logo text

Chapter 28 In pain

Dalawang araw na akong palaging nasa bar ang tambay, actually pangatlong araw ko na ngayon. Ang sakit sakit, sa puntong lahat ng alak gusto ko ng inumin. Pero kahit anong pakalasing ang gawin ko hindi parin mawala wala ang sakit. 
"Keiron," si Jay. Hindi ko alam kung paano niya ito nalaman basta na lang siyang dumating dito sa bar. Wala akong balak sabihin sa kanya ang mga nangyari. "Bro, I said that's enough!" At saka inagaw sa akin ang basong hawak hawak ko. 
Tiningnan ko siya ng masama at pilit inagaw iyon, pero hindi niya iyon ibinigay at mas lalong inilayo iyon. Napailing iling ako sa ginawa niya at hinayaan na lang siya, napapatulala na naman ako. Maya maya ay napatingin ako sa bote ng alak sa harapan ko. Agad ko iyong hinablot at walang pasabing tinungga. Huli na para pigilan niya ako. 
Itinukod ko ang magkabilang siko ko sa bar counter, umiikot na ang paningin ko kaya napapikit ako sa pagkahilo. Maya maya ay may naramdaman akong mainit na palad na dumampi sa balikat ko. Hinayaan ko na iyon dahil si Jay lang naman iyon. Pero bigla akong nagulat ng hagkan niya ang aking leeg. 
"You're too drunk babe, that's enough. Let's have a dance." bulong niya sa akin. Nabigla man ako ay pinilit Kong imulat ang mga mata ko at pilit inaninag kung sino ang babaeng bumuling noon. I swear hindi siya si Jay, kasi pag siya 'yun ay sinapak ko na agad ng walang atubili. Hindi ito ang time para makipagbiruan siya sa akin. 
Una kong nasilayan ang sobrang pula niyang labi sunod ang matangos niyang ilong at mga mata niya. I thought it was Reyn for a moment. Pero hindi, hindi gumagamit ng red lipstick si Reyn kasi natural na mapula na ang kanyang labi, at mas lalong hindi siya ito dahil hindi naman siya nagpupunta sa mga gantong place. The bastard would be in rage if she ever tried to do that. 
Hindi agad ako nakaiwas sa biglang ginawa niya, agad niya akong siniil ng isang halik. Sa pagkabigla ko ay tinulak ko siya at hindi ko rin namang sinasadyang sampalin siya ng napakalakas, it was the adrenaline at all. Marami ang mga tao g napalingon at pati na rin si Jay ay napatayo sa kanyang kinauupuan at tinulungang makabangon ang babaeng natumba sa sahig dahil sa pagkakasampal ko. Nakatingin lang ang mga tao g nandoon at takot rin lapitan ang babaeng kaawa awa sa paningin nila. 
Hindi siya kaawa awa, she deserves that.
"Keiron, what did you do?!" Saway niya sa akin. Dumating ang isang bouncer ng bar at ginapos ako. Hindi na ako pumalag pa.
Hindi ko sila pinansin at binigyan ng nakakamatay na tingin ang babaeng tinutulungan niya, nag iigting ang mga panga ko dahil sa ginawa niya.
"You fucking slut! How dare you do that to me?!" Ganyan ka na ba kalandi at kating kati kang makipaghalikan sa kung sino sino man? "You're such a disgusting leech!" Puno ng pandidiring pagkakasabi ko sa kanya.
"Keiron stop!" Sigaw sa akin ni Jay pagkatapos tulungan ang babae at saka naman siya lumapit sa akin. "Tara na umuwi na tayo. Lasing na lasing ka na."
Nagpumilit akong umalis sa pagkakahawak ni Ben, malaki siyang tao at nakakatakot ang mga tattoo niya, 'yan ang sabi ng iba. Pero hindi ako natatakot sa kanya, matagal na kaming magkakilala sa bar na ito. 
"Kuya Ben, ako na ang bahala sa kanya, tulungan niyo na lang ang babaeng 'yan. Nahilo ata sa pagkakasampal dahil hindi makatayo ng maayos." 
Pagkuwan ay binitawan na rin ako nito at tinapik sa balikat, "ikalma mo man."
Hindi ko na sila pinansin at nanuna nang maglakad palabas ng bar na iyon. Si Jay naman ay nakasunod sa likod ko. Sa smoking area ako nagpunta at doon naupo. 
"Bro, ba't mo ginawa 'yun? Baka napano yung babae sa ginawa mong pagsampal." Sermon niya sa akin.
"I really don't care, okay? In fact she deserves that." Walang gang sagot ko at tumingin sa kawalan.
"Ano ba kasing nangyari? Bakit ka naglalasing? Alam ba 'to ng Mom mo?" 
"Kailan ba siya nagkapake sa akin kung maglasing man ako? She's with her husband right now. Walang alam 'yun."
"Husband? Tama ba pagkakarinig ko?" Sinulyapan ko siya sandali at tinanguan bilang pagsagot. 
Nanahimik na siya at naupo sa tabi ko, malalim ang iniisip. Hindi ko alam kung may iniisip ba siya o hinihintay lang na magkwento ako. Music sa loob ang maririnig at may mga kotseng dumadating at umaalis ang makikita rito. May mga magbabarkdang kalalakihan at kababaihan ang labas masok sa loob. 
"Bakit ganon Jay? Ang unfair," pagkukwento ko. "Hindi ko siya maintindihan. Mahal niya ako pero bakit... bakit pinapalaya na niya?" Puno ng hinanakit kong sabi. Nagsisimula na namang manubig ang mga mata ko. 
Ikinuwento ko sa kanya ang lahat nang nangyari kung paano g nagkaganon. Pati na rin ang tungkol sa decision ng parents ko. Ang hirap ng sitwasyon, hindi ako sanay sa ganito. Chill ang buhay ko noon nang hindi pa siya dumadating, walang problema, walang emotional na pangyayari pero ngayon nakakapanibago. Ngayon lang ako umiyak dahil sa mga nararamdaman ko. People knows me as heartless guy, walang awa, walang feelings, makasakit man ng feelings ng iba ay walang pake. Pero nang dumating siya binago niya lahat lahat. Naging dependent ako sa kanya, na sa puntong hindi ko alam ang gagawin pag wala siya. 
Kahit wala mang buwan ang pinagsamahan naming dalawa, sabihin man ng iba na ang dali lang kalimutan, na madali lanh gawin pero sa puntong ito hirap na hirap akong gawin iyon. Twenty four days, kaunti man ang panahon na magkasama kami pero bawat oras noon ay parang buwan na sa akin. 
Naalala ko ang sinabi ng kuya niya na thirty days ang deal. Matagal ko nang binali ang deal na iyon, kahit hindi na mapunta sa akin ang Astrix dahil nawalan na rin ako ng pake doon. Simula nang makilala ko ang kapatid niya sa kanya na umikot ang mundo ko, hindi ko namamalayan na napapalayo na pala ako sa dating Keiron; mahilig sa gulo at pagiging leader lang ang gusto. In twenty four days she turned my whole world upside down. She's unbelievable indeed, but I love her.
"Oh man, I've already warned you right from the start. Diba? Hindi ka kasi nakinig. Kung hindi ka sakim na sakim sa gang na 'yun at kung hindi mo tinanggap 'yung deal edi sana hindi ka nafall, hindi ka sana umiiyak ng ganto ngayon." Napabuntong hininga siya at natawa. "Gusto kitang tawanan alam mo ba 'yun? Kasi sa wakas nakuha mo na rin ang karma mo. Ba't seeing you like this right now? I can't, you look so pathetic Keiron."
Hindi ko pinansin ang mga sinabi niya at umiyak na naman na parang bata. Tinapik tapik niya ang balikat ko.
"Tama na kakaiyak diyan, para kang bata. Tara, iuuwi na kita." Saka ako hinila para tumayo.
"Gusto ko siyang makita ngayon, gusto ko g kausapin siya ulit. Baka nagbago na ang isip niya, baka ayaw na niya akong umalis. Samahan mo ako Jay, please..." Pagmamakaawa ko sa kanya.
"What the fuck Keiron? Gabing gabi na, hindi na ikaw 'yan. Tara na uuwi na tayo." Saka inalalayan akong tumayo para pumunta sa kotse niya. 
"Gusto ko siyang makita Jay!" Pagpupumilit ko pa. 
"Keiron ano ba? Stop acting like a child. Sa tingin mo ba pag pumunta tayo ngayon doon kausapin ka ni Reyn sa lagay mong 'yan? Lasing ka hoy, amoy alak. Hindi niya gusto ang ganon. At sa tingin mo hayaan ka ng kuya niyang kausapin siya nang lasing ka?" Hindi ako nakaksagot at nakuha ang punto niya. "Tara na, bukas na natin siya puntahan. Wag matigas ang ulo Chavez."
Saka niya ako ipinilit papasok sa loob ng kotse. Hindi ko rin alam ang mga sunod na nangyari kasi nakatulog agad ako sa sobrang kalasingan. Nagising ako nang nasa bahay na kami at pinilit niya aking bumaba ng sasakyan para maipasok sa loob ng bahay. 

Book Comment (228)

  • avatar
    FaceDirty

    good

    8d

      0
  • avatar
    HospitalChan Myae

    very good

    03/05

      0
  • avatar
    Annurhidayah

    best

    11/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters