logo text

Chapter 22 Can we be like this forever

Kinabukasan dating gawi, hatid sundo ko siya papunta at pauwi. Nakiusap siya sa'kin na sa bahay na lang nila ako matulog, gusto niya raw mag movie marathon kami. Hindi naman ako tumanggi kasi gusto ko rin naman gawin 'yun kasama siya. But I never expect na pati Mama at kuya niya ay isasali niya sa kanyang gustong gagawin.
Nakaupo kaming tatlo ngayon sa sofa nila habang suot suot ang mga pajamas ng isa't isa. Si Reyn naman ay nakatayo nag iisip kung anong movie ang panoorin namin. Pinapagitnaan naming dalawa ng bastardo si Tita. So far parang wala naman sa kanya ang lahat, pinagbibigyan lang niya ang gusto ng kanyang kapatid.
"So anong movie nga ang panoorin natin? Wala akong maisip eh." Napapaupo sa sahig na sabi niya, sumusuko na dahil sa walang maisip.
"Kuya suggest ka naman oh," pakiusap niya sa kanyang kuya sabay lapit dito at umupo para yakapin ang braso nito.
"I can't think right now. Manood ka na lang ng kung anong gusto mo." Sagot nito.
"Eh sa wala nga akong maisip eh," kamot ulong reklamo nito. "Uy Ma, suggest ka naman." Baling nito kay tita.
"Wala akong maisip nak," kamot ulong sagot ni tita. 
"Aish, Art? May maisa-suggest ka ba?" Baling naman nito sa akin. Umiling lang ako, natahimik kaming lahat, tanging pag padyak padyak lang ng paa ni Reyn ang naririnig namin.
"May naisip na ba kayo?" Si Tita ang maunang bumasag sa katahimikan. 
"Alam ko na! May naisip na ako," napatingin kaming lahat sa kanya. Nakangiti siya ng malawak. "What if Barbie na lang ang panoorin natin? Maganda 'yun, 'yung mermaid sana." Napakurap kurap ako sa suggestion niyang panonoorin namin.
What? Seriously Barbie? unbelievable, so childish. But it's okay, I still love her tho.
Napatingin ako sa kanila, si tita nakangiti lang at ang bastardo wala manlang karea-reaksyon.
"Ano? Okay ba kayo sa Barbie?" naghihintay ang kanyang mga mata sa sagot namin at umaasang umoo kami. 
"I'm fine with that," tango tango kong sagot. 
"Kami rin ng kuya mo okay lang sa'min." si Tita.
"okay let's watch na," nag start na siyang magpindot sa remote. 
Umupo siya sa tabi ko at tahimik lang kaming apat na nakatitig sa screen ng tv. Well aaminin ko kahit lalaki ako naaliw rin ako sa mga ganitong panoorin. Hindi ko alam na tutok na tutok ako sa kanonood hanggang sa mapatingin ako sa tumatawang si Reyn. 
"What? Why?" takang tanong ko at agad na ibinalik ang tingin sa TV. Napatingin ulit ako sa kanya nang marinig ko ang tunog ng kanyang camera. "What are you doing?"
"Wala, gusto lang kitang kuhanan ng picture while watching barbie movie. Ang cute cute mo kasi tingnan, halatang aliw na aliw sa pinapanood." Hagikgik niya. 
Napatingin ako sa bastardo doon sa kabila at hindi ko mapigilang matawa nang makita kong pati siya ay tutok na tutok rin sa kanyang pinapanood kagaya ko ay aliw na aliw rin siya. Imagine akala mo kung sinong matapang tapos barbie lang nakakapag paaliw sa kanya. Napalingon siya sa akin nang maramdaman niya ang tingin ko, agad akong ngumisi sa kanya at ibinalik naman niya sa akin ang masamang tingin. Alam kong alam niya ang iniisip ko. Ako na ang umiwas at ibinalik na ang tingin sa pinapanood, tumigil na rin si Reyn sa kanyang ginagawa at nanood na lang. 
"I have to sleep now, may trabaho pa ako bukas." Sabi niya at napatayo dala dala ang laptop niya. 
"Goodnight kuya ko," lumapit siya kay Reyn at hinalikan ito sa noo ganon rin ang ginawa niya kay tita. 
"Goodnight." 
Naiwan kaming tatlo no tita sa sala pero maya maya ay tumayo na rin siya at sinabing mauuna nang matulog.
"kayo na ang bahala diyan Reyn, inaantok na ako."
"sige po ma, goodnight."
"goodnight sa inyong dalawa Reyn, Keiron."
"sige po tita, have a goodnight to you.
Dalawa na lang kaming natitira ni Reyn dito kakapanood ng barbie. Ramdam kong panay sulyap siya sa akin. 
"What?"
"Wala hihi,"
"tss!" napabuntong hininga ako at hinila siya papalapit sa akin nang mayakap ko siya. He hugged me tight then rest her head on my chest. I kissed her head, amoy na amoy ko ang bango ng kanyang buhok. "I'm holding my breath.." bulong ko sa kanya. 
"Tell me, how can I unlove you?" she retorted. 
"Why? Are you tired of being in love with me?" may pait sa boses ang pagkakasabi ko.
"No, and I will never get tired of loving you 'til my last breath ends."
Hindi na ako sumagot pa at dinama na lang ang bawat segundong kayakap siya. I can't lose you Reyn. I can't, I might die too..
"Hala ubos na 'yung snacks natin," reklamo niya habang pinupulot isa isa ang mga plastic na nagkalat sa harapan namin. 
"Wanna eat some more snacks?" sabay hila ulit sa kanyang bewang para mapaupo ko sa aking kandungan. 
This is really not me, ginayuma ba ako ng babaeng ito para gumanito ako kabaliw sa kanya. Ang clingy ko sa kanya, pakiramdam ko isang layo lang niya sa akin nakukulangan na ako ng lakas. 
Nakangiti niya akong nilingon sabay sunod-sunod na pagtango. 
"Then let's buy some outside," I insisted. 
Tiningnan ko kung anong oras na, it's already ten in the evening. Malapit lang naman dito ang convenience store kaya anytime pwede kaming lumabas at mamili. 
"Tara!" Nabigla ako sa bigla niyang pagtayo at hinila ako sa kamay para tumayo na rin. I can't stop myself from smiling, ang cute niya kapag excited. 
Saktong tapos na namin panoorin ang pinapanood naming Barbie. Nauna na siyang naglakad papalabas habang ako ay nakatayo lang at nakatingin sa kanya, kunot noong nilingon niya ako na may nagtatanong mga tingin. 
"Ba't di ka pa gumagalaw diyan? Ayaw mo lumabas?" Hindi ko siya sinagot at tinitigan na lang siya. "Huy anyare sa'yo?" nilapitan niya ako. 
Ugh di niya ba ako magets? Gusto kong magkasabay kaming maglakad, magkahawak kamay. Jeez, I know that's too cliché pero 'yun ang gusto ko eh, 'yun ang hinahanap ng sistema ko, ang palaging magkalapit kami sa isa't isa.
Napabuntong hininga siya at niyakap ako sbay tingala, binigyan ng nakakainosenteng tingin. 
Gosh, this girl is making me crazy. 
Ngumisi ako at saka siya hinawakan sa kamay, I intertwined our fingers at naglakad na papalabas ng bahay. 
Panay ang lingon ko sa kanya, we both has this smile plastered across our lips. Nang tuluyan na kaming makalabas ng bahay nila, we decided na maglakad na lang kesa sa gumamit pa ng sasakyan. Tahimik ang paligid, walang katao tao at tanging lamp post lang ang makikita mong nagbibigay liwanag sa daan. This place is too peaceful. The cold breeze embraced us, napansin ko ang panlalamig niya. 
Shit wala siyang jacket. 
Naklimutan na naming magsuot, "are you cold?" tumango lang siya at binigyan ako ng tinging ayos lang siya. 
Stupid Keiron. 
Pumunta ako sa likod niya at niyakap siya ng mahigpit, I hope this will ease her cold feeling. "I'm sorry, I don't have any jacket to give you. This is the only way I can do to make you feel warm."
(Please listen to Taylor Swift's song which is Lover. The music really suits huhu. Whilst writing this, one of my classmate randomly played this song and sheeesshh aaaahhh my heart😭)
"I prefer your hug than jacket," she replied. 
I smiled at her words, "we can be just like this forever, only if you wanted me to, up until you pushed me away.. I'll set you free.. but I don't think I can do that, neither I will let you." I whispered. 
"..and I won't let you do that either. I hope so.. you know—" 
"Shh.." I shushed her. "Don't think of it. Let's just cherish this beautiful moment." But deep inside it's slowly crashing me down. No, please don't leave me Reyn...
Nagsimula na ulit siyang maglakad pero hindi ko siya pinakawalan mula sa pagkakayakap. 
"Baka madapa tayo," natatawa niyang sabi. 
"Hindi 'yan." I clasped her two hands against mine habang di ko siya pinapakawalan sa pagkayakap at dahan-dahan kaming naglakad. 
"May tanong ako," pagbasag niya sa komportableng katahimikan.
"Hmm? What is it?"
"I'm curious, asan 'yung Dad mo?" inosenteng tanong niya.
That's it. That's the question I don't want to entertain. "I honestly don't know who my father is.."
Napatigil siya sa paglalakad, "I'm sorry to hear that—"
"No, no.. don't be sorry." I shut her up. Maybe it's time to face this thought. "Since my Mom got pregnant, she never knows who's the father of the child she's carrying off." I paused, gulping. "Lumaki akong walang ama, I don't know him, he's a jerk I guess.. perhaps he's not. It's just that di lang siya aware na ganon ang mangyayari after hooking up with my mom, na magbubunga ang isang gabing pagsasama nila. I can't blame him for all of these things tho, may kasalanan rin si mom dito."
Nagpapatuloy parin kami sa paglalakad, ni isa sa amin walang nagsasalita, maybe she's trying to find words that can fit into. 
"Hindi ko alam ang sasabihin ko.." pabulong niyang sabi na ikinatawa ko. 
"No, di mo naman kailangan na magrespond, okay na 'yung nasabi ko 'yung thoughts na matagal ko nang iniiwasan." I sighed, a sigh of relief. "Hayaan na, matagal na 'yun. All I have to do is to accept the fact."
"You sure na okay ka lang?" nag aalala ang kanyang boses at hinarap ako.
"Yes I am," giving her a reassuring smile. "Actually he's the reason why one week akong hindi nagpakita sa'yo noon. Gulong gulo ako, hindi ko maintindihan ang lahat. Bigla na lang ibinalita sa akin ni Mom na ganon, that my Dad was hospitalized and he wanted to see me." Sinabi ko sa kanya ang lahat kung panong naging ganon ang mga nangyari.
She then hugged me tight. "This is the only way I know to make you feel that you are not alone in this battle." 
Pakiramdam ko gumaan ang nararamdaman ko nang masabi ko ang lahat sa kanya. Ngayon ko lang napansin na ang layo ko na sa dating ako, ibang iba na. This girl keeps messing my mind, turning me into a better version of myself. 
Nang makarating na kami sa harap ng convenience store ay agad kaming pumasok para mamili ng mga snacks namin. Ako na ang nagdala ng lahat, habang siya ay pinapauna ko sa paglalakad. 
"Ang ganda ng gabi noh? so peaceful." Sabay kaming napatingin sa kalangitan. Ang daming mga bituin dagdagan pa ng nag iisng crescent moon na agaw pansin. 
"Kung gaano karami ang mga bituin ganon rin karami ang mga salitang gusto kong sabihin sa'yo," sabi ko.
"Like what?" tiningnan niya ako. 
"I love you, mahal kita.." napangiti siya. 
"I know." confident niyang sagot. 
"But that sounds too cliché." dugtong ko.
"Eh?" 
"I don't want to ruin this beautiful moment with you, I don't wanna be emotional. Nakakabakla." natatawang sagot ko. 
"Ay grabe ka naman sa bakla. Pero sige I won't force you, ramdam ko namang mahal mo ako so no need to say it all just to let me know na mahal mo ako." yumakap siya sa bewang ko. 
Pagkarating namin sa bahay nila ay ipinagoatuloy na namin ang pagnonood namin. "Midnight Sun" ang movie na pinapanood namin. Hindi ako mahilig manood ng mga romance but I have no choice, pagbibigyan ko siya sa kanyang gusto. Nakakandong siya sa akin habang tahimik kaming nanonood at kumakain ng popcorn. 
"Inaantok ka na?" tanong ko sa kanya nang humikab na siya at tanging tango lang ang isinagot niya.
Isinandal ko ang ulo niya sa dibdib ko, combing her hair while still watching the movie. Hinayaan kong makatulog siya sa ganoong pwesto habang ako nanonood parin. I thought it was a happy ending but it wasn't, it's a tragic love story. 
My eyes are getting teary, I can't imagine my life to be like that. Ayokong maging ganon ang ending namin, sa drama lang iyon nangyayari. I know may paraan pa para malampasan ito, I hope so. I don't want to end up like Charlie who just lost Katie. 
Nang matapos ko na panoorin ay dahan-dahan ko siyang inihiga sa couch at isa isang nilinis ng mga kalat naming dalawa para itapon na ito. Pilit kong iwaglit ang mga isiping iyon. Sa pagbalik ko ay ganon parin ang kanyang pwesto, lumapit ako sa kanya at dahan-dahan itong binuhat para dalhin sa kwarto niya sa taas.
Mahimbing parin ang kanyang pagtulog nang makarating na kami sa tapat ng kanyang pintuan. Dahan-dahan kong itinulak ang pinto para makapasok at inilapag siya sa kanyang kama. Pinagkatitigan ko ang kanyang natutulog na mukha, she's like an angel sleeping peacefully. Hinawi ko ang kanyang buhok na nakatabon sa kanyang mata and then I kissed her forehead at kinumutan para hindi lamigin.
"Goodnight, my love." I whispered in her ear.
Tumayo na ako para sana lumabas na nang bigla niyang tawagin ang pangalan ko. "Art, please stay with me, please.." nilingon ko siya, she's still sleeping, she's probably having a bad dream. Hindi ako nagdalawang isip at agad na bumalik sa kanyang tabi at hinawakan ang kamay niya ng mahigpit. Nakakunot ang kanyang noo. 
"No, I will never leave you.." sagot ko. 
Mas pinili kong dito na lang matulog sa kwarto niya just to secure her while still sleeping. Tumabi ako sa kanya at niyakap siya, I want her to feel na kahit sa panaginip hindi siya nag iisa. 
Ang daming mga isipin ang pumapasok sa isip ko, hindi agad ako nakatulog dahil doon. Pero isa lang ang alam ko at 'yun ay ang hindi pa ako handa sa susunod na posibleng mangyari. 

Book Comment (228)

  • avatar
    FaceDirty

    good

    10d

      0
  • avatar
    HospitalChan Myae

    very good

    03/05

      0
  • avatar
    Annurhidayah

    best

    11/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters