Homepage/24 Days With You/
Chapter 26 My Dad
Mahimbing ang tulog ko nang bigla akong nagising dahil sa pag ring cell phone ko. Inaantok na kinuha ko ito at sinagot nang hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag. Saka ko naalala na nasa kwarto pala ako ni Reyn at magkatabi kaming natulog kagabi. Binalingan ko siya, agad akong napangiti sa nakikita ko, mahimbing ang mala anghel niyang mukha na natutulog. Hindi ako mapapagod titigan ang mukha niya, heto ang view na gusto kong makita sa paggising ko sa umaga.
"Keiron nasaan ka na? Umuwi ka na, kailangan kita ngayon may pupuntahan tayong mahalaga." Frustrated na boses ni Mom ang bumungad sa akin.
Bigla kong naalala ang sigawan namin kagabi sa harap pa mismo ni Reyn, "what do you want Mom?" Walang ganang tanong ko.
"Umuwi ka na muna,"
"Why? What for?" Frustrated kong tanong saka binalingan si Reyn to make sure na hindi siya magigising sa ingay ng boses ko.
"Basta umuwi ka na!" Galit ang tono ng kanyang boses.
"Is this for Nicole?" Walang ganang tanong ko.
"No, hindi sila matutuloy sa pagpunta rito ngayon. Stop asking questions and just go home!"
"Okay fine! I'll go as long as this is not about that girl." Then I hung up the call.
Hindi na muna ako bumangon at pinakatitigan na lang ang mukha niya. Nagpunta ako sa camera app ng phone ko para i-capture ang natutulog niyang mukha. Kung dati wala masyadong picture itong gallery ko pero ngayon puro candid shots na niya ang laman nito. I am capturing every moment with her. I can't believe I am owned by this angel.
Habang hindi ako nagsasawang titigan siyang nakatulog ay unti unting nagmulat ang mga mata niya, "good morning my lovely angel," nakangiting bati ko sa kanya.
Nahihiya siyang itinago ang mukha sa kanyang unan, "stop staring..."
"Why? You're cute tho," nakangiti kong pag amin.
"Lol..."
Pinilit ko siyang harapin ako at hindi naman na siya nagmatigas pa. "You're so beautiful, I love you." Saka siya hinalikan sa kanyang noo.
Ngumiti siya, "good morning Art ko."
Napapatitig ako sa kanya dahil sa tinawag niya sa'kin. Napaka unexpected niya magpakilig. "Art ko" sounds like music to my ears.
Niyakap ko siya ng mahigpit na parang ayaw ko nang pakawalan pa, "how's your sleep?"
"Maayos naman..." sagot niya saka niyakap ako pabalik.
"Hmm.." Nag aalangan ako kung sasabihin ko ba sa kanya na pinapauwi na ako ni Mom. Napabuntong hininga muna ako bago magsalita ulit, "I have to go home now, pinapauwi ako ni Mom. But don't worry, hindi matutuloy ang punta nila tita Trisha sa bahay. Kailangan lang talaga ako ni Mom sa bahay."
"It's okay, hindi naman kita pipigilan. Go na, kailangan ka ng Mom mo." Kalmado ang kanyang boses.
"You sure? Pwede naman akong umuwi mamayang tanghali kung gusto mo," umalis siya sa pagkakayakap sa akin at hinaplos ang mukha ko.
"Wag na, go na. Hindi naman ako galit or what. Babalik ka rin naman dito eh..." Puno ng pag asang sambit niya.
"Yeah, of course. I'll be back for you.."
Hinintay ko siyang ayusin ang sarili niya bago kami sabay lumabas ng kwarto niya. Hawak-hawak ko na rin ang susi ng kotse ko. Saktong pag baba namin ay nandoon na sa hapag si tita at kuya nito.
"Oh gising na pala kayong dalawa, halina't mag breakfast na kayo." ani tita.
Ang bastardo naman ay sinulyapan lang kami at itinuloy ang paghigop ng kanyang kape habang nagbabasa ng librong hawak hawak niya. Dumiretso si reyn sa kanyang upuan at nag umpisang kumuha ng pagkain niya.
"Hindi na po ako mag b-breakfast dito tita, sa bahay nalang. Tumawag po kasi si Mom, pinapauwi na ako may importante raw siyang pupuntahan at nagpapasama sa'kin." Paliwanag ko.
"Ganon ba? Sige mag ingat ka sa pag uwi,"
"Opo tita, salamat," Napatingin ako kay Reyn, ngumiti siya sa'kin at kinawayan. "Una na ako."
Pagkarating ko sa bahay ay agad inaya akong mag breakfast ni Nanang. Pero hindi na muna ako dumiretso sa hapag instead umakyat instead umakyat ako ng room ko para makapagligo na muna. Maya maya ay tapos na rin ako maligo at bumaba na para mag breakfast. Saktong kumakain ako ay bumaba si Mom, may dala dalang isang malaking bag na sa tingin ko ay mga damit ang laman.
"Keiron ready ka na ba?"
"What's with that bag of yours? Where are we going?" Pagkatapos kong uminom ng tubig ay tumayo na ako.
"Pupunta tayong bahay ng Dad mo..."
"What? No, pinauwi niyo lang ba ako para dito?" Inis kong tanong.
"Hanggang ngayon ba hindi ka parin okay sa usapan na 'to? Akala ko sa mga nagdaang araw ay naging okay ka na, na nakapagpasya ka na." Napapabuntong hininga niyang saad.
Tamad akong makipag away sa kanya ngayon, mas pinili kong manahimik at daanan na lamang siya sa hagdan para umakyat ng kwarto ko. Nasa kalagitnaan na ako ng pag akyat nang bigla niya ulit akong kausapin.
"Keiron.. I swear to God, this is the last time na pipilitin kitang sundin ang gusto ko and after that hindi ko na papakelaman ang mga magiging desisyon mo sa buhay," hinarap ko siya dahil sa mga narinig ko. Hindi makapaniwala.
"You're lying, aren't you?" Umaasang tanong ko.
"No, I'm not." Seryosong nskipsgtitigan siya sa akin.
"Kahit sa relasyon namin ni reyn?" Nag iba ang tingin niya sa akin. Napataas ang isang kilay ko, naghihintay sa mga isasagot niya.
"Ibang usapan na 'yan..."
"Then I won't go with you, madali rin naman akong kausap." Saka na ulit tumalikod para ipagpatuloy ang pag akyat.
"Okay fine! Kahit sa relasyon niyong dalawa hindi na ako makikialam... just go with me to settle something with your Dad." Sumuskuko niyang sagot.
Nakangising hinarap ko ulit siya, "Okay, that's a condition.. I'll go with you to settle something with that jerk but you're not allowed anymore to meddle in my every decision in life... as well as with Reyn."
Napa rolled eyes siya at umaktong sumusuko sa mga pinagsasabi ko. Napangiti ako at bumaba na ulit ng hagdanan para maunang maglakad sa kanya.
"Manang ikaw na muna ang bahala rito sa bahay." Bilin nito Kay nanang.
Ako ang nag decide na mag drive since this is a favor with her. Siya ang taga turo ng direction na dadaanan namin. Tahimik ang buong byahe, saka lang kami mag uusap kapag daanan na tatahakin ang pag uusapan. Isa't kalahating oras rin ang naging byahe namin para makarating sa tapat ng isang malaking bahay, let's say a mansion. Walang kabahay bahayan sa paligid. This is a private property indeed.
Naunang bumaba si Mom at sumunod ako. There's a big fountain in front of the garage. Every corner ay may CCTV. Kaagaw agaw pansin rin ang mga luxurious car collection niya dito; Koenigsegg CCXR Trevita, Rolls-Royce Sweptail, Forza Horizon Bugatti Divo, black Tesla, Mercedes-Benz AMG G 63 and others. I can't believe this, does he own these everything? Well hindi naman niya ito mababaon sa pagkamatay niya.
I'm curious though, sa yaman niyang 'to hindi manlang ba niya naisip na may anak siya? Wala manlang siyang balak hanapin kami? May iba pa kaya siyang anak except sa'kin?
Nabalik ako sa sarili nang may dalawang maid na lumapit sa amin at magalang na iginiya kami para pumasok sa loob. Kung gaano kaganda sa labas ay doble ang ganda sa loob nito. Napatingin ako sa kabila nang may magsalita rito.
"Welcome home, Keiron." Isang lalaking mid fifty ang bumati sa akin.
Walang emosyong tinitigan ko siya. He's wearing a light blue long sleeve polo partnered with black slacks. Nakangiti itong lumapit sa akin, hindi makapaniwala ang mga matang nakatitig sa akin.
"Meet your Dad Keiron... Fredderick Cortazzo."
Hearing those words is kind of weird for me. I meeting my Dad at this age. I was stunned at the moment. He then suddenly grabbed me for a hug.
Is he really my Dad?
"Hello son, I've been waiting for this moment to happen..." Naluluha ang mga mata niya nang matapos akong yakapin.
Deep inside of me were crying, crying for this foreign feeling. Ganto ba 'yung feeling na makita at makayakap mo ang taong never nag exist sa buhay mo, 'yung taong kinamumuhian mo but at the same time gusto mo ring makita, makilala at makasama, 'yung taong ipinagkait sa akin ni Mom, 'yung taong pinagmukha niyang masama sa paningin ko. Hindi ko alam kung dapat ba talaga akong magalit sa kanya.
'Yung lahat ng galit at sama ng loob ko sa kanya ay parang biglang naglaho sa isang yakap niya lang sa akin. Gusto ko siyang yakapin pabalik pero hindi ko alam kung tama bang gawin ko ito.
I don't know. I don't know how to act in front of him.
"Well, have a seat first. Gusto niyo ba ng meryenda? Magpapagawa ako sa katulong," bumaling siya sa akin, "ikaw Keiron? Anong gusto mong kainin?" Naghihintay siya sa sagot ko.
Nagkibit balikat ako, "kahit ano... pwede na." tipid kong sagot.
Pagkatapos non ay may pinatawag siyang isa sa mga maid galing sa kusina at saka inutusan. Umupo ako sa isa sa mga couch doon at kinuha ang phone ko para tingnan kung may message si Reyn. Wala siya ni isang message kaya ako na ang nagtext sa kanya, sinabing nakarating na kami."
'I wish you were here'
'I miss you:<'
Naghintay ako ng ilang minuo sa reply niya pero wala akong natanggap ni isa. I wonder, ano kayang ginagawa niya ngayon at di siya nakapagreply. Nakuha lang ulit ang atensyon ko nang kausapin ulit ako-ang weird pakinggan kung sasabihin kong Dad. Di ako sanay.
"So Keiron, may girlfriend a na ba?" Nakangiting tanong niya. I know he's trying to break the ice. Naghihintay siya sa isasagot ko habang si mom naman ay binigyan ako ng ngiting hindi abot sa mata, ngiting plastik. Smpleng ipinakita ko sa kanila ang wallpaper ng phone ko to answer his question. "Ang ganda rin ng taste mo, by the way what's her name?"
Hindi ko nagustuhan ang huling sinabi niya, hindi mapigilang iparamdam sa kanya ang pagka disgusto ko.
"Oh sorry, na offend ata kita sa way ng pagkakasabi ko. I was just trying to have a father and son conversation with you..." Napapayukong saad niya.
I felt sorry for a while. Nagsusuplado ako sa kanya although he only wants to have that father and son's conversation. Am I too much? Am I being selfish? He also deserves my attention, he's my father at all.
I sighed with those lingering thoughts of mine. I was not like this before when I hadn't met Reyn yet. But when she came into my life, she altered everything about me. She made me realize in the end that in every action I made there's someone's feelings that were hurt. She made me empathetic that was not in my vocabulary before.
"Excuse me, kailangan ko munang tawagan si Reyn," saka na tumayo para makaalis doon.
It was really an excuse, bukod sa hindi ko alam ang gagawin o iaakto sa harapan nila, gusto kong tawagan si Reyn. Nakakapagtakang hindi niya ako nirereplyan, delivered naman. This is the first time na hindi agad ako nakatanggap ng reply o ni isang text galing sa kanya.
Tinungo ko ang isang corridor papunta sa likod, dinala ako nito sa isang wide pool area, it is surrounded by palm trees and other kind of plants na nagsisilbing bakod dito. I must say na this is one of the places na pwede kang magrelax, it brings this peaceful atmosphere. Lumapit ako doon sa isang sunlounger para maupo at tumingin tingin sa paligid. Maya maya ay nakarinig ako ng yapak papalapit sa akin, pero hindi ko na iyon pinansin at nagkunwaring busy.
Tumikhim siya bago magsalita, "Keiron, son... can we talk?" Hindi ako nagbigay ng niisang salita sa kanya, mas pinili kong mahimik na lang at makinig sa sasabihin niya. "I'm sorry... I know nahihirapan kang magpatawad but I am still hoping na mapatawad mo. Hindi ko alam kung naiintindihan mo ako, hindi ko rin kasi alam na may anak pala ako. If only I know na nabuntis ko ang Mom mo after that night hindi ako magdadalawang isip na panindigan siya. Kung hindi niya sakin tinago ang katotohanan hindi sana ito mangyayari, matagal ko siyang hinanap pero hindi manlang ako hinayaang makita siya ulit. Pinadala ako ng parents ko sa US para doon i-continue ang pag aaral ko. That time wala na akong magawa, kahit gustuhin ko man hanapin ang Mom mo, my parents won't let me."
Napatigil siya sa pagkukwento nang may dumating na isang maid dala dala ang isang tray na may lamang mga meryenda. Inilagay niya ito doon sa table doon sa likod malapit sa pwesto namin at walang sinabi ay umalis na. Saka ko lang itinuon ang pansin ko sa kanya, nakasunod ang mga mata ko sa bawat galaw niya. Kumuha siya ng dalawang baso ng juice doon sa table at muli akong hinarap, ibinigay siya sa akin ang isang baso na hawak hawak niya. Nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ba ito o hindi pero sa huli ay tinanggap ko na rin. Diretso ang mga tingin niya doon sa tubig sa may pool, malalim ang iniisip. Isa isang inaalala ang mga nakaraan.
"When your grandma passed away umuwi ako dito sa Pilipinas para dito na tumira for good. Isang taon lang rin ang lumipas at sumunod na rin si Dad sa kanya. Itinutok ko ang buong atensyon ko sa business na ipinamana nila sa akin. Hindi ako nagbalak na magkaroon ng sariling pamilya, I was just living my life to the fullest until one day your mom showed up telling me everything na may anak kami. At first I didn't believe her pero nang ipakita niya sa akin ang picture mo doon na ako naniwala. Half of my features ay nasayo, so I believed her. Pero we kept that as a secret since bigla biglaan ang lahat until one day naospital ako dahil sa isang car accident, I was in comma for a days hindi rin naman kasi ganoon kalala ang natamo kong injury. Binisita ako ng Mom mo sa hospital nang malaman ang nangyari sa akin at doon napag usapan namin ang mga dapat gawin. Sa'yo ko balak ibigay ang company na ipinamana pa sa akin ng mga lolo at lola mo, but before that kailangan mo munang pag aralan ang mga bagay na 'yun."
I am speechless, ngayong alam ko na ang lahat. A kind of relief sa lahat ng sama ng loob ko. Heto 'yung feeling na na satisfied ka, na satisfied yung batang ako sa mga katanungang matagal na ikinubli at pinagkait sa kanya, sa mga katanungang hindi masagot sagot noon. Hindi ko alam kung anong dapat sabihin sa kanya. Should I be thankful? Do I have to say sorry too? But why would I?
Panandaliang tuwa lang pala ang lahat ng naramdaman ko dahil sa mga sunod niyang sinabi ay biglang nagulo ang mga desisyon ko sa buhay.
"I know napaka sudden ng decision namin ng mom mo para sa'yo, but this is for your own good. We're planning na after you graduate doon ka mag aaral sa US ng college..."
"What?! No!" Sa wakas ay nakapagsalita na rin ako sabay tayo.
"Aware kaming heto ang magiging reaksyon mo. Matagal pa naman iyon Keiron, magbabago rin ang desisyon mo sa paglipas ng panahon. Sinabi ko lang agad para makapag isip isip ka." Mahinahon niyang sagot.
"Kahit na, ayaw ko parin. Hindi niyo mababago ang decision ko." Tumayo na ako at umalis para bumalik sa loob ng bahay niya.
She lied to me. Ang sabi niya sa akin ay hindi na niya papakealaman ang decision ko sa buhay after this, pero heto at nakaplano na pala ang lahat. Hindi ako sang ayon sa decision nila, my life is here. She's here, ayaw kong iwan siya.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (228)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
good
9d
0very good
03/05
0best
11/04
0View All