logo text

Chapter 7 Give up

Kinaumagahan dumiretso agad ako sa hideout ng mga Astrix para kausapin si Z na itigil na ang lahat. Sabado ngayon kaya walang pasok. Kaya pwede ko siyang puntahan at makausap ng harap harapan. Ayoko na, nakakainis na nakakabwisit ang kanyang kapatid, hindi ko makayang kasama ang babaeng 'yun.
Ngayong umaga nakatanggap na naman ako ng tadtad na text galing sa nakakainis na babaeng 'yun. Panay tanong kung galit ba ako at panay sorry siya, nakakarindi na siya.
"Ayoko na, itigil na natin itong deal mo," inis kong sabi.
He chuckled softly, "Bakit? Napapagod ka na ba, huh?" 
"Oo, kaya itigil na natin 'to!" Galit kong sabi na ikinatawa niya naman ng malakas.
"Tsk! Nasaan na 'yung tapang mo, Keiron? Akala ko ba gustong gusto mong makuha ang gang, eh bakit ngayon sumusuko ka na? Ikatatlong araw mo pa nga lang suko ka na agad? So weak," Nakangisi at nang iinsultong sabi niya.
I clenched my fist and gritted my teeth. Ginagalit talaga ako ng bastardo.
"I'm not weak!" Singhal ko.
"Oh yes you are," Nakangisi parin siya na para bang iniinis ako, "If you're not, then why do you want to stop the deal?"
"Kasi ayaw ko na, hindi ko kayang makisama sa babae, lalo na sa kapatid mo!" 
"Weakness mo pala nga talaga ang babae, tsk!" 
Tumayo siya sa kanyang swivel chair at hinarap ako ng may nanunuyang tingin.
"Hindi ko weakness 'yun, sadyang hindi ko lang kayang makisama," Singhal ko ulit.
"Whatever, ganon parin 'yun," 
"Basta itigil na natin 'to, tapos na ako, ayaw ko na!" 
"Ayaw mo na bang makuha ang gang?" 
Kagabi ko pa pinag isipan ang lahat. Ayoko na, kahit kapalit pa non ang gang, may ibang paraan pa naman para makuha ito, pwede namang daanin sa patayan kung ayaw ibigay ng sapilitan.
"Gusto kong makuha ang gang pero hindi sa ganoong paraan,"
"Kung hindi mo tinatanggihan ang kapalaran, iniiwasan mo naman ang paglapit nito. Huwag ka ng maghanap pa ng ibang paraan, kung may napag usapan naman tayo para mapasa'yo ang gang," Walang ganang sabi niya.
"Eh sa nakakabwisit nga!" 
"Ba't ka ba kasi nabubwisit?" 
"I don't like girls, ayaw ko sa kapatid mo masyado siyang clingy!" I burst out.
Totoo naman kasi, sobra siyang clingy. Kung hindi siya yayakap, hahalik na naman. Tapos 'yung ngiti niya nakakabwisit, nakakapesti. 
"Then kailangan mo lang sanayin ang sarili mo sa kapatid ko, masyado talaga siyang clingy lalo na sa'kin," 
"Pero hindi ko nga kay—" Pinutol niya ang susunod kong sasabihin.
"Deal is a deal, Keiron! Wala ka ng ibang paraan para makuha ang gang, hindi ko hahayaan na mapasa'yo ito sa ibang paraan, ang tanging gagawin mo nalang ay tumupad sa usapan, 'yun lang naman," Kontra niya. Rhyming magsalita ang bastardo. 
"Hindi ganon kadaling tumupad sa usapan lalo na't babaeng kapatid mo ang pinag-uusapan," Kontra ko naman. Rhymingala ang gusto niya ah.
"Fine, kung gusto mong itigil ang deal then papayagan kita. But in one condition, hindi ka na magiging grupo ng Astrix, pinapaalis na kita sa gang and this is the last time na makakatapak ka dito," 
"What?! No, you can't do that!" I shout right in front of his face.
"Of course, I can do that. What's the purpose of being a gang leader if I couldn't dislodge one of my members?" He says while grinning.
That's one of the reasons why I wanted to be a leader. I can do everything, I can get rid those fcking traitors in this gang. Marami akong alam pero hindi ko lang sinasabi, tinatamad akong magreklamo kung hindi naman niya pakikinggan. 
Matagal na akong member ng gang na ito at alam ko kung sino ang mga baguhan na member. Habang patagal ng patagal maraming tumatangkang sumali dito, mas parami din ng parami ang mga traidor. 'Yun ang dahilan kung bakit minsan palpak ang plano sa labanan. Hindi ko alam kung alam din ba ito ng bastardo, bilang leader ng gang dapat alam niya kung anong nangyayari dito.
"Itutuloy mo ang usapan para makuha ang gang o ititigil ang deal pero papaalisin ka sa grupo, you choose." 
Hindi niya pwedeng paalisin ako sa gang ng ganon ganon na lang. Mas lalo tuloy akong nagkakaroon ng guts para makuha ito.
"Alright, then I'll keep the deal," Nakangising sagot ko.
"That's great to hear, madali ka naman palang kausap," Tinapik tapik pa niya ang balikat ko, "Anyways, this is your last complaint, once you do this again I'll make sure na hindi ka na magkakaroon pa ng chance na maging leader ng gang."
Fine, again, para sa kagustuhan kong makuha ang gang, I'll do everything. All I need is habaan ang pasensya ko kapag kasama ko ang babaeng 'yun.
"I'll go ahead now," Sabay talikod para umalis na.
"And where are you going? Hindi pa tayo tapos mag-usap," First warning. Sa boses niya palang alam ko ng warning iyon at ayaw niyang binabastos siya kagaya ng nilalayasan habang hindi pa tapos mag usap.
"Lately I complain about the deal, but then after, I change my mind, as what I've said I'll keep the deal, and what is the deal all about? It's all about the gang and your sister, but the reason why you were forced to hand me this gang is because of your sister's condition. And now your sister keeps calling and texting me, where is your sister? At your house right?" His brows furrowed because of what I've just said, "Then it's obviously na pupunta ako sa bahay niyo." Nang iinis kong sagot sa kanya.
"Fck you, alis!" 
Bago pa niya ako sugurin dahil sa inis, lumabas na agad ako ng silid para hindi niya masakal.
Papunta na ako ngayon sa bahay nina Reynzie. Nag text na rin ako sa kanya na pupuntahan ko siya.
"Twentynine days na lang Keiron, kaunting panahon na lang makukuha mo na ang gang," Kausap ko sa sarili ko habang nagd-drive.

Book Comment (228)

  • avatar
    FaceDirty

    good

    13d

      0
  • avatar
    HospitalChan Myae

    very good

    03/05

      0
  • avatar
    Annurhidayah

    best

    11/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters