logo text

Chapter 30 Wake up

"Keiron, okay ka na ba? Pasensya na kung ikaw ang pinagbuhusan ni Z ng kanyang galit." Malumanay ang boses nito pero halata sa mga mata niya ang pagod, halos walang tulog ang kanyang mga mata. 
"Okay lang ako tita, sorry po and salamat rito." Tukoy ko sa aking sugat. Napabuntong hininga ako bago muling nagsalita. "Si Reyn po? Kumusta? Alam niyo na po siguro kung anong nangyari. N-Nasaan po siya ngayon?" Kinakabahan kong tanong. Pareho silang nagkatinginan ni Rita dahilan para mas lalong dumagdag sa kaba na nararamdaman ko.
Malungkot ang mga tinging ibinigay niya sa akin. "Alam kong hindi mo iyon kasalanan, siya ang may gusto nito," manubig ang mga matang sinabi niya sa akin iyon, "hindi... hindi ko alam kung makakayanan pa niya o magigising pa siya... Hindi ko kaya, hindi ko kayang mawala ang isa sa mga anak ko." Saka siya humagulgol, dali dali namang lumapit si Rhea at saka siya niya niyakap at alualuin. 
Naiiyak na rin ang mga mata ni Rhea. Nablanko ang isip ko at napatulala na lang sa kanilang dalawa na umiiyak na ngayon sa harapan ko. Tama ba ang narinig ko? Hindi na magigising si Reyn? Pero bakit? Nasaan siya? Alam ko ang sagot pero hindi ko gustong makompirma iyon, iba ang sagot na inaasahan ko.
"Tita," buong lakas ko siyang tinawag, "a-ano pong nangyari kay Reyn? Gusto ko siyang makausap ngayon." Basag ang boses ko sa pagkakasabi non.
Umiling iling si tita. Pinahid ang mga luha at ikinuwento sa akin ang mga nangyari sa mga araw na wala ako sa tabi niya. 
"Noong gabing nakipaghiwalay siya sa'yo, pumasok ako sa kwarto niya para tingnan kung anong nangyayari sa kanya. Iyak siya nang iyak. Ngayon ko lang siya nakitang ganoon. Hanggang sa hinahabol na niya ang kanyang hininga. Intake siya ng kanyang sakit. Nang gabing rin 'yun agad namin siyang dinala sa hospital..." Pinapahid niya ang bawat luhang kumakawala sa kanyang mga mata. "Nasa hospital siya hanggang ngayon at malala ang kondisyon, kinakailangang magdagdag ang mga doctor ng device sa top ng ECMO (Extracorporeal Membrane Oxygenation)—life support niya para mas masuportahan ang left side ng... ng kanyang puso and to relieve the pressure on it. Ang sabi nila napaka... napakalabo na ang chance na ma... magising pa siya." At doon mas lalo pa siyang humagulgol, hagulgol ng isang Ina na nawawalan ng pag asa pang magising ang anak.
Ang lahat ng mga luhang pinipigilan ko kanina ay isa isang tumulo. Pakiramdam ko sinaksak ako sa puso ng ilang beses matapos marinig ang mga sinabi niya. Gusto kong sumigaw, gusto kong saktan ang sarili ko. Kulang pa ang mga natamo kong sugat mula sa pagkakabugbog ng kuya niya para sisihin ang sarili. Kasalanan ko kung bakit siya nasa hospital ngayon, kung sana hindi ko na lang siya iniwan noong gabing 'yun. 
Napakagago ko sa parteng tatlong araw akong nasa bar at nagpapakalunod sa lasing habang walang kaalam alam na nasa hospital na pala ang babaeng mahal ko. Gusto kong isisi ang lahat sa sarili ko. 
Pero bakit ni tumawag manlang sa akin hindi nila pinaalam? May karapatan rin naman akong malaman ang nangyari sa kanya. Girlfriend ko siya. Mahal ko siya.
Pakiramdam ko nawala ang lahat ng sakit na nararamdaman ko sa sugat at napilitan ito ng mas masakit na katotohanan. 
No, this can't be. Alam kong magigising pa siya, magigising ka pa Reyn. 
"Ang sakit na, I've been in this pain before. Sawang sawa na ako, I thought hindi na mauulit pero heto at nararamdaman ko na naman 'yung ayaw kong maramdaman dati. Maraming taong minamahal ko na ang nawala sa akin, huwag naman sana pati... pati ang anak ko. Hindi ko makakaya nang wala siya. Ang akala ko magiging okay siya kasi nga hindi kagaya dati palagi siyang inaatake. Para siyang naging normal nang dumating ka sa buhay niya, masaya ako—kami ng kuya niya na makita siyang ganon."
Naalala ko kung saan nag umpisa ang lahat, kung paano kami nagkakilala. Dahil sa kagustuhan kong makuha ang gang at sa kagustuhan ng kuya niyang maging masaya siya ay nagawa naming makipag deal sa isa't isa. Not knowing na ganito ang mangyayari sa paglipas ng araw. 
"Her, living in a normal life, pangarap niya lang 'yun dati. Pinatago pa nga niya 'yung mga ginagamit niya sa hospital na nasa kwarto niya para lang magmukhang normal ang buhay niya. Nakasupport kami sa lahat ng gusto niya, pero bakit biglang ganto?" 
'Yung mga araw kung saan inis na inis ako sa kanya, sa pagiging clingy niya at sa mga nakakahawang ngiti niya. Hindi ko rin alam ba't iritang irita ako noon sa kanya, pero sa pagtakbo ng oras na kasama ko siya hindi ko namamalayan na iba na ang nararamdaman ko sa kanya. Nahuhulog na pala ako nang hindi ko namamalayan. She's a bait that I don't want to escape.
"Gusto kitang sisihin, pero hindi ko magawa. Hindi ako payag sa una sa gusto ng kuya niya, pero para sa kasamahan niya ay pumayag ako. Nakita ko rin kung paano ka nahuhulog nang dahan dahan sa kanya. Natatakot ako, gusto kitang kausapin tungkol doon kasi heto 'yung mga possibilities na nakikita ko. Pero mas pinili kong manahimik na lang at isantabi ang mga iniisip ko at piliin ang kaligayahan ng anak ko."
'Yung pakiramdam na ipinaramdam niya sa akin, bago ang lahat ng iyon. 'Yung pagbilis nang tibok ng puso ko sa tuwing nakikita ko siya at sa tuwing ngingiti siya sa akin. 'Yung kumakalam kong sikmura na hindi ko maintindihan kapag hinahawakan niya ang mga kamay ko. Bago ang lahat lahat ng iyon pero gustong gusto ko ang sayang ibinibigay noon. Iyon 'yung feeling na hinding hindi ko makakalimutan. 
Napatayo ako sa mga ala alang iyon. "Gusto ko siyang makita." Desperado kong sabi at aalis na sana nang pigilan niya ako.
"Magagalit si Z kapag pumunta ka doon sa hospital kung nasaan siya. Mahigpit niyang ipinagbilin na huwag ipaalam sa'yo ang nangyari kay Reyn." Sari sari ang emosyong makikita sa kanyang mata, pighati at awa.
"Pero tita, gusto ko siyang makita. Please, I swear hindi ako manggugulo doon, gusto ko lang siyang makita please..." Umiiyak na ako sa harapan niya nagmamakaawang payagan ako. Kita ko ang awa sa mga mata nila. 
Si Keiron na dati'y walang awa pero ngayon ay kinakaawaan na.
Dahan dahan siyang tumango sa gitna ng pagkakaiyak bilang pagpayag sa gusto ko. "Sabay na tayo pumunta doon, kukunin ko lang ang mga gamit niya doon sa itaas." 
Tumango ako at naglakad na siya papuntang hagdanan habang nasa likod niya nakasunod si Rhea para tulungan sa pagkuha ng mga gamit. Nauna akong pumunta doon sa kotse ko, tulala habang naghihintay sa kanila. Hindi ma absorb ng isip ko ang lahat. Nang dumating na sila ay agad akong pumunta sa likod para buksan ang compartment para ilagay doon ang mga bag na dala nila. Nanginginig ang mga kamay ko, natatakot ako, takot na takot. Labog nang kabig parin ang dibdib ko. Kung ibang tao ang kasama ko ngayon ay baka kanina pa kami dumating sa hospital ng minuto lang, gusto kong mas lalong bilisan ang pagdrive pero nag aalala rin ako para kay tita. 

Book Comment (228)

  • avatar
    FaceDirty

    good

    8d

      0
  • avatar
    HospitalChan Myae

    very good

    03/05

      0
  • avatar
    Annurhidayah

    best

    11/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters