logo text

Chapter 14 Missing her

I hate this feeling. Nakakainis, bakit ako ganito? Bakit ganon? Ba't ko siya iniisip sa lahat ng oras.
Walang oras o minuto na hindi siya pumapasok sa isip ko. Iniisip kung anong ginagawa niya. One week kaming hindi nagkita pero bakit parang gustong gusto ko na siyang makita. 
Ano bang tawag sa nararamdaman kong ito. Am I missing her? No, impossible.
Pero gustong gusto ko na siyang makita. 'Yung makita ko lang ang ngiti niya, ang mga mata niyang kay ganda.
"God damn it!"
Napabalikwas ako sa higaan ko nang marealize ko ang mga iniisip ko.
"I can't believe it. Is this really me?" 
Ilang days na akong ganito. Ang weird ko na. Hindi na ako normal. May mga time na kapag naiisip ko siya pati ang kabaliwan niya, hindi ko namamalayan na nakangiti na pala ako. 
Five days akong nagstay sa bahay nila jay, kulang na lang magpaampon na ako sa kanila. Pero after five days umuwi na rin ako dito sa bahay pero hindi ko masasabing okay na kami, still there's a cold war between the two of us. 
Tatayo na sana ako sa kama ko para pumunta sa banyo ng kwarto ko ng biglang nag vibrate ang phone ko.
Agad kong hinablot ito at tiningnan, umaasang siya 'yung nag text.
Nang mabasa ko kung sino 'yun agad kong hinahis sa headboard ng kama ko ang phone ko sa sobrang inis. 
"I thought siya na 'yun," inis kong sabi sabay kuha ng damit ko sa gilid ng kama ko. Naka topless kasi ako.
Habang sinusuot ko ang t-shirt kong damit ay biglang nag ring ang phone ko.
Dali dali ko itong kinukuha, hoping na siya na nga 'yun. But then again, I'm disappointed sa nakita kong pangalan.
Sinagot ko ang call, "Fvck you, jay!" Sigaw ko sa kanya.
"What?! Bro easy! Kay agang naninigaw ka diyan. What happened? May mali ba akong nagawa sa'yo? Tell m—"
"Oh shut up! Stop acting like that!" Inis kong sigaw.
"HAHAHAHA! Oh? Bakit? Kay agang dragon ka diyan. May regla ka ba ngayon?" 
"Fvck you! What do you want? Wala ako sa mood para makipag usap sa'yo ngayon," 
"Ay parang di kaibigan ah," 
"Tss!" 
"Anyways, bago mo pa patayin ang call I have something to tell you," 
"I can smell the smirk on your voice. What is it?" 
"Diba wala ka namang feelings kay Reyn?" 
Napabuntong hininga ako. Heto na naman kami sa usapang feelings na 'yan tungkol sa babaeng 'yun.
Kaya wala ako sa mood kausap siya ngayon kasi kagabi pa niya ako tinatanong ng mga katanungang 'yon.
"What the hell is wrong with you?! I already told you, wala. Wala akong feelings sa babaeng 'yun," i sighed, "so stop asking me if I have this special feelings with that woman."
"Okay, sabi mo eh. Nga pala kita ko siya ngayon,"
"What do you mean?" 
"I can see her, a few kilometers away. Ang ganda ng ngiti niya,"
"Where are you? Anong ginagawa niya diyan? May kasama ba siya?" 
"Isa isang tanong lang pre, di halatang worried ka masyado,"
"Shut up! Just answer my fvcking questions!" 
Naiinis na talaga ako sa lalaking 'to. Kung hindi ko lang siya kaibigan, baka napano na 'to sa'kin.
"I can smell na inis na inis ka na sa'kin. Luckily I'm your best friend," sabay tawa sa kabilang linya.
"Fvcking answer my questions!" 
"Questions, yeah. Heto na nga sasagutin na," nanahimik siya sandali, "well nasa grocery store ako ngayon, and sa nakikita ko namimili siya together with this guy I don't know." 
"What?! Did I hear it right, she's with the guy you don't know?" 
"Uhh yes! And sa tingin ko, even you hindi mo kilala ang guy na ito." 
"The fuck!" Bulong ko.
Kaya pala hindi ako nakatanggap ng text galing sa kanya this morning kasi busy siya with this guy I don't know huh.
And who's this guy she's with? Kaya ba nakalimutan niya akong i-text, ni hindi manlang ako sinabihan na may kasama siyang iba.
"Kay lalim na pag-iisip 'yan bro. Hindi ka ba sinabihan na may iba pala siyang kasama awts."
"Tanong ba 'yan?" irita kong saad.
"Of course yes, bakit iba ba dating sa'yo?" Hindi maalis alis ang panunukso sa boses niya.
"Stop that." I warned him.
"Sabi ko nga titigil na."
"Don't end the call yet. Bantayan mo silang dalawa, kung aalis sundan mo. Text me your location, pupunta ako diyan."
"Sir yes sir! Di ka naman masyadong possessive diyan," 
"Shut up, fvck you!" 
"Ganyan pala ang walang feelings huh—" 
Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya at pinatay ang tawag. Pustahan kahit magka world war hindi 'yan madadala sa barilan, sa daldal niyang 'yan.
Dali dali na akong nag ayos ng sarili para pumunta sa location na sinend sa'kin ni Jay.
Pagkarating ko doon nakita kong papalabas na ng grocery store si Reyn at ang guy na sinasabing kasama niya.
"Tss! I am more handsome than that skinny guy," 
Nakita kong nakasunod sa likod nila si Jay, nagtatago siya sa likod ng isang pilar. Napabalik ang tingin ko sa dalawang masayang naglalakad papunta sa parking lot ng grocery store.
Kung makaakbay siya kay Reyn parang takot itong malayo sa kanya. 
Magkaano ba silang dalawa? 
Nakita ko ang paghampas ni Reyn sa braso nong guy na kasama niya. Halatang nasaktan ito sa pagkahampas ni Reyn, sa payat ba niyang 'yan malamang masasaktan talaga.
Nakita ko kung paano pinisil nong skinny guy ang ilong ni Reyn. 
Nakaramdam ako ng inis sa mga nakikita ko ngayon. Ako dapat ang gumagawa niyan sa kanya hindi 'yang payatot na lalaking 'yan.
Hindi na ako nakatiis kaya bumaba na ako ng sasakyan ko. Agad akong lumapit sa pwesto nilang dalawa.
"You fvcking skinny guy, stay away from my girl!" 
Sabay bigay sa kanya ng malakas na suntok. Hindi pa ako nakontento sa isang suntok kaya sinunudsunod ko na.
"Hala, huy Art tumigil ka! Huy Art ano ba! Tigilan mo siya!" Sigaw ni Reynzie na pilit akong pinipigilan sa pagsuntok sa payatot na lalaking kasama niya.
"No, he's flirting you! He deserves my punches. One week lang akong nawala may iba ka na," sagot ko habang hindi parin tumitigil sa pagsuntok sa lalaking ito.
"Huy Art! Ano bang pinagsasabi mo? Tama na 'yan, maawa ka! Layuan mo ang pinsan ko!" Parang nag echo ang sigaw niya sa aking pandinig. 
Napatigil sa ere ng kamao kong dadapo ulit sana sa mukha ng lalaking naskahandusay na ngayon sa sahig at hindi na makapagsalita.
Did I hear it right? Pinsan? 
Napatingin ako kay Reyn at sunod sa lalaking nakahiga parin hanggang ngayon. 
Narinig ko ang yabag ng mga paa papunta sa pwesto namin. Nakita kong papatakbo si Jay sa direksyon namin habang napapailing iling. 
Hindi ako nakagalaw kaya nadala ako sa pagtulak sa'kin ni Reyn papalayo sa pinsan niyang napuruhan ng mga suntok ko. 
"Arjay, please tulungan mo akong itayo siya," pakiusap niya kay Jay.
Tumingin muna si Jay sa'kin, nagdadalawang isip kung tutulungan ba niya ito o hindi. Binigyan niya ako ng tingin na nagpapaalam sa gagawin niya, I just nod at him and walked away.
Fck, what did I do? Cousin? It's her cousin, why the fck did I do that?
Pumasok ako sa kotse kong hindi makapaniwala sa aking ginawa. Ano bang nangyayari sa akin? Hindi ko maintindihan ang sarili ko.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Do I need to feel the guilt or should I say no, because he really deserves it? 
Is it my fault? I was just being jealous with that moment that's why..
"What the fuck!" Napamura ako ng sobrang lutong sa naisip ko, "no, I'm not jealous with him." 
Hindi ako nagseselos, hindi talaga and never akong magseselos. Why would I be? Because of? 
I shaked my head off. Napatingin ako sa labas at nakitang kong nakatayo na ang sinasabing pinsan ni Reyn habang inaalalayan niya itong tumayo ng maayos. Sa nakikita ko nakakapagsalita naman na ito at pinapahid ang dugo sa kanyang mga labi. 
Napatingin ito sa direksyon ko kung saan nakapark ang kotse ko ganon rin ang ginawa ni Reyn at sunod naman si Jay. 
Kunot ang kilay ng pinsan ni Reyn habang nakatingin dito sa direksyon ko habang si Reyn naman ay naka death glare. Kung wala siguro ang bintana ng sasakyan kong ito at kung dagger lang ang mga tingin niya baka knina pa ako namatay sa inihahagis niyang tingin sa'kin.
Napabuntong hininga ako at sinimulang paandarin ang sasakyan ko para makaalis na sa parking lot na ito.
But before I could speed up my car, biglang may kumatok sa bintana nito. Nang tingnan ko kung sino ito napabuntong hininga ako sabay kunot ang kilay. Binuksan ko ang bintana at binigyan siya ng masamang tingin.
"What do you want?!" Frustrated kong tanong kay Arjay. 
Nagkibit balikat lang siya, "pasakay hehe."
I gave him a death glare, "wala ka na bang pera para pambili mo ng gasolina?" 
"Bro alam mo naman diba? Dukha lang ako," pagmamakaawa niya.
"Tsk! Get in!" Singhal ko sa kanya.
"Yes! Thank you bro, you're the best," ngiting ngiting sabi niya sabay bukas ng pintuan sa kabila. 
"Shut up! Kahit kailan ang bakla mo." 
"Swerteng bakla ko naman kung ganon," sagot naamn niya.
"Could you fcking please keep your mouth shut? Nakakarindi ang boses mo." 
Hindi ko na siya pinansin pa at nag umpisa ng patakbuhin ang kotse ko.
Wala kaming imikan dalawa nakakapanibago para sa'kin dahil sa ang tahimik ngayon ni Jay.
"Could you fcking please utter some words? You know I hate it kapag ganyan ka," I sight a glance at him.
Naninibago ako kaoag ganitong Arjay ang kasama ko. Tahimik at sa labas lang nakatingin, para siyang sad boy na ewan. Hindi ako sanay kasi kapag magkasama kaming dalawa sa loob ng sasakyan dada siya nang dada.
Tumingin siya sa'kin and he just shrugged. Ayaw magsalita.
"Fvck! Ano ba! Magsalita ka, nakakapanibago ka." 
Inis kong itinigil ng sasakyan ko at tiningnan siya ng masama.
"Ano bang nangyayari sa'yo, keiron?" 
Natigilan ako sa pagkarinig sa mga salita niya. Here we are, sinapian na naman siya ng ibang Arjay na nagiging seryoso sa isang bagay. 
Heto 'yung nakakatakot sa kanya eh ang pagiging seryoso niya sa isang bagay. Ibang iba siya sa Arjay na palaging tawa at ngiti lang ang ginagawa na puro babae lang ang hanap. Siya ngayon hetong Arjay na dapat mong katakutan at pakinggan ang sasabihin. Hindi mo na siya madadaan pa sa biro biro kapag nagseryoso siya sa usapan. 
Hindi ako umimik, itinuon ko na akng ang tingin ko sa kalsada habang hinihintay na mag red ang traffic light. 
"Look what did you do. Muntikan ng madala sa hospital ang pinsan ni Reyn dahil sa kagagawan mo, dahil diyan sa nararamdaman mong selos." Salita niya ulit.
"I'm not jealous–" hindi ko natapos ng sasabihin ko dahil sa pinutol niya ito.
"Then what is it? Sige nga sabihin mo sa'kin why did you do that if it's not the cause of being jealous?" May inis sa boses niya.
Napaisip ako sandali, inisip ko ang mga pwedeng dahilan kung bakit ko nagawa 'yun pero ni isa wala akong ma pin point na reason why did I do that. 
"See? May iba ka pa bang reason? Come on spill it!" Paghahamon niya, "nagawa mo 'yun dahil?" 
"I don't know! I freaking don't know why!" Sigaw ko pabalik na naiinis na rin dahil sa pinanggagawa niya sa'kin.
Sinamaan niya ako ng tingin, mga tinging hindi makapaniwala, "really huh?" 
"I don't know, maybe it's just that hindi ko gustong makita na may kasamang ibang lalaki si Reyn.. except f-for m-me," nauutal kong sagot sabay iwas ng tingin.
"Tsk! Think of it bro. Think of it, you should figure out what is happening with you, on what you feel towards that woman," nakangising sabi niya, I already warned you but then you just ignored it. And now look where you are right now."
Hindi ko na siya pinansin at nag umpisa ng magmaneho ulit ng mag red na ang traffic light.
Wala kaming imikan hanggang sa makarating kami sa bahay nila, hindi ko alam kung okay ba kami o hindi sa sitwasyon naming ito.
"Thanks for the ride bro, hope you'll figure out what you feel as soon as possible," nakangising sagot niya.
"Tsk! Fvck you! Madapa ka sana." Singhal ko sa kanya. Pagkababa niya pinaharurot ko ulit ang kotse ko papaalis para makauwi na ng bahay. Kita ko pa sa side mirror ko ang pagkaway kaway niya habang ngiting ngiti.

Book Comment (228)

  • avatar
    FaceDirty

    good

    11d

      0
  • avatar
    HospitalChan Myae

    very good

    03/05

      0
  • avatar
    Annurhidayah

    best

    11/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters