tuloy ako, baka nga bakla talaga siya, ang tingin niya kasi nakapako sa mga so called 'hot players' ng basketball, hindi manlang ako napansin na kanina pa mas naunang nakaupo sa pwesto namin. Narinig ko pa nga siyang may ibinulong bulong eh, kaya mas lalo tuloy lumalakas ang kutob kong bakla talaga siya. Hayst my diary, nakakalungkot isipin na bakla ang crush ko tapos pareho pa kaming lalaki ang gusto. Wag naman sanang dumating sa punto na tawagin na niya akong bhe, sis, teh, mare, girl at iba pa. Ayoko ng ganon huhu. Dito na lang muna diary, nakakawalang gana magsulat:<
~Reyn'
The heck? Ba't ba niya pinagpipilitang bakla ako? Ganon na ba ako ka walang pake sa paligid ko?
Ang naaalala ko noong mga panahon na 'yun pumunta ako sa gym para manood lang ng training nina Eljude na kinaiinisan ko, hindi naman siya kagalingan mag basketball, sa shooting lang naman siya magaling pero sa agawan hindi.
Kung tutuusin mas magaling pa ako sa kanya, kahit hindi ako sumasali sa alinmang sports sa school. Nakakatamad tapos pagkakaguluhan ka lang naman ng mga babae, huwag na. Tahimik ang buhay ko.
si Eljude ay kaibigan ni Christoph. Dalawa sila kasali din sa Astrix, at ito namang si Christoph ang feeling mabait sa kanilang dalawa.
Ang hindi ko lang maintindihan mag ano silang dalawa ni Eljude at Reyn? Bakit niya inaya 'tong isa para manood ng training? May gusto ata 'tong si Eljude kay Reyn at gustong magpasikat.
'Dear Diary,
Alam mo ba kung anong ginawa ko para mapansin ako ni Art, my diary? Araw araw ko siyang binibigyan ng sticky notes na may mga sulat ko, sinasabi ko sa sulat ko doon ang mga salitang gusto kong sabihin sa kanya. Ewan ko lang kung nakukuha o nababasa ba niya 'yun o hindi, kung nakikita rin ba niya ang mga iyon at babasahin o bigla bigla na lang lulukutin, pupunitin at itatapon sa basurahan o kung saan man. Hayst nakakalungkot isipin 'yung ganon, nilalagyan ko pa naman ng effort 'yung pagsulat ko doon sa mga sticky notes na 'yun. Tula and poems ang isinusulat ko doon minsan para sa kanya. Sana naman nabasa niya 'yun huhu. Kung nagtatanong ka kung paano ko naibibigay sa kanya ang mga sticky notes na 'yun araw araw, simple lang naman may kaibigan kasi ako na kaklase niya kaya siya ang dumidikit nito sa armchair ni Art. Thankful ako dahil sa hindi niya sinabi kay Art na ako ang nagpapabigay non. Pero alam mo ba, my diary, kanina ako mismo ang nagdikit ng sticky notes para kay Art. Uwian na 'yun at sinadya ko talagang mauna sa park ng school namin para wala masyadong students ang makakita. Idinikit ko mismo sa bintana ng sasakyan niya ang sticky notes na para sa kanya, syempre my diary, hindi ko hahayaang mahuli niya kung sino ang nagdikit non sa bintana ng kotse niya, kaya ang ginawa ko nagpayong ako para hindi makita ang mukha ko sa CCTV para kung sakaling hanapin man niya kung sino ang nagdikit non di niya ako mahuhuli, mahirap na at baka ako pa 'tong susunod niya sasabunutan at ilulublob sa drum na may tubig noh. At alam mo, wagi ako kasi nakita ko nang pagkarating niya para sumakay na ng kotse niya ay kinuha niya ang sticky notes na nakadikit dito at binasa, nagpalinga linga pa nga siya. Ayos lang sa'kin na itapon niya 'yun atleast nabasa naman na niya ang nakasulat doon. Hayst ang saya ko ko my diary, sige na my diary sleep na ako, good night<3
~Reyn'
The fck, 'yung mga sticky notes palang iyon, nakalimutan ko na. Damn it, hindi ko siya mapapatawad, ginawa niyang pader ang bintana ng kotse ko.
Naalala ko, hinanap ko pa sa CCTV ang taong gumawa non, pero bigo ako dahil sa hindi makita ang mukha niya sa CCTV camera dahil sa nakapayong siya ng color pink pero halatang babae ang nagdikit non. Galit na galit ako that time sa may gawa non, dinumihan niya ang sasakyan ko.
Napabuntong hininga na lang ako para pakalmahin ang sarili ko. Ipinikit ko ulit ang mga mata ko pero agad rin akong napamulat nang maalala na itinago ko pala sa isang box ang mga sticky notes niyang iyon.
Agad akong tumayo para kunin sa drawer ng cabinet ko ang box na 'yun na puro sticky notes ang laman. Nang makuha ko na ito ay agad akong bumalik sa pagkakaupo sa kama ko at sinimulan ng buksan ang box.
Bakit ko nga pala itinago ang lahat ng mga stick notes na 'to? Para saan? Ni isang sticky notes na ibinibigay niya sa'kin ay wala akong nilukot, pinunit o itinapon manlang. Ewan ko kung bakit, kahit naiinis ako noon sa mga sticky notes na nakadikit sa arm chair ko, nagawa ko paring itago sa loob ng isang box.
Minsan talaga nakakabwisit rin 'tong sarili ko, hindi ko maintindihan ang pinanggagawa.
Nagsimula na akong maghalungkat sa box na 'yun. Kinuha ko ang isang nauuna sa lahat na nakita ko. Binasa ako ang nakasulat dito.
'For the first time I saw you,
I can't take away my eyes on you,
It seems like an ocean blue,
I am addicted to you.
Feeling your presence,
Through your essence,
Makes my heart lose its sense,
Keeping me in suspense.
Something I realized,
And that was you're my paradise,
Causing me to fantasize,
And the reason of my twinkling eyes.
Life is getting messy,
But you're making it fancy,
Falling for you is not easy,
But seeing you makes me happy.'
Sa natatandaan ko, ito 'yung last sticky notes na natanggap ko at poem ang nakasulat. One week ago before mangyari ang deal.
Kumuha ulit ako ng isa pang sticky notes para basahin ang nakasulat.
'Roses are red,
Violets are blue,
Standing, looking at you,
Was a nice thing to do.
I love this kind of view,
You look cool in side view,
Such a great view,
To say I love you.'
Naalala ko, ito 'yung time na nakatambay ako sa labas ng classroom namin at nakatingin sa buong paligid, nang biglang may nagbigay sa'kin ng sticky notes at ito ang nakasulat. Magtatanong pa sana ako doon sa lalaking nagbigay sa'kin kaso agad din siyang tumakbo paalis.
Kumuha ulit ako ng isa para basahin pa. Nag e-enjoy na akong basahin ang mga poems niya, hindi ko alam pero napapangiti ako kapag naiisip ko kung gaano siya ka in love sa'kin. Baliw 'tong babaeng 'to eh.
'Isang tingin mo lang,
Sarili ay hindi mapakali,
Ako ay kinakabahan,
Puso ay nakikiliti.
Nais kong ako'y iyong mapansin,
Ngunit natatakot sa mga isipin,
Na baka ako'y iyo lang laitin,
Na magdudulot ng sakit sa aking damdamin.
Ako'y natatakot malaman ng lahat,
Idadaan na lang sa mga lihim na sulat,
Sayo'y ililihim na lang ang aking pagtingin,
Sa malayo ika'y aking iibigin.'
"Tsk!" Napasinghal na lang ako sa mga nabasa ko sabay iling iling.
Naisip ko, hindi ba siya napapagod sa kakagawa ng mga ganito, kailangan pa ng mga rhyming sa dulo. Ako 'yung nahihirapan sa ginagawa niyang pagbibigay sa'kin ng mga sticky notes.
Kinuha ko pa ang ibang mga sticky notes, 'yung iba ngayon ko lang nabasa kasi nong time may nagbibigay o nagdidikit nito sa'kin at sa armchair ko, kinukuha ko lang pero hindi ko binabasa.
'Kahit nakasimangot ka bakit ang gwapo mo parin? Ano pa kaya kapag ngumiti ka, baka kulang ang salitang gwapo para i-describe ang mukha mong mala Adonis.'
Napangisi ako sa mga nabasa ko, "Adonis, I like it." Nasambit ko.
Bakit ngayong nakakaharap, nakakausap, natitigan, nahahawakan, nayayakap at nahahalikan pa nga, bakit hindi ko siya kailanman narinig na sinabihan ako harap harapan ng ang gwapo ko?
Ang unfair o sadyang sinungaling lang siya sa mga sulat niya? Humanda 'yang babaeng 'yan sa'kin pag nagkita kami.
Binasa ko ang lahat ng nakasulat sa sticky notes na nasa loob ng box. Ang dami niyang poems, tula and messages sa'kin. Bakit ngayon ko lang 'to nabasa? Sana dati nabasa ko na lahat ng ito, pandagdag confident lang sana.
Humiga na ako ng kama ko ng maramdaman kong dinadalaw na rin ako ng antok. Baliw na siguro ako, matutulog na nga lang nakangiti pa, tsk!Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (228)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
good
12d
0very good
03/05
0best
11/04
0View All