Homepage/24 Days With You/
Chapter 4 30 Days left
Nakakainis, 'yung dating routine ko sa umaga para pumasok sa school ay nag-iba na. Kung noon pwede pa akong magpatanghali ngayon kailangan maaga na kasi may susunduin pa ako.
Patakbo akong bumaba ng hagdan at dumiretso na ng dining area. Naabutan ko doon si Mom na nagkakape habang hawak hawak ang fashion magazine na binabasa niya.
"Good morning son, ang aga mo naman ata ngayon pumasok?" Tanong niya ng hindi manlang ako tinapunan ng tingin at nakakatutok lang sa kanyang binabasa.
"Morning, I wanna change my morning routine," Walang ganang sagot ko.
Hindi naman na siya sumagot at ipinagpatuloy na lang ang pagbabasa niya. Umupo ako at nagsimula ng kumain. Hindi na sana ako mag b-breakfast pero naisip ko na baka mamaya di na naman ako makakain dahil sa mawawalan ako ng appetite kapag kasama ko ang babaeng 'yun.
After kong mag breakfast agad akong umalis ng bahay at nag drive na para sunduin ang pesti, pero before pa ako makarating doon sa bahay nila bumili muna ako ibibigay ko para sa kanya.
Pesticides sana ang gusto kong bilihin para mawala na siya sa buhay ko kaso naisip ko no need kasi twenty-three days na lang at mawawala na rin naman siya dito sa mundo.
Bumili ako ng bulaklak para sa kanya at donuts na rin. Ewan ko kung anong gusto ng babaeng 'yun basta mabigyan ko lang siya at mapangiti na siya ayos na 'yun.
Nag text na rin ako sa kanya na susunduin ko siya. Pagkarating ko sa tapat ng bahay nila, naghintay pa ako ng twenty minutes bago siya lumabas ng kanilang bahay. Tanginang babaeng 'to pinaghintay pa talaga ako ng matagal busit!
Kumatok siya sa bintana ng sasakyan ko, and as usual she always wearing this smile na lalong nagpapaganda sa kanya.
Napangiwi ako sa mga sinabi ko, wala naman sigurong masama kung sabihin kong maganda siya kasi totoo naman. But that doesn't mean na gusto ko na siya, fuck ayoko iww.
"Good morning!" Bati niya ng hindi parin nawawala ang mga ngiti.
"Morning too, get in."
Binuksan niya ang pintuan ng kotse ko at pumasok na. Hindi ata siya marunong magseryoso, puro ngiti na lang kasi.
"For you," Sabay bigay ng flowers and donuts sa kanya. Mas lumapad pa ang ngiti niya.
"Thank you!" Sabay kuha at halik sa pisngi ko na ikinagulat ko.
Huminto ang paghinga ko at napatitig ako sa kanya, dahan dahang napapahigpit ang hawak ko sa manebela ng kotse ko. Nginitian lang niya ako na parang walang nangyari.
Fuck, bakit niya ginawa 'yun? Gusto kong magwala, tangina siya palang itong nakahalik sa pisngi ko. Gusto kong pababain na siya ng sasakyan ngayon na, gusto kong manapak nakakadiri.
"Ayos ka lang?" Nag aalalang tanong niya.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at napabuntong hininga. Parang makakasapak ako ngayon ng babae. Bumuntong hininga ulit ako at sinimulan ng paandarin ang makina ng kotse ko. Pinikit ko ang mga mata ko at pilit pinigilan ang sarili ko, baka masapak ko na talaga siya kahit babae pa siya.
"Yeah," Tanging sagot ko at nagmaneho na.
Habang nagmamaneho hindi ko mapigilang hindi mainis ang daldal niya, hindi ba siya nauubusan ng ikukwento. Bagay silang ipartner ni Arjay, sure akong magkakasundo sila kasi puro dada ng dada. Nakakainis, malapit ng maubos ang pasensya ko sa babaeng ito, konti na lang at bababa na siya ng kotse ko at maglalakad na lang papuntang school.
Getting to know each other ang ginagawa niya, tanong siya ng tanong ako naman isang tanong isang sagot lang. Nakakapesti sobra, gusto ko ng itigil 'tong deal na 'to, hindi ko na kaya. Panay buntong hininga na lang ang ginagawa ko.
"Favorite sport mo?"
"Wala, I just liked to play basketball pero hindi ako obsessed doon, maglalaro lang ako kung kailan trip ko," Sagot ko.
"Ah, kaya pala minsan lang kita makitang nakikita na naglalaro,"
"Ikaw?"
"Wala, kahit gustuhin ko hindi naman pwede,"
Napatingin ako sa kanya, hindi na siya nakangiti at nakatingin na siya sa daan. Napataas ang kilay ko.
"Dahil sa may sakit ka sa puso," Ako na mismo ang sumagot.
Napatingin siya sa akin at ngumiti ng mapakla sabay tango.
"Pano mo nalaman?" Takang tanong niya.
"Narinig ko sa mga kaklase mo," Sagot ko na lang.
Alangan naman sabihin ko sa kanya na dahil kay kuya niya baka mag tanong pa siya ng magtanong.
"Magtanong ka na ulit," Pag iiba ko ng topic.
"Mahilig ka ba sa music?"
"Hmm, especially piano," Sagot ko.
"Galing mo naman,"
"Tsk!"
"Anong favorite color mo?" Nakangiting nakatingin siya sa'kin habang ako nasa kalsada lang ang tingin.
"Gray. Sa'yo?" Walang ganang tanong ko, pero parang hindi ata siya aware doon.
"Pink!"
"Pfft!" Natawa ako.
"Bakit? Anong nakakatawa sa pink?"
"Sobrang girly, pangit tingnan," Sagot ko.
"Hoy hindi ah! Maganda kaya!"
"Feel mo lang 'yan, pero ang totoo pangit talaga," Nakangising sabi ko ng hindi parin siya tinitingnan.
"Pangit ba talaga? Edi papalitan ko favorite color ko," Napatingin ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay na nagtatanong, "Para sa'yo, kasi diba nga napapangitan ka, edi papalitan ko na lang." Nakangiti paring sagot niya.
Ibinalik ko na ang tingin ko sa daan at umiling iling. Hindi manlang siya nahurt sa sinabi ko, ano ba siya? Muntanga lang tsk!
"Wag na, hindi mo mapipilit ang sarili mong gustuhin ang isang bagay kung hindi naman ito ang gusto ng 'yong puso, hahanapin at hahanapin mo parin ang sayang nararamdaman mo sa bagay na 'yun everytime na namimiss mo ito." Paliwanag ko.
"Ba't parang may pinaghugutan ka?" Napatingin ako sa kanya, nakangiti siya na parang nang aasar.
"Tsk!" Singhal ko.
Ipinarada ko na ang kotse ko sa palaging spot nito. Nauna na akong bumaba, didiretso na sana ako sa paglalakad ng marinig ko siyang napasigaw sa sakit.
"Aray!" Nilapitan ko siya.
"What happened?" Takang tanong ko.
"Natapilok ako huhu," Maluha luhang sabi niya sabay hawak sa ankle niya.
Napabuntong hininga ako, nakakainis na siya dami niyang sakit. Umupo ako at iniangat ang paa niya, hinilot hilot ko ito. Naramdaman kong napakapit pa siya sa ulo ko, tiningnan ko siya. Nakakunot ang kilay niya habang nakatingin sa ankle niya.
Napabuntong hininga na lang ulit ako. Sa dinami rami ng pwedeng hawakan ulo ko pa, ginawa niyang alalay para hindi matumba. Kingina ang pinaka ayaw ko sa lahat ay 'yung hinahawakan 'yung buhok ko.
What if tuluyan ko na lang na baliin 'tong ankle niya, nakakabusit eh. Kailangan humawak pa sa ulo ko, ang hirap mag timpi sa ganitong sitwasyon. Nang pagkatapos ay tumayo na ako at inalalayan siya.
"Ayos na ba?" Pigil inis na tanong ko.
Sinubukan niyang tumayo ng matuwid at inalis ang pagkakahawak sa'kin.
"Ayos naman na 'to siguro, wala ng sakit eh," Tinanguan ko lang siya.
"Tara na," Aya ko sa kanya sabay naunang maglakad.
"Sandali! Hinatyin mo naman ako," Rinig kong sigaw niya.
Tumigil ako sa paglalakad, napapikit ako at humugot ng malalim na hininga. Hinarap ko siya para hintayin. Kaunti na lang talaga ang natitira kong pasensya dito sa babaeng 'to.
"Masakit parin ba paa mo?" Tanong ko. Ang bagal niya kasing maglakad.
"Hindi naman, nag-iingat lang baka kasi matapilok ulit," Nakangiting sagot niya.
Pagkarating niya sa harap ko, no choice ako kung hindi ang akbayan siya kahit diring diri ako para maalalayan ko na siya at makalayo na ako sa kanya.
Maraming mga mata ang nakatingin sa amin, hindi rin maiwasan ang mga bulong bulungan kahit saan. Hindi ko na lang sila pinansin at nagtuloy sa paglalakad habang nakaakbay parin kay Reynzie.
Nang makarating kami sa harap ng room nila, nagpaalam na kami sa isa't isa. Pareho kaming grade twelve pero magkaiba ang section naming dalawa dahil sa strand, ABM ako at STEM naman siya.
"Sige dito na ako, kita na lang tayo mamaya," Sabi niya sabay ngiti na naman ng malapad.
Tinanguan ko lang siya at naglakad na papuntang room. Shuta, gusto kong mag alcohol sa ginawa kong pag akbay sa kanya, nakakadiri.
Lumipas ang mga oras at dumating na teacher namin sa first subject, pero hindi parin dumadating ang bubuyog kong kaibigan. Baka na late lang siya, pero nakakapagtaka lang kasi siya 'tong tipo ng lalaki na ayaw malate kasi sa guard house lagi ang tambay para lang makakita ng chix na papasok sa gate ng school. Kanina pagdaan namin doon ni Reynzie hindi ko siya nakita, dapat kung nadoon siya tinawag na niya ako kaso wala.
Lumipas pa ang mga oras hanggang sa mag lunch time ay wala parin siya. Ni anino ng isang Arjay ay wala akong makita. Nakakapagtaka kasi minsan lang siya mag absent kahit may sakit siya papasok parin 'yun. Chix ba naman ang gamot sa sakit niya.
Hindi ako nakapagtiis at nag text na sa kanya kung bakit ba siya wala sa school.
[Where are you? Bakit ka absent?]
Ilang minuto ang hinintay ko bago maka receive ng reply sa kanya.
[Pasensya bro, di na ako nakapagsabi sa'yo na may laban ako ngayon, busy ka kasi sa girlfriend mo HAHAHA]
Nainis ako sa reply niya, kahit kailan talaga ang lakas niyang makagago. Alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin na may laban siya, hindi 'yun laban sa kung ano ano dahil literal ito na laban na nakikipagsuntukan.
Agad ko siyang tinawagan at dalawang ring palang sinagot na niya ito.
"Fuck you! Nasaan ka? Baka di mo kayanin at kailangan mo ng resbak?" Tanong ko sa kanya sa kabilang linya.
"Sus! No need bro, I can beat them by myself, for now just take your time together with your girl," Sagot naman niya na natatawa pa.
Nainis naman ako sa mga pinagsasabi niya, pagkaharap ko lang 'tong lakaking 'to napektusan ko na.
"Hambog! Tangina mo gagu, nasaan ka nga? Pupuntahan kita," May inis sa boses na tanong ko.
"Nasa pugad ng mga kalaban bro,"
Kahit kailan talaga ang isang 'to di nag iisip.
"Anong gang? May kasamahan ka ba diyan?"
"Wala akong dalang kasama bro, as what I've said I can beat them by myself,"
"Talaga lang huh?"
"Oo nga--" Hindi na natuloy ang sasabihin niya sa kabilang linya ng bigla akong may narinig na nahulog na bakal sa sahig at ang pagbiglang patay ng tawag.
"Shit! Sinasabi ko na eh, hambog talaga kaya 'yan napapala,"
Tinawagan ko ulit ang number niya at hindi naman ako nabigo dahil sa nag ring ito at may sumagot dito.
"Hello, Keiron Art Chavez," Sagot ng pamilyar na boses sa kabilang linya.
Alam kong hawak na nila ngayon ang kaibigan ko. Sa boses palang niya kilalang kilala ko na siya. Si Darwin ang nag f-feeling leader ng gang nila eh kanang kamay lang naman.
"What did you do--Anong ginawa niyo sa kaibigan ko?"
Hindi ko na natuloy ang pag english ko, muntik ko na kasing makalimutan na hindi pala siya makaintindi ng english dahil sa bobo siya at walang pinag aralan. Ewan ko kung bakit siya ang naging kanang kamay ng leader nila eh sa wala namang alam 'yan sa ibang bagay kung hindi ang magaling lang sa pakikipaglaban, tsk! Pero kahit anong galing niya hindi parin niya ako matalo talo.
"Wala naman, pinatulog lang namin siya,"
"Subukan niyo lang siyang patayin at ako ang papatay sa inyo," I can't stop my anger.
Napakuyom ang kamao ko, hindi nila pwedeng patayin ang bubuyog na 'yun, ako lang ang pwedeng pumatay sa kanya at hindi sila.
"Oh? Talaga ba, Keiron? Hindi naman talaga namin papatayin 'yang kaibigan mong bubuyog eh, ang totoo kasi niyan ikaw 'tong gusto kong makalaban. Ginamit ko lang siya para makausap ka at sabihin sa'yong gusto kitang makalaban ng one on one." Sabay tawa ng malakas sa kabilang linya.
"Tsk! Ako pala ang gusto mong maka one on one eh, bakit dinamay mo pa ang bubuyog na 'yan? Wag mo masyadong ipahalata ang kabobohang ambag mo dito sa mundo, pwede mo naman akong diretsohin sa gusto mong mangyari dami mo pang alam gawin may pa damay damay ka pa sa kaibigan ko," Nang aasar kong sabi.
"Wag ka ng maraming dada diyan, mabuti pa pumunta ka na lang dito at patunayan 'yang sinasabi mo,"
"Tsk!" Singhal ko at pinatay na ang tawag.
Dali dali akong lumabas ng gate ng school namin at nag drive na papunta sa kuta ng mga animal na 'yun, hindi ko na kailangang tanungin pa kung nasaan iyon dahil alam ko na.
Busit kasing bubuyog na 'yun, hindi nag iisip kung anong pwedeng mangyari. Hambog ampota, padalos dalos sa gagawin, tsk!
Pagkarating ko doon sa kuta ng mga animal ay agad akong sinalubong ni Darwin ng nakangisi na parang nanghahamon na agad ng away. Nginisihan ko rin siya pabalik.
"Ano simulan na ba natin?" Nanghahamong tanong niya.
Malaking tao si Darwin, maitim at at may katangkaran, bungi ang isang ngipin at mukhang hindi naliligo.
"Bago tayo magsimula, ibalik niyo muna sa'kin ang bubuyog," Nagkibit balikat lang siya.
"Ibalik niyo na sa kanya ang kaibigan niyang bubuyog," Senyas niya sa mga kasamahan niyang nasa likod niya.
Dinala naman nila sa tabi ko ang nanghihina ng katawan ni Jay. Puro pasa rin ang kanyang mukha na dahilan ng pagkuyom ng kamao ko.
"Akala ko ba ako ang gusto mong makalaban? Eh bakit ang dami niyang pasa?" Nagpipigil sa galit na tanong ko.
"Nanlaban eh, wala kaming magawa kung hindi ang labanan siya pabalik," Nakangising sagot niya.
"Tsk, then simulan na natin ang laban," Nanghahamong sabi ko.
Napangisi ako ng halos lahat ay mukhang makikipag away, alam ko na mangyayari ito. Ganyan naman talaga si Darwin, ang duwag niya palagi.
"Kahit kailan ang duwag mo, akala ko ba one on one? Eh bakit parang lahat lalaban?" Nang aasar kong tanong.
"Tumahimik ka! Huwag na kayong makisali dito. Manood na lang kayo sa laban naming dalawa," Utos niya sa mga kasamahan niya.
"Naglaban na tayo ng makailang ulit, Darwin. Hanggang ngayon ba hindi mo parin matanggap na talo ka na talaga?" Nakangising tanong ko sa kanya.
"'Wag ka masyadong pakampante, Keiron, mag tuos ulit tayo at sisiguraduhin kong uuwi kang bali bali na ang buto," Nakangisi ring sabi niya.
Tsk! Hanggang salita lang naman siya, feeling nagmamatapang eh ang totoo palagi namang talo. Ikawalong laban na namin ito at ni isa hindi pa niya ako natalo, pero heto na naman siya at nanghahamon na naman ng laban, nagbabakasakaling manalo na.
Hindi ko na pinatagal pa at inaya na siyang makipag suntukan. Siya ang naunang sumugod sa'kin, pero nakailag ako at agad king ipinatikim sa kanya ang kamao ko. Napaatras siya at napasinghot dahil sa dugong tumulo sa kanyang bibig. Ngumisi siya at agad ulit akong sinugod ng sipa at suntok pero lahat ng 'yun ay naiwasan ko parin.
"Ilang ulit ko ba kailangang patunayan sa'yo na talong talo na kita?" Hinihingal na tanong ko sa kanya.
"Huh, papatunayan ko sa'yong mas malakas na ako ngayon kaysa sa dating ako," Sigaw niya sabay sugod na naman sa'kin.
Umilag ako sa unang suntok niya pero sa pangalawang suntok niya doon ako hindi nakailag, tinamaan niya ang panga ko. Tangina, parang matatanggal ang panga ko sa lakas ng suntok niya. Syempre hindi ako papatalo at agad ko siyang sinugod at pinaulanan ng suntok at sipa na parang punchingbag lang. Hindi ko na gustong patagalin 'tong away na 'to kaya para isahan na lang sa huli kong suntok ibinigay ko ang lahat ng lakas ko.
Tumayo ako at pinagpag ang uniform ko, pinahid ko na rin ang dugong tumulo sa labi ko. May malay pa naman siya kaso 'yun nga lang namimilipit na sa sakit.
"Ano? Baka kayo gusto niyo rin gumaya sa kanya?" Hamon ko sa mga kasamahan niyang ang sama ng tingin sa'kin. Pero ni isa sa kanila ay walang nag atubiling sugurin ako. Binalingan ko si Darwin, "Bakit ba kasi ayaw mong tanggapin na talo ka na sa una pa lang? Darwin nga ang pangalan mo kaso palagi ka namang talo. Tsk!"
"H-Hindi pa ito ang huli nating pagtutuos, babalikan k-kita," Hirap niyang sabi.
"Round two gusto mo ngayon na? Hindi ka na nga makatayo diyan may pa balik balik ka pang nalalaman," Binalingan ko ang mga kasamahan niya, "Ano pang tinitingin tingin niyo diyan? Dalhin niyo na 'yan sa hospital at baka mamatay na 'yan kapag hindi naagapan." Nakangising sabi ko at lumapit sa pwesto ni Arjay.
"B-Bro, ang galing mo talaga," Puri pa niya sa'kin.
"Tanga gago! 'Yan wag masyadong magmatapang kaya 'yan ang nakukuha," Sermon ko sa kanya, "Tara!"
Hindi ko na siya hinintay pang makasagot at hinila na agad papalapit sa kung saan naka park ang kotse ko.
"Bro! Makahila ka naman akala mo hindi ako napano eh noh?" Inis na reklamo niya.
"Tsk!" Sininghalan ko lang siya.
"Siya nga pala, hindi na ako sasabay sa'yo. Dala ko ang motor ko, hindi na muna ako ngayon papasok bukas na lang."
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at napangiwi dahil sa itsura niya. Mukhang ni rape ng sampung babae dahil sa gulo gulo niyang buhok at punit punit na damit.
'Yung totoo? Anong ginawa nila sa bubuyog na 'to? Mukhang hindi binugbog, mukhang pinagnasaan at hinalay ang itsura niya.
"Tsk, sabi mo eh. Ang tanong kaya mo bang mag drive sa kalagayan mong 'yan?" Nandidiri parin ako sa itsura niya.
"Grabe ka naman makapandiri sa'kin, bro. Mukhang di mo ko kaibigan ah," Tinaasan ko lang siya ng kilay habang hinihintay ang sagot niya, "Oo, kaya ko pa naman mag drive. Sige na alis na baka ma late ka pa sa first subject ngayong hapon, salamat pala."
"Tsk!" Tinanguan ko lang siya at tinapik sa kanyang balikat. "Sige alis na ko."
Sumakay na ako ng kotse ko at nagpaharurot papuntang school. Ilang minuto na lang at male-late na naman ako.
Habang nag d-drive bigla akong may naalala.
"Shit! Si Reynzie!" Bulalas ko.
Nakalimutan ko pala siyang i-text na hindi ako makakasabay sa kanya sa lunch namin. Baka namatay na 'yun dahil sa sama ng loob dahil sa hindi ko siya sinipot. First day pa naman na magkasama sana kaming mag lu-lunch ngayon bilang mag gf at bf daw.
"Bahala na, magpapaliwanag na lang ako sa kanya mamaya, sana di pa siya patay. Baka tapusin ni Z ang buhay ko ng wala sa oras," Kausap ko sa sarili ko.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (228)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
good
13d
0very good
03/05
0best
11/04
0View All