Pagkarating namin sa hospital ay agad kong ipinark ang kotse ko para makababa na at matulungan sila sa kanilang mga dalahin. Halos takbuhin ko na ang entrance at hallway makita lang siya. Pero nanatili akong nasa likod nila para masundan ang daan papuntang kwarto ni Reyn. Sa bawat paghakbang ko katumbas noon ang pagtaas pa lalo ng kaba ko. Sa pagbukas ng kanyang pinto nsunang pumasok si tita, Rhea at sumunod ako. Napalingon ang lahat ng tao na nasa loob. Nandon ang parents ni Rhea kasama si Z na umaalab ang galit na mga matang nakatingin sa akin. Malaki ang kwarto nito, may sariling Cr at may area kung saan pwedeng magrest ang nagababantay, mukha itong small apartment. This room is private. Only wealthy people can afford it. They're low-key living in a simple life pero alam ko ang isa sa mga rason kung bakit iiwan na ng bastardo ang Astrix dahil sa siya na ang magiging susunod na tagapagmana ng kompanya ng lolo at lola niya. Iyan ang isa sa mga alam ko tungkol sa kanya. Hinanap ng mga mata ko ang higasn ni Reyn pero hindi ko makita ito rito. Nagawi ang tingin ko sa isang silid, may pintuan rito. Rinig ko rin ang tunog ng Isang ventilator machine. Kwarto iyon ni Reyn. Binitawan ko ang dala ko at nakailang hakbang pa lang ako ay agad na akong pinigilan sa pamamagitan ng isa na namang suntok ng bastardo. "Z!" sabay na sigaw ng lahat. Lumapit si Tito Lance para awatin ito. "Sinong nagsabing pwede kang pumasok dito?" Para siyang lion na pinoprotektahan ang kanyang teretoryo. Lumapit siya ulit at handa na naman sanang sugurin ako nang pagalitan siya ni Tita. "Z, sobra ka na. Huwag nga ka ngang gumawa ng gulo. Hayaan mo siya, kahit ngayon lang... pagbigyan mo." Walang nagawa ang bastardo kundi ang pagbigyan ang gusto ni tita at padabog na lumabas ng kwarto. Sumunod rin na lumabas si Rhea para sundan siya. "Ritz, Lance... Salamat sa pagbabantay niyo kay Reyn." Basag ni tita sa katahimikan nang kami na lang ang natira sa loob. "Para kay Reyn, free kami palagi." Saka niyakap ni Tita ang kaibigan nito. Nabalikan ang tingin ko sa kwarto kung nasaan si Reyn. "Keiron pwede ka nang pumasok doon." Iyon ang hinihintay kong pagkakataon para makita siya. Naglakad ako palapit sa pintuan ng kanyang silid, nanginginig ang mga kamay ko, kabog nang kabog ang puso ko at naluluha ang mga mata ko. Sa pagbukas ng kanyang pintuan bumungad sa akin ang nakahiga niyang katawan na may napakaraming aparato ang nakakabit, may oxygen, dextrose, at may isa pang maliit na hose konektado sa ilong niya. Ang iba ay hindi ko alam ang tawag doon. Tuluyang tumulo ang mga luhang kanina ay nagbabadya. Lumapit ako sa higaan niya at saka naupo sa kanyang tabi upang titigan ang natutulog niyang mukha. She's like an angel sleeping peacefully. Nanginginig na inilapit ko ang aking kamay para hawakan ang kanyang isang kamay. Rubbing it using my thumb like how I used to do. "Hey... waky waky up, love..." I tried to sound normal kahit nababasag ang boses ko. "I know ayaw mo na akong makita, I'm sorry kung hindi ko magawang respetuhin ang gusto mo. I'm sorry kasi nagmamatigas parin ako." Why? Why did you do that? Why are you doing this? Hindi lang ikaw ang nahihirapan, pareho tayong nahihirapan at nasasaktan sa desisyon mong 'to. "This is all my fault. I'm sorry." Pinahid ko ang mga luhang sunod sunod na tumutulo. Hinalikan ko ang likod ng palad niya. "Please, Reyn wake up. I love you... I need you." Hagulgol ko. "Hindi ko kayang mawala ka, please... gumising ka na." Humihikbi kong bulong habang pinakatitigan parin ang kanyang mukha. "I miss you, my angel." Sa tatlong araw na hindi ko siya nakita, longing for her is all what I'm doing. Gustong gusto ko siyang makita, makasama, makayakap at mahalikan. Gusto kong makita ulit ang mga ngiti niyang nagbibigay saya sa akin at sa mga paru parong nasa tiyan ko. Gusto kong gawin niya 'yung mga bagay na ayaw ko noon pero ngayon hinahanap hanap ko na. Namimiss ko na ang kakulitan niya, ang pagiging sadista niya, at ang pagiging madaldal niya, her laughs and giggles. 'Yung kinakagat ako bigla bigla without any reason, 'yung pagiging childish niya. Lahat lahay ng iyon namimiss ko sa kanya. "Please gumising ka na, hindi ko kayang mawala ka. Marami kaming naghihintay na magising ka. Lahat kami nalulungkot kung... kung iiwan mo." Marami pa kaming dapat puntahan, marami kaming pangarap na gustong matupad. "Tell me... tell me how can I easily move on if you're not with me anymore, paano ako sasabak sa giyera ng mag isa kagaya ng dati, kung.. kung bigla mong ipinaparamdam sa akin na mas ligtas at mas madaling maipapanalo ang laban kung... kung tayong dalawa ang magkasama.." I can't stop myself from crying. "I don't, I don't think I can survive with this battlefield without you, you've... you've been the source of my strength." I hugged her hands. Nakakapangsisi, kasalanan ko 'to. Kung sana'y hindi ko na lang siya iniwan noong gabing 'yun, kung sana ay hindi ko na lang sinunuod ang gusto niyang layuan ko siya, baka hindi pa ito nangyari.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
good
8d
0very good
03/05
0best
11/04
0View All