Lumabas na kami ng dining area at dumiretso doon sa living area. Pinagkatitigan niya ang bawat painting at pictures na nakasabit sa wall. "I have something to show you, come with me," hinarap niya ako at lumapit sa akin. "What is it?" hindi ko na siya sinagot at hinawakan ang kamay niya leading our way upstairs. Nang makarating na kami sa harapan ng pintuan ng kwarto ko ay agad ko itong binuksan para makapasok kami. "Is this your room?" Inilibot niya ang kanyang paningin sa buong paligid nito. "Hmm.." simpleng sagot ko at iniwan siya sa kanyang kinatatayuan para lumapit doon sa isang drawer. "Ang ganda.." Napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakahiga na sa kama ko. Kinuha ko ang isang maliit na box doon at umupo sa tabi niya. Napalingon ito sa kaliwa niya at bigla itong tumayo para lapitan ang isang frame na nakalagay sa tabi ng lampshade. "Ang gwapo mo dito pero halatang napakasuplado," natatawang napasulyap ito sa akin. "Is that a compliment?" tumayo ako lumapit sa kanya para yakapin siya sa likod. "Dapat ba akong matuwa sa sinasabi mong suplado ako?" Hinarap niya ako at isinubsob ang ulo sa aking leeg na natatawa. "Hmm, I don't know either, being who you are is enough for me kahit suplado ka pa o kahit alien ka pa basta alam ko akin ka at nandito ka mismo sa harapan ko, kitang kita." "Alien? You're too much," hindi ko mapigilang matawa. "Yes, you're an alien.. so impossible but still you're the one I am waiting for.. and you're the miracle all I ever wanted to witness." Pinagkatitigan ko ang buong mukha niya, I can't believe this girl is mine. I slowly pulled her closer to me and gently kissed her. Looking into her eyes makes me drown deeply. "I want you to wear this." Ipinasuot ko sa kanya ang isang anatomical heart necklace na binili ko para sa kanya. Hinawakan niya ito at tinitigan, dahan dahan ko siyang iniharap sa akin and I slowly kissed her forehead. "Ang ganda.." nasabi niya. "This necklace symbolizes all of me, I am nothing without you. Please take care of my heart 'cause this only belongs to you." Hinawakan ko ang kamay niya itinapat iyon sa dibdib ko while looking deeply into her eyes. Alam kong ramdam niya ang lakas ng tibok ng puso ko habang tinititigan siya. Walang namutawing salita mula sa aming dalawa, hindi man kami nag uusap but our souls does through the window of our eyes. Niyakap niya ako nang mahigpit sabay subsob ng mukha niya sa dibdib ko. "Natatakot ako na ako sa lahat na pwedeng mangyari..." bulong niya sa basag na boses. "Shh, I'm here. I'm not going to leave you, I will stay by your side, you can make it, I know..." Either me, hindi ko alam kung pinipilit ko lang ba na paniwalain ang sarili ko na kaya niya. Parang pinipiga ang puso ko marinig ang boses niyang takot. Hinila ko siya paupo sa edge ng kama ko at nahiga na kayakap siya. Umangat ang kanyang ulo para magpantay ang tingin namin sa isa't isa, I smiled at her and she did the same. Napatingin siya sa uluhan ko at doon nanlaki ang mga mata niya dahilan para mapalingin rin ako sa direksyon tinitingnan niya. "Is that Arty's twin?" turo niya sa pandang stuffed toy na binili ko the day I forcedfully confessed. Dalawa ang binili ko dahil gusto ko rin noon. "Uhuh yeah..." Tanging nasagot ko. Bumangon siya para kunin ito, ayaw ko sanang umalis siya sa pwesto naming dalawa pero hinayaan ko na lang siyang lapitan ito at kunin. Maya-maya ay bumalik na siya sa pagkakahiga sa tabi ko at pinakatitigan ang nsksangat sa ereng panda na hawak hawak niya. "Why didn't you tell me na may kakambal pala dito si Arty?" sabay lingon sa akin. "Bakit Arty?" Takang tanong ko. "Arty, came from your name Art." simoleng sagot niya. "Arty? But it sounds like maarte," kunot noong reklamo ko. "Yeah, iyon nga eh, I named him Arty kasi you're kind of maarte..." "What?!" Natawa ako nang wala sa sarili. Instead of saying anything, tinitigan ko na lang siya loving every small things she does. Niyakap niya ng mahigpit ang stuffed toy na hawak-hawak niya. Nakatingin lang ako sa ginagawa niya hanggang sa imulat niya ang kanyang mga mata at natawa nang makita ang reaksyon ng mukha ko. "You're so cute..." binitawan niya ang yakap yakap niyang panda sabay pinch ng magkabilang pisnge ko. "Huh?" Naguguluhang tanong ko. "Stop pouting, ang cutie cutie mo..." ilong ko naman ang kanyang piningot. Napaiwas ako ng tingin sa kanya, "stop doing that.." nahihiya kong sabi sa kanya. "Aww, mas lalo kang nagiging cute sa ginagawa mo," pinilit niyang iharap ang mukha ko sa kanya at inilapit niya ang mukha niya. "Reyn, s-stop. Baka hindi ako makapagpigil.." lumalakas ang tibok ng puso ko sa ginagawa niya. "Huh?" Binigyan niya ako ng tinging puro kainosentehan ang makikita. "God!" Ako na mismo ang lumayo ng pagmumukha ko sa kanya at bumangon para umupo. Nanatili siyang nakahiga, nilingon ko siya. Nandon ang mga nagtatakang tingin niya sa'kin. Ganon na siguro ako kabaliw sa kanya na kahit anong reaksyon ang ipinapakita niya sa'kin eh ang ganda ganda niya sa paningin ko. Paanong hindi ko siya napansin agad noon kung dati na siyang umaaligid sa akin, ganon na ba talaga ako ka walang pake sa paligid ko noon—sa mga babae? "Come on, iuuwi na kita. Baka hinahanap ka na ng kuya mo." Hinihintay ko ang mga sagot niya pero ni isang salita ay wala siyang binanggit. Nanatili ang mga ganoo g titig niya sa akin. Napabuntong hininga ako sabay pumaibabaw sa kanya, "I said let's go.." Pinantayan ko ang mga titig niya sa akin. Wala parin siyang sagot. Until unti akong kinakapa ng pag aalala. "Hey my love.. are you okay? What's wrong? May masakit ba sa'yo? Tell me." Sabay kapa ng noo niya pinapakiramdaman kung mataas ba ang body temperature niya. Normal naman ang temperature niya. Hinaplos ko ang ang kabilang pisnge niya. "Hey love.. are you upset? I'm sorry. Did I do something wrong? Tell me," Umiling siya at ipinikit niya ang kanyang mga mata, hindi ko mapigilang mapangisi. "So you want me to kiss you before we go?" Nagmulat siya ng mga mata niya sabay tagilid ng kanyang mukha at tinakpan ito ng kanyang mga palad, dahilan para matawa ako. Tumihaya ulit ako sa tabi niya kung saan nakaharap ang mukha niya. Dahan dahan kong kinuha ang magkabilang palad niyang nakatabon sa pagmumukha niya, hindi naman na siya naglaban pa at hinayaan akong alisin sa mga hibla ng buhok niyang nakaharang sa magaganda at mahahaba niyang pilikmata. I slowly kissed her forehead down to her nose and to her chin, magpantay ang tingin naming dalawa at sabay ngumiti sa isa't isa. Sinunod kong hinalikan siya sa kanyang magkabilang pisnge. I love showering her kisses. "I love you..." I whispered in her ears. Instead of responding to those three words, she just give me a smack that makes me chuckled. She's so cute. Isinubsob ko ang pagmumukha ko sa leeg niya, inhaling her lovely scent. How I love her scent, it's so addictive.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
good
9d
0very good
03/05
0best
11/04
0View All