logo text

Chapter 8 Guilty

Pagkarating ko sa bahay nila ay nakita kong nandon na agad siya sa gate nila at nag aabang sa'kin. Kita ko kung pano lumapad ang mga ngiti niya nang makita ako.
Ganon ba talaga siya ka in love sa'kin? Makita lang ako napapangiti na agad? Ano bang meron sa'kin ba't niya ako nagustuhan? Malas lang niya kasi sa'kin siya nagkagusto, hindi ko kayang suklian ang feelings niya.
Pagkababa ko ng sasakyan agad siya tumakbo papalapit sa'kin at yumakap na ikinagulat ko na naman.
"Sorry na, wag ka ng magalit, hindi ko naman sadyang tamaan 'ya-'yang a-ano m-mo eh, ipapabasa ko na rin sa'yo 'tong diary ko basta wag ka lang magtampo," Sabi niya habang nakasubsob ang mukha sa dibdib ko.
What?! Ano bang akala nito na ikinagalit ko? The fck galit ako sa ibang dahilan, hindi sa ganoong dahilan.
Napapikit na lang ako sa bwisit na inis na nararamdaman ko sa tuwing kaharap siya. 
Umalis siya sa pagkakayap at hindi ako tiningnan sa mukha, nakayuko lang siya habang inilalahad ang hawak niyang pink na diary niya. 
Hindi ko mapigilang hindi matawa sa ginagawa niya. Talagang hahayaan niya akong basahin 'yang diary niya, huwag lang ako magalit o magtampo. 
"Tsk!" Singhal ko.
Napataas ang kilay ko dahil sa bigla niyang pagpadyak ng tatlong beses. So childish.
"Sorry na nga eh, kunin mo na kasi," Mangiyak ngiyak niyang sabi.
Gusto kong matawa pero pinigilan ko at pinanatiling seryoso ang mukha. Medyo nakakunot ang kilay niya habang nakanguso. 
Though I won't admit it, cute is the real definition of her face right now. Hindi ko mapigilang hindi mapangisi, agad kong kinuha ang diary niyang nakalahad sa harapan ko at sinuri ito na mas lalong nagpangisi sa'kin.
Hindi ito ang dahilan ng ikinagalit ko pero kasi binigay na niya babasahin ko na lang. Masama ang tumanggi, lalo na't kagustuhan mo ma mismo ang lumalapit sa'yo.
"Apology accepted, tara,"
Bigla ko siyang hinila papasok ng kotse ko. Ako na rin ang bumukas ng pintuan ng sasakyan para sa kanya at sumunod na rin ako sa pag pasok.
"Ha? Saan tayo pupunta? Hindi pa ako nakakapag paalam kay Mama," Nag aalalang tanong niya.
"Kahit saan," Sagot ko.
Hindi ko rin naman talaga kasi alam kung saan kami pupunta, bakit ko nga ba siya biglang hinila papasok dito sa sasakyan ko?
"Ha? Anong kahit saan?" Naguguluhang tanong niya.
"Aish basta, tara gagala tayo kahit saan," 
"Pero—"
"Don't worry ibabalik pa naman kita dito sa bahay niyo, hindi naman kita kikidnapin," Putol ko sa sasabihin niya.
"Sige, magt-text lang ako kay Mama para magpaalam," Sabay kuha sa cellphone niya at nag simula ng mag type.
Sinimulan ko na ring paandarin ang kotse ko at nag maneho na. Ewan ko kung saan ko siya dadalhin, wala akong alam na pwedeng puntahan.
Kanina pa ako palinga linga sa paligid pero ni isang lugar wala akong maisip na puntahan. Hanggang sa natagpuan ko na lang ang sasakyan ko sa harap ng childrens park.
"Childrens park? Anong gagawin natin dito?" Takang tanong niya nang makababa na siya ng sasakyan.
"Maglalaro," Walang ganang sagot ko.
"Ha?" Mukhang di niya nakuha ang sagot ko.
"Wala, baka kasi hindi nakompleto chilhood life mo sa kakalaro, kaya lubus lubusin mo na kasi nandito na tayo para kompletuhin 'yun," Hindi ko mapigilang hindi matawa sa isinagot ko, "Aray! Ba't ka pa nangsusuntok?!" Singhal ko sa biglang pagkakasuntok niya sa balikat ko.
"Grabe ka kasi! Kompleto kaya childhood life ko noh!" Nakanguso at naniningkit ang matang sagot niya.
"Tsk! Para ka ngang bata diyan eh, nanununtok," Bulong ko.
"Ano?!" Inis niyang tanong sabay hila pa sa damit ko.
Bwisit 'to, kailangan hilahin talaga ang damit. Pag itong damit ko nalukot, lulukutin ko rin siya, tangna.
"Wala, sabi ko nag ganda mo kaso nga lang bingi," Nakangising sagot ko.
"Ang sama m—," Pinutol ko ang mura niya.
"Tara na nga!" Sabay hila sa braso niya. 
Ang hilig magmura ng salitang gagu 'tong babaeng 'to eh. Hindi naman na siya nagreklamo pa sa paghila ko sa kanya.
Maraming mga kabataan ang naglalaro, 'yung iba naman naghahabulan pa. Sigawan at tilian ng mga kabataan ang maririnig mo ngayon dito.
Bakit ba ito ang pinili kong lugar? Nakakainis ang ingay naman dito.
Napako ang tingin ko sa dalawang batang babae at lalaki na sa tingin ko ay mga four years old palang na naghahabulan, pilit hinahabol ng batang babae ang batang lalaki para kunin ang laruan niyang barbie doll na hawak hawak nito.
"Sabing ibigay mo na nga sa'kin 'yan eh, isusumbong kita sa daddy ko!" Sigaw ng batang babae na parang maiiyak na, pero patuloy parin sa pagtakbo ang batang lakaki huwag lang siya maabutan.
Sa direksyon namin papunta ang batang lalaki, nang makalapit na siya sa pwesto namin ay agad kong hinila sa bewang si Reynzie dahilan ng pagka out balanced niya, agad ko siyang sinalo para hindi siya tuluyang bumagsak sa lupa. Kung hindi ko gagawin ang paghila sa kanyang bewang ay mabubunggo siya ng bata na kung makatakbo ay parang hinahabol ng zombie. 
Sinamaan ko ng tingin ang batang lalaki na tuloy tuloy parin sa pagtakbo at hindi manlang pinansin ang taong mabubunggo niya sana. 
"Hala, sorry!" Sabay bulalas para ayusin ang pagkatayo niya.
"You okay?" Tanong ko sa kanya.
"O-Oo," Sagot niya.
Tinanguan ko lang siya at muling hinanap ng mga mata ko ang kaninang batang lalaki na hanggang ngayon ay tumatakbo parin paikot ikot. Nakikita kong pagod na sa kakahabol ang batang babae at naiiyak na rin habang sumisigaw na ibalik sa kanya ang kanyang barbie doll.
Saktong dito ulit tumakbo papunta sa pwesto namin ang batang lalaki, kaya agad ko siyang hinuli at itinaas sa ere.
"Gotcha!" Para akong nakakuha ng ipinasang bola.
Todo piglas siya sa pagkakawak ko sa kanya habang itinataas sa ere. Napangisi ako dahil sa mukha niyang gulat na gulat.
"B-Bitawan mo ako! Mommy help!" Sigaw niya habang nagpupumiglas parin.
"Hindi kita bibitawan hanggang sa hindi mo ibibigay 'yang laruan ng batang babae," Sabi ko, umiling iling naman siya.
Napatingin ako sa batang babae na ngayon ay todo na sa pag iyak, nakita kong kasama na niya ngayon si Reynzie na todo pagpapatahan sa kanya. Ibinalik ko ulit ang tingin sa batang lalaki.
"No, ayoko," Pagmamatigas niya.
"Ayaw mo?" Dinala ko siya sa isang puno sa likuran ko, doon ay may sangang pwedeng pagsabitan kaya agad kong isinabit ang kanyang likod na damit, "Ibibigay mo o diyan ka na lang at habang buhay na nakasabit?" Nakangising tanong ko.
"Mommmyyyyyyyyy! Heeellppp! Ibaba mo ako!" Sigaw niya. Ako naman ngayon ang nagmatigas, umiling iling ako habang nakangisi. Ang sama ng tingin niya sa'kin. "Kapag ako nakababa dito susuntukin kita," Dugtong pa niya.
"Ah talaga ba? 'Yun ay kung makakababa ka pa," Natatawang sagot ko.
"Ibaba mo ako, mommy!" Sigaw niya ulit na parang maiiyak na.
"Ramdam mo na ba ang nararamdaman ng batang 'yan?" Turo ko sa batang babae, "Isa lang ang gusto niyan at 'yun ay ang makuha ang barbie doll niyang hawak hawak mo parin hanggang ngayon, eh ikaw isa lang din ang gusto mo ngayon at 'yun ay ang makababa diyan sa pinagsasabitan mo. Ano? Ramdam mo na ba ang pakiramdam na gustong makuha ang isang bagay pero ayaw ibigay?" Kausap ko sa kanya.
"Ibibigay ko na, basta ibaba mo lang ako dito!" Pagpupumiglas niya.
"H-Huy! Anong ginagawa mo diyan sa batang 'yan? Ga—," Pinutol niya ang kanyang mura.
Napatingin ako kay Renyzie na ngayon ay papalapit na sa pwesto ko kasama niya ang batang babae na ngayon ay tumigil na rin sa pag iyak. Napaka inosente ng kanyang mukha habang itong batang lalaki naman ay halatang ipinaglihi sa sama ng loob.
"Ibaba mo 'yan, baka mapano siya," Nag aalala ang kanyang mukha habang niyuyugyog ang balikat ko.
Iniwas ko ang balikat ko sa kanya, "Hayaan mo muna siya diyan hanggang sa matuto na siya," Sagot ko.
Binalingan ko ang batang lalaki na ang sama ng tingin sa'kin. Agad kong pinitik ang tainga niya.
"Araaayyy! Mommy!" Iyak niya.
Nabitawan niya tuloy ang barbie doll na kanyang hawak at napahawak sa kanyang namumulang tainga na pinitik ko. 
"'Yan umiyak ka na rin," Natatawang sabi ko.
Pinulot naman ng batang babae ang kanyang barbie doll na nahulog at nagtago sa likod ni Reynzie na para bang natatakot makuha ulit ang kanyang laruan. 
"Huy, Art, anuba! Ibaba mo siya, bakit mo siya pinitik? Bata 'yan, maawa ka jusko. Dali ibaba mo na, pag ito naabutan ng mommy niyang nakaganyan siya, bahala ka child abuse 'yan," Saway pa niya sa'kin.
"Tsk, tinuturaan ko lang siya ng leksyon!" Singhal ko.
"Kahit na, ang harsh mo magturo ng leksyon, ibaba mo na 'yan," Utos pa niya.
"Tsk!" No choice ako kung hindi ang ibaba ang bata mula sa pagkakasabit niya sa sanga ng puno, "Ano? May natutunan ka na ba?" Nakangising tanong ko.
Bigla namang hinampas ako ni Reynzie sa balikat, "Aray! Anuba, masyado kang sadista!" Singhal ko.
"Ikaw kasi, masyado ka rin kayang sadistic sa mga bata," Sinamaan niya ako ng tingin.
"Anong mga bata? Hoy siya lang ang tinuruan ko ng leksyon, isang bata lang, kung makasabi ka akala mo ang dami kong napaiyak ah," Reklamo ko sabay duro duro pa sa kanya ng kamay ko na agad naman niyang tinapik.
Nilapitan niya ang batang lalaki na ang sama ng tingin sa'kin. 
"Ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong niya.
"Ate ganda, wag po kayong lumapit sa lalaking panget na 'yan, sasaktan ka rin niyan kagaya ko," Kausap niya kay Reynzie.
"Ano?! Ako panget? Hoy mas panget ka batang ipinaglihi sa sama ng loob!" 
Agad ko siyang nilapitan para sugurin, nakakainis siya. Ang bata bata pa lang pero kung makapagsalita akala mo kung sino.
"Huy, Art, anuba! Bata 'yan wag mong kalabanin," 
Pigil sa'kin ni Reynzie sa paghablot sa damit ng batang tumago sa likod niya, hinarap naman niya ang batang lalaki.
"Hello, ako nga pala si ate Reyn mo, ang gwapo mong bata alam mo ba 'yun—, Pinutol ko ang sasabihin niya.
"What?! 'Yang batang ipinaglihi sa sama ng loob na 'yan, gwapo? Saan banda, bakit diko makita?" Nang iinsultong sabi ko.
Sabay na sinamaan ako ng tingin ng bata at ni Reynzie. Magkapatid ata sila, kaya ganon. Binalingan ulit ni Reynzie ang bata para kausapin.
"Pero alam mo bang bad 'yung ganong mga salita na sinabi mo? At isa pa, hindi naman ako sasaktan ng kuya Art mo, mabait siya kaso nga lang ganyan talaga siya sa mga bata," Paliwanag pa niya.
What the heck, magpapaliwanag lang ganon pa. Pero aaminin kong nasapol na naman ako sa sinabi niyang hindi ko siya sasaktan. Mali siya ng sinabi, kasi sa una pa lang alam ko ng masasaktan ko siya, namin ng kanyang kuya Z dahil sa deal lang naman ang lahat. Hindi rin ako mabait dahil kung isa akong mabait na tao, sana hindi ko tatanggapin ang proposal at ang deal namin ng kuya niya. 
Bakit ba kapag itong babaeng 'to ang magsasalita tungkol sa pinanggagawa ko palagi na lang akong nasasapol sa katotohanang may punto siya.
"Tsk!" Singhal ko.
Napabuntong hininga ako at nag decide na umalis doon sa pwesto nila. Bigla na lang akong nawalan ng gana, kanina gustong gusto kong asarin 'yung bata, ngayon hindi ko alam kung bakit pero gusto ko na munang mapag isa.
"Huy, saan ka pupunta?" Rinig kong tanong sa'kin ni Reynzie.
"Diyan lang," Walang ganang sagot ko at nagpatuloy na sa paglalakad.
Umupo ako sa isa sa mga bench doon sa medyo kalayuan sa pwesto nina Reynzie at ng mga bata. Mula dito kita kong masayang kinakausap niya ang mga bata. 
Kahit kailan aaminin ko, kahit hindi ko gustong makasama ang babaeng 'yan masasabi kong maganda siya sa kahit anong angle mo titigan. 'Yung mga ngiti niyang parang walang iniindang lungkot at sakit at ang mga mata niyang palaging masayahin rin. Ang galing niyang magtago ng kanyang emotion, sa unang tingin akala mo isang babaeng puro ngiti lang ang alam gawin na parang walang iniindang sakit at problema. Pero ang totoo niyan, nakakubli pala sa likod ng maskarang 'yan ang lungkot at problemang pilit niyang itinatago.
Sa ilang araw na kasama ko siya, pakiramdam ko ginulo niya ang nananahimik kong buhay, dati ayos ako sa buhay kong ganon, pero nang dumating siya parang gusto ko ng iuntog ang ulo ko sa pader dahil sa pamemesting ginagawa at dulot niya sa'kin. Sinisimulan na rin ako atakehin ng insomnia dulot ng galit at konsensya. 
Ewan ko kung bakit ako kinokonsensya, dati wala naman akong konsensya sa lahat ng mga bagay bagay, pero umpisa ng tuparin ko ang deal na 'to kahit tatlong araw pa lang pakiramdam ko ang haba haba na ng ginawa kong pangloloko sa kanya.
Hindi ko naman kailangang maramdaman 'to, hindi ko kailangang makonsensya, ginusto ko 'to, kaya kailangan kong ipagpatuloy, sa huli mapapasaakin din naman ang gang pagkatapos ng lahat ng ito. 
Humugot ako ng hininga at napapikit, ewan ko ba kung anong nangyayari sa'kin pero ramdam ko ang bigat ng pakiramdam ko ngayon.
"Alam mo, para kang bata," 
Napamulat ako ng mata ng marinig ang boses ni Reynzie sa tabi ko. Napatingin ako sa kanya ng nakataas ang isang kilay, bigla bigla ba naman magsasalita sa tabi mo.
Ito ang isa sa mga nakakabwisit na ginagawa niya, gusto kong mapag isa pero hindi magtatagal kasama ko na naman siya. Nakakawalang gana mabuhay kapag ganito na lang palagi ang situation ko.
"Parang lang naman eh, pero hindi na ako bata," Walang ganang sagot ko.
"Heh, ba't mo ba kasi ginawa 'yun sa bata? Sige ka pag ikaw sinumbong niya sa mommy niya, baka kasuhan ka non ng child abuse," Napangiwi ako sa sinabi niya.
"Edi kasuhan niya ako, maghihintay ako mamaya sa bahay baka may dumating na mga police para sabihing pinapatawan ako ng kasong ganon," Nakapikit kong sabi.
"Tarantado ka talaga," Sabay hampas na naman sa balikat ko.
"Ba't ba ang hilig mong manghampas?" Singhal ko sa kanya.
"Hihi, sorry," Sabay peace sign.
"Tsk!" Singhal ko na lang.

Book Comment (228)

  • avatar
    FaceDirty

    good

    12d

      0
  • avatar
    HospitalChan Myae

    very good

    03/05

      0
  • avatar
    Annurhidayah

    best

    11/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters