logo text

Chapter 6 What is this feeling

"Tara daan muna tayo diyan," bigla kong sabi nang madatnan namin ang isang park.
Hindi ko na hinintay pa ang isasagot niya at ipinarada na ang sasakyan ko malapit sa park. Hindi naman karamihan ang mga tao dahil sa maghapon na rin.
"Anong gagawin natin dito?" Takang tanong niya na ikinataas ng kilay ko.
"Fresh air," Walang ganang sagot ko at bumaba na ng kotse.
Ramdam kong sumunod naman siya sa likod ko. Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad at nag pasyang umupo sa isa sa mga bench doon. 
Nakakarelax ang hangin dito, ipinikit ko ang mata ko para magpahinga, gusto kong mag relaxed kaso parang hindi ko magawa dahil nakabuntot sa'kin ang babaeng 'to na pesti sa buhay ko. Ramdam kong umupo siya sa tabi ko pero hindi ko siya pinansin. Ramdam ko ang titig niya sa'kin.
"Wag mo nga akong titigan ng ganyan," Malamig kong sabi.
"Sinungaling! Hindi naman kita tinititigan ah!" Napataas ang boses niya.
Napataas naman ako ng kilay sabay tingin sa kanya ng nakangisi.
"Eh bakit galit ka na agad?" Nang aasar kong tanong.
"H-Hindi ah, ikaw kasi puro kasinungalingan lumalabas sa bibig mo," Nakangusong sabi niya.
Hindi ko alam pero bigla akong nasapol sa sinabi niyang puro lang kasinungalingan ang lumalabas sa bibig ko. Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko, pero Oo, lahat kasinungalingan lang naman ang lumalabas sa labi ko simula pa nong una kaming magkakilala.
"Tsk!" Singhal ko.
"Anyways, let me treat those bruises of yours," Sabay may binusiksik sa bag niya, "Mabuti at nadala ko pala 'tong first aid kit ko." 
"Kailangan pa ba 'yan?" Naiinis kong tanong.
"Oo, para mas madaling humilom, kaya wag ka ng suplado!" Sigaw niya sa mukha ko.
Bakit kailangan niya akong sigawan sa mukha? Nakakarinig naman ako ah, kung makasigaw akala mo kausap ang isang bingi. 
Nagsimula na siyang gamutin ang mukha ko. Hinayaan ko na lang siya sa kanyang ginagawa, minsan napapadaing ako sa sakit.
"Aray, ano ba! Dahan dahanin mo naman, masakit! Wag mo masyadong diinan," Reklamo ko.
"Hihi sorry," Sabay peace sign.
"Tsk! May galit ka ba sa'kin?" Inis kong tanong sa kanya.
"Ha? Gago, wala nga—"
"Aray!" Mas dumiin pa ang pag gamot niya kaya masakit, "Ba't ka ba puro gago? Halatang may galit." Singhal ko sabay layo sa kanya ng mukha ko.
Tinapik niya ang kamay kong nakatabon sa mukha ko at pilit naman niyang hinawakan ang panga ko para ilapit sa kanya ang mukha ko. Tangina ang panga ko pota, masakit.
"Konti na lang malapit ng matapos," Pilit pa niya.
"Dahan dahanin mo lang kasi," Sabay paubaya sa kanya, "Hindi ka pwedeng maging nurse kapag ganyan ka, masyado kang mapanakit kapag nanggagamot." Reklamo ko.
Iminulat ko nag aking mga mata at kita kong ang lapit ng mukha niya sa mukha ko, napatitig ako sa mukha niya. Mula sa mga labi papunta sa mga mata niya. Biglang lumakas ang kabog ng puso ko ng hindi ko alam kung anong dahilan, pakiramdam ko kaming dalawa lang ang tao ngayon dito sa park. Nagiging slow motion ang kada pagkisap ng kanyang mga mata. Hindi ko akalaing sobrang ganda niya sa ganito kalapitan para siyang diwata sa'king paningin. 
Nabalik lang ako sa realidad ng bigla niyang hinalikan ang noo ko. Napakurap kurap ako sandali dahil sa ginawa niya pero agad rin akong nakabalik sa'king sarili. 
What the freak! Ano 'tong nararamdaman ko, ba't ganito ang dating ng babaeng 'to sa'kin. Ang weird ng feeling ko ngayon.
"Tapos na, huwag ka may free kiss pa 'yun ah," Nakangiting sabi niya. 
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at napabuntong hininga. Parang gusto ko na tuloy umuwi ng bahay.
"Bigay mo sa'kin kamay mo," Napatingin ako sa kanya at sa kamay ko, "Dali na gagamutin natin." Sabay kuha ng kamay ko at sinimulan na rin ang pag gamot.
Wala akong imik, nakatingin lang ako sa ginagawa niya sa pag gamot ng kamao ko. Minsan hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa kanya habang tutok na tutok siya sa kanyang ginagawa.
"Ano 'yan?!" Napataas ang boses ko sabay inilayo ang kamay ko sa kanya dahil lalagyan sana niya ito ng band aid na color pink at hello kitty pa.
"Band aid, malamang," Sagot naman niya sabay pilit agaw ng kamay ko.
"Eh bakit color pink at hello kitty pa? Wag 'yan pangit, ayoko niyan," 
"Hayst, wag ka ngang maarte diyan, band aid lang 'to, tsaka anong problema mo sa pink at hello kitty?" 
"Ayoko nga," Agaw ko naman sa kamay ko.
"Bakit nga kasi?" Inis niyang tanong.
Abah siya pa 'tong may ganang mainis na dapat ako naman talaga.
"Ang girly tingnan," Inis kong sagot.
Humalakhak naman siya. At heto na naman ang mga nawawalang singkit niyang mata kapag nakangiti siya.
"Sige na nga, di na kita pipilitin, tara bili na lang tayo ng bagong band aid," Aya niya sa'kin at agad na tumayo, "Ayaw mo? Edi ako na lang bibili, hintayin mo ako dito."
Hinayaan ko lang siyang maglakad papalayo. Napako ang tingin ko sa bag niyang nakabukas at may nakita ako doon na nakasilip na parang diary ata niya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko basta bigla na lang akoong inatake ng curiosity ko at kinuha ito, gusto ko lang malaman kung anong nakasulat dito. 
Ang unang nakasulat sa first page ay,
'Dear Diary,
                     'Is it possible to be with him?'
                                                               ~Reyn'
Napataas ang kilay ko, sino kaya ang tinutukoy niyang him? 
'Yun lang ang nakasulat sa first page ng diary niya, I was all about to turn on the second page when someone's hand grab it. Napatitig ako kung sino ito at nagulat ako dahil si Reynzie pala ito. 
"A-Anong ginagawa mo sa diary ko?" 
Sabay kuha ng bag niya at ilalagay na sana ito sa loob, pero agad ko itong hinablot sa kanya.
"Gusto kong basahin," Sagot ko.
Pilit naman niyang inagaw sa'kin ito pero agad kong iniwas. Nag aagawan kaming dalawa ng bigla niyang inilapit sa'kin ang mukha niya at hinalikan na naman ako sa pisngi na ikinagulat ko. Kaya tuluyan na niyang naagaw sa'kin ang diary niya at agad itong inilagay sa loob ng bag niya.
"Kala mo makukuha mo—" 
Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil sa bigla ko siyang hinila para hindi makaalis sa kinatatayuan niya dahilan ng pagka out balanced niya na sana hindi ko na lang ginawa dahil saktong sa'kin ang bagsak niya dahilan ng pagdaing ko sa sakit na naramdaman ko. 
"The fck!" Mura ko. 
Ang sakit, natamaan lang naman ng siko niya ang alaga ko. Pota kapag ako nabaog, isasako ko 'tong babaeng 'to at itatapon sa ilog.
"H-Hala! Sorry! Hindi ko sadya," Bulalas niya at napatayo ulit.
Sinamaan ko siya ng tingin habang namimilipit sa sakit. Siya naman ay natataranta sa kung anong gagawin niya.
"Bakit mo naman kasi ako biglang hinila? Hindi ko sana matatamaan 'yang a-ano m-mo, s-sorry," Nahihiyang sabi niya at kitang kita ko na naman kung paano siya mamula.
Lalapitan na niya sana ako ng bigla ko siya pinigilan.
"Don't!" 
"H-Ha? Bakit?" 
"Ugh, damn it!" Mura ko ulit sa sobrang inis sa kanya.
Napayuko naman siya at hindi nakagalaw sa kinatatayuan niya. Anong nangyari sa babaeng 'to?
"What happened?" Napaangat naman siya ng tingin sa'kin at kitang kita ko ang pamumula ng mukha niya, "Tsk! Dali na lagyan mo na ng band aid 'tong kamay ko para makauwi na tayo."
"H-Hindi ako nakabili eh, nakalimutan ko ang bag ko," Sagot naman niya.
"Aish, sige na gamitin mo na lang 'yung hello kitty na 'yun," Utos ko sa kanya.
"Ayos lang sa'yong gamitin 'yun?" May ngiti sa mga labi niya.
"Oo, kaya dalian mo na, gusto ko ng umuwi." 
Hindi na siya sumagot at tumango na lang. Dali dali siyang umupo sa tabi ko at kinuha ang band aid sa kit niya. Nag umpisa na siyang lagyan ang likod ng palad ko. Pagkatapos ay ngiting ngiti siyang tumingin sa'kin.
"Ayos na, tara uwi na tayo," Aya niya. Napatingin lang ako sa kanya sabay irap, "Masakit parin ba 'yung-'yung a-ano mo?" Nahihiyang tanong niya.
"Tinatanong pa ba 'yan? Malamang sa malamang," Singhal ko.
"S-Sorry hindi ko sadya," Kita ko ang guilty sa mukha niya.
"Tsk! Tara na nga," Sabay tayo at nauna ng maglakad ng iika ika.
"Huy, sorry na nga!" Habol niya sa'kin.
Hindi ko siya pinansin hanggang sa makarating kami sa kotse ko. Nauna na akong pumasok at hinintay siyang makapasok din. Kung pwede lang siyang iwan dito nagawa ko na sana, kaso baka hindi mapunta sa'kin ang gang.
Tahimik ang naging byahe naming dalawa, ni isa sa'min ay walang nagsasalita. Hindi ko alam kung anong iniisip ng babaeng 'to bakit hindi na siya dumadaldal. Pagkarating namin sa harap ng bahay nila ay agad siyang napalingon sa'kin.
"Galit ka parin ba?" Ramdam ko ang lungkot sa boses niya.
"Tsk, sige na pasok ka na, mag gagabi na oh," Utos ko sa kanya ng hindi pinansin ang tanong niya.
"Galit ka parin nga," Bulong niyang narinig ko naman. Napabuntong hininga siya at ngumiti ng pilit sa'kin, "Sige na, mag ingat ka sa pag uwi." Tumalikod na siya at naglakad papasok ng gate nila.
Agad ko namang pinaharurot pauwi ang sasakyan ko. Naiinis ako sa kanya sobra, bakit ba kasi ako ang nagustuhan niya, hindi ba pwedeng ibang lalaki na lang, ako pa tuloy 'tong nahihirapan sa ginagawa ko.
Naalala ko na naman kanina ang pangyayari, busit naka ilang ulit na siya ng pag halik sa'kin. Sinasamantala ata ang panahon niya. Gusto ko ng mag hilamos at sabunin ng sabunin 'tong mukha ko. 
"Bwisit! Bwisit! Bwisit!" Mura ko sa loob ng sasakyan ko sa sobrang inis.
Napatingin ako sa kamay kong may nakadikit na band aid na color pink at hello kitty pa. Naalala ko na naman ang ginawa niyang pag halik sa noo ko, kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit ganon 'yun? Ang weird ng feeling ko. 
Naalala ko rin pati kanina ang pangyayari kung paano niya natamaan ang alaga ko. Hindi ko maiwasang hindi hawakan ito.
"Tangna!" Mura ko ulit.
Bwisit siyang babae, ayoko na gusto ko ng itigil 'to. Mababaliw ata ako ng dahil sa babaeng 'yun. Iba ibang pakiramdam ang ibinibigay niya sa'kin.
Hanggang sa pagkarating ko sa bahay ay dala dala ko ang inis na nararamdaman ko. Gusto ko tuloy manapak. Nauna na akong maghapunan kesa sa maligo. Gusto kong magpahinga ng maaga, pakiramdam ko sobrang dami ng pangyayari ngayon.
Mag e-eleven na ng gabi pero heto ako, gising na gising parin ang diwa. Hindi ako makatulog, panay rin ang pag text sa'kin ni Reynzie, panay sorry ang kanyang ginagawa. Ngina ang kulit. Hindi ko siya nirereplyan at nag decide na i-off na lang ang cellphone ko para hindi niya ako maistorbo.
Bakit ba kasi hindi ako makatulog, bwisit naman oh. Gusto kong iuntog ang ulo ko. Bakit panay pasok sa isip ko ang babaeng iyon, aish. Wala na akong pake kung masaktan man siya ngayon o kung umiiyak man siya, bahala na kung mamatay siya mabuti na rin 'yun para matapos na 'tong kalokohang ginagawa ko sa kanya.
Gusto ko ng itigil 'to, hindi ko na kaya ang lumapit pa sa babaeng iyon. Bahala na kung hindi mapasakin ang gang basta ayoko ng dumikit dikit pa sa babaeng iyon. May ibang paraan pa naman siguro para maangkin ang gang maliban sa pagtupad ng deal na 'to.
Daig ko pa ang babae sa pag overthink nito. Nag decide akong bumaba ng kwarto at kumuha ng maiinom sa kitchen. Gusto ko ng alak at alam kong meron dito si Mom, kaso lady's drink naman. Gusto kong matulog pero hindi ko magawa, bwisit ayokong uminom ng lady's drink. I have no choice kung hindi ang uminom ng gatas, baka sakaling makatulog agad ako.
Ngayon lang ulit ako iinom ng gatas, bwisit kasi nang dahil sa babaeng iyon heto ako todo inom ng gatas para lang makatulog mula sa pag iisip ko sa kanya. 
Ititigil ko na ba ang deal? Pero nakasalalay dito ang pag angkin ko sa gang. Naguguluhan ako, pero ayoko rin namang lumapit lapit pa ang pesting babaeng 'yun sa'kin. 
Kahit anong daming gatas ang laklakin ko hindi naman ako malalasing nito. Pati ba naman gatas ayaw akong pakisamahan, pesting buhay 'to.

Book Comment (228)

  • avatar
    FaceDirty

    good

    13d

      0
  • avatar
    HospitalChan Myae

    very good

    03/05

      0
  • avatar
    Annurhidayah

    best

    11/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters