logo text

Chapter 13 Your voice is my therapy

Nagising ako na sobrang sakit ang ulo. Biglang bumalik sa isipan ko ang mga nangyari kahapon, nagpakalasing ako ng sobra to the point dito na ako nakatulog sa bahay nina Jay. 
Hinanap ko ang phone ko at nakita ito sa ibabaw ng table, kinuha ko agad ito at mabilisang tiningnan kung anong oras na. Malapit nang mag nine o'clock, sunod ko namang tiningnan ang inbox ko at doon tadtad ako ng missed call at messages galing kay mom pero hindi ko na ito pinansin at hinanap ang inaasahan kong tao na magtext sa akin at hindi nga ako nabigo dahil may limang messages rin akong natanggap galing kay Reyn at isang missed call. I forgot may lakad pala dapat kami kahapon at balak ko siyang sunduin sa bahay nila pero hindi na ako nakapunta dahil sa biglang nangyari sa'min ni Mom.
Sana naman hindi siya nagtampo sa akin. Hindi naman siya ganon kahirap suyuin pero ayaw ko lang masaktan ang loob niya. Agad akong nagreply sa kanya. 
To: Reyn
Sorry kung hindi kita nasipot kahapon diyan sa bahay niyo, something came up kasi. I hope you understand.
Of course she's Reyn ano pa bang inaasahan ko, kahit mahirap sa loob niya maiintindihan niya ito. I know her and I like her for being that girl; hindi siya madaling manghusga na lang basta-basta. 
Bumangon ako at isinuksok sa bulsa ng shorts ko ang phone. Tumayo ako at lumabas ng kwarto para bumaba sa kitchen nila jay upang uminom ng tubig. 
"fck this hangover..." sabay hilot sa sentido ko umaasang mawawala ang sakit. 
Naabutan ko doon ang naglilinis na kasambahay nila. Binati niya ako pero wala ako sa mood bumati pabalik at dumiretso na lang para kumuha ng basi at makainom ng tubig. Habang iniinom ang laman nitong tubig ay biglang nag ring ang phone ko sa aking bulsa. kunot noong ibinaba ko ang hawak-hawak kong baso at agad tiningnan kung sino ang tumawag, umaasang hindi ito si mom. 
nang makita ang pangalang nakalagay sa screen ng aking phone ay agad akong napangiti sa loob loob ko. Its Reyn.
"Hey," naghintay ako ng ilang segundo para sumagot siya mula sa kabilang linya, pero wala man lang akong narinig na boses mula sa kanya pabalik. "hey.. uhh look I.. I'm sorry if nagtatampo ka sa akin, it's just that something came up and i didn't mean to forget about what we should going to do, masyado akong nadala sa mga nangyari to the point i forgot to pick up my phone and texted you—" 
"Hello? Sorry hindi agad ako nakasagot may kinuha lang kasi ako. and let me correct you, i'm not upset or what.. i understand your explanation. it's just that i'm worried about you. pero ngayon okay na since you texted me back this morning, although it's late but it's fine.." hindi agad ako nakasagot kaya naman ipinagpatuloy niya ang kanyang pagsasalita. "how are you pala? what happened and what do you mean something came up? are you okay? may nangyari ba sayo? napano ka?" sunod-sunod niyang tanong. 
Hindi ko alam kung anong nangyari pero biglang nawala ng init ng ulo ko marinig lang ang boses niya. something inside me wanted to see her right now.
"Nah.. I'm okay, I guess? I don't know. Mom and I had a big fight yesterday, the reason why hindi ako nakapunta diyan sa inyo. Don't worry, okay lang ako nandito ako ngayon sa bahay nila jay. Dito muna ako for now hanggang sa mag-sink in ang lahat sa akin at lumamig ang ulo ko."
"Okay sige basta kapag may kailangan ko o gusto mong kausap nandito lang ako free naman ako lagi eh diba."
"Hmm okay, thanks for your concern."
"Anyway have you eaten your breakfast na ba?"
"Actually hindi pa, since kakagising ko lang, ikaw, did you eat already?" 
"Oo done na, sige na ibababa ko na 'tong tawag. Kumain ka na diyan. Punta ka na lang dito sa bahay kapag okay ka na."
May part sa akin na ayaw kong maputol ang pag uusap namin pero siya na ang nagtatapos nito kaya wala na rin naman kong magagawa.
"uh okay? sige.." but I still wanna talk to you, I want to see you. Yan ang gusto kong sabihin sa kanya pero hindi ko magawa.
"bye! I love you.." bulong lang iyon pero rinig na rinig ko ito. Hindi ko na mapigilan ang mga ngiti ko na kumawala.
"I.. I—" hindi ko maituloy ang sasabihin ko. Bigla na lang rin pumasok si Jay mula sa labas, suot suot ang jogging attire nito. 
"Hoy hoy! Ano 'yang ngiting yan? Parang kahapon lang grabe ang iyak mo tapos ngayon mukha kang ewan na ngingiti ngiti diyan. May sapi ka ba bro?" Agad ko siyang sinamaan ng tingin. 
"Sige na, andito na ang bubuyog.." tsaka ko ibinaba ng tawag. "Aga aga bunganga mo agad ang bubungad sa akin, kailan ba matatahimik ang buhay ko diyan sa kaingayan mo." Reklamo ko sa kanya nang hindi pinapansin ang mga sinabi niya. 
"Sus, wag mong iliko ang usapan. Ano sinong katawagan mo at ganyan ka makangiti? Si Reyn ba? Ano in love ka na?" Nakangising panunukso nito sakin. 
"Yuks, asa! Manahimik ka nga diyan." Singhal ko sa kanya at umupo na sa hapag. 
"asuuuss! oh sige sabi mo eh," umupo siya sa kabilang upuan, "ya? Asan na yung niluto mo?" tawag nito sa maid nila. 
"Heto, sandali lang dadallhin ko na diyan." Maya maya pa ay dumating na rin ito dala dala ang tray ng pagkain na inihand niya. Isa isa niyang inilapag sa harapan namin ang mga pagkain. These foods looks like it taste so good tho, sa bango palang nito alam na.
"Sabay ka na sa amin ya." aya nito.
"Wag na, kanina pa ako kumain. Kayo na lang." 
Bumalik na sa kanyang ginagawa ang maid nila at nagsimula na rin kaming kumuha ng pagkain. Isang subo palang ay saka namang muling nag ingay 'tong kuliglig.
"Nga pala, tumawag sa akin si tita. Nag aalala siya sa'yo. Hinahanap ka sa akin, sinabi ko lang na ayos ka at wala siyang dapat ipag alala, na babalik ka rin kapag malamig na ang ulo mo." 
Hindi ko pinansin ng sinabi niya, "huwag mo muna siyang ipasok sa usapan nakakawalang gana kumain." At saka ko itinuloy ang pagkain ko. 
"Ikaw bahala," saka ipinagpatuloy nito ang sunod sunod na pagsubo ng kanin at ulam. Ako ang nahihirapan sa paglunok makita siyang ganyan kumain.
"Pwede ba? Dahan dahan namn sa paglamon? Mukha kang hindi pinakain ng ilang araw, tsaka anong silbi ng pajogging jogging mo kung ganyan ka lumamon?" Nandidiri ang mga tinging ipinukol ko sa kanya. 
"Eh sa masarap eh. Hindi mo ba alam? Mukbang tawag dito, lul. Isa pa di namn ako tumataba eh," ipinakita niya sa akin ang kanyang biceps, "see this? Malaki parin naman ah.."
"Nakakawalang gana kumain kung ganyang mukha mo ang makikita ko sa hapag," inosenteng napatingin ito sa akin.
"Huh? Bakit? Ginagawa ko ba sa'yo? Tahimik akong lumalamon oh.." sabay pakita sa akin ng kutsarang puno ng laman at isinubo ito. Nilunok muna niya ito at nagsalita ulit. "Ah alam ko na, iba ang taong gusto mong kasalo sa hapag noh?" tunog nanunukso ito. 
"Ano na naman?" Walang ganang tanong ko. Hinintay ko siyang makasgot pero kinuha ito sa kanyang bulsa, nagsimula siyang magtype dito at nakangising ipinakita sa akin ang isang picture.
"Heto ba ang gusto mong kasalo? Yiiee..." Picture ni Reyn ang nakikita ko sa screen ng kanyang phone. Profile picture ni Reyn sa facebook kung saan ngiting ngiti ito, he stalked her account. 
"Tss!" Hindi ko na ulit siya pinansin at itinuloy na ang pagkain. Naiinis ako sa mga pinanggagawa niya. 
"Uy! Di makasagot, ano? So siya nga ang gusto mong kasalo yiieeeee!" Panunukso pa niya. 
"Manahimik ka nga." 
"Wahahahah! Okay lang yan bro, naiintindihan naman kita eh, sa ganda ba naman ni Reyn sinong di gaganahan sa pagkain kapag siya ang kasabay mo noh?" Kausap pa niya sa akin. 
"Itigil mo yan Jay." I said in warning voice.
"Ang ganda niya talaga noh? Stalk pa natin." Tumingin ako sa ginagawa niyang pag scroll sa timeline ni Reyn. "Sexy naman niya dito sa black fitted dress na 'to. May shape rin pala." I know that photo, hindi niya ito post, nakatag lang sa kanya ito, tagged by her bestfriend. I knew it because I once stalked her account too.
"Uyy bro look, nakita mo na ba 'tong story niya? Eighteen hours ago na, kahapon pa pala 'to eh. Shet naka two piece siya oh? woah!" Nabigla siya dahil sa agad kong paghablot ko ng phone niya sabay kwelyo sa kanya. 
"I said stop." Galit ang boses ko at masama ang mga tinging ibinibigay sa kanya. 
Hindi ko gusto ang way ng pag compliment niya kay Reyn. Totoong maganda siya at ganon rin ang pangangatawan, pero ayokong naririnig ito mula sa iba, lalo na kung galing sa mga lalaki. Naiinis ako. 
"Easy bro, nahahalata ka na talaga." Natigilan siya sandali but instead na matakot sa ginawa ko ay natawa siya. "Joke lang 'yung huling sinabi ko sa'yo, look wala siyang story na ganon, actually account na ng bestfriend niya ang iniistalk ko. Sa bestfriend rin niya 'yang story na yan, tingnan mo at nang makalma ka." 
Agad kong tiningnan ang screen ng phone niya at doon nakita ko ang story ni Rhea na picture niyang naka two piece. Agad ko siyang binitawan sabay balik sa kanya ng kanyang phone at naupo para pakalmahin ang sarili. 
"Selos ka naman masyado," tukso na naman niya.
"Hindi ako nagseselos. Not in my vocabulary." 
"Ah talaga? Okay, pero diba nga ang ganda ni Reyn bonus sexy pa. Kung hindi lang ikaw ang gusto niya, ako ang manliligaw sa kanya—" sa mga sinabi niya doon ako nakaramdam ng sobrang inis. 
"I said shut up! She's mine!" sigaw ko sabay tayo at naglakad palabas ng kusina nila. Nawalan na ako ng gana kumain. 
"Hala possessive yan?" rinig ko pang sabi niya pero di ko na ito pinansin at lumabas ng bahay nila para magpahangin.

Book Comment (228)

  • avatar
    FaceDirty

    good

    12d

      0
  • avatar
    HospitalChan Myae

    very good

    03/05

      0
  • avatar
    Annurhidayah

    best

    11/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters