logo text

Chapter 29 Where's Reyn?

Kinabukasan nagising ako na ganon parin kasakit ang ulo. Hang over na naman, pero sa tuwing naaalala ko ang rason nito ay nawawala ang sakit at napapalitan ng sobrang sakit sa dibdib ko. Tipong hindi pa dilat ang mata mo pero siya na agad ang pumapasok sa isip ko. 
Gusto ko siyang puntahan ngayon at pakiusapan, baka nagbago na ang isip niya baka sakaling itigil na niya ang kagustuhan niya. Agad akong bumangon at naligo, ngayon lang rin ako nakaramdam ng gutom dahil ilang araw na akong walang gana kumain. Pagkatapos kong maligo ay bumaba na agad ako, inaya ako ni nanang na kumain at hindi na ako tumanggi. May kaunting pag asa sa akin na baka nagbago na ang pasya niya. Nagkaroon ako ng gana kumain dahil sa isiping iyon.
Pinilit ko pa si nanang na sabayan ako sa pagkain, habang kumakain sa akin siya nakatingin, puno ng awa ang kanyang mga mata. Ngumiti ako sa kanya para pagaanin ang loob niya. 
"Okay lang ako nang, kumain na lang tayo." 
"Hijo, nandito lang ako para sa'yo, alam mo 'yan." Paalala niya.
Ngumiti ako ng di abot sa mata, "salamat nang."
Tinapos ko ang pag kain ko nang walang imik, iniisip kung paano ko pakikiusapan si Reyn na bumalik. Puno nang determinasyon akong lumabas ng bahay at nagdrive papunta sa bahay nila. 
Kinakabahan akong nag door bell, nakita ko kung sino ang lumabas sa pintuan nila at paglabukas ng gate ay isang malakas na sapak ng bastardo agad ang bumungad sa akin.
"What the fuck are you doing here?!" His voice were like thunder. His eyes were in rage. Napaatras ako dahil sa ginawa niya, agad niya akong hinila para sakalin. Fuck. 
"Nasaan... Nasaan si Reyn? G-Gusto ko siyang mak... makausap." Pagpupumilit ko upang makawala sa pagkakasakal niya.
"Makausap my ass! I'm going to kill you, asshole!" Tiim bagang at buong galit niyang sabi. Namumula ang mga mata niya sa galit. Nakakatakot siya dahil parang kaharap mo na rin mismo ang isang Demonyong handang pumatay ng tao.
It feels like deja vu. Nangyari na rin ito dati, but in different situations, I was so desperate to see her during that time when I figured out what I really felt for her. But now, I'm so desperate to see her hoping for a chance na maayos namin kung anong meron kami.
Hindi ako makahinga sa ginagawa niya, inipon ko ang lahat ng lakas ko para masapak siya pabalik. Sa puntong iyon ah nabitawan niya ako kaya nagmadali akong pumasok sa loob ng bahay nila na isinisigaw ang pangalan ni Reyn. 
"Reyn! Reyn, please talk to me. Ayusin natin 'to please..." Sigaw ko.
Paakyat na ako sa hagdanan nang biglang may humawak sa balikat ko at pilit akong iniharap sa kanya at muli na namang sinapak. Sasapakin na naman ulit sana ako pero agad akong umiwas at ako naman ang sumapak sa kanya. 
"Nasaan siya? Gusto ko siyang makausap! Wag mo akong pigilan." Galit na rin ako sa kanya at sa pangalawang beses ay sinapak ko ulit siya dahilan ng pagkakatumba niya. 
Aakyat na ulit sana ako nang bigla niyang sipain ang isang paa ko dahilan para mapaluhod ako sa sahig. Namilipit ako sa sakit na nararamdaman ko, hindi ko napansin na nakalapit na pala siya sa akin at buong lakas siyang pumaibabaw sa akin at sinapak ng tatlong beses habang nakakwelyo ang isa niyang kamay. 
Hindi ko alam kung masasaktan ba ako sa ginagawa niya, pero nasasaktan ako sa isiping hindi niya hahayaang makita ko pa si Reyn. Mas nangingibabaw ang sakit sa puso ko kesa sa mga tama ng kamaong tumatama sa aking mukha. Hindi na rin ako makailag sa suntok niya, napapapikit na ang aking mga mata. 
Narinig kong may sumigaw sa itaas ng hagdan, patakbong pababa ang yabag nito. Naramdaman kong pinilit niyang hinila papalayo sa akin ang bastardo. 
"Oh my god, Keiron." Boses ni Rhea iyon. Wala na akong lakas bumangon pa. "What the hell did you do to him, Z?" Galit niyang sigaw rito. 
"Isn't it obvious?" Sarcastic niyang sagot. 
Naramdaman kong lumapit sa akin si Rhea at tinulungan akong makabangon. Pinaupo niya ako doon sa may hagdan at pinasandal. 
"Zhrein Yeahkonn Santos! Ano? Titingin ka na lang diyan? Hindi mo ako tutulungan?" Sigaw niya rito.
"Umalis ka sa harapan niya ngayon din, hindi pa ako tapos sa kanya." Mariing utos nito.
"No! Sobra ka na." Dahan dahan niyang hinawakan ang mukha ko. Halos pumikit na ang dalawang mata ko dahil sa hilo at at may nararamdaman rin akong mainit na likidong tumutulo mula sa kilay ko. Nalalasahan ko na rin ang dugo mula sa labi kong pumutok dahil sa suntok niya. "Tita... Tita, help po!" Tawag nito.
"Ang sabi ko umalis ka dahil pa ako tapos sa isang yan!" Parang kidlat na nag echo sa buong paligid ang sigaw niya rito. Pinilit niyang hilahin palayo si Rhea sa akin. 
"Ano ba Z! Titaaaaa..." Nagpupumiglas niyang sigaw. 
"Ano na namang pinag aawayan niyong dalawa?" Pagod ang boses ni Tita mula sa itaas. 
"Tita help po, si Keiron binugbog ni Z." Naiiyak at nagsusumbong ang kanyang boses. 
"Jusmeyo ka Z, anong ginawa mo kay Keiron?" Patakbong bumaba si Tita sa akin at hinawakan ako sa mukha para i-check ang mga sugat kong natamo. "Rhea, tulungan mo akong itayo siya. Dali!" 
"Z, bumalik ka na doon sa hospital, mauna ka na. Mag ta-taxi na lang ako mamaya." Striktang pag uutos nito. 
Hospital? Taxi? Anong pinagsasabi ni tita? 
Kahit hindi ko alam ang nangyari, sobrang lakas na nang tibok ng puso ko. There's this thoughts inside of me that I don't want to entertain. Kinakabahan ako, kung may nangyari mang masama kay Reyn ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Gusto kong magtanong pero hindi ko maikibo ang mga labi ko. 
Magkasabay akong inalalayang makatayo ni Tita at Rhea para dalhin sa sofa at doon pinaupo. Nakita ko ang bastardong walang lingon na lumabas ng bahay, may kinuha pa ito sa bulsa niya na mukhang susi ng kanyang sasakyan. Saan siya pupunta? Gusto kong sundan siya, dahil masama ang kutob ko pero wala akong lakas para tumayo. 
"Rhea, pakikuha ng med kit nang magamot na itong mga sugat niya." Agad na umalis si Rhea para kunin ang ipinapakuha ni Tita sa kanya. "Malalagot talaga sa akin 'yang si Z." 
Mabilis na dumating si Rhea dala dala ang medicine kit. Nag umpisang gamutin ni Tita ang mga sugat ko, pareho silang nag aalalang tingin ni Rhea habang ginagawa iyon. Napaka gentle ni tita gumamot, siguro dahil sa nurse siya. Naalala ko si Reyn. Yung first time kong gamutin niya ang mga sugat ko. Masyado siyang madiin noon pero isa 'yun sa mga hindi ko makakalimutang pangyayari. Pati na rin iyong pink hello kitty na band aid niya. 
Maya maya ay tapos na rin si Tita sa kanyang ginagawa. Pagkatapos iligpit ni Rhea ang mga ginamit ay saka niya iyon ibinalik sa pinagkuhaan niya.

Book Comment (228)

  • avatar
    FaceDirty

    good

    8d

      0
  • avatar
    HospitalChan Myae

    very good

    03/05

      0
  • avatar
    Annurhidayah

    best

    11/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters