Homepage/24 Days With You/
Chapter 11 Admiring her beauty
Nakatayo lang ako sa likod niya habang siya naman ay nag uumpisa na sa kanyang ginagawa. Nakatingin lang ako sa kanyang ginagawa at walang imik.
To be honest hindi ko pa na try ang maghugas ng mga dishes. Doon sa bahay may katulong naman kaming gumagawa ng lahat ng gawaing bahay at isa pa mga babae lang naman ang gumagawa niyan.
Titig na titig ako sa kanyang ginagawa, parang gusto ko rin gawin ang ganyan. Parang ang expert niya sa ganoong gawain, ganon siguro kapag babae ka. Pero si Mom ewan ko lang, hindi ko naman kasi siya nakitang gumagawa ng mga ganon.
Napapitlag ako sa kanyang ginawa, bigla ba naman akong harapin at kausapin, "ba't ka nandito? Ayaw mo ba doon sa salas?" Takang tanong niya pero bigla ring natawa dahil sa nakita niyang reaction ko.
Umiling iling ako, "no, I mean hindi ganon 'yun, g-gusto lang k-kitang samahan d-dito." Damn, ba't ba ako nauutal.
Napataas naman ang kilay niya. Nakaramdam agad ako ng ka-awkward-an kaya agad akong lumapit sa kanya na napapakamot pa sa panga, "akin na 'yan." Sabay hablot sa kanya ng bumubulang sponge na hawak hawak niya.
"Marunong ka?" Takang tanong niya.
"H-Hindi," utal kong sagot.
"Eh?"
"Aish kaya nga hindi diba? Kasi you'll teach me how to do it, tss!"
"Ganon? So hindi mo na ako girlfriend ngayon kasi teacher mo na ako--"
Hindi ko siya pinatapos sa kanyang sasabihin, "just shut up and let's start."
"Okay, sabi mo eh,"
Nag umpisa na siyang turuan ako kung paano sabunan 'yung mga plato. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapangiti.
"Ako na kaya ko na 'to, upo ka na don," kinuha niya ang sponge na hawak hawak ko.
"What? Why?" Takang tanong ko.
"Eh sa baka bukas pa tayo matapos dito kapag ikaw gumagawa nito," turo niya sa mga hugasin.
"What do you mean? Na ang bagal ko? No, tabi nga ako na dito bibilisan ko," sabay agaw ng sponge sa kanya na hawak hawak ko kanina.
"Huwag na kasi, ako na. Ang bagal bagal mo kaya," nakakunot ang noong sabi niya.
"No, ikaw 'tong mabagal kaya alis!" Sabay tabig sa kanya ng marahan kaya napaatras siya.
"Wow ako pa 'tong mabagal ah? Eh ikaw nga 'tong parang—"
"Parang ano? Sige ituloy mo," pagbabanta ko sa kanya.
Napangisi namam siya, "pagong!" Sabay lapit sa'kin at inagaw ulit ang hawak hawak kong sponge, "kaya tabi, ako na! Nakakahiya sa'yo."
"Ako na nga kasi!" Inis kong sabi sabay agaw sa kanya ng sponge.
Hindi niya hinayaang makuha ang sponge kaya nag agawan na kaming dalawa.
"Isa, ako na nga lang kasi!"
"'Wag mo akong bilangan,"
"Dalawa, babasain talaga kita ng tubig sige ka," nakangiting sabi niya.
"No," pagmamatigas ko.
"Ayaw mo—"
"Huy! Huy! Ano 'yan?" Napatigil kaming dalawa ni Reyn sa pag aagawan ng sponge at napaharap sa taong nagsalita sa likod namin.
Si Rhea na nakalingkis sa braso ng bastardo. Napatingin ako kay Z, halata ang inis sa mukha nito dahil sa pagakakalingkis ni Rhea. He just look at us with a ' I'm-not-interested' look.
"Kayong dalawa para kayong mga bata paghuhugas lang ng plato pag aawayan niyo pa," si Rhea.
"Kayo naman dalawa para kayong magjowa pero wala namang label," pang aasar ni Reyn.
"Huy ikaw Reyn hindi kita pinalaking ganyan, porket nagkajowa ka lang ganyan ka na? Ang sama, kuya si Reyn oh," sumbong niya kay Z.
"I said don't call me kuya," inis nitong reklamo.
"Ayaw mo ng kuya? Eh di baby na lang. Baby si—"
"Shut the bloody hell up just go and get some drinks!" Singhal ni Z.
"Ang bad mo!" Reklamo naman niya, "tara samahan mo akong kumuha." Sabay hila sa braso ni Z papalapit sa refrigerator.
Nagpatianod lang naman ang bastardo sa kanya ng may naiiritang mukha.
Hindi ko maintindihan kung bakit kahit naiinis si Z sa kanya parang wala parin ito, ni hindi manlang siya makaramdam ng kahihiyan. Ang tigas ng mukha niya.
Ang bastardo naman kahit naiinis bakit sinasamahan parin niya ang babaeng 'yan. Kung naiinis siya bakit hindi niya parin ito itinataboy?
Nase-sense ko rin na iba ang aura ng bastardo dito kapag nandito siya sa bahay nila, seems like ang gaan ng dala niyang aura pero kapag nasa labas ibang iba. Unang kita ko sa kanya ang bigat bigat ng aura niya na sa pagdaan niya pa lang sa harap ay parang pipigilin mo na ang iyong paghinga.
Nabalik ako sa ulirat nong inagaw na sa'kin ni Reyn ang sponge na hawak ko, "sabing ako na eh."
Tinaasan ko lang siya ng kilay, binigyan naman niya ako ng ngiting sarcastic.
"Fine!" Pagsuko ko.
Hinintay ko na lang siyang matapos. Nakasandal lang ako sa counter habang nakatingin sa kanyang ginagawa. Naagaw lang ang atensiyon ko ng magpaalam na sina Rhea na lalabas na.
"Keiron, ayaw mo bang sumama sa'min don para mag inuman?" Aya sa'kin ni Rhea.
"Uhh.. no, dito na lang siguro muna ako hihintayin ko na lang na matapos si Reyn dito at susunod na lang kami."
"Okay, sabi mo eh," binalingan niya ang bastardo, "Baby kuya, tara na?" Nakangising tanong niya.
"Tsk, tabi!" Sagot naman ng bastardo at nauna ng maglakad.
Agad namang humabol sa kanya si Rhea at lumingkis na naman sa braso nito, hindi naman na ito nagpumuglas at hinayaan na lang si Rhea hanggang sa mawala na sila sa paningin ko. Napailing iling nalang ako.
"Ganyan talaga si Rhea, noong mga bata pa lang kami may crush na 'yan kay kuya ko. Heto namang si Kuya parang wala lang sa kanya iyon, ewan ko kung may gusto rin ba siya sa kaibigan ko o kapatid lang din ang turing niya dito."
Napatingin ako kay Reyn ng magsalita siya tungkol sa kuya at sa kaibigan niya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko kaya mas pinili ko na lang na manahimik.
Abalang abala siya sa kanyang ginagawang paghuhugas, seryoso ang kanyang mukha habang ginagawa ito. You can't deny the fact na maganda siya kahit saang angle mo man titigan. Matangos ang ilong niya, manipis ang kanyang mapula-pulang labi, makinis at maputi rin siya.
Napaisip ako, my sabon kaya siyang ginagamit para magkaroon siya ng ganyan ka kinis at puting balat? 'Yung maninipis niyang labi, natural lang bang ganoon ang kulay niyan o may inilalagay siya para pumula ito?
Titig na titig ako sa kanya at sa bawat pag galaw niya tila ba nag i-i-slowmo ang lahat. Alam ko namang maganda na siya dati pa pero bakit ngayon parang mas lalo ata siyang gumanda sa paningin ko?
Hindi ko alam na ang tagal ko na palang nakatitig sa kanya, nabalik lang ulit ako sa ulirat nang mag snap siya ng kanyang daliri malapit sa mukha ko.
Napakurap kurap pa ako ng ilang beses bago mag sink in sa utak ko ang ginawa kong pagtitig sa kanya. Nakangiti na siya ngayon sa'kin dahilan ng pagkasingkit ng mga mata niya. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso kay napaiwas na lang ako.
Inayos ko ang sarili ko at napatikhim sinusubukang mawala ang nararamdan kong kakaibang kaba na ngayon ko palang naramdaman sa buong buhay ko.
"T-Tapos ka na?" Hindi oo mapigilang hindi mautal.
"Oo, tapos na. Tara na?" Nakangiti parin siya sa akin.
Bakit ba hindi matagal tagal ang tingin ko sa kanya? Sa tuwing sinusubukan kong makipagtitigan sa kanya hindi ko makaya, pakiramdam ko hinihigop ako ng mga mata niya.
Tumalikod na ako sa kanya dahil hindi ko na makaya ang kakaibang nararamdaman kong ito.
"T-Tara na," aya ko at nauna ng maglakad.
Naramdaman kong sumunod naman siya sa'kin. Pagkarating namin ng living area nila, nakita namin doon na nagkakasiyahan sina Rhea.
Napabaling ang atensiyon nilang lahat sa direksyon naming dalawa.
"Oh heto na pala sila, hali muna kayo dito," Mama ni Reyn.
"Hindi na rin po ako magtatagal dito kasi may gagawin pa po akong iniuutos ni Mom," Pagpapaalam ko.
"Ah ganon ba, sige hijo mag ingat ka ah,"
"I will, thank you. Again, happy birthday po tita." Magalang kong sabi.
"Hatid na kita sa labas," prisinta ni Reyn.
Tinanguan ko lang siya. Napadako ang tingin ko kay Z na nakasandal sa couch at may hawak na basong may lamang alak. Sa tabi nito si Rhea na nakahilig sa kanya, nakangiti lang ito at nakahalukipkip na nakatingin sa amin.
"Ingat ka hijo," parents ni Rhea.
"Ingat ka Keiron," si Rhea.
"Tsk!" Ang Bastardo.
I just nodded at them at nag umpisa ng maglakad papalabas ng pintuan nila kasama si Reyn na nasa likod ko.
Nang makalabas na ako ng gate nila saka ko lang siya hinarap. I smiled at her and she did the same too.
"So pano, uuwi na ako. Thank you ulit."
"Anytime, basta kung may time ka punta ka lang dito," sagot naman niya.
"Sige,"
Medyo nagulat pa ako sa ginawa niyang pagyakap sa akin kahit hindi naman na dapat. Bigla na naman akong nakaramdam ng kakaibang kaba.
Matagal pa bago ko suklian ang kanyang yakap. Niyakap ko siya pabalik at hinaplos haplos ang kanyang mahabang buhok. Hindi ko alam kung bakit parang ang sarap sarap sa pakiramdam na mayakap siya na parang ayaw kong kumalas dito.
"Mag-iingat ka," bulong niya.
"Yeah, I will. You too, take care," sabay kalas sa yakap at ganon din siya.
Nginitian lang niya ako at kumaway na, tinanguan ko rin siya at naglakad na papasok ng kotse ko. Bumusina muna ako bago tuluyang magdrive paalis.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (228)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
good
12d
0very good
03/05
0best
11/04
0View All