Homepage/24 Days With You/
Chapter 35 Farewell, my love
She died before Christmas, I celebrate my Christmas, New Year, and Valentine's Day without her by my side. I was waiting for those special days to celebrate it when we were together, but now she's gone. I didn't celebrate, for me it was just a normal day, people around me were in love, my parents were in love while I was there stuck in the past. My heart is aching, my soul is longing for her. Oh my Reyn, I wish I could still hug you right now.
Those special days had passed and now I am walking on the way to get my diploma, wearing a white toga. Magkasama sana kaming dalawa gumraduate ngayon, masaya dapat ako sa araw na ito pero hindi ko magawa dahil hanggang ngayon nandoon parin ako sa mga panahing magkasama kami. In a short period of time my senior life became memorable yet painful. She made it, hindi man siya nakagraduate but she made me one of them.
Muntikan ko nang itigil ang pag aaral ko dahil sa kanya, but she keeps showing in my dreams telling me to move forward and be a grown-up man. And I did as I promised to her; I am now a graduate of senior high school, and I don't have any plans to go abroad for college. Mom and I argued about this but in the end wala rin silang magawa ni Dad. This is my choice.
I promised to you na gagraduate ako and I did. Pero iba ang nais kong kunin, ayaw kong maging tagapagmana ng company ni Dad. Every Sunday akong nagpupunta ng church, or kapag wala akong magawa sa church ako pumupunta, I keep praying na mawala na ang sakit na nararamdaman ko pero hindi ang alaala namin.
Wala na rin akong update ngayon sa pamilya nila. Ang alam ko nasa ibang bansa ngayon sina tita at ang bastardo. Mas pinili nilang doon mamuhay para makalimutan ang mga masasakit na alaala dito sa Pilipinas. Si Rhea naman nakikita ko minsan siya sa school, hindi namin iniiwasan ang isa't isa but we choosed to be a strangers again. Madalas ko siyang makitang nag iisa, we talked one time and decided to forget the past and moved forward, to moved on. Pareho lang kami masasaktan kapag nakikita namin ang isa't isa, si Reyn ang naaalala, so it's better to be a strangers again, to act like there's no Reyn in our lives, na panaginip lang ang isang buwan na pangyayaring iyon. I can act like Reyn didn't exist in my life. I can act like that until I get used to it.
Nasa garden ako ngayon kung saan nasa likod ng simbahan, nakaupo and having a conversation with one of the vocation director. Yes, balak kong pumasok ng seminaryo. My life would be useless kung itutuon ko sa ibang bagay na hindi ko naman gusto ang atensyon ko. It's better to give all your attention to God.
"Keiron, tama ba ako?" Paninigurado niya aking pangalan.
"How did you know, sister?" I asked with respect.
"Kilala kita dahil every sunday kang nagsisimba rito at nagdodonate ng thousands, diba?" Tumango ako bilang sagot.
I used to donate my money here at church, gumagaan ang loob ko kapag ginagawa ko 'yun. Money is nothing kung sasauangin mo lang rin, mas mabuting may napuountahan ito. Mahirap man paniwalaan but because of Reyn I became like this, she molded me into a better person.
"Sigurado ka na ba sa desisyon mong 'yan hijo?" Paninigurado nito pagkatapos kong sabihin sa kanya ang lahat.
"Opo, sister. Gusto ko pong pumasok ng seminaryo." Buong puso kong sagot.
Ngumiti siya, "Alam mo hijo? Napakabait mo at matulungin. Kita ko ang pagiging makadiyos mo. Pero hijo..." tumigil siya habang hindi parin nawawala ang ngiti sa mga labi. "Mas mabuting umuwi ka na lang. Hindi ka para sa simbahan, hindi ko nakikita sa iyo ang kinabukasan mong maging isang pari. May mas magandang kinabukasan ang naghihintay sa'yo at hindi iyon ang pagpasok sa seminaryo. Magtiwala ka hijo, may mas maganda ka pang mararating sa buhay."
"P-Po?" Tanging nasagot ko. Hindi ko siya maintindihan.
"Darating rin ang panahon na iyon hijo. Kung nakatadhana ka talagang maging isang pari, Diyos ang gagawa ng paraan para dito. Alam kong naguguluhan ka lang sa mga nangyayari sa buhay mo. Hintayin mong maging malinaw sa'yo ang lahat, huwag mong diktahan ang sarili mo sa mga gagawin dahil 'yan ang sinasabi ng iyong puso. Hayaan mong panahon ang magdala sa iyo sa lugar kung saan ka nababagay. Pakatandaan mo 'yan hijo. Diyos mismo ang lalapit sa'yo."
Dahil sa mga sinabi niya nagulo ang isip ko. Nagmamaneho akong malalim ang iniisip. Gusto kong pumasok ng seminaryo pero bakit hindi raw ako nababagay rito?
Pagkarating ko sa bahay ay si nanang ang sumalubong sa akin at inaya akong maglunch. Kaming dalawa na lang ang natira dito sa bahay dahil si mom ay permanenteng doon na tumira sa bahay ni Dad. And I forgot, next week na pala ang kasal nila. They're planning na magpakasal, and I am not against it. Para na rin mapalitan na ang last name ko sa last name ni Dad. Mas pinili kong dito tumira sa bahay ni Mom kesa doon sa mansion ni Dad dahil mas malayo ang school at ayaw kong bumyahe ng malayo.
***
Today is the wedding day of my parents. Ako ang maghahatid sa kanya sa harapan para ibigay ang kamay niya kay Dad. Matagal nang wala ang parents ng mom ko at ang mga malapit na kamag anak lang niya ang nandito para dumalo ng kanilang kasal. Tita Trisha and her spoiled brat daughter were here too, of course hindi sila mawawala, they are mom's family after all, not by blood but by heart. That's what she told me. And Nicole were here looking at me intently, trying to seduce me with her long silky navy blue tube dress.
Tss. Flat naman.
It's a garden wedding, nandito rin ang mga business partner ni Dad at ang kaibigan nitong doctor na Jim ang pangalan, ang dating doctor na tumulong kay Reyn. I thought he's a pro, pero bakit hindi niya magawang buhayin si Reyn. I shake my head off, trying to divert my attention. I should have moved on.
Pero nawiweirduhan ako the way he looks at me, nakangiti pero naaawa ang mga mata. Ayaw kong kinakaawaan ako, gusto ko nang mag move on kaya sana huwag na niya akong ibalik sa mga pinagdaanan kong sakit. This is just my first step pero dahil sa mga tingin niya, na t-trigger ang mga alaala at ang sakit ng nakaraan. Mas pinili kong huwag na lang siyang pansinin at doon sa nakatayong priest itinuon ang pansin. Naalala ko ang sinabi sa akin ni sister.
Napangiti ako sa naisip ko, maybe sister is right, but maybe she's wrong too. I can imagine myself standing in front as the man who's waiting for the bride to come and let the momentum ceremony begin with her in front of the altar.
Moving on doesn't mean forgetting. It means you choose happiness over hurt, growth over stagnation, and lessons learned over grudges held. Remembering the person who shaped you reminds you of your journey, but moving forward ensures you continue to evolve.
The End.
***
Author's note;
Please let me know through comment if you reached the end of this story. Thank you for appreciating my work, I really appreciate it. I hope you enjoyed it. Love lots.
—Cathiana_TwilightDownload Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (228)
Share
End
Recommendations for you
good
8d
0very good
03/05
0best
11/04
0View All