Gusto ko mang sumama kila Mom and Dad ay hindi ko magawa. Ayaw ni Reyn na pumunta ako doon, and I'm going to respect that. Kahit gustong gusto ko na siyang makita, pipigilan ko ang sarili ko para sa kagustuhan niya. Buong araw akong tulala dito sa bahay, kakaisip sa kalagayan niya. Magiging okay siya, magigising siya. I keep convincing myself with those thoughts. Naglalaro sa isipan ko ang mga panahon na hindi ko pa siya nakikilala. Sobrang layo ko sa Keiron noon. Ngayon hindi na siya makilala bilang allergic sa babae. That gaynophobia thing, wala na. Gusto ko na ulit siya makita at mayakap pero wala akong magawa kung hindi ang humilata sa kama ko at yakapin ang stuffed toy na pandang kambal ni Arty, si Reynzie. Iniisip kong siya itong kayakap ko hanggang sa makatulog. Ni ang kumain ay nakalimutan ko na. Nagising ako nang may kumatok sa kwarto ko, pumasok si Nanang at inaya akong magbreakfast dahil buong araw raw akong walang kain kahapon simula pagkauwi ko. Hindi parin ako nakakaramdam ng gutom pero pinilit kong tumayo para kumain at ayusin ang sarili. Hindi niya gustong pinapabayaan ko ang sarili ko, hindi ni Reyn gusto hetong ginagawa ko sa sarili ko. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay agad kong tinawagan si Mom para kumustahin ang kalagayan at kung ano ang napag usapan nila ni Tita para kay Reyn. Sinabi niya sa akin na okay na sila ni Tita. Mabait siya kaya alam kong madali lang sa kanya ang magpatawad dahil ganyan rin si Reyn. Ang bastardo lang ang naiiba sa lahat. Sa una ay nahirapan silang mapapayag ang bastardo na tulungan si Reyn dahil sa trust issue nito. Pero nang dahil kay tita wala siyang nagawa dahil buhay na ni Reyn ang nakataya rito at handa siyang gawin ang lahat para magising lang ito. Hindi na nila nasabi sa akin kung anong process ang gagawin para kay Reyn, mga doctor na raw ang bahala at sa pangunguna ng kaibigan ni Dad. Masaya akong malaman na okay na sila Mom at Tita, sana nga ay napatawad na niya ito. I found myself doing the things that I'm not allowed to do the past eight years. Hawak hawak ko ang isang paint brush kaharap ang isang malaking painting board na nakalgay sa wooden easel. Hinahayaan ko ang kamay kong iguhit ang nais iguhit ng emosyon ko. Gusto kong ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko sa pamamagitan nito. I spent three days drowning myself in painting those smiles and eyes of her. Dalawang painting ang nagawa ko, isang painting ng mukha niyang nakangiti at painting ng isang mata ng tao na lumuluha, habang nakatingin sa isang art painting kung saan makikita ang reflection ng babaeng nakangiti which is the first painting na ginawa ko. Doon ko iginugol lahat ng araw na wala akong magawa habang naghihintay sa update ng kalagayan ni Reyn. Pagod ang mga matang tinitigan ko ang mga gawa kong painting niya. She's so beautiful, I can't stop myself from touching those arts. And there my tears began to flow again. Oh God. I know, I never used to pray before like this to you, I'm sorry. But please let my Reyn see the world again, let her see the beauty of your creation. Let the world see her smile again. She deserves to live longer, she deserves all the love we have on her. You know that I don't do praying but please have mercy on me, I'm sorry for everything I have done. Forgive me for not knowing your sacred name. Simula nang makilala ko siya, she taught me everythings that I don't know in this world. Dahil sa kanya nakilala ko ang Diyos, nagkaroon ako ng takot sa lahat na dati ay hindi ko ramdam. Kung dati ang pag iyak ay hindi ko magawa ngayon halos inaraw araw ko na. Lumipas pa ang mga sumunod na araw hanggang sa maging linggo na ito pero wala akong ka update update tungkol sa kalagayan ni Reyn. I keep asking Mom and Dad kung may alam ba sila sa kalagayan ni Reyn since kaibigan rin nila ang tumulong dito, pero ang sabi sa akin wala silang update dahil sa hindi na sila nakadalaw ulit ng hospital. Nililimitahan raw ang taong dadalaw muna sa kanya. Tanging ang tahabantay niya lang doon ay ang Mama at kapatid niya. Para akong kinukulong sa isang selda, gusto kong umalis dito at puntahan siya pero alam kong pipigilan lang ako ng bastardo. Bawat araw na lumilipas, palalim nang palalim ang pangungulila ko sa kanya, para akong tinotorture hindi man pisikal pero emosyonal. Para akong naghihintay sa isang bagay na hindi ko alam kung meron ba talaga o wala. But I am still hoping na magandang balita ang ibibigay nila sa akin. As long as wala akong natatanggap na masamang balita may pag asa at aasa ako rito. Hindi na ako makapaghintay, nakakawalang pasensya ang umpo na lang sa gilid at walang ginagawa. Gusto ko siyang makita. Agad kong kinuha ang susi ng sasakyan ko at tumakbo pababa para magdrive papuntang hospital. I'm sorry kung hindi ko marespeto ng maayos ang kagustuhan mo Reyn, miss na kita at hindi ko kayang maghintay lang sa sasabihin nila sa akin. Ako na mismo ang gagawa ng paraan para makita ka ulit. Pagkarating ko ng hospital ay agad kong tinanong ang isang nurse sa may reception area, tinanong kung naka confine parin ba roon ang pangalang Reynzie Inah Santos. Nanginginig ang mga kamay ko habang naghihintay sa ginagawang pagcheck ng nurse sa computer ng pangalan nito. "Sir, wala pong Reynzie Inah Santos dito." Kunot noo ko siyang tiningnan, tinatansa kung tama ba ang pagkakarinig ko. "Anong wala? Nandiyan 'yan, nasa room number 244 siya." Nagtataka man siya ay ibinalik niya ang tingin sa computer para i-check ulit ito. "Merong nakalagay rito pero last week pa nakalabas. Inilipat siya sa ibang hospital, sir." Mas lalong napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Lumipat sa ibang hospital? Bakit hindi sa akin sinabi ni Mom at Dad 'yun? May alam ba sila o sadyang hindi rin nila alam since hindi na sila nakadalaw. Alam kong wala rin balak ipaalam ng pamilya nila sa akin dahil iyon ang dapat. Bakit ipinagkakait sa akin ang makita siya? 'Yun lang naman ang gusto pero bakit inilalayo siya, bakit kailangang pigilan. "Alam niyo ba kung saang hospital siya inilipat?" Umaasa akong alam niya ang sagot. "Hindi po sir eh, hindi nakastate dito kung saang hospital." Pagkasabi niya noon ay agad na akong lumabas, nagmukha man akong bastos doon ay wala na rin akong pake. I don't like the way she looked at me, she's trying to flirt with me. Pinipigilan ko lang ang sarili ko kanina na wag mainis sa ginagawa niya dahil mas importante ang mga katanungan ko. Pero ngayong nakaalis na ako hindi ko mapigilang mandiri sa kanya. Iww, she's gross. Hindi ko na alam kung anong susunod kong gagawin. I keep contacting the bastard and tita pero mukhang blocked ang number ko sa kanila. I am so frustrated, naiiyak na rin ako. What should I do now? muli kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Jay. "I need your help, jay." seryoso kong pakikipagusap sa kanya sa kabilang linya. "I'm always at your service bro, what's the case?" Active nitong sagot. "I need you to stalk Reyn's best friend. Pakisundan ang bawat galaw niya, I need it. Sabihin mo agad sa akin kapag nakasama niya ang bastardo o hindi kaya ay pumunta siya sa isang hospital." Alam kong may alam si Rhea kung nasaan mang hospital inilipat si Reyn ngayon. "What's her name bro?" "Rheanna Zhaila Raven Cagandahan." Reyn told me her bestfriend's full name one time na magkasama kami at si Rhea ang pinag uusapan namin. "Haba naman, pero sige. Basic lang 'yan sa'kin. May kailangan ka pa?" "Wala na. Thanks." Saka ibinaba ang tawag. Mapagkakatiwalaan si Jay sa mga ganitong bagay. He's my spy, isa rin ito sa advantage ko dahil sa kanya nalaman ko kung sino ang mga patagong traidor na miyembro sa grupo ng Astrix. Madali lang sa kanya ang magmanman ng mga tao, walang katagalan at nakuha na agad nito ang lahat ng data ng isang target. I'm must say, I am lucky to have him as my ride or die bestfriend. Hindi na muna ako umuwi ng bahay at dumiretso sa bahay nila Reyn. Umaasa akong nandoon ang isa kila tita at bastardo, pero nang makarating ako roon ay wala manlang katao tao ang bahay nila, sarado at wala ang kotse nila rito. Lumabas ako ng kotse ko at naupo doon sa gilid ng gate nila, gulong gulo ang isip. "Reyn, where are you? I need you." Nahaplos ko ang mga palad ko sa aking mukha at doon umiyak. Para akong mababaliw sa nararamdaman ko ngayon, naiinis, nagagalit at nasasaktan. Biglang umulan ng malakas pero hindi ako natinag, nanatili akong nakaupo at umiiyak sa gilid. Alam kong napakalabong mangyari pero mas gusto kong isipin na sana okay kami ngayon at umaasa akong lalabas siya ng kanilang bahay nang may dalang payong para payungan ako. Pero wala siya dito, hindi na niya magagawa iyon, hindi ko alam kung nasaan siyang hospital ngayon, hindi ko alam kung okay pa ba ang kalagayan niya bakit kailangang ilipat ng hospital kung gayong kilala rin naman ang pinanggalingan niyang hospital. Umuwi ako pero hindi diretso sa bahay, dumiretso ako doon sa mansion ni Dad. Magtatanong ako sa kanya kung may alam ba siya o kung pwedeng ma contact ang kaibigan niya at alamin kung nasaang hospital dinala si Reyn. Si mom agad ang sumalubong sa akin. Inilagay niya sa mesang nasa gilid niya ang tasa ng kapeng hawak hawak niya at mabilis na nilapitan ako. "Oh my god Keiron, bakit ka basang basa? Naligo ka ba sa ulan? Ya, pahingi akong towel!" Tawag nito sa kasambahay na malapit lang. Agad na ibinalot sa akin ni Mom ang towel na ibinigay ng maid at pinapasok ako sa loob. "Alam ko g may sadya ka na naman kaya ka naparito, but before that you should take a bath muna. Mahirap na at baka lagnatin ka. Go... go na. Ya, pakisamahan siya papunta sa kanyang kwarto." Saka niya ako ipinagtulakan paakyat ng hagdan para maligo. Wala akong choice kung hindi ang sundin ang utos niya. Mas gusto ko rin itong ginagawa niya, ramdam ko ang pag aalala niya bilang isang Ina na hindi sinasakal ang anak sa mga gustong ipagawa. Dinala ako ng maid sa isang malaking kwarto at agad rin akong iniwan rito. Malaki rin ang kwarto ko pero mas doble itong kalakihan niya kesa doon. Black and white ang interior nito, bagay na gusto ko. Nilalamig na rin ako kaya dumiretso na ako sa banyo para maligo. Lumabas ako at doon sa kama ay may nakalatag ng mga damit. Kinuha ko ito para maisuot. Lumabas na agad ako ng kwarto at saktong nandoon silang dalawa sa baba kaya nagmadali na akong bumaba para itanong sa kanila ang gusto kong malaman. Nakaupo kaming tatlo sa couch habang nanood ng TV. "May alam po ba kayo tungkol sa paglipat ni Reyn ng hospital?" Pagbukas ko ng usapan. Si dad ang sumagot, "wala kaming alam tungkol riyan Keiron. Bakit pala siya lumipat ng hospital?" Agad nitong tanong. So I guess wala nga silang alam sa mga nangyari. "I don't know rin. Can you contact Reyn's doctor which is that friend of yours Dad, so we can have any update about her?" This time umaasa akong "oo" ang isagot niya. "I'll try to... if that's what you want, son." "Thanks dad." Binigyan ko siya ng ngiting hindi rin abot sa mata. Kahit hindi nila sabihin alam kong naaawa sila sa akin. Kita ko sa mga mata nila ang habag para sa akin.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
good
8d
0very good
03/05
0best
11/04
0View All