Homepage/24 Days With You/
Chapter 10 Meeting her family
One week na ang nakakalipas since nagsimula ang deal na pagpapanggap na mahal ko si Reynzie. Sa mga nagdaang araw mas lalo kong nakikilala si Reynzie. Aaminin kong masaya rin siya kasama, ang kulit niya at sobrang clingy. Minsan natatawa na lang ako sa mga kabaliwang ginagawa niya, masyado rin siyang madaldal. Nang dumating siya sa buhay ko pakiramdam ko hindi na matahimik ang buhay ko.
One week palang ang nakakalipas pero pakiramdam ko ang haba na ng panahon na kasama ko siya. Hindi rin naman siya mahirap pakisamahan, unti unti na rin akong nasasanay sa presensya niya.
Aaminin ko ulit, hindi naman pala mahirap makisama sa mga babae lalo na sa kagaya ni Reynzie na masayahin na parang walang problema lang, kapag siya ang kasama mo pati ikaw matatawa sa mga tawa niyang parang tunog huni ng pabo.
She's an entertaining person, ang ganda ng vibes na dala niya. Palagi ka niyang mapapangiti sa kabaliwan niya. Minsan hindi ko na lang namamalayan ang sarili kong nakikisabay na rin pala ako sa trip niya, and I always ended up seeing myself laughing out loud together with her. Hindi ko rin namamalayan na napapalapit na rin pala ako sa kanya, ewan ko kung anong tawag dito pero parang friends na rin ang turing ko sa kanya, hindi rin naman kasi siya ganon kahirap na pakisamahan, may mabait din siyang side.
Sa mga araw na palaging siya ang kasama ko nagiging iba na ang pananaw ko sa mga babae, na hindi naman pala lahat ng babae kagaya ni mom. Kay Reynzie ko natutunan na hindi naman pala kailangang idamay ang lahat kung sa isang tao mo lang ito nakita, saka mo na lang husgahan o lahatin kung nakilala at nalaman mo na ang lahat.
I didn't treat her as my girlfriend, I see her now as my friend. Kahit para sa kanya boyfriend niya ako, para sa'kin friends lang kaming dalawa.
Nasasanay na ako sa pagiging clingy, madaldal, at makulit niya, 'yung ginagawa niya sa'king paghalik sa noo o sa pingi normal na rin, nasanay na ako sa araw araw niyang pag gawa non, hindi na sa'kin big deal ang mga yakap niya. Hindi na rin ako naiinis sa kanya o nagagalit dahil sa kadahilanang I hate girls, nakakaramdam ako ng inis sa kanya pero ibang inis, inis sa pagiging sadista niyang klase ng babae, ang hilig hilig niyang mang hampas, mangsuntok, yuyugyugin ka, at hihilahin ang damit mo na sa sobrang hila ay parang mapupunit na.
Lahat ng 'yan ay ang mga hilig niyang gawin sa'kin kapag magkasama kami, walang araw na hindi ako nakakatanggap ng mga ganoon galing sa kanya. 'Yung mga mura niyang puro gag* lang naman ang alam sabihin nasanay na rin ako.
Papunta ako ngayon sa bahay nina Reynzie, birthday daw ng Mama nila kaya ininvite nila ako kahit ayoko naman sanang pumunta, pero dahil sa mapilit siya no choice ako kung hindi ang pumunta.
Nagdala na lang ako ng cake kasi hindi ko rin naman alam kung anong dadalhin, hindi na ako bumili ng ireregalo, hindi naman sa nanghihinayang akong gumastos kaso hindi ko kasi alam kung anong kinahihiligan ng Mama nila, baka 'yung maibigay ko hindi naman pala niya magustuhan.
Pagkarating ko sa bahay nila ay agad akong bumaba ng kotse ko at nag doorbell na. Si Reynzie ang nagbukas ng gate nila at nagpapasok sa'kin sa loob ng bahay nila.
"Doon sila sa kitchen, tara," aya niya sa'kin, "wag kang mag-alala, wala naman kaming mga bisita sina Rhea at mga magulang niya lang ang nandito, mamaya pa darating sina Lola at Lolo. Hindi na kami nag invite ng maraming tao kasi gusto ni Mama tayo tayo lang," Dugtong naman niya.
Tumango lang ako at sumama sa kanya. Pagkarating ko doon ay totoong wala ngang ibang tao, parang nag set lang sila ng dinner night. Isang babae at isang lalaki na mukhang kasing edad lang din ni Mom, nandito rin si Z at si Rhea. Lumapit sa'kin ang isang babaeng kasing edad rin ni Mom na sa tingin ko ay Mama ni Reynzie.
Hindi ko pa kasi nakikita ang Mama niya, dahil sa hanggang labas lang naman ako ng gate nila at wala akong balak kilalanin ito. Pero ngayon heto ako sa harapan niya makikipagkilalang boyfriend kuno ng anak niya.
"Hi hijo, ako nga pala ang mama ni Reyn," Pagpapakilala niya.
Maganda siyang babae, at may pagkakahawig si Reyn sa kanya ganon din si Z.
Ngumiti ako at nakipagshake hands, "Happy Birthday po tita, Keiron po pala," Sabay abot ng box ng cake na dala ko, "Pasensya po kung wala akong regalo, hindi ko po kasi alam kung ano 'yung mga bagay bagay na gusto niyo."
Hinampas naman niya ako sa balikat. Now I know kung saan nagmana sa pagiging sadista 'tong si Reyn. Ngumiti lang ako sa kanya.
"Sus ano ka ba, ayos na 'tong dala mong cake, regalo na rin 'to para sa'kin," ngumiti lang ako sa kanya hindi ko naman kasi alam ang isasagot, "kay gwapo mo naman palang binata ka, hindi na ako magtataka kung bakit crush na crush ka ng anak ko at panay kwento pa siya kung gaano ka ka gwapo kasi totoo palang mala adonis ang iyong kagwapuhan—" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil sa pinutol agad ito ni Reynzie.
"Mama naman eh, tama na nga 'yan tara na kain na masyado ka ng madaldal diyan," Aya niya.
Napatingin ako sa kanya at kitang kita ko kung paano mamula ang kanyang mukha. Napangisi ako sa kanya, binigyan naman niya ako ng masamang tingin. Madaldal ang mama kaya madaldal din ang anak.
"Haha, oh sige halika na hijo, umupo ka na at kumain, salamat pala dito sa dala mong cake," Sabay balik sa kanyang upuan.
"Sige po, you're welcome," Sagot ko na lang.
Pinaypayan ako ni Reyn para lumapit sa upuang katabi niya. Umupo ako doon, napatingin ako kay Z na kaharap ko ngayon sa mesa. As usual he's not wearing his smile, seryoso lang ang kanyang mukha. Napatingin siya sa'kin sabay taas ng kilay, nginisihan ko lang siya.
"Kuya, nakita ko 'yun, wag ka ngang suplado," Sita ni Reyn sa kanya.
"Tsk!" Singhal niya at nagpatuloy na sa pagkain.
Ako naman ay tinulungan na ni Reynzie na maglagay ng pagkain sa plato ko, hinayaan ko lang siya sa kanyang ginagawa.
"Ah siya nga pala, Art. Si Tito Lance at Tita Rita, mga parents ni Rhea. Tito, Tita, si Art—"
Hindi na niya natapos ang pagpapakilala niya sa'kin at sa babae at lalaking kaharap ko ngayon na sinabi kong kasing edad lang ni Mom, dahil sa silang lahat na mismo ang dumugtong nito.
"Boyfriend mo!" Sabay nilang lahat na sabi.
Napakurap kurap na lang ako, ganon na ba ako kasikat na boyfriend nitong babaeng 'to? Bakit pati parents ni Rhea alam ng boyfriend ako ni Reyn.
"Ah hehe, opo. Pano niyo po pala nalaman na boyfriend ko siya?" Tanong ni Reynzie sabay turo pa sa'kin.
Tinuro naman ng dalawang kaharap ko si Rhea na anak nila. Sabay kaming napatingin kay Rhea, ngumiti siya na parang nahihiya pa.
"Hehe, sorry aken," Sabay ngumiti ng confident sa sarili.
"Rhea!" Saway sa kanya ni Reyn.
Ngumiti lang siya sa kaibigan niya at nag flying kiss pa. Baliw rin pala 'tong kaibigan ni Reynzie.
"Anyways, ako rin magpapakilala sa aking sarili sa'yo Art, sayang ganda ko kung di mo ako makikilala," Sabay upo ng maayos at inayos pa ang mukha para mag introduce ng kanyang pangalan.
"Tsk!" Rinig naming singhal ni Z.
"Wag ka ngang panira diyan, papansin ka bhe?" Pagtataray niya kay Z, "okay, hi Keiron, ako nga pala si Rheana Cagandahan. Maniwala ka, totoo 'yang surname ko walang halong kapangitan kagaya ko, one hundred percent sure kagandahan." Ngiting ngiti pa niyang sabi.
Natawa na lang ako sabay iling iling, seems like sobrang lakas ng hangin ang dala nito. Narinig ko pang napatikhim si Z.
"Oh bakit may angal ka sa taglay kong kagandahan? Ha aber?" Pagtataray na naman ni Rhea kay Z.
Napatingin ako sa kanilang dalawang magkaharap, palipat lipat ang ginawa kong pagtingin sa kanilang dalawa. Nakataas ang isang kilay ni Z habang nakatingin kay Rhea na para bang nagtataka sa kanyang sinabi, hindi naman nagpatalo itong isa at ginaya ang ginawang pagtaas ng kilay ni Z sabay irap pa.
Kanina ko pa napapansin 'tong dalawang 'to, ano bang meron sa kanila? Parang may iba eh. Anyways, hindi ko naman problema 'yon ba't ko nga ba iniisip 'yun?
Hindi ko na lang sila pinansin at nagtuloy na sa pag kain, 'tong si Rhea tuloy tuloy parin sa pagdada. Rinig kong panay singhal si Z sa mga pinagsasabi niya.
"Hoy ikaw lalaki!" Tawag niya, kaya lahat kami sabay na napatingin sa kanya. Nakaduro siya kay Z gamit ang tinidor na hawak niya at masama ang tingin, "Crush mo ba ako?"
Napangisi naman si Z kay Rhea habang ako ay napaubo naman, dali dali akong binigyan ng tubig ni Reyn at tinanggap ko naman iyon para inumin.
Hindi ako makapaniwala dito sa best friend ni Reyn, masyadong straight to the point kung makapagtanong. May mga ganoon palang babae, makapal ang mukha kung makapagtanong kung crush ba siya ng tao.
"Tigas ng mukha mong itanong 'yan, malamang hindi," Sagot naman ni Z at nagpatuloy na sa pag kain na para bang wala lang sa kanya ang sinabi niya.
"Ouch," Si Rhea, umaaktong nasaktan sa mga sinagot ni Z, may pahawak hawak pa siya sa kanyang dibdib, "Dad oh, si kuya Z ayaw ako i-crushback." Sumbong niya sa kanyang Dad na parang bata. Ti-nap-tap naman ng dad niya kanyang balikat na aprang pinapatahan.
That's it! Crush pala nitong si Rhea ang bastardo, pero masyado naman atang makapal ang mukha nito para itanong 'yun.
"Don't call me kuya, hindi kita kapatid," Singhal naman ni Z.
"Kasi gusto mo akong maging asawa, yiieee!" Nakangising pang aasar naman ni Rhea na bumalik na sa dating pwesto.
Napailing iling na lang ako sa katigasan ng mukha nitong si Rhea, saan ba niya nakuha ang ganoong tigas ng mukha?
"It won't happen, never in my life," Walang ganang sagot ni Z.
"Hay naku Keiron, kung ako sa'yo huwag mo ng pansinin ang dalawang 'yan. Natural na sa'min ang dalawang 'yan, mga aso at pusa," Mama ni Reyn.
"Diba tita 'yung mga aso at pusa ang nagkakatuluyan sa huli?" Nakangising tanong na naman ni Rhea.
"Shut up, Rhea. Bangag ka ba? Magkaibang hayop ang aso at pusa, kaya malabong mangyari ang sinasabi mo, use your common sense," Si Z na halatang naaasar sa kaharap nito.
"Ay malabo ba? Edi ipilit natin, use your common sense daw eh," Nang aasar namang sagot ni Rhea.
"Kuya, ano ba, tumigil na kayo nasa hapag tayo nakakahiya sa bisita," Saway naman ni Reyn sa kanyang kuya.
"Tsk!" Suminghal na lang siya at hindi na sumagot, nagpatuloy na lang siya sa pagkain.
"Ikaw anak wala ka pa bang ipapakilalang boyfriend samin ng Mom mo?" Biglang tanong ng Dad ni Rhea.
"Dad naman eh, syempre wala pa. Hindi pa nga ako nililigawan ng crush ko eh, hinihintay ko pang maging mutual ang feelings namin," Habang sinasabi niya iyon nasa bastardo ang kanyang paningin.
"Tsk!" Singhal lang ang narinig namin kay Z.
Marami pa silang pinagkwentuhan at si Rhea ang pinakamaingay sa lahat, 'yung tawa niyang walang pigil. Palaging ang bastardo rin ang kanyang target na kausapin, heto namang si Z mukhang naiinis na sa bunganga nitong si Rhea. Kami naman ni Reyn ay nakikitawa lang sa mga pinagsasabi nitong kaibigan niya.
Naunang natapos sa pagkain ang bastardo, hindi na rin niya siguro matiis ang bunganga ni Rhea. Nang masulyapan ko siya kanina nakita kong namumula na siya, ewan ko kung anong nangyari sa kanya at wala rin naman akong balak alamin pa, para ano pa? Magmumukha lang akong chismoso.
Nag presenta si Reyn na siya na lang ang maghuhugas ng mga pinagkainan. Sa una hindi pumayag ang kanyang Mama pero sa huli napapayag niya rin ito.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya mas pinili ko na lang na samahan si Reyn sa kusina habang naghuhugas siya ng mga hugasin. Lahat ng tao ay nandoon sa living room nila kaya kaming dalawa lang ngayon ang nandito sa kusina nila.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (228)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
good
12d
0very good
03/05
0best
11/04
0View All