logo text

Chapter 5 Unbelievable

Pagkarating ko sa school saktong pagdating rin ng first subject teacher namin na lalaki. Mabuti at mabait siya kaya kahit na late man ako hindi siya magagalit dahil mahaba ang kanyang pasensya hindi kagaya sa ibang teacher na masyadong terror.
Hindi na bago sa'kin ang magkaroon ng pasa sa pag pasok sa eskwela, sanay na rin ang mga kaklase ko kaya parang wala lang sa kanila na ganito ang mukha ko.
Natapos ang first subject, habang naghihintay akong dumating ang second subject teacher namin ay naalala ko na naman si Reynzie. 
Agad kong kinuha ang cellphone ko at bumungad sa'kin ang tadtad niyang missed calls and messages. twelve missed calls and fifteen mesaages, the heck.
From: Reyn
[Art, nasaan ka na?]
[Hindi ka ba pupunta rito?]
[Hihintayin kita dito]
[Uy ano na?]
[Okay ka lang ba?]
[May nangyari ba?]
[Ba't wala kang reply?]
[Nag aalala ako sa'yo, ano ba]
[Sana ayos ka lang]
[Sasabay na lang muna ako kay Rhea mag lunch]
[Ikaw mag lunch ka na rin, wag ka pagutom]
[Mag text ka na lang kapag nabasa mo na 'to]
[Ingat ka palagi ah]
[Wag mong pabayaan ang sarili mo]
[I love you]
Nandidiri ako sa huling message niya, kahit sa text lang nangingilabot ako. Ang kulit niya, labag sa kalooban ko ang replyan siya kaso kailangan, baka mamatay sa pag aalala 'yun.
To: Reyn
[Sorry kung hindi kita sinipot, bawi ako sa'yo later]
[Magkita na lang tayo mamayang uwian]
Pagkatapos non ay itinago ko na ang cellphone ko dahil sa dumating na ang second subject teacher namin at nagsimula ng mag klase.
Pagkauwian ay agad akong lumabas ng classroom at tanaw ko na agad ang nakangiting si Reynzie na kumakaway kaway pa. Tsk, masyadong masayahin, ikaiiyak naman niya 'yan sa susunod.
Nilapitan niya ako sa pwesto ko ng malapad ang ngiti pero bigla rin itong naglaho ng makita niya ang mukha kong may pasa. Nag aalala ang akanyang mukha na may kasamang pagtataka. 
"Anong nangyari diyan sa mukha mo?" Sabay lapit para hawakan pero agad ko itong iniwas sa kanya, "'Yan ba ang dahilan kung bakit hindi mo ako sinipot kanina sa lunch nating dalawa?" 
Wala namang bahid ng galit sa mukha niya o lungkot manlang. Pag aalala ang nakikita ko sa mga mata niya. Hindi ba 'to marunong magalit o magtampo o magkaroon manlang ng sama ng loob? 
Tinanguan ko lang siya sabay sabing, "Sorry, kinakailangan kasi ni Arjay ng resbak kaya pinuntahan ko siya," Paliwanag ko.
Teka nga, bakit pala kailangan kong magpaliwanag sa kanya? Sino ba siya? Tsaka isa pa di ko naman kailangan magpaliwanag, tsk! Naalog ata utak ko sa pagkakasapak ni Darwin kaya nagiging ganito ako.
Nagulat ako kasi bigla siyang humalakhak, anong nakakatawa sa sinabi ko? Kagaya ko kaya naalog din ang utak ng babaeng 'to? Kung baliw ako mas baliw siya.
"Anong nakakatawa sa sinabi ko?" Naiinis kong tanong sa kanya.
"Wala, natatawa lang ako kasi para kayong mga bata sa salitang resbak," Natatawang sagot naman niya.
Nainis naman ako, hutangina naman ng babaeng 'to, tatawanan pa kami. 
"Hindi ka magagalit?" Takang tanong ko sa kanya. Kumunot naman ang kilay niya.
"Ba't naman ako magagalit? Eh ang astig niyo nga eh, iniimagine ko palang naks suntok dito suntok doon, hayah!" 
Natawa na lang ako sa mga inaakto niya, habang nagsasalita kasi with matching action pa siyang pasuntok suntok sa ere na nalalaman. Iba rin 'tong babaeng 'to, ang akala ko ba magagalit siya kasi ganito ako puro pakikipag away lang ang alam kong gawin pero heto siya ngayon todo ngiti pa sa ginawa ko.
"As in hindi ka magagalit? Hindi mo ako sesermonan?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Si Mom kasi, kapag nakita niyang ganito ang itsura ko sa pag uwi todo sermon siya na halos gusto ko ng lumayas sa pamamahay niya. Nakakairita na lang siya palagi.
"Bakit naman kasi ako magagalit? Wala kayang rason para magalit, alam ko namang yakang yaka mo ang mga kalaban mo eh," Napangiwi na lang ako sa mga isinagot niya, "Sa susunod pwede isama mo ako sa laban niyo? Gusto ko rin kasing makita kung paano kayo maglaban ng harap harapan like hayah hayah! Ganon!" Excited na sabi niya.
The fudge! Anong klaseng babae 'to? Kingina patayin niyo na lang ako, bakit parang proud na proud pa siyang ganito ang gawain ng boyfriend niya? Hindi ko mapigilang hindi mapatampal sa noo ko. Bumuntong hininga ako at inakbayan siya para makauwi na kaming dalawa.
"Tara na, uuwi na tayo," Aya ko sa kanya.
Inalis naman niya ang kamay kong naka akbay sa balikat niya at hinarap ako ng naniningkit ang mga singkit niyang mata. Nagtaka naman ako sa ginawa niya.
"Hindi, hindi!" Tinaasan ko naman siya ng isang kilay, "Hindi ako uuwi hangga't hindi mo sinasabi sa'kin na isasama mo ako sa susunod na rematch niyo ng kalaban niyo." 
Napatampal ulit ako sa'king noo at napakamot sa ulo. Bakit ganito ang babaeng 'to? Gustong makapanood ng live na suntukan, tsngina.
"Oo na, Oo na! Tra na, uuwi pa tayo," pigil ang inis na sagot ko.
"Yey tara na!"
Pagkatapos non siya na ang mismo ang humila sa'kin palabas ng gate. Nagpatianod na lang ako sa kanya sabay buntong hininga.
Agad kaming sumakay sa kotse ko at nagmaneho na para ihatid siya sa bahay nila. Habang nagmamaneho ay hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanya, medyo nagulat pa ako kasi nakatitig pala siya sa'kin.
"B-Bakit ka ganyan makatitig s-sa'kin?" 
Hindi ko mapigilang hindi mautal, para kasing may balak siya sa kanyang iniisip. Ngumisi siya ng nakakaloko na nagpalala sa kabang nararamdaman ko. Jeez, pag ito may gagawing kalaswa laswa sa'kin, magkakamatayan kami rito.
"Wala naman, iniisip ko lang kung—"
"Kung ano?!" Hindi ko na siya pinatapos sa kanyang sasabihin.
"Kung anong itsura mo habang nakikipagsapakan, kung kagaya mo rin kaya sina Dominik Mysterio makipaglaban,"
"Dominik Mysterio? Sino 'yun?" Takang tanong ko.
"Ay hindi mo siya kilala? Sayang naman idol na idol ko pa naman siya pagdating sa pakikipaglaban," Nakangusong sabi niya na ikinangiwi ko naman. 
"Sino ba kasi 'yun?" Inis na tanong ko.
"Si Dominik Mysterio na american professional wrestler, anak ni Rey Mysterio na professional wrestler din? Kilala mo na ba? Wag mong sabihin na hindi mo siya kilala, wag ka sikat na sikat kaya sila sa larangan ng WWE or RAW. Si Dominik—," Hindi ko na siya pinatapos sa kanyang kadaldalan, sumusobra na siya masyado.
Heck, ano bang klaseng babae 'to? Bakit mahilig sa kwentong suntukan? 
"Kilala ko si Rey Mysterio, kaso nga lang mas idol ko si John Cena—" 
"Hala, talaga?! Kilala mo sila? Idol ko rin kaya si John Cena," putol niya sa sasabihin ko.
Kaasar talaga 'to kahit kailan, di ba pwedeng patapusin muna ako sa sasabihin ko? 
"Ah ganon," Walang ganang sagot ko.
"Gusto ko ngang makapunta sa labanan nila eh 'yung actual talaga hindi virtual, hayst." Nangangarap niyang sabi.
Napatingin ako sa kanya sabay taas ng kilay, ganyan na ba talaga siya ka obsessed sa mga ganoon? Napangisi ako dahil sa pumasok sa isip ko.
"Bakit? Ano bang nagustuhan mo sa mga taong 'yan?" Tanong ko sa kanya.
"Uhm idol ko lang sila sa pakikipag suntukan, kung paano nila talunin ang kalaban nila, at kung paano sila makipag wrestling 'yun lang naman," 
"Talaga? 'Yun lang ba? Hmm, feel ko hindi rin, siguro gustong gusto mo ang mga ganon kasi palaging nakahubad noh? Palaging kita ang mga muscles nila at 'yung mga naglalakihan at nagtitigasang abs," Nakangising sabi ko sabay tingin sa kanya ng nanunukso.
Nagulat ako sa biglang ginawa niya, sinapak lang naman niya ako sa balikat habang nag d-drive. Hindi naman masakit kaya napangisi na lang ako.
"Hindi kaya! Pinagsasabi mo diyan? Porque ba idol ko na sila ganon na agad habol ko?" Pag tanggi pa niya.
"Tsk! Masyadong defensive," Parinig ko habang nakangisi parin.
"Gagu ka! Sabing hindi eh!" 
Nagulat ako sa biglang pag sigaw niya sa'kin at ang mas nakakagulat pa ay 'yung pagmura niya na akala ko ay hindi niya magagawa kasi mukha siyang angel. Napailing iling na lang ako.
"Nagmumura ka rin pala?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"I-Ikaw kasi eh, sabing hindi kulit mo," Nahihiyang sagot niya. 
"Tsk! Joke lang 'yun ano ka ba," Natatawang sabi ko.
"Heh! Tumahimik ka na nga, nakakainis ka," asar niyang sabi sabay tingin sa labas ng bintana.

Book Comment (228)

  • avatar
    FaceDirty

    good

    13d

      0
  • avatar
    HospitalChan Myae

    very good

    03/05

      0
  • avatar
    Annurhidayah

    best

    11/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters