logo text

Chapter 15 Realize

Pagkarating ko ng bahay agad akong nagpunta sa gym ng bahay namin. Doon ko ibinuhos ang lahat ng galit ko.
Hindi ako galit sa kanila, sa sarili ko ako galit. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako ganito. Ano bang nangyayari sa'kin. 
Sa punching bag ko lahat ibinuhos ang galit ko. Suntok dito suntok doon ang ginawa ko. 
"Aaaahhhhhh!" Napasigaw ako sa sobrang galit.
Napaupo ako sa sahig na hingal na hingal. May mga isiping pumapasok sa isip ko pero ayaw kong isipin 'yun. Nababaliw na siguro ako kaya ganito.
Tumayo ako at kinuha ang damit kong hinubad ko kanina at tinapon. Nagpunta akong shower room para maligo. 
Pagkatapos kong maligo bumalik ako sa kwarto ko at sinubukang aliwin ang sarili ko sa ibang bagay. Naglaro ako ng video games, nagpunta ng music room at nag drum. Pero lahat ng 'yun walang epekto dahil sa ang babaeng 'yun lang ang iniisip ko.
Nahiga na lang ako sa kama ko at napatingin sa ceiling ng kwarto ko. Ba't ayaw mawala wala ng ngiti niya sa isip ko? Naririnig ko sa isip ko ang boses niya. Bakit ako naging ganon kanina? Bakit ganon na lang ako kung umasta? Bigla akong nakaramdam ng galit nang makita ko siyang may kasamang iba. 
Gustong gusto kong lapitan siya kanina, kausapin at yakapin pero para saan? Hindi ko alam, sadyang hinahanap lang siya ng kakaibang pakiramdam na nararamdaman ko. One week kaming hindi nagkita pakiramdam ko wala akong lakas, walang kulay ang paligid. May kulang at alam kong siya lang ang makakapuno sa kulang na 'yun.
Hindi ko alam na sa sobrang pag iisip nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako ng mag ring ang phone ko.
"Hello?" Sagot ko.
Rinig na rinig sa kabilang linya ang ingay ng mga tao at tugtog ng music. Alam ko na kung sino 'to at kung nasaan siya.
"Bro," si jay.
"Oh? Kailangan mo? Natutulog 'yung tao tatawag ka." 
"Tara dito sa bar, dating tambayan." Yaya niya sa'kin.
"Anong gagawin ko diyan?" Walang ganang sagot ko.
Inayos ko ang higa ko at tumingin sa wall clock ko. It's already seven in the evening. Ganon ako kahaba nakatulog?
"Iinom lang. Halatang ang lalim ng problema mo," sagot niya sa kabilang linya.
"Ramdam mo?" 
"Oo gago, sense na sense ko kahit malayo ka sa'kin. Panay buntong hininga ginagawa mo diyan."
"Tss!"
"Sige na hihintayin kita rito," 
"Huwag na, tinatamad ako." 
"Gusto mong malinawan diba?" Biglang tanong niya.
"Saan naman?" 
"Gago mo bro huwag ka ng mag maang maangan diyan. Halata ka na kaya," natatawang sabi niya.
"Pinagsasabi mo?" Inis kong tanong.
"Sige na punta ka na rito. Hirap na hirap ka na diyan," 
"Tss, ayaw ko nga!" Inis kong sabi.
"Oh easy, sabi ko nga ayaw mo. Pero pag kailangan mo ng kausap one call away lang naman ako." 
"Tss!" 
I hang up the call, tinatamad akong makipag usap ngayon. Up until now, naiinis parin ako sa sarili ko.
Lumabas ako ng kwarto ko para mag dinner, nakaramdam ako ng gutom dahil na rin sa hindi ako nakapag lunch kanina. At kahit sa pag kain siya parin itong laman ng isip ko. 
Sa pag takbo ng oras mas lalo akong naguguluhan sa nararamdaman ko. Hindi ko na ito kaya, pakiram ko sasabog na ako sa sobrang gulo ng naiisip ko.
I decided na puntahan si jay sa bar na palagi naming pinupunahan, alam kong si Jay lang ang makakatulong sa'kin ngayon.
Sa labas palang rinig na rinig na ang pinapatugtog na kanta sa loob ng bar. Pumasok ako dito at hinanap sa paligid kong nasaan siya. Nakita ko siyang nakaupo doon sa bar counter and as usual may babae na naman itong kalandian. Lumapit ako sa pwesto nila.
"Oh dumating ka, akala ko ba ayaw mong pumunta rito?" Tanong niya.
"Tss! Gusto kong uminom," sagot ko na lang.
The fact is hindi ko alam kung paano ako mag uumpisa. This is not the first time na hihingi ako ng advice niya pero kasi ibang situation ito, hindi kagaya ng dati na puro si Mom ang pinag uusapan namin. Ngayon iba ito, ibang babae ang pag uusapan namin, ibang babae ang pinoproblema ko.
Hindi ko sila pinansin at nag order na lang sa barista ng isang maiinom. Habang umiinom iniisip ko kung mag o-open up ba ako o hindi.
"Bro, okay ka lang?" Napatingin ako kay Arjay sabay taas ng kilay.
"Ba't naman ako hindi magiging okay?" Sabay balik ng tingin sa basong may lamang alak na hawak hawak ko.
"Kanina ka pa kasi wala sa mood," 
"And so?" Taas kilay ko naman ulit.
"Keiron nga naman. Go drop it, sabihin mo na alam kong ang bigat bigat ng iniisip mo ngayon. Makikinig ako," nag umpisa na siya.
Pinaalis niya muna ang babaeng lumalandi sa kanya kanina para makapag usap kami ng kaming dalawa lang.
"Goddamnit!" Mura ko at napakamot sa batok ko.
"'Yung alin ba?" Takang tanong niya.
"I don't know where to start," naguguluhang reklamo ko.
"Mag start ka sa umpisa," biro niya.
"Nakakatawa ka na niyan?" Naiinis kong tanong sa kanya at ininom ang laman ng basong hawak hawak ko.
"Sorry na, joke lang eh." 
"Tss!" Napatingin ako sa kawalan, "I'm confused kung ano ba 'tong nararamdaman ko." 
"Bakit ano ba 'yan?" Tanong niya. Hindi ko na lang siya pinansin.
"Si Reynzie, bakit ganon? Naiinis ako sa sarili ko. Hindi maintindihan ang sarili ko, kung bakit ganon na lang ako kung umasta kanina nong makita ko siyang may kasamang iba. Bakit ganon na lang ako mainis at pakirdam ko may kulang na parang badtrip na badtrip ako kapag hindi ko siya nakikita." Pagpapaliwanag ko.
"Sinabi ko na sa'yo dati, binalaan na kita sa una pa lang sa mga pwedeng mangyari pero heto ka na gago at wala lang kaya ngayon tingnan mo nangyayari sa'yo. Ang bilis nga naman ni karma." Sinamaan ko siya ng tingin.
"Hindi ko alam ano ba 'tong nararamdaman ko. Normal pa ba ako?  Nahawa na rin ba ako sa sakit niya? Bakit ganon sa tuwing nakikita ko siya kung tumibok 'tong puso parang nagkakarerang kabayo? Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko but at the some times nagugustuhan ko ito. Gabi gabi ko na lang siyang naiisip, kahit hanggang sa panaginip ko nandoon siya. Bro, tell me normal pa ba ako?" Naguguluhan kong tanong.
Napatingin ako sa kanya at kita kong tawang tawa siya. Nakaramdam ako ng inis, seryoso akong nagsasalita dito tapos pagtatawanan niya. Gusto kong iuntog ang ulo niya sa bar counter dito.
"Aish, karma nga naman. Bro, sinabi ko na sa'yo noong una pa lang eh. Kaso hindi ka nakinig ayan ka tuloy," napapailing iling niyang sabi, "pero teka, hindi mo ba alam kung ano 'yang nararamdaman mo?" 
"No, I have no idea on what's happening on my body ang mind. Tomorrow, I'll try to see a doctor. Magpapacheck up ako, baka kasi nagkasakit na rin ako sa puso kaya ganito." Sagot ko.
Tawang tawa naman ang gago, "bro, hindi doctor ang kailangan mo, alam mo ba 'yun?" 
"Then what? Kung hindi doctor ano?" 
"Bro, can't you feel? Can't you see your self? Ibang iba ka na sa dating Keiron na kilala kong allergic sa babae na halos ayaw dumikit. Ibang iba ka na, hindi lang ako nagsasalita pero kita ko, ramdam kong nag iba ka na. Ni hindi mo na nga sa'kin nabanggit ang pangalan ng gang instead puro ka Reynzie. Reynzie here reynzie there. Bro, wake up! Kung naguguluhan ka, kung hindi mo maintindihan 'yang sarili mo 'yang symptoms na 'yan pwes ako kahit hindi ako doctor alam ko kung anong nararamdaman mo, ramdam kom Bro, wake up! Your in love! Mahal mo na siya." 
Natigilan ako matapos marinig ang mahabang sinabi niya. Hindi ma process ng sistema ko ang mga pinagsasabi niya pero one thing ang tumatak sa akin at 'yun ay ang sinabi niyang mahal ko na si Reyn.
"No I'm not, hindi ko siya mahal. Pinagsasabi mo diyan? I'm not in love with that woman. Kita mo namang may taning na buhay ng tao mamahalin mo pa? Ano ako—" 
Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sa bigla na lang niya akong sinuntok ng malakas. Naalarma naman ang barista sa biglang pangyayari tutulungan sana niya ako ng sinenyasan ko siyang huwag na at okay lang ako.
"Gago ka, Keiron. Oo, isa kang gago! Ayaw mo bang maniwala? Bakit? Hindi mo matanggap na mahal mo na talaga siya? Bro, hanggang kailan ka magbubulag bulagan sa nararamdaman mo sa kanya? Ano gagawin mo pang rason 'yang buhay niya para lang may masabi kang hindi mo siya mahal dahil sa ganon na siya? Kung ayaw mong madala sa salita sana naman sa suntok ko madala ka na." May inis sa boses niya.
Tumayo ako at inayos ang sarili ko. Napabuntong hininga ako at napaiwas ng tingin.
"Ano ayaw mo parin aminin? Ano? Bitawan mo na 'yang korona ng pagiging hari ng mga indenial." 
"Oo na, mahal ko siya!" There, I dropped it off. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso, "pero alam nating hindi pwede. Siguro nga tama ka nakarmahan na ako. Pero 'yung thoughts na mahal ko siya pero hindi pwede dahil sa buhay niya." 
"Bakit sa pagmamahal ba sa isang tao nasusukat ang buhay? Bro, hayaan mo na lang. Enjoy your life with her. Iparamdam mo sa kanya ang pagmamahal, kung anong nakakapagpasaya sa inyo gawin mo. Walang makakapagpigil sa pagmamahal kahit kamatayan pa 'yan." 
"You think?" Tanong ko.
"Yes, so go on and sober up yourself. Pag isipan at gawin mo." 
Niyakap ko siya, "thanks bro." 
"Wala 'yun sige na alis na. Sober yourself and talk to her." Tinanguan ko siya at umalis na. Hindi pa naman ako nalalasing dahil sa isang baso lang ng alak ang nainiom ko.
Yes, I maybe indenial, but now that I am aware of what truly I feel, just wait for me Reyn. Wala nang lokohan 'to, talo man ako sa deal, hindi man mapasakin ang gang, hindi na importante 'yun. Makita at makasama ka lang ang hangad ko.

Book Comment (228)

  • avatar
    FaceDirty

    good

    11d

      0
  • avatar
    HospitalChan Myae

    very good

    03/05

      0
  • avatar
    Annurhidayah

    best

    11/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters