logo text

Chapter 21 Spoiling her

Dali dali akong lumabas ng room at bumaba para sunduin si Reyn. Nakita ko siyang saktong papalabas na rin ng kanilang room.
Nang makita niya ako ay agad siyang kumaway, "tara?" Pag aaya ko.
Sabay kaming naglakad papuntang field, doon namin balak mag lunch together na kaming dalawa lang. Wala rin naman si Rhea na best friend niya dahil sa absent it dahil sa may lagnat. Ako na rin ang nagdala ng bag niya papunta para hindi na siya mahirapan. 
Pagkarating namin, doon kami pumwesto sa bench with table. Wala masyadong mga students, the rest kagaya rin namin na mas piniling dito mag lunch para peaceful ang paligid. Nagsimula na kaming kumain at siya naman ang nagsimulang magkwento tungkol sa nangyari sa klase niya kanina, ako naman tagakinig lang. 
Maagang natapos ang klase namin sa hapon dahil wala ang last subject teacher namin. Bumaba na agad ako para hintayin matapos ang last period nila Reyn sa hapon. Nasa hallway lang nila ako nag aabang matapos at nang matapos na nga ay agad ko siyang sinalubong, kinuha ang baga niya para ako na ang magdala papuntang parking lot. 
Nang makasakay na kami sa sasakyan ko ay bigla siyang nag aya na gumala. "Punta tayong perya sa kabilang bayan, gusto mo?" 
"Perya?" 
"Oo, ano? Game ka ba?" Ngiting ngiti na tanong niya sa mga mata niya umaasa siyang umoo ako. Ayaw ko naman siyang malungkot at isa pa maaga pa naman para umuwi. 
"Let's go." Nagsimula na akong nagdrive heading the way to our destination.
Pagkarating namin doon ay agad na siyang bumaba ng kotse, hindi na niya hinintay pa na pagbuksan ko siya. Halatang masyado siyang excited. Nagsimula na siyang maglakad papasok doin at ako naman ay nakasunod lang sa likod niya. May mga rides rin dito such as ferris wheel and horror train, at mga rides na pambata. There's a lot of things to do in here. Nakakaenjoy, maraming tao ang naglalaro. 
"Anong gusto mong subukan?" Tanong ko sa kanya. 
"Doon tayo sa parang dart na part." Hinila niya ako kaya nagpatianod na lang ako. 
Iba-iba ang price dito kapag nasentro mo at natamaan mo ang mga target. Nagbayad muna kami at nagsimula nang maghagis. Five pieces of dart ang ibinigay sa akin. Lahat ng tira ay palaging may tama hanggang sa maubos ko ito ihagid lahat. 
"Basic!" Nakangising sabi ko.
"Ako rin! Gusto kong i-try." Ngiting ngiti niyang sabi sa akin. Hindi naman ako umangal at magbigay ulit ng bayad para siya naman ang makapaglaro.
Unang hagis niya palang ay wala na, iba ang natamaan, muntik nang masira ang ilaw na nakakabit sa hindi kataasang bubong ng tent na ito nang dito tumama ang unang dart na inihagis niya. Nagulat ang dalawang tagabantay rito at natawa na rin kagaya ko.
"Hala! Hala! Sorry! Hindi ko sadya," sabay tawa ng malakas. "Isa pa, subukan ko ulit."
Pangalawang hagis niya muntik nang tamaan ang isa sa mga tagabantay rito na nakatayo doon sa gilid mabuti at nakailag siya. 
"Umay! Shacks! I'm sorry po, huhu di ko sadya. Ba't kasi ayaw tumama." Napapadyak niyang reklamo. Tawang tawa ako pero pinipigilan kong mapahalakhak. 
Sumubok ulit siya sa pangatlong pagkakataon pero hindi manlang ito umabot sa dart board. Tumama ito sa lupa. 
"Bakit ba ayaw?" Naiiyak niyang sabi. 
Nilapitan ko siya para tulungan kung paano ang saktong paghagis. Nasa likod niya ako habang hawak hawak ang kamay niya para ilagay sa tamang position ng paghagis. Amoy na amoy ko ang kanyang mabangong buhok. 
"Close your one eye and focus to your target. Hinatayin mong kumalma ang plaigid mo, at kapag nasa tingin mo ay palaki ng palapit ang target, then it is the sign to throw... it." Sabay hawak naming inihagis ang hawak hawak niyang dart. Tumama ito sa dart board pero medyo malayo pa sa target. "Last one, ikaw na ang gumawa. Kaya mo na 'yan. Alalahanin mo 'yung itinuro ko." Saka ako umatras.
Ginawa naman niya ang sinabi ko, doon saktong kinuhaan ko siya ng picture. Ang cute niyang tingnan sa kanyang ginagawa, focus na focus siya. Hindi ko mapigilang mapangiti. Nang ihagis na niya ito ay bigla siyang napasigaw at napatalon talon pa sabay palakpak ng kanyang mga kamay dahil sa may natamaan siyang target. 
"Good job, love." Napapalakpak kong sabi. Yumakap naman ito sa akin.
"Ang galing ko no?" Puri niya sa sarili niya. Ngumiti ako at tinanguan siya.
Ibinigay na sa amin ng may ari ang mga price na nakuha namin, may mga candies at biscuits. Sunod naman naming pinuntahan 'yung kabilang tent. Pellet gun naman ang gamit dito, kapag napatumba o napahulog mo 'yung mga maliliit na target kagaya ng stuffed toy na hello kitty sa unang label, pingpong ball sa pangalawang label, crayons na isa isang pinatayo sa pangatlong label at posporo naman na isa isa ring pinatayo sa ikaapat na label. 
Nagbayad na kami at ibinigay na sa amin ang pellet gun na puno ang magazine. Siya ang una kong pinatira hanggang sa maubos at minsan hello kitty ang napahulog nito o hindi kaya ay ang pingpong ball. Ang saya saya niya nang makuha ang mga price Lalo na 'yung hello kitty na kasing laki ng fist.
Ako naman ang sumunod na tumira, pinauna kong patumbahin ang limang crayons sunod sunod at nang hindi ako masatisfied ay doon ko tinira sunod sunod ang mga posporong isa isang nakatayo sa sunod sunod naman itong nahuhulog lahat nang natatamaan ko. Hanggang sa maubos ang bala ay saka lang rin ako tumigil. Walang palya ang oagkakatira ko kagaya ng dati ang lahat ay may tama. 
"Wow naman, ang galing!" Napapalakpak niyang puri. 
Napapakamot naman sa ulo ang may ari dahil sa marami ang nahulog ko at mas malaking prices ang makukuha namin. Ibinigay sa amin ang mga prices na pagkain at iba't ibang Uri ng stuffed toys na maliit, pero isa doon ay malaking hello kitty. Agad kong ibinigay ito kay Reyn na grabe ang ngiti nang makita gbinisbot ito sa akin ng may ari. 
"Oh sa'yo na."
"Totoo? Akin na 'to?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Ang weird naman siguro kung akin na lang 'yan diba?" Ngumiti naman siya nang napakagiliw.
"Tss! Tara na, let's buy some food to eat." Hinawakan ko siya sa braso para sumunod sa akin.
Napatigil siya sa paglalakad sunod sa akin dahilan para napatigil rin ako at lungunin siya. Nakatingin siya sa ferris wheel.
"Gusto mong sumakay?" Napatingin siya sa akin at ngumiti ng malungkot. 
"Di ko alam kung kakayanin kong sumakay diyan," pabulong ang pagsagot niya.
"May fear of heights ka ba?" Lumapit ako sa kanya para akbayan siya.
"Wala naman, nakakaenjoy nga eh." 
"Do you want us to try?" Napatingin siya sa akin na nagdadalawang isip.
"Kaya ko kaya?" Nag aalalang tanong niya. "Wala naman sigurong epekto sa sakit ko 'yan diba?"
"Kung alam mong kaya mo at kalmado ka lang, oo ang sagot sa mga tanong mo." Sabay suklay sa kanyang buhok gamit ang kamay ko. "So.. what? Gusto mo bang subukan?" Napaisip naman siya.
"Don't worry, love. Kasama mo ako di kita pababayaan." I assured her.
"Tara," saka ako hinila papalapit doon. Napangiti ako sa biglang paghila niya sa akin.
Sumakay kaming dalawa, I make sure na hindi siya mapapano sa kanyang kinauupuan, magkatabi kami at hawak hawak niya parin ang hello kitty na binigay ko sa kanya kanina. I grabbed her hand resting on her lap and intertwined our fingers, holding her tight and rubbing my thumb to reassured her that she's fine. 
"Nervous?" Napatingin siya sa akin at ngumiti sabay iling-iling. 
"No, I'm fine. Completely fine, I feel safe when you're around me." I kissed her forehead and smile at her. 
Nang mag umpisa nang umandar ay hindi umalis ang tingin ko sa kanya. She's enjoying the panorama while I'm enjoying watching her smile, she's the view. I will never get bored watching this beautiful panorama.
Matagal tagal rin kaming nakasakay doon at buong minuto ay sa kanya lang ako nakatitig, ni hindi ko inalis ang tingin sa kanya hanggang sa makababa kami.
"Are you okay?" I'm worried, maybe she's not feeling well.
"Yes, I'm okay. Don't worry." She replied giving me a warm smile. 
"Tara bili na tayo ng makakain," saka hinila na ako. 
Narating namin ang area ng tindahan ng mga street foods. Ang dami nilang tinda dito, mga ihaw ihaw, kwekwek, fishball, kikiam, fries, at iba pa, may mga drinks rin kagaya ng mga palamig, shake, buko juice, halo-halo, at iba pa. Maraming mga nagsisikdikang mga tao na kagaya namin ay gusto ring bumili. I grabbed her waist para hindi siya malayo sa akin at hindi ko na ito binitawan pa habang naghihintay sa binili naming mga pagkain. 
"What do you want? Hot sauce or not?" Napapayukong bulong ko sa kanya. 
"Yung matamis na lang," turo niya sa matamis na sisidlan ng sauce. 
Dinala namin ang mga pinambili namin sa area kung saan pwedeng pagtambayan. Kulay kahel na ang kalangitan kaya mas lalo itong nagpapaganda sa paligid.
"Mga ganitong oras ang favorite ko eh, 'yung papalubog na ang araw." Pagkukwento niya. 
"Dati wala akong pake sa mga ganitong oras at mga gawain, ngayon nagugustuhan ko na rin," nakangiting pagkukwento ko rin.
"Hala siya gaya gaya lang? Wala ka bang originality?" Pagtataray niya sa akin.
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya, "is that so?"
"Huy joke lang hihi," sabay subo ng kwekwek sa akin. "Ba't mo naman nagugustuhan na?" Dugtong niya.
"It's because of you."
"Hmm? Ba't naman dahil sa'kin?" 
"I don't know. It's just that hindi mo na lang namamalayan ang sarili mong nagugustuhan mo na ang isang bagay kahit dati wala naman itong dating sa'yo. Minsan kasi nagugustuhan natin ang isang bagay hindi dahil sa taglay nitong ganda o sayang ipinapadama, nagugustuhan natin ito it's because there's a one person na nagiging reason para magustuhan natin ito, sila ang taong nagbibigay ng saya at kakaibang pakiramdam para maging special ang isang bagay o pangyayari sa buhay natin." Napatigil siya sa pagkain at tiningnan ako ng hindi makapaniwala. "Why?" Takang tanong ko.
"Ang haba ng sinabi mo, ngayon lang kita narinig na nagsalita ng ganin kahaba." Amused niyang sabi. 
Napaiwas ako ng tingin at napayuko saka tumusok ng isang fishball. Nasabi ko ba talaga 'yun? Kahit ako nagugulat na sa sarili ko, hindi ko alam kung saan ko hinuhugot ang mga salitang iyon. Maybe it's because I'm into her? Kaya nasasabi ko ang lahat ng ito. Ngayon ko lang narealize na ang layo ko na pala sa dating ako. 
Tinapos na namin ang pagkain namin. Dumidilim na rin, dapat makauwi na kami baka pagalitan pa si Reyn. Nang matapon na namin ang lahat ng pinagkainan namin ay saka kami nagsimulang maglakad pabalik doon sa perya. Nasanay na rin ako sa bigla biglang paghihila niya sa akin. Hinila niya ako papunta doon sa bazaar area kung saan maraming nagtitinda ng mga bracelets and other accessories and more. 
"Bili tayo nito oh," sabay lapit doon sa mga bracelet na nakakabit. "Ang cute nitong mga 'to." Saka tumingin sa akin nang nakangiti ng malapad.
Nilapitan ko ito at sinuri kagaya ng ginawa niya. It's a black square knot bracelet with beads. "Magkano po ito, manong?" Tanong ko doon sa nagtitinda.
"Bentesingko lang isa, hijo, singkwenta dalawa. Bilihin niyo na, maganda 'yan pang couple bracelet." 
"Sige po, I'll buy two." Saka naman niya ito kinuha at ibinigay sa aming dalawa. Ibinigay ko na rin ang bayad. 
"Pagtagalin sana kayong dalawa ng bracelet na iyan." Nakangiting sabi pa niya. 
"Sige manong, thank you." Saka kami umalis.
"Wait, suotin natin at mag picture." Hindi naman ako tumanggi at nagpicture na rin with bracelets. 
I thought it was a cringe thing to do pero hindi pala, ang saya sa feeling na gawin ang mga bagay na 'to lalo na kapag kasama siya. Walang cringe thing sa ganitong feeling. 
"Uuwi na tayo?" Tanong niya habang hawak hawak ko siya sa bewang niya. 
"Yeah, baka pagalitan ka kapag nagpagabi pa tayo dito." Diretso ang paglalakad kong sagot.
"Okay, pero last one na lang talaga, please.." tinaasan ko siya ng kilay.
"What it is?" Hindi siya nagsalita at hinila ako doon sa area ng mga nagtitinda ng keychain. 
"Bili tayo nito, ang cute eh." Nakangusong sabi niya. Tinanguan ko lang siya.
"Go pick one." Saka naman siya namili. 
"Pwede damihan? Hihi," ngumiti siya sa akin umaasang oo ang sagot ko. 
"Aanhin mo ba ang mga 'yan?" Nakapanghalukipkip kong tanong.
"Wala, ang cute kasi nilang lahat tsaka souvenir lang sana." Pabalik balik ang tingin niya sa akin at sa mga keychain na hinahawakan na niya. 
I sighed and nodded, "go get all you want."
Para akong tatay dito na iniispoil ang anak sa gusto nitong bilhin. Tiningnan ko lang siya sa kanyang ginagawa, kinukuha niya lahat ng makita niyang cute sa paningin niya.
"Okay na 'to," sabi niya nang masatisfied sa mga kinuha.
Binayaran ko ang lahat ng kinuha niya, nasa mahigit eight pieces ang nakuha niya. May mga hello kitty, shell, at mga heart siyang kinuha, may parang sculpture rin ng dalawang bata na nagkikiss. 
"Let's go," saka siya hinawakan ulit sa bewang para sabay kaming maglakad. 
"Wait lang," napatigil kami sa paglalakad. "Sa'yo na 'tong mga 'to, para couple tayo."
She handed me those keychains na pareho sa kanya, may heart, shell, pati hello kitty at yung sculpted na dalawang bata na nagkikiss. 
"Aanhin ko 'tong mga 'to," sabay tanggap ng mga bigay niya.
"Depende sa'yo, kung aanhin mo 'yan. Basta sa'kin souvenir 'to." Sabay angat sa ere ng mga hawak-hawak niyang keychains at tiningnan ito. 
"Fine, I'll keep these things," Hinawakan ko ulit siya sa kanyang bewang. "May gusto ka pa bang bilihin?" 
"Wala na, tara pwede na tayong umuwi."
Naglakad na kami pabalik sa kung saan ko ipinark ang kotse ko. 
"Pagod ka ba? Matulog ka muna, gigisingin kita pagkarating natin sa bahay niyo." Sabay siguradong maayos ang pagkakasuot niya ng kanyang seatbelt
Hindi siya sumagot at ipinikit na lang ang kanyang mga mata. Tinitigan ko siya sinisigurado kung ayos lang ba siya, saka ko hinalikan sa noo at nagseatbelt na rin para makapag drive na. Habang nasa biyahe panay sulyap ang ginagawa ko sa kanya, hawak hawak ko ang isang kamay niyang nakapatong sa lap niya at minamasahe ito. 
She's sleeping peacefully hanggang sa makarating na kami sa labas ng bahay nila. Hindi muna ako lumabas at dahah dahang tinanggal ang kanyang seatbelt. Saktong pagkatanggal ko ay gumalaw siya, tinitigan ko siya at binigyan ng smack sa labi. Napangiti ako nang magmulat siya ng kanyang mga mata. 
"Good evening, we're here. Pumasok ka na sa loob." Bulong ko at saka hinawi ang buhok niya sa kanyang mukha.
"Good evening," ngumiti siya. "Ayaw mo ba munang pumasok?"
"Hindi na muna, baka hinihintay na rin ako ni Mom sa bahay." Bumaba ako at umikot para pagbuksan siya.
Pagkababa niya ay agad siyang yumakap sa akin. Niyakap ko siya pabalik. 
"Don't forget to eat your dinner, okay?" Tumango lang siya. 
"Good night," 
"Good night." I kissed her forehead. 
"Sige na, mag ingat ka." Humiwalay siya sa pagkakayakap at umatras sabay kaway. Pumasok na ako sa kotse ko at nagpaalam sa kanya na aalis na. 

Book Comment (228)

  • avatar
    FaceDirty

    good

    10d

      0
  • avatar
    HospitalChan Myae

    very good

    03/05

      0
  • avatar
    Annurhidayah

    best

    11/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters