logo text

Chapter 12 Who is my Father?

Patapos na akong kumain ng breakfast ko at tumayo na para makaalis para umakyat ulit sa itaas nang bigla akong tinawag ni Mom na nakaupo sa couch at malalim ang iniisip. Kanina ko pa siya napapansin na wala sa sarili, hinayaan ko na lang kasi ayaw ko rin naman makialam sa iniisip niya.
"Son, can we talk?" tawag pansin niya sa akin at agad naman siyang tumayo para lumapit sa akin. 
"About what? Is that important to talk about?" Walang ganang tanong ko. Nag aalangan pa siya sa una kung sasabihin niya ba o hindi.
"It's about your Dad.." natigilan ako sandali sa narinig ko. 
Rage slowly crept me in. Kinuyom ko ang kamay ko at napapikit sandali at bumuntong hininga para pakalmahin ang galit na nararamdaman ko.
"About who? Dad?" I laughed sarcastically, "really? I don't have a Dad, he's dead, I don't even know if he existed. How come we will be going to talk about that..." hindi ko maituloy ang sasabihin ko.
"Okay, okay! Listen, I know it's hard for you to talk about this matter but can you please listen first for what I am going to tell you?" Nagtitimpi niyang sabi at pilit binababaan ang tono ng boses hanggang sa makaya niya.
"Tss! So what's up with that dead guy?" walang ganang tanong ko at tiningnan ang mga kuko ko sa kamay habang naghihintay sa isasagot niya.
"Keiron umayos ka," pagbabanta niya at inis ko naman siyang tiningnan. 
"What? Maayos naman ako ah?" 
"Look, this is important and you have to know about this since you're his child." May diin ang pagkakasabi nito sa huling salitang binanggit.
Whatever, like I care about him? He's a jerk by the way. 
"How can you be so sure na siya ang Dad ko?" And with that question, she slapped me hard making me grin widely.
"Watch your words Keiron." Galit ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Hindi na ako nagsalita at nanahimik na lang, naghihintay sa sasabihin niya. "Your Dad was hospitalized..."
"Does it look like I care?" 
Naiinis ako sa sinabi niya, hindi ko siya maintindihan, mukha ba akong may pake? Kahit maospital o mamatay man ang lalaking iyon wala akong pake, di ko nga siya kilala paanong magkakaroon ako ng ni isang kusing pagmamahal o pag aalala sa kanya. 
Hindi niya pinansin ang sinabi ko at nagpatuloy na siya sa kanyang gustong sabihin. 
"He wants to meet you, marami siyang gustong sabihin sa'yo, gusto ka niyang makasama at bumawi sa atin na mag ina niya, gusto niyang punan ang mga pagkukulang niya." She said in teary eyes. 
Sunod sunod ang pag iling ko sabay tawa na tila ba nakakatawa ang mga narinig kong salita galing sa kanya. Heto na ata ang pinakanakakatawang joke na narinig ko sa buong buhay ko. 
"Really? He said that?" I burst out laughing while holding my stomach. 
Nang matapos na ako sa pagtawa ay saka ko siya tiningnan ng seryoso at doon nakasalubong ko ang malakas niyang sampal na hindi ko inaasahang magagawa niya sa akin. 
"Stop acting like a stupid Keiron!" galit na galit niyang sigaw, I have never seen her before like this.
"That's bullshit!" sigaw ko rin na naluluha hindi dahil sa sakit ng sampal na natanggap ko galing sa kanya, kundi dahil sa sama ng loob at hinanakit sa kanya at sa lalaking yun na matagal ko nang kinikimkim mula pa pagkabata.
Wala rin namang patutunguhan 'to kung habang buhay kong itatago sa sarili ko. I'm so sick of this, wearing a facade and acting like everything doesn't matter for me. Natatawa akong pinahid ang mga hindi mapigilang luha nasunod sunod kung tumulo mula sa mga mata ko.
"S-Son.." she called me in a shattered voice, "I'm sorry.. I'm so sorry son.. I-I didn't mean to hurt you—" worries in her eyes, lumapit siya sa akin para sana hawakan ako pero lumayo ako sa kanya.
"No.. you already did!" sigaw ko, "I have been hurt since then, binuhay niyo ako sa puro sama ng loob at hinanakit sa buhay. Hindi ko alam kung anong kasalanan ko, o kung may kasalanan ba ako para maging ganito ang buhay ko. I don't know either.. whether it's your fault or his fault. Matagal ko nang gustong makilala siya, bata pa lang ako 'yun na ang pangarap ko, pero palagi mong sinasabi sa akin na hindi mangyayari'yun dahil wala siyang kwentang ama." Tumigil akong mangarap na makita siya dahil 'yun ang itinatak niya sa isipan ko at kung itatanong ko man sa kanya ang mga bagay na tungkol doon ay nagagalit siya.
"Hindi mo ako binigyan ng pagkakataon na makilala siya sa murang edad, pinigilan mo akong mangarap na makita siya at makilala dahil ang sabi mo wala na siya, hindi mo na alam kung buhay pa ba siya at ngayon ganyan ang sasabihin mo? How? Wala akong kaalam alam.. Mom I was naive and stupid for letting your words live in my mind. You brainwashed me! All I know he doesn't exist at all. Even his name pinagkait mo sa akin.."
"At ngayon sasabihin mo ang lahat ng 'yan? How?!" Puro hinanakit na tono ng boses ko ang maririnig.
Napatakip siya ng kanyang bibig at hindi makapaniwalang tingin ang ibinigay sa akin, pilit pinipigilan ang mga hikbing kumakawala. 
"S-Son.. I'm sorry, I'm sorry. I-I didn't know you felt that way, I've been a cruel mother to you, I didn't realize that you're already suffering from what I am doing to you.. I'm sorry.." 
Sorry isn't enough para mawala 'tong sakit at sama ng loob na nararamdaman ko sa kanya. Wiping my tears, I ran upstairs barging in to my room closing my door in a forceful way. Grabbing something I can reach and throw it on the floor. Sinunod ko ang mga picture frame na nagkanda basag nang ihagis ko ito sa pader. 
"Bullshit! Fvck!" buong lakas kong sigaw. 
Napaupo ako sa kama ko tinukod ang magkabilang siko sa mga tuhod ko at doon umiyak sa mga palad ko.
Matagal ko nang pinangarap na makita siya at ngayong siya na mismo ang gusto akong makita, bakit parang hindi ko tanggap kung gayong dapat ay masaya ako. Bakit ang hirap, hindi ko maintindihan. 
Tumayo ako at hinablot ang susi ng kotse ko sa tabi ng lampshade at dali daling lumabas para bumaba. Gusto kong magpalamig ng ulo, ayaw ko muna sa bahay na 'to, it's suffocating me. 
Pagkarating ko sa loob ng kotse ay agad kong tinawagan si Arjay, siya lang ang makakaintindi sa akin sa mga oras na 'to. Madaldal siyang tao pero alam niya kung kailan siya mananahimik. 
Dumiretso ako sa bahay nila at saktong wala doon ang parents niya dahil sa may business trip ito. Pagbukas na pagbukas palang niya ng pinto ay agad na akong pumasok nang hindi manlang siya nilingon. Natigilan siya sa ginawa kong hindi pagpansin sa kanya pero agad rin itong nakabawi nang maramdaman ko ang pagkasara ng pinto at ang yabag ng kanyang mga paa na nakasunod sa akin. Umupo ako sa couch nila at doon ko lang siya tiningnan. Nagtataka ang kanyang mga tinging ioinupukol sa akin. 
"What happened? Halatang umiyak ka, bakit?" Hindi ko siya sinagot at umiwas ng tingin sa kanya. "Kilala kita Keiron, hindi ka basta basta na lang iiyak sa maliit na bagay. Don't tell me iniyakan mo si Reyn?" Natatawang sabi niya pero nanahimik naman agad nang makatanggap ito ng masamang tingin sa akin. 
"Wala siyang kinalaman dito," walang ganang sagot ko. 
"I know," napabuntong hininga siya, "so it's all about you and your mom, am I right? anyare? Bakit? I mean kapag nagtatalo kayo o nagtatampo ka sa kanya hindi ka naman umiiyak.."
Umupo siya sa tabi ko, hindi na ito umimik pa at naghintay sa mga sagot ko. I have no choice but to tell him everything, siya lang ang taong pinagkakatiwalaan ko sa lahat ng bagay, alam na niya ang lahat sa akin kaya wala na akong dapat pang itago pa. Kinuwento ko sa kanya ang pag aaway na namagitan sa amin ni Mom kanina at kung saan ito tungkol. Napapamura ako minsan kapag hindi ko mapigilang maluha. I am being emotional right now and this is bullshit. 
Sa huli natapos kami sa pag uusap nang lasing or let's say ako lang ang nalasing kasi siya isang shot lang at hindi na nagpatuloy pa. Isang case na ang naubos namin—ko lang pala kasi hindi naman siya umiinom.
"Tama na yan bro, you're already a freaking wasted." 
"Nah, one more shot.." saka kinuha ang isang bote ng alak at tinungga ito diretso na parang tubig. 
"Okay fine, hahayaan muna kita na magpakawasted diyan, alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo.." hindi ko na siya sinagot at patuloy na lang sa pagtungga. 
 

Book Comment (228)

  • avatar
    FaceDirty

    good

    12d

      0
  • avatar
    HospitalChan Myae

    very good

    03/05

      0
  • avatar
    Annurhidayah

    best

    11/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters